Tuesday, September 30, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Papel at Letra

Inihahandog para kay Windelou Realuyo

"Naglalagablab at sumasabog ang bawat tinig na maririnig"

"Dumadagungdong na animo'y tunog ng kanyon sa parang"

"Na Nagsasabugan sa giyerang walang humpay"

"Sinulat ko lang pero nakakamatay"

Sino ba ang mag aakala na maisusulat ko ulit sa ikalawang pagkakataon ang dapat na hindi ko maisulat... Papel at letra... dugo at tinta... ayan lamang ang aking puhunan na dapat ko na lamang itapon sa basura. Masyado akong nahirapan na alalahanin ang nakaraan namin ni 3rd gf. Bukod sa kailangan kong humiram ng time machine kay Doraemon, puhanan ko rin ang takot na maalala ang dati. Mahirap ito dahil ito ang nakaraan na sana'y kakalimutan ko nalang. Ibabaon sa ilalim ng lupa, ililigaw sa kalawakan.

Masaya ang una, ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima, ikaanim na buwan namin. Masasabi kong pinuno niya ang buhay ko. Naging masaya, bagamat may mga panahong kailangan kong malungkot, magalit... ayan ang maganda sa relasyon... punong puno ng ibat ibang damdamin... parang halo halo.. may ube, gatas, sago, saging, letche plan... at mawawala ba ang yelo... oo ang yelo... yung malamig... yung sobrang lamig...


Teka parang giniginaw yata ako ngayon...


Oo nilalamig ako...


July 15, 2005 - Ang saya ko kinabukasan ng sinagot niya ako. Walang halong biro, parang may mga diwata at anghel ang nasa utak ko nun. Ika-15 ng Hulyo 2005, alam kong bagong yugto ng aking buhay ang tatahakin ko. Pagpasok ko sa eskwela, siya agad ang bumungad sakin. Wala ni isang nilalang sa kwartong iyon ang nakakaalam na kame na ni 3rd gf. Sabi niya kasi sakin na isikreto namin muna sa mga kaklase ko. Ayaw yata ni 3rd gf ng showbiz lalo na't marami sa mga kaklase ko na mga bading na tsismosa. Sinikreto muna namin ito, maging sa Bestfriend niya.

Aral aral aral... walong oras na puro guro ang kaharap... aral aral.. zzzz!!

Natapos ang klase at parang nakahalata ang mga mokong kong kaklase. Tinanong nila kame kung may relasyon kami sa isa't isa. Nagtinginan muna kami ni 3rd gf sabay ngiti na nakakaloko. "Oo kame na" sabay yakap sakin ni 3rd gf" (Windelou)

Ang sarap ng feeling... ang sarap ng feeling... parang high lang...

Mabilis na tumakbo ang mga araw at 1st monthsary na namin. Dahil sa unang buwan lang naman ito... di na namin ito masyadong pinagdiwang. Marami kasi kaming ginagawa nun, inaasikaso pa namin yung nakakabwisit na investigatory project. Alas!!! Teka parang may naalala ako. Nag celebrate pala kami kasama ang isa kong ka miyembro sa Science project namin. Nag inuman kami nun sa bahay ni klasmyt... oo!! tama buti naalala ko... Yung ginamit pa nga naming panggastos ay pondo ng grupo namin... hahaha!! Ang saya talaga...

Ikalawang buwan na at para paring walang nabago sa pagsasamahan namin. Mas lalo ko pa siya nakilala ng lubusan. Mas lalo pa akong nabihag sa nakakamandag niyang lason. For the 1st time, nagmonito monita kami... Niregaluhan ko siya ng necklace na ewan ko kung sinuot niya at gel naman sakin... Binigyan ko din siya ng sulat at take note... pinirint ko yun. Sosyal na naman si Loglog... Sa totoo lang nasa akin pa yung soft copy ng sulat kong iyon. Nang mabasa ko ulit yung 1st love letter ko, parang nilagnat ako dahil sa kajologsan ng nilalaman nito...

