Wednesday, March 31, 2010

Ikaanim na Yugto - "Disturb" (Ikalimang Parte)

Bago pa man nakipagsapalaran... bago pa man nagbigkas ng mga kakornihan at kasinungalingan... naghagis muna si Loglog ng barya... heto ang ikaapat na parte... wala ang ikalima kung wala siya .. Heto siya oh... >>> Ikaapat na Parte



Bilang tugon sa tagubilin ng barya, buong tapang kong sinunod ang payo nito na piliin si Princess. Kaunaunahan kong beses na magtatapat kaya medyo bangag, kinakabahan... napapraning ako. Nagdagdag pa sa "Tense" ang katotohanang marami rami ding tsupul ang naghahangad na mapasagot siya. Ayaw ko namang mabigo sa unang babaeng pag-aaksayahan ng oras.
Kung tatanungin niyo ako kung artistahin ba ang mga mokong na pumoporma sa prinsesa, "no comment" ako sa isyung yan. Ito lang ang alam ko... Wala silang panama sa "appeal" ni Loglog. Nosi balasi!!! Crush niya ako! Dagdag puntos na yun.

Sa silid palang namin may tatlo na akong katunggali. Itatago nalang natin sila sa pangalang Juan, Pedro at Jose. Kung tutuusin may lamang din ang tatlong ito sa akin. Ang karanasang magkasyota. Pero di pa din ako nagpapatinag sa mga arungas na ito, may isang bagay na wala sila at ito ang mamula mulang pisngi, mapupulang labi at higit sa lahat mas matangkad ako sa kanila.
(Pagpasensyahan niyo na nagbubuhay lang ng sariling sofa)

Kumpiyansa ako na malaki ang pag-asa ko kaysa kanila. Kaya naglakas loob kong nilapitan ang prinsesa kahit na napapabalitaang binabantayan ito ng mabagsik at nagbubuga ng apoy na dragon.



Tense na tense akong tinahak ang makipot na daanang napapaligiran ng dosedosenang upuan. Kasabay pa nun ang maraming matang nanghuhusga at malilisyoso. Maliban sa mga mata ng karamihan, higit na ipinag aalala ko ay ang tingin ni Juan. Ang tindi niyang makatingin!!! Nakikinitaan kong tinutunaw niya ako. "Your going down Loglog!! Your going down!!," sabi ng mga mata nitong nanlilisik.


Wala ding nagawa ang mata ni Sauron (Lord of the rings) sa bidang si Shrek at narating niya ang tuktok ng toreng walang hagdan. Di na gumamit ng buhok ni Rapunzel ang bida dahil may dala naman itong "magic lubid."

Dalawang ruler nalang ang layo ko sa kinauupuan ni Princess nang may naalala ako. Agad na napalingon ako sa dating paboritong kausap. Wala si Rose Ann... Wala siya? Marahil nagsawa nasa skyflakes kaya sa labas nalang kumain.

Naging emo sandali ang paligid ko nang makitang wala siya sa upuan niya. Nakakalungkot na bakante ang upuan niya at inuupuan ko noon. Wala na ang dati... wala na... kasaysayan na ang lahat... Pero nakakamis din pala.

Sinampal ang sarili para makabalik sa mundo ng mga kaharian, mangkukulam na panget, reynang masama ang ugali at ang salitang "In far far way" at "Happily ever after"

Napalitan ng pagtataka ang mga matang malisyosong nakatingin sa akin. Sino ba namang nasa matinong pag iisip ang sasampal sa sarili sa harap ng madaming tao...?

Siguro wala lang ako sa sarili nung mga panahong iyon... Gulong gulo ang utak ko na tila may roller coaster sa loob nito. Malala na at sinasaktan ko na ang sarili ko...


Natunton ko na ang prinsesang nagkukubli sa mga malalapad at nagtatayugang tore. Pero gising na ang prinsesa... Ano pa ang silbi ng kabalyero?

Naupo na ako sa tabi niya... Kanina lang kaba ang laman laman ng dibdib ko ngayo'y pag aalangan na... Gusto ko siya totoo yun... Ako ang prince charming na magliligtas sa prinsesa pero bakit ganun parang may kulang. May isang bagay na wala sa kanya at alam kong di matatagpuan sa akin.

Wala siyang skyflakes...

To be continued...

