Tuesday, December 30, 2008

Digmaan ang Solusyon "Ang Karamdaman"

"Corruption plus chaos multiply by arrogance equals total destruction minus hope divided by personal interest equals self-preservation"
- Loglog

----

Mayaman ang Pilipinas sa maraming aspeto. Sa 114,830 milya kwadrado nitong kalupaan ay angkop ng pagtaniman. Sama mo na ang magandang klima nito. Sagana sa mga yamang mineral tulad ng gold, nickel, copper, iron, zinc, silver at marami pang iba. Bukod dyan napapaligiran ang Pilipinas ng mayaman na karagatan at dagat. Ang Sulu Sea (na tawiran ng mga Pilipinong nag-aasabalutan papunta sa Sabah), ang karagatang Pasipiko (ang dadaanan ng eroplano ng mga mag aabroad papuntang Amerika), ang Timog Dagat Tsina (na kinahihimlayan ng Spratlys na malapit ng ipagbili ng gobyerno)

Binubuo ng mahigit pitong libong malalaki at maliliit na isla. Halos siyamnapung milyong naninirahan at ang halos kalahati ng populasyon ay nag-iimpake na sa bayang walang pakinabang at papalubog ayon sa kanila.
Mga nakabibinging pagkalam ng sikmura, mga nakariwariw na "Bwahahaha!!!" ng mga demonyong naninilbihan kuno, mga nakapangyayamot na tinig galing sa mga mamamayan nito na "Bahala na!!!" ang laging bukangbibig...
Maraming proyekto ang pamahalaan ngunit wala ni isa ang may pangmatagalang solusyon para sa nag aapoy nitong lagnat. More projects means more kickback nga naman
Buhay parin ang rehiyonalismo!!! Ang mga Ilokano ay para sa mga Ilokano!!! Ang mga Bisaya ay sa mga Bisaya lang... at makikipagpatayan ang mga Muslim para sa mga kapwa nilang Muslim. Mahirap na raw maalis ang ganitong ugali ng mga Pilipino. Kutyaan, inggitan, palakasan na patuloy na dumadaloy sa lipunang unti unti ng nabubulok dahil sa mali nilang siste.
Mas tama yata kung ang Pilipino ay para sa Pilipino. Isantabi ang lenggawahe at dialekto, ganung parepareho naman tayong bumoboto kada dalawang taon...
Ni isang beses hindi pa nagkaisa ang mga Pilipino bilang isang solid na bansa laban sa mga mananakop o maging sa kapwa nilang tirano. Sa simula pa man na dumating ang mga Kastila, napansin na nila na may iba't ibang pinuno ang mga sinaunang Pilipino. Walang sentralisadong pamahalaan na namumuno sa Pilipinas, payapa nga ang pamumuhay ng mga ninuno natin noon, wala naman ni isa ang nagnais na pag isahin ang Pilipinas bilang isang matatag na bansa.
Sa tulong lang ito ng mga mananakop kaya naging bansa na ang noo'y binubuo lamang ng kalatkalat na kaharian. Bakit kaya hindi naisip ng nakaraan henerasyon na pag isahin ang Pilipinas? Walang pinanganak na Alexander the great sa Pilipinas na nagnais na pagkaisahin ang populasyon nito laban sa Persia... o ni Shi Huang Ti ng Tsina na nagbuo ng unang imperyo sa bansa, ang dahilan kaya may Tsina ngayon, bagamat mabagsik na pinuno.. napanatili naman nila ang kulturang hanggang ngayo'y pinagmamalaki ng mga Tsino at maging tayo na kung minsan pinipilit na ipasok ang lahi natin sa kanila...
Nanahimik nalang ang mga Pilipino, walang nangahas at nakuntento nalang sila.
Kudos kana Lapu-Lapu, Lakandula, Soliman at ilang datu na lumaban para sa kalayaan. Pansariling motibo man ang kanilang ipinalaban, hanga parin ako sa kanilang pinamalas. Kung sinuportahan lang ng nakararami ang mga makasaysayang pangyayaring ito, siguradong malaki ang pagbabago ng takbo ng istorya ni Juan dela Cruz. Hindi man tayo katoliko ngayon, napanatili naman natin ang ating kulturang unti unting naglalaho sa kasalukuyan. Ayun ang pinakamahalaga, tsaka siguro maiintindihan naman ito ni Hesus diba?
Kulang lang siguro tayo sa pagkakaisa. Nagtagumpay man si E. Aguinaldo noon na patumbahin ang mga Kastila
(syempre sa tulong ni Uncle Sam), hindi nito napanatili ang katatagan ng pagkakaisa. Umiral sa kanya ang rehiyonalismo, nagsumiksik siya sa mga taga Cavite... kaya nauwi siya sa Palanan at pumirma ng pakikipag alyansa kay Uncle Sam noong April 1,1902... April Fool!!!
Ang mga Pilipino ang unang nagtatag ng republika sa Pilipinas sa Asya. Ano pa ang sense nito kung sa bandang huli hindi nasagip ang pinagmamalaki natin sa mga Kano?