Ganun ba talaga ako dati... ganun ko ba isinulat sa papel ang mga letrang puno ng kakornihan ko... ganun ka ba talaga loglog!!!

To be continued...

Ikatlong yugto: Kasaysayan: Climax

Sunday, September 28, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Kame na yAhOO!!!

"Some call it crazy, some call it love, others call it obsession, well I call it a crazy love obsession"


- Anonymous





"Sa simula'y may tamis at lagkit ang pagtitinginan,

Sa huli'y magiging pait ng nakaraan...."

Ang salitang "I love you" ang isa sa mga mabentang wikain sa mga nagmamahalan. Kung may bayad ito, siguradong ito ang ibebenta ko. Kahit ibenta ko ng mahal ay mabibili agad. Indemand kahit anong panahon... Taglamig man o taglagas... Panahon man ng kapayapaan o giyera... mabentang mabenta parin ang salitang "mahal kita"

(250 dollars lang deal)

Mahirap ibigkas ang salitang mahal kita. Para sinasabi mo narin na handa mong gawin ang lahat sa taong iyon... Swerte nga ang masabihan nun, dahil minsan lang ito masasabi ng kung sino man. Pare I love you!!!

1st time kong masabi sa isang tao na mahal ko siya. Hindi ako ganun ka lambing sa magulang ko kaya ni isang beses ay di ko sila nasabihan. Inaamin ko na marami akong nasabihan nun pero ni isang beses ay walang harapan. Through text lang ata o sa chat noong baliw na baliw pa akong makipag gaguhan sa di ko kilala. Kapag ibubuka mo palang ang bibig mo ay manlalambot ka na. Parang habang nilalabas mo ang tinig at hangin sa bibig mo ay tila baga'y unti unti kang humihina. Nangyari na sakin toh promise, at alam kong nangyari narin sayo. Kaya simulan ko na ang pagkukuwento baka mabagot ka na dyan sa kinauupuan mo.

Sa totoo lang hindi ako marunong manligaw. Torpe ako... ahem... Mahiyain pala. Kapag lalapit na ako sa babae ay parang nawawalan ako ng sasabihin at maraming pumapasok na bacteria sa isip ko. Maraming tanong ang bumabagabag sakin kaya siguro natatakot akong maghayag ng aking nararamdaman. Pero di ko talaga alam o maalala kung niligawan ko ba o hindi si 3rd gf... ang natatandaan ko kasi... nagkakapalagayan na kami ng loob.

Nagsimula ang lahat sa isang proyekto sa Science na kung tawagin ay nakakabwisit na investigatory project. Kung bakit nakakabwisit, ibang istorya na yan. Dahil dun sa "nakakabwisit" na iyon mas lalo pang naglapit ang loob namin. Putcha!! isipin mo ba namang halos kayo lang dalawa ang gumawa ng project na yun. Pero sulit din naman kasi mas lalo ko siyang nakilala. Sabay kaming pumunta sa library na pugad ng nakakairitang librarian. (at uulitin ko uli na ibang istorya na iyan)

Pagkapasok namin sa silid aklatan halos di kami mapakali kung nasan ba yung hinahanap namin. Ang masama hindi naman talaga namin alam ang librong hinahanap namin. Buti nalang ay may mabait na estudyante ang nagsabi sa kanya na ang librong kailangan namin ay "Bato Balani". Sa wakas magbabasa nalang kami at ilang sandali ay makakauwi na. Medyo natagalan kami sa loob ng Library na sobrang lamig. Kahit na 9 lang ata ang tao sa loob nito. Super ginaw to the max!!! Parang walang energy crisis noon. Nakita ko si 3rd gf na giniginaw at tinanong kung ipa xerox na natin para makauwi kami. (*** hindi ko na alam ang susunod na nangyari)

Basta ilang sandali lang magkahawak na kami ng kamay. Pero hindi kami... Hindi ko siya Gf at di niya ako Bf. Parang MU ba iyon... tama ba.. mutual understanding...