Ikaanim na Yugto "Denial"

"Soon"

---------------------------------------




Sunday, March 14, 2010

Ikaanim na Yugto: "Arrogance" (Ikaapat na parte)




You don't love a woman because she is beautiful, but she is beautiful because you love her. -- Anonymous


Skyflakes o ang prinsesang bumihag ng matang uhaw sa kagandahan. Gulong gulo na ang isip ko. Simpleng problema na nga lang hirap ko pang ayusin. Ang solusyon na nga lang ay ang pagpili, ginagawa ko pang komplikado. Kung papahirapan ko pang ang sarili ko siguradong mauubos lang ang "worthless" kong "life" sa bagay na magtatadhana kung sino ang babaeng unang eentrada sa planeta ko. Kailangan ko nang mamili hanggat may oras pa. Malapit nang maubos ang oras. Ilang minuto nalang ang nalalabi. Nauubos na ang buhangin sa "Hourglass"... Unti unti nang lumalapit... Segundo nalang... Heto na!!

Lunchbreak na!!!

Ang paboritong pass time ng mga mahihilig kumain at mga ayaw kumain na pipiliin na lamang na magpakagutom para mangapit upuan. Time out muna sa pagpapatalas ng mga mapupurol na utak. Oras muna ng pagpapahinga... kainan na muna!!!

Sa mga oras na ito, wala pa ding nabubuong desisyon kung sino ba talaga ang bibigyan ko ng malilikhaing pangngusap na "Pwede bang manligaw?" Si Rose Ann ba na mabait na batang nakilala ko dahil sa kanyang tinapay o ang babaeng nagbigay sakin ng kaisipan sa salitang laplapan. Kung nauso lamang ng mas maaga ang "text voting" noon maaaring natulungan niyo pa ako. Pero hindi pa indemand ang cellphone noon... Wala pang mga kabataang naoospital dahil sa pamamaga ng hinlalaki o mga estudyanteng nagagahasa sa tuwing nakikipag "blind dating" sa text. Malas ang panahon namin sapagkat di pa uso ang super bilis na komunikasyon.

Bilang sagot sa problema, humugot nalang ako ng psio sa bulsa. Pagkapa ko sa malalim kong bulsa'y wala kong nakapang kahit isa man lang na barya. Akala ko magiging madali ang lahat. Naglakad nga lang pala ako kanina. "Shit!" Buo ang pera ko.

Dahil sa pagkataranta sumugod ako sa pinakamalapit na tindahan sa loob ng campus. (Theoretically 15 meters din ang kailangan kong takbuhin) Kumaripas na tulad ng "snatcher" sa Quiapo, narating ko ang tindahan ng wala pang isang minuto. Tinanong ko habang hingal na hingal si Manong tindero kung may papalit siya sa papel kong pera. Sa awa naman ng Diyos at pagkukusa ni Manong nabaryahan ang singkwenta pesos ko ng singkwentang pirasong piso. Medyo may kabigatan din ang limampung bilog na bakal kaya inabot pa ako ng higit sa limang minuto bago makaakyat ulit. Nang marating ang silid, nahimasmasan ako at biglang naisip na bakit pa ako nagpapalit. Pwede naman akong manghiram sa mga kaklase ko tiba ng barya. Kaya ayun... Napagtripan pa tuloy ako ni Manong...

Di ko na inisip masyado ang kabobohang pinaiiral ko. Sayang naman ang oras kung magmumukmok pa ako tungkol sa nabaryahang baon.

Kinuha ko na agad ang isa sa limampung barya sa bulsa ko at isinapalaran ang lahat sa ikot nito sa ere. Si Rose ang bahagi ng barya na may naka ukit na tao. Si Cess naman ang likod ng barya na may nakalagay na bandila. Pinitik ko papataas ang barya na magdedesisyon para sakin. Umikot ikot ito sa himpapawid ng mabilis... Nagpaikot ikot hanggang sa lumapat na ang kasagutan sa kamay ko...

...

Sagisag!!! Si Princess!!??

...

Tinitigang maige ang barya... Napaisip ng kaunti.. Pinitik ulit sa ikalawang pagkakataon... Lumipad at nagpa ikot ikot... hanggang sa nahilo ito... at muling lumapat sa kamay ko...

...

Sagisag!! Sagisag ulet!!!