Next Post: Digmaan ang Solusyon "Demos Kratos" (Posted January 15, 2009)

Wednesday, December 24, 2008

Super Duper Crush -- Revisted

"Ang parte na tinupi, pinunit at sinunog para sa ikakabitin ng blog series na ito. Ang bahaging nawawala... Ang papel na pinampunas nalang sana ng puwet.
Super Duper Crush Revisited"
Habang nakatitig sa kawalan, habang blanko ang isip dahil gusto lang mag relax. Nakahiga sa kama nang bisitahin ako ng mga korning ideya. What if isulat/ipublish ko sa blog ang nawawalang parte na tinago ko sa oven ng mahabang panahon. (Literal na oven yan, wag ng magpakadeep.. di figure of speech yan)
Directors cut kong pelikula ang usapan; Heto ngayon ang idadaldal ko sa araw na ito. Walang kongkretong rason kung bakit hindi ko ito pinublish kasabay ng mga naunang parte. Basta ang alam ko tinatamad akong mag encode noong araw na iyon...
Super Duper Crush (Revisited)
"Ang Nawawalang Parte"
*Nangyari ito mga ilang araw bago ako binasted ni SDC...
P.S (Pahabol sulat)
Magdala ng maraming maraming tissue.. Hardcore toh... madugo... nakakaiyak...
7:30 ang pasok namit at uuwi kami ng 9:00 ng gabi. Sabihin na nating 2 araw lang ang pasok. Pero lintik naman ang schedule na yan, 12 hours kang makikinig ng mga dakilang karanasan ng mga professor, dagdagan pa yan ng mga nakakaantok na sermon, mga english na sangkaterbang grammatical errors at worst walang professor na pakikinggan.. 1 at kalahating lang ang bakante namin at maaring maging 8 oras ito kung nag-AWOL ang teacher ko.
Sa positibong pananaw, minsan kinakatuwa ko pa na lumiban sa klase ang prof na last subject para makauwi nang maaga. Hassle naman kung yung oras ng prof ay nasa kalagitnaan ng schedule at unang subject. Gigising ka ng maaga, maliligo ngnagyeyelong tubig tapos dadatnan mo sa classroom mga teenager na nagdadaldalan. At may magbabalita sayo na naka-mcdonald smile na "Walang klase at isang araw pa ang hihintayin bago ang susunod na subject." Putik antagal nun hah. Buti kung kapitbahay mo lang ang eskwelahan mo. Linsyak!!! Kailangan ko yatang gumastos ng Php.20 papasok at papauwi. (kwarenta pesos kada araw at kung saturday kung saan walang discount ang mga estudyante... dagdag sais pesos)
Teka parang far-out na sa tunay na paksa. Puro student grivances na ito hah... (Ubo!! Ubo!!)
Ok nag umpisa lahat nang nag-AWOL ang professor ko sa last subject. Dahil sa gusto ko pang tumambay dahil ayaw ko pang umuwi, wala akong ginawang matino kundi tumunganga sa corridor. Nakipag-daldalan to the max sa mga kaklase kong to the maximmum level din kung usapan ang daldalan..
Makalipas ang ilang minuto ng pagdadaldalan tungkol sa nangyayaring politika sa bansa na napunta sa kabobohan ng mga Pinoy na napunta naman sa eleksyon at natapos sa anime. Hindi ko alam kung bakit nauwi sa Naruto, Voltes V, Gokue ang usapan. Siguro parang napansin ng mga kasama ko na nakakatamad palang pag usapan ang politika. Ang masama nga lang, hindi ako gaanong makarelate sa mga kwentong anime... kaya imbes na manatili sa usapang di naman makakakonek. Napagdesisyunan ko nalang na bumaba sa 5th floor (gamit ang parachute) para magpahangin sa labas. Magpahangin na lamang sa labas ng campus para makalanghap ng sariwang hangin. Putik imbes na fresh air, puro usok ng tambutso ang pumasok sa lungs ko. Napabili nalang tuloy ako ng sigarilyo.. Usok lang din naman ang papasok sa baga ko, bibilin ko nalang ito, nakatulong pa ako sa bayan (Bilyong piso ang kinikita ng gobyerno dahil sa lintik na industriyang ito)