Kinabukasan ay mas malakas na ang loob ko dahil parang nararamdaman ko na may pag asa ako sa kanya. Holding hands na nga kami, proof na gusto niya ako. Tinabihan ko siya habang wala ang teacher naming bisyong ma late. Pinaliguyliguy ko muna ang usapan, nagtanong kung ano na ang susunod na hakbang para sa bwisit na investigatory project na iyon. Medyo mahaba haba din ang paliguy liguy na usapan. Sa loob ng 1 minuto at 4 na segundo nagpropose na ako. Gusto ko siyang ligawan!! Sinabi ko ng buong tatag at pagkalalake kong binulalas sa kanyang tenga. Pero palpak lang talaga ako nun. Aba nama'y sinabi ko sa kanya pagkatapos ng proposal kong manliligaw ako, na bakit ba kailangan pang manligaw. Nagtanong ba sa liligawan. THough di ko intensyon na maging presko, gusto ko lang talaga malaman kung bakit kailangan niya ng ligawan. Ngunit imbes na sagutin ang kabobohang tanong ko. Ang tangi niyang naibulalas sa bobong si Loglog ay; "Pagkatapos nito ano na ang mangyayari?"

Hindi ko nagets yun dahil sa natural akong tanga kapag kaharap ko ang nililigawan ko. Ang tangi ko nalang nasabi aayy ano? Di ko gets? Pinaliwanag niya ito ng paulit ulit at sa wakas ay naintindihan ko din. Ang gusto niya palang palabasin ay baka magkasakitan lang kame. Halos manghina ako ng marinig ko sa kanya yun.

... Pero kahit na pursigido parin ako sa kanya...

July 14 - Pagkatapos ng klase namin, inasikaso na naming dalawa ang nakabubwisit na proyekto sa physics. Buti nga ay may nahabag saming babaeng kagrupo at ginawa ang kanilang bahay na laboratory para sa gagawin naming experimento. Pagkadating namin sa bahay ni mahabaging kaklase, pinag aralan namin ang nasabing experimento. Nagkasawaan kami sa kakabasa dahil nalaman namin na wala namang patutunguan ang aming pananaliksik kung wala namang ang isang kagamitan para sa aming experimento. Kaya naisipan naming magkwentuhan nalang sa taas. Si mahabaging klasmyt ay saglit bumaba para kumuha ng makakain. Solo kaming dalawa, kinakabahan ako dahil kami lang ang nasa taas. Naiilang ako at parang natutuyo ang mga labi ko. Gustong may sabihin sa kanya pero kabado at wala pang lakas ng loob. Pagkatapos ng ilang saglit naipon na ang lakas ng loob. Nilapitan ko siya para sabihin na ang nasabi na dati. Inamin ko na mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal na mahal ko siya. Agad siyang tumayo sa pagkakahiga at sinabing, "Alam mo bang nakikipagbalikan ang ex ko sakin..." Nawindang ako ng marinig ko yun at sinabi sa sarili ko na here it goes again!!! Tinuloy ni 3rd gf ang pagsasalita at sinabi sakin na hindi niya binalikan ang kanyang ex dahil sa kin. Dahil gusto niya ako na maging Bf... Nang matapos ang kanyang pagsasalita hinawakan ko ang kamay niya at nagbikas ng mahal na mahal kita windelou

Wednesday, September 24, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Walong Buwan

