Saturday, May 29, 2010

Alamat ng Kuto


"Sin is not hurtful because it is forbidden, but it is forbidden because it is hurtful"
- Benjamin Franklin

Noong unang panahon, bago pa man likhain ng Diyos sina Adan at Eba, bago pa man umepal ang ahas na nagsasalita at nagpahamak sa sanlibutan... at bago ma "Discover" ng tao ang kasalanan... Lumikha muna ng "prototype" na tao ang Diyos. Gusto niya lang ng mag "understudy" para wag pumalpak ang kanyang obra sa hinaharap.

Nang likhain niya ang unang tao... agad niyang pinartneran ito ng babae. Di pa niya pinangalanan ang dalawang nilalang na ito.. kasi nga tiba "understudy" muna...

Nang matapos niya ang babae... itinira ng Dyos ang dalawa sa paraiso. Sinabi niya din na lahat ng mga gulay, prutas, hayop at ang katubigan ay kanila. Pati ang punong pinagbawal ng Diyos kana Adan at Eba ay ayos lang kahit kainin nila.

Mahaba ang buhok ng dalawang ito. Yung lalake mukhang "hippies" na nagdadamo habang minumura ang gobyerno samantalang ang babae ay konti nalang ay kasinghaba na nito ang buhok ni Rapunzel. Nagkakapalan din ang buhok nila sa kilikili. Imaginin niyo nalang ang 30 years old na babaeng kahit isang beses ay di nakaranas ng magbunot ng buhok sa "armpit" Sa lalake normal naman ang may buhok kaya wag nang masagwaan.

Di tulad ngayon na ang silbi lang ng buhok ay pampapogi at pampaganda. Ang "purpose" ng buhok ay para malaman ng dalawa kung gaano na kadami ang nilalabag nilang kautusan ng lumikha sa kanila.. Sa bawat isang kasalanan ay katumbas ng isang pirasong buhok ang malalagas.

Makalipas ang sampung taon ang dalawang nilalang na ito ay nakalbo. Dahil sa pagmamahal ng Diyos pinatubo niya ulit ang lahat ng nawalang buhok sa ulo ng dalawa. Binalaan ng maawaing panginoon na iwasang lumabag sa kautusan niya kung hindi ay mawawalan ulit sila ng buhok. Tumugon naman ang dalawang makasalanan at nangakong gagawin nila ang lahat para iwasan ito.

Matapos ang pangangako, dumaan ang mga araw, buwan at 5 taon... nakalbo ulit ang dalawa... Dahil sa awa at pagmamahal ng Diyos binigyan uli niya ng makakapal na buhok ang dalawa. Isa uling pagkakataon...

Dumaan ang anim na buwan... Nakalbo ulit ang dalawa... Nawalan na ng gana ang Dyos ngunit imbes na di bigyan ng buhok, pinagkalooban pa niya ito ng makakapal at malulusog. Tinanggal na din niya ang panukala na "one sin to one strand of hair." Pero bilang kaparusahan, Nilikha niya ang pepeste sa ulo ng tao... ang kuto...

Nang matapos ang pag eexperimento ng Dyos sa mga "prototype" na tao ... Nilipol niya ang dalawa at pati ang kuto na naninirahan sa ulo nila... at nilikha ang orihinal na lahi ng tao... Sina Adan at Eba...

Nang makain nina Adan at Eba ang bawal na prutas... ipinatapon sila ng Dyos upang maghirap... Kailangan nilang anihin ang kakainin nila.. pagpawisan... paghirapan... kung kailangan mag nosebleed para masabing mahirap talaga... talagang kelangan dumugo..

Dinagdag pa ng Diyos na pahirap ang kuto... para kumpleto...

Ayan ang pinagmulan ng kuto...

...










Inflagrante de licto