Napagtanto ko na wala na rin naman akong gagawin sa loob ng campus. Ano pa ang pinapalagi ko dito. Umakyat agad aq sa 5th floor (gamit ang kanyon sa circus) upang kunin ang mga gamit na naiwan ko sa taas. Nang makuha ang mga gamit, mabilis akong lumabas sa silid. Hindi na ako nagpaalam sa mga kachitchatan ko kanina dahil parang sobrang makakaistorbo ko sa kanila. Masyadong seryoso ang pinag uusapan... Muka silang problemado sa kung sino ang mas malakas si Naruto ba o si Sasuke!!!
Jobs done!!! Makakauwi narin at makakapagpahi... May biglang humarang sa akin na mga kaibigan ko na higher year. Niyaya nila akong uminom, at dahil di naman ako marunong tumanggi at ang alam ko lang na isagot ay "Sige." Napasama ako sa kanila para maglaseng. Isa pang dahilan ay dahil kasama sa nasabing laklakan session si super duper crush. Sinama ko rin ang isa kong kaklase para kung sakasakaling ma out of place meron akong makakasama sa sariling mundo ko.
Assstteeggg!!! Kasama ko Crush ko!!!
Hindi naman ako gaanong nailang at nanibago sa mga kasama ko. Masaya at sulit namang ang laklakan session kasama sila. Dagdag saya pa dahil sa apat na tao lang ang layo ko kay crush. Makalipas ang isa at kalahating oras, ako na ang tanggero at katabi ko na si super duper crush (kinikilig ako)
Nakasanayan kong magyosi habang umiinom kaya for the 1st time, nakita ako ni crush na naninigarilyo. Astig pa nga dahil humits siya sa yosi ko. Lubos akong natuwa dahil nalaman ko na hindi siya marunong magyosi. Siguro epekto lang ng kalasingan kaya niya nasubukan ang paninigarilyo. Hithit buga siya patunay na dehins siya marunong.
Dumaan ang ilang minuto at napansin kong nahihilo na si crush at humiling na humiga sa balikat ko.
Pabiting tanong: Kung ikaw ay tatanungin ng crush mo kung pwedeng ihiga ang ulo niya sa balikat mo... anong isasagot mo?
Ang sabi ko sa kanya, "Wag kang mahiga, mahihilo ka lalo." Kung pananatsing lang ang habol ko, siguro nakahiga na siya. Ngunit dahil sa nagmamalasakit at gusto kong mawala ang kanyang kalasingan. Hindi ako pumayag.
Underconstruction

Tuesday, December 2, 2008

Magic Wand

Tatlong beses tuwing weekdays... dalawang beses naman kapag weekends... Apat hanggang anim na episodes kada araw... Ganyan ako kaadik manood ng "Fairly Odd Parents". Kung ngayon lang kayo pinanganak... ang cartoon na ito ay mapapanood sa nickelodeon. Ito ay tungkol sa average kid na may 2 magical faries. Siya ay si Timmy Turner na laging nakasuot ng pink cap at damit. Lahat ng iwish niya ay natutupad. Bagamat may mga limitasyon sa lahat ng kahilingan, masasabi ko paring napakaswerte ni pareng Timmy.

Fairies, Genies... ayan nalang ata ang pag-asa ng Pilipinas...

Halos sampung milyong Pilipino ang nagugutom....