"If there ever comes a day, when we can't be together keep me in your heart, i'll stay there forever" - Winnie the pooh
Tatlong taon na ang nakakaraan ng huli ko siyang masilayan...
Tatlong taong pagkukubli sa madilim at malungkot na nakaraan...
...Kasaysayang ayaw ko na sanang balikan...
Pagkatapos ng hindi kagandahang lovestory namin ni 1st gf at ni Reabelle, na nauwi lang sa misteryosong trahedya. Hinahandog ng "Loglog Production" ang mas wala pang kakwenta kwentang buhay pag-ibig ng ating walang kakwenta kwenta leading actor na si Loglog...
LogLog Production
Presents
IKATLONG YUGTO:WALONG BUWAN
Sa bawat pagtitipa ng letra'y nagsisilbing dugo ang tinta...
Sa bawat wikang tinatapon... alaala niya ay naninigaw sa tenga...
Sa bawat tenga't matang makakasaksi... wag na sanang mabitin.. twitwina.. hahahah!!!
Unang pagkikita palang alam ko na gusto ko siya. Love at 1st sight... NaaaHH!! Binawi ko ang paniniwala kong kagaguhan lang ito. Akala ko kasi isang malaking kalokohan lang ang kantang may liriko na ganun. Hindi pala, biktima niya ako at hopefully nabiktima ko siya. Sa loob ng walong buwan naming pinagsamahan, napakarami kong natutunan. Bukod sa paglabas ng tubig sa mata at pagsinghot ng malabnaw na likido... natutunan kong maging sweet, maalaga, magmahal (*ng totoo)... First time ko ring naramdaman ang halik na puro na pagmamahal... walang halong biro... sa kanya ko lang hinalik ang may feelings. Bata pa ako nun pero alam kong pagmamahal yung nararamdaman ko... Kahit na maraming nilalang ang nagsabing hindi love yun, pilit ko silang pinaniniwalaan ngunit bigo parin ako dahil ayun ang aking naramdaman.
Para mas lalong clear at detalyado ang pagkukwento ko ng talambuhay namin. Hinati ko sa maraming parte ang "Kasaysayan: Ikatlong post. Ang unang parte ay nakatutok sa kung paano ko siya nakilala patungo sa magkahawak na kami ng kamay... EhEm.. Heto na!!!
Morena, makulit, astig (di ko alam ang meaning nun basta ginawad ko lang na ganun siya)... Ayan ang ilan sa mga katangiang nakita ko sa kanya. Sa unang beses naming nagkakilala, tinanong niya ako kung klasmyt ko siya noong enrollment para sa 4th year. Agad akong sumagot na oo, tumalikod na animo'y supladong kagwapuhan. Naturalesa ko kasi ang pagiging suplado, pagbigyan niyo na ako ha...
Matagal tagal din bago nag umpisa ang tunay na klase... 1st day ng class... suplado image na naman si Loglog. Must resist papansin mode... ayan ang mga boses na pumasok sa utak ko. Pero wa epek, nakita ko nalang ang sarili kong 40 inches ang lapit sa kanya at ang masama pa'y parang wala siyang nakikita. Dahil sa bigo ako sa pagtatangka kong magpacute, bumalik nalang ako sa kinauupuan ko at naglagay ng plakard sa likod na nakasulat na anti social.
Hindi ako naniniwala sa tadhana pero kung totoo man siya ewan ko sa kanya... nakakaloko nga dahil ng nag sitting arrangement. Magkatabi kami.. Tadhana ba iyan iho... Hindi...
Hindi ito tadhana... Coincidence lang ang lahat ng ito...
(SIMULA NA NG KLaSE... SIR ANG DALDAL KO)
Dahil sa nature ko ang pagiging madaldal at makwento kaya di ko rin napigilang kausapin siya. Partida may teacher pang nagtuturo nun. Isa pang partida pangalawa ang upuan namin sa harap at 65 inches lang ang layo ng guro ko. Ang tatag ko nga dahil nakuha ko pang dumaldal sa kanya. Nag usap kami ng patagilid para hindi halatang nag uusap. Makulet nga ang pinag usapan namin, tungkol sa ex niya na kapangalan ko pa.
Loglog: ui!! tiba ex mo si Luigi??
3rd Gf: Oo pano mo nalaman...
Loglog: Eh kaklase ko yun nung 3rd year eh. Lagi ko kayang kasama yun.
3rd Gf: aahh...
Loglog: ...
(Biglang singit ni teacher sa tanong na...)
Teacher: Class anong revolution ang nangyari noong 20th century.
(Nakahanap ng paraan kung paano magpapacute ulit... Nerd style)
Loglog: (*taas ng kamay)
Teacher: Mr?
Loglog: Luigi po... noong 20th century ang makasaysayang industrial revolution ay nagsimula at nagbunga ng blah!! blah!! (kunyari may naririnig kayo sa pinagsasabi ko)
Nakanaks!!! Effective yata ang estilo ko... Ngumiti siya at pinuri niya ako. Ang galing ko daw dahil alam ko yun, ang tingin ko sa sarili ko ang talino ko. Tatlong araw na paulit ulit na usap pacute style ang ginawa ko sa kanya. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa pagpapansin sa kanya dahil katabi ko naman siya. Sa unti unting paglapit ng loob namin, ramdam ko nagugustuhan niya narin ako. Wish ko lang totoo...
June 16 nun napagtripan kong mag internet dahil sa tamad na tamad ako. Linggo at responsibilidad ko ng tumambay sa internet shop. Nakachat ko si Reabelle, sinagot niya ako... naputol ng pansamantala ang istorya namin ni 3rd Gf... (for more info read "Lovestory ni LogLog)
Ang aking lubos na paghanga sa kanya ang nagdala sakin para hiwalayan si Reabelle. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko dahil ginusto ko naman ito. Pagkatapos din ng 2 araw ay wala na ang kontratang relasyon... Umaasa kung mahuhulog sa malalim na bangin... si 3rd gf...
Balik ulit sa dating routine bagamat nahirapan ng kaunti dahil nagpalit na naman ng sitting arrangement, tsinaga ko parin para kung sakasakali lang. Pampam mode...
COntinuation ---- Post: Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Kami na Yahoo!!

