"Corruption plus chaos multiply by arrogance equals total destruction minus hope divided by personal interest equals self-preservation"
- Loglog
----
----
Mayaman ang Pilipinas sa maraming aspeto. Sa 114,830 milya kwadrado nitong kalupaan ay angkop ng pagtaniman. Sama mo na ang magandang klima nito. Sagana sa mga yamang mineral tulad ng gold, nickel, copper, iron, zinc, silver at marami pang iba. Bukod dyan napapaligiran ang Pilipinas ng mayaman na karagatan at dagat. Ang Sulu Sea (na tawiran ng mga Pilipinong nag-aasabalutan papunta sa Sabah), ang karagatang Pasipiko (ang dadaanan ng eroplano ng mga mag aabroad papuntang Amerika), ang Timog Dagat Tsina (na kinahihimlayan ng Spratlys na malapit ng ipagbili ng gobyerno)
Binubuo ng mahigit pitong libong malalaki at maliliit na isla. Halos siyamnapung milyong naninirahan at ang halos kalahati ng populasyon ay nag-iimpake na sa bayang walang pakinabang at papalubog ayon sa kanila. Mga nakabibinging pagkalam ng sikmura, mga nakariwariw na "Bwahahaha!!!" ng mga demonyong naninilbihan kuno, mga nakapangyayamot na tinig galing sa mga mamamayan nito na "Bahala na!!!" ang laging bukangbibig... Maraming proyekto ang pamahalaan ngunit wala ni isa ang may pangmatagalang solusyon para sa nag aapoy nitong lagnat. More projects means more kickback nga naman Buhay parin ang rehiyonalismo!!! Ang mga Ilokano ay para sa mga Ilokano!!! Ang mga Bisaya ay sa mga Bisaya lang... at makikipagpatayan ang mga Muslim para sa mga kapwa nilang Muslim. Mahirap na raw maalis ang ganitong ugali ng mga Pilipino. Kutyaan, inggitan, palakasan na patuloy na dumadaloy sa lipunang unti unti ng nabubulok dahil sa mali nilang siste. Mas tama yata kung ang Pilipino ay para sa Pilipino. Isantabi ang lenggawahe at dialekto, ganung parepareho naman tayong bumoboto kada dalawang taon... Ni isang beses hindi pa nagkaisa ang mga Pilipino bilang isang solid na bansa laban sa mga mananakop o maging sa kapwa nilang tirano. Sa simula pa man na dumating ang mga Kastila, napansin na nila na may iba't ibang pinuno ang mga sinaunang Pilipino. Walang sentralisadong pamahalaan na namumuno sa Pilipinas, payapa nga ang pamumuhay ng mga ninuno natin noon, wala naman ni isa ang nagnais na pag isahin ang Pilipinas bilang isang matatag na bansa. Sa tulong lang ito ng mga mananakop kaya naging bansa na ang noo'y binubuo lamang ng kalatkalat na kaharian. Bakit kaya hindi naisip ng nakaraan henerasyon na pag isahin ang Pilipinas? Walang pinanganak na Alexander the great sa Pilipinas na nagnais na pagkaisahin ang populasyon nito laban sa Persia... o ni Shi Huang Ti ng Tsina na nagbuo ng unang imperyo sa bansa, ang dahilan kaya may Tsina ngayon, bagamat mabagsik na pinuno.. napanatili naman nila ang kulturang hanggang ngayo'y pinagmamalaki ng mga Tsino at maging tayo na kung minsan pinipilit na ipasok ang lahi natin sa kanila... Nanahimik nalang ang mga Pilipino, walang nangahas at nakuntento nalang sila. Kudos kana Lapu-Lapu, Lakandula, Soliman at ilang datu na lumaban para sa kalayaan. Pansariling motibo man ang kanilang ipinalaban, hanga parin ako sa kanilang pinamalas. Kung sinuportahan lang ng nakararami ang mga makasaysayang pangyayaring ito, siguradong malaki ang pagbabago ng takbo ng istorya ni Juan dela Cruz. Hindi man tayo katoliko ngayon, napanatili naman natin ang ating kulturang unti unting naglalaho sa kasalukuyan. Ayun ang pinakamahalaga, tsaka siguro maiintindihan naman ito ni Hesus diba? Kulang lang siguro tayo sa pagkakaisa. Nagtagumpay man si E. Aguinaldo noon na patumbahin ang mga Kastila (syempre sa tulong ni Uncle Sam), hindi nito napanatili ang katatagan ng pagkakaisa. Umiral sa kanya ang rehiyonalismo, nagsumiksik siya sa mga taga Cavite... kaya nauwi siya sa Palanan at pumirma ng pakikipag alyansa kay Uncle Sam noong April 1,1902... April Fool!!! Ang mga Pilipino ang unang nagtatag ng republika sa Pilipinas sa Asya. Ano pa ang sense nito kung sa bandang huli hindi nasagip ang pinagmamalaki natin sa mga Kano?Next Post: Digmaan ang Solusyon "Demos Kratos" (Posted January 15, 2009)