Monday, March 1, 2010

Ikaanim na Yugto "Pre-Mature" (Ikatlong parte)

(Bago basahin, niyaya ko kayong simulan ang post na ito: heto ang ikalawang parte ng kwentong kutserong inimbento ni Loglog dahil sa bored na bored siya sa buhay niya... heto ang link:


Naranasan ko na din na may magkagusto sa akin. Di ko masabing unang beses dahil may ilang tanga na ang nabighani sa nerd na ito. Sa pagkakataong ito, napatunayan kong ang kagandahan ay nasa tumitingin. May tagahanga ulit ako.

....

Maganda siya. May dating!!! Pwedeng maging 1st gf. Ayos siyang ngumiti. May kilig factor sa tuwing ginagawa niya sakin. Di din nakakasawa ang mukha. Classic siya sa madaling salita. Kaya siguro Princess ang ngalan niya.

Mahirap aminin pero napansin ko lang yata siya nang umamin ito na may crush siya sa akin. O sa kuro kuro ko, bulag lang siguro ang mga mata ko dahil sa nakiilalang tinuring kong "special friend" ... Si Rose Ann..

....

Gusto ko siyang makilala tulad ng pagtatangka ko kay Rose. Pero di tulad ni Rose na skyflakes ang bitbit sa bulsa... si Princes ay walang hilig sa crackers. Nakasanayan ni Princess na bumaba kasama ang mga buddies niya. Para silang powerpuff girls, pwede ding Charlie's angels, depende kung saan ang trip mo. Tropa sila na binubuo ng tatlong babae. Sinubukan kong iwan si Rose. Iwang mag-isa...

Sabihin niyo nang di ako marunong makuntento sa isa. Husgahan niyo na ako!!! Gusto niyo ipakulong niyo pa. Ngunit kahit anong gawin niyo, wala kayong magagawa.. feeling heartrob ako ngayon kaya wala ng kokontra.

....

Natuwa naman ako sa mainit na pagtanggap niya. Ayos siyang kausap!!! Mature sa kanyang edad kaya medyo na-culture shock ako. Di ko wari na tungkol sa ex-bf niya ang pinag uusapan namin. Mala tae ako sa inidorong di maflush flush dahil sa barado ang tubo. Nahihirapan akong makapasok sa poso negro. Sa pinadaling salita, hirap akong makakonekta noon sa usapan . Kung karanasan, nahuhuli ako sa takbo ng panahon. Hindi pa ako nagkaka-gf... Pati pakikipagholding hands, halikan at ilang mga ritwal para malaman na nasa relasyon ka ay di pa batid ng nilulumot kong utak. "Aware" akong nangyayari ang mga bagay bagay na ito, pero ang magawa in reality.. hindi pa!!!

....

Inopen niya sakin ang mga ritwal na ginagawa nila ng bf niya. Ako naman si tagapakinig na nag aastang batang paslit sa paghihintay ng bawat salitang lalabas sa bibig niya. Nataranta ako sa mga narinig. Naghalikan sila ng ex niya. "Loud" and "clear"... di pwedeng magkamali si tenga nun.. Naghalikan sila noong sila pa daw ni bf niya na kasalukuyang ex niya na. Di basta basta "smack" (klase ng halik na dinidikit ng mabilisan ang labi sa kapwa labi.. tumatagal ang nabanggit ng .75 segundo) o yung klase ng matagal na pagdidikit labi ng mga koreano na napapanood mo sa T.V. Sa edad niyang yun parang binarena ang ulo ko. Laplapan pa nga ang tawag niya dun. Para medyo "wholesome" pakinggan at di masama sa pandinig "LP." May pagkatunog party list pa.

....

Tinuro niya pa sakin kung paano nila ginagawa iyon. Lahat daw ng muscle sa bibig ay dapat mag-function, sabi niya. Mismong pati dila ay dinamay sa ehersisyo na para lamang sa labi. Gusto ko nga sanang mag-request na gawin sakin para mas madali kong makuha ang gusto niyang ipabatid. Ngunit di ko na din sinabi baka gawin niya. Nakakahiya naman... maraming tao sa loob...

....

Matapos ang kakilakilabot na session namin ni Cess (short for Princess..), bumalik ulit ako sa tunay kong upuan. Sumakit ang ulo ko sa mga narinig kanina. Unang beses ko palang na makipag-kwentuhan ng mga ganung bagay sa babae kaya naninibago ang proseso ng pag-iisip ko.

Habang gulong gulo ang utak... napalingon... napalingon sa gawing kaliwa.
May nakitang babaeng malungkot, walang ganang kumain ng skyflakes... at mukhang nagseselos...

-------

To be continued....


Inflagrante de licto