Thursday, September 4, 2008

Kasaysayan: Lovestory ni LogLog

"Your smell serves as a fume of death,your melancholic voice drives me insane. You're a Goddamn Angel on my nightmare. And when awake, an angelic face of nonsense" - Luigi A. Martinez


Hindi ko sinasadyang lokohin sila... di ko lang talaga alam na nakasakit ako...

Ako ang tao na madaling mahulog sa patibong ng pag ibig...

...

Kung nasa pyramid ako ng mga pharaoh, na sangkaterbang patibong at maze siguradong patay na ako...

...

April 29, 2005 una kong sinubukan ang pagpasok sa relasyon. Walang alam at baguhan, totoy pa nga eh...
si 1st gf ay si jane tolentino... nakilala ko noong nag cutting aq kasama ng mga mokong kong kaklase
...

Unang pakikipagrelasyon, ayan ang pinakamaganda sa lahat. Heto yung panahon na kung saan di mo alam ang pasikotsikot ng pakikipag commit sa opposite sex. Daig pa nga ako ng partner ko dahil pang 3 na nya ako samantalang bagito lang ako sa aktibidad na ito.

...
Nagsimula ang aming "LoveStorY" ng sumama ako sa tropapips kong ubod ng mga babaero... Hindi ako karelasyon ni number one (ipapangalan natin sa kawawang biktima ng expose na ito) noon. Klasmeyt kong abnormal (na akala mo gwapings at artistahin kung umasta) ang kanyang bf. Nasa bilyaran kami, siguro mga pito o walo kami... siya lang ang nag iisang babae. Mabait naman siya at friendly. Makwento at kahit papaano ay may sense kausap. Napasarap ang kwentuhan namin hanggang sa parang nakakakonekta kami sa mga kwentong realidad at kwentong yabang ko noon... Natuwa siya sa kabarberuhan ko... at nasayahan naman ako sa pagkukuwento ko... kaya naka second round kami ng kwentuhan... dun din sa bilyaran...
(paano ba iyan ako na ang titira... putcha akin na ang tisa!!!)
***
Ang ikalawa naming paghaharap ay nagsilbi narin papunta sa bawal na relasyon. Inamin niya sakin na namomobrolema siya sa ex niya (na ex friend ko) Mabait siya at naawa ako sa kanya kaya binuksan ko ang tenga ko para pakinggan ang kanyang mga problema. Kulang sa atensyon ang puno't dulo ng lahat. Naisip kong bakit kailangan nung loko niyang bf na gawin sa kanya iyon ganung napakaswerte na niya sa gf niya... Mapagmahal kasi si number one at maasikaso. Why waste her love to that guy...
*** (spot mo na!!)
Ikatlong araw at nahuhulog na... parang bulalakaw na papabagsak.... sa lupaing nagbabalat kayong mayaman at malusog....

***
Hindi ko man lang napansin na nahulog na ako sa kanya... sila parin ng bf niya... pero kahit na...
Hawak ko na ang kamay niya... sana pati ang puso ay kasama...
Sabi niya hihiwalayan niya na ang iresponsableng lalake... akin ka na...

*** (Hoy scratch ka!!! Spot ko na!!!)

Dumating na ang bakasyon at kasabay nun, ang aking misyong makuha siya ay naganap na. Naging kame pero imbes na magkita, ni isang beses ay di ko sinulpot para makameet.

Baket? Anong problema ko?

May 26, 2005... nakipaghiwalay ako sa kanya... nasaktan siya...

...

wala na akong magagawa...

sorry nalang...

..........................................0000000000000.............................................---------------------------
2nd part...

Wala na si first gf... wala na ang dating samahan... iniwan ko ng lubusan at nalimbag sa libro ng kasaysayan...

Sino ang ikalawa...

Sino ang pangalawa...

Hindi ko na papaliguyin pa...

Siya si Reabelle... mabait (kapag walang sumpong) maapeal (Amf... sexy niya)... sweet (napaka sweet) Nagkakilala kame nung 3rd year hs ako, nasa likod lang siya ng kinauupuan ko noon kaya madaling sumilay sa kanya. Nahirapan nga lang ako ng konti dahil sa kailangan ko pang iliko ang ulo ko. Maganda ang kanyang buhok... masarap kausap... Wala na naman talaga akong masasabi sa kanya dahil di naman kami ganun katagal. Ang natatandaan ko lang ay limang beses akong nagparamdam sa kanya na liligawan ko siya. Pero parang multo lang ako nun, puro paramdam. Napakatorpe ko kasi at pakiramdam ko ay allergic ako sa babae. Nagkalakas lang ako ng loob nun noong nag online siya. Nagchat kami kahit 11 na ng gabi. Hindi kasi ako makatulog nun, medyo bangag sa softdrinks at kelangan munang may pindutin. Responsibilidad ko kasing mag friendster kaya napa online narin ako...

Tulad ng pangkaraniwang usapan sa YM... Ang classical na pambating "Hi!!! Muzta na"
At natapos sa "Bye Luv you po"
Gusto ko siya at alam kong gusto niya rin ako.

BUZZ!!

Natapos ang usapan namin sa isang kontrata na di ko makakalimutan. 1st time kong pumasok sa isang kontratang relasyon. Ayun sa nasabing kontrata... magiging kami sa loob ng isang linggo at kapag hindi na develop ang relationship... break nalang ang katapat ng lahat...

(Hindi ko nga lang alam kung sino ba nagpasimuno nito... Ako ba o siya? Kain kasi ako ng kain ng beans eh...)

Kinabukasan, Lunes... Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ginugood time lang ako ni Reabelle. Pero sa di inaasahang pagkakataon, bumaba siya at hinanap ako... (Feeling ko gwapo ako nung binaba niya ako)

As usual marami ang nagulat, hindi nila kasi inaasahan na magiging kami ni Reabelle... Nagulat at napa "Amen" ang mga di makapaniwala...

Nag usap kami... at sa di inaasahang pagkakataon... blanko ang utak ko... walang mabigkas... nakuha nalang magtanong na kung may klase siya mamaya...
Kinabukasan... nagkasaltik na naman sa utak si Loglog...
Hiniwalayan ko siya pero ngayon may dahilan ako...

Di ko siya mahal...

Mahal ko yung kaklase ko....

--------------
Yoko ng ituloy ito...
Siya na kasi ang pag uusapan...

------------------------------------------
Continuation...

Post: Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Walong Buwan

Inflagrante de licto