Tatlumpu't limang milyong Pilipino naman ang kumakain ng hindi sapat ang nutrisyon... Nagtitiis sa mga noodles na kulang na kulang ang bitamina para sa pangangailangan ng katawan. Halos lahat ng mga politiko ay manloloko at magnanakaw.
Libo libong Pilipino kada taon ang nag iibang bansa dahil walang mahanap na matinong trabaho sa Naspi... Libo libo din ang istoryang inuuwi ng mga bayaning OFW na biktima ng exploytasyon, pang aabuso, panggagahasa, pambubugbog... Sa kabila ng mga kwentong bangungot, marami parin ang umaalis para magtrabaho sa labas ng dalampasigan ng Pinas...

Araw araw may pasabog ang gobyerno... hindi mo na alam kung ano ba ang totoo...

60-65 na iskolar ng bayan ang pilit sinisiksik ang sarili sa silid na pang 45 ang kapasidad. Daan daang libong kabataan naman ang napapariwara ang buhay dahil sa bawal na gamot. Libong bata rin ang nagtatrabaho imbes na naglalaro at nag aaral...

Isa sa bawat Pilipino kada oras ang nakakaisip ng pagbabago... anupa ang halaga nito kung madami naman ang isusuko ang pagka-Pilipino nila dahil sa kahirapan na dulot ng pagka-Pilipino...

Ano ba talaga ang solusyon sa nagpatongpatong na problema ng Pilipinas?

Magic Wand na ba ang nahuhuling remedy sa inaapoy ng lagnat na bansa...

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

(Walang kwentang post... wag seryosohin)

Next Post: "Alamat at Historya...

Posted December 15, 2008



Monday, November 24, 2008

Ikaapat na Yugto - Super Duper Crush 2 (Huling Kabanata)

Bago mo simulang basahin ang post na ito... gusto ko munang pasalamatan ang mga sumusunod na nilalang...

+ Vess - ang kachat, ka-ikariam, editor, kabobo na walang sawang nagbabasa ng mga kakornihan ko sa buhay. Maraming thank you sayo!!!

+ Dana - ang bestfriend ko na araw araw kong kinukulit para magcomment sa blog ko.

+ Shayne - ka-text na kapwa ko may saltik na ayaw tanggapin na mas trahedya ang buhay pag ibig ko kesa sa kanya.

+ Jha - ka-chat ko na di pa nagkakaboyfriend... Strict ba si mama at papa.

+ Marinel - na nagbibigay sakin ng advise. Salamat sa pinabasa mo... It really helps a lot!!!

+ Wenz - ang babae sa likod ng ikatlong yugto... Maraming maraming salamat...

+ Aiza - si super duper crush!!! Super thank you dahil pinayagan mo na ikwento ko ang kabaliwan ko sayo...

+ Journi - makakalimutan ko ba si talong!!! Ang pinsan, kababata, kaibigan, ka-bisyo, at kapatid!!!

================================================

Wag masyadong seryosohin ang nasa taas, pampahaba lang yan...

Isang notebook at papel na kakalabas lang sa mainit na makina ang hawak hawak ko ngayon. This is the moment!!! Wala ng urungan... Laban na kung laban!!!

Pagpasok ko palang sa tarangkahan ng paaralang pinipilit kong pasukan, nakakaramdam ako ng kaba. Naramdaman ko nga na pilit lumabas sa katawan ko ang tatlong konsensya para sa pagpupulong tungkol sa operasyon na ito.

Konsensya 1: Ayan ang basurahan; itapon mo na yang papel na yan.
Konsensya 2: Go!! Loglog!!! Fight fight fight!!!
Konsensya 3: Basahin mo yung sulat mo. Jologs at korni ang dating... tsaka tagalog na nga madami pang grammatical errors...

Sadya atang naaaning ako ng araw na iyon...

Bagamat hadlang ang dalawa kong konsensya tinuloy ko parin ang aking plano na ibigay ang sulat... Hopefully maibigay ko nga ng maayos sa kanya... Hawak hawak ang sulat, umakyat ako sa 5th floor ng gusali kung saan ko siya matatagpuan...

Nag elevator na ako para di naman ako mukhang galing sa construction site kapag kaharap ko siya...

Nang marating ang tuktok ng gusali, tinanong ko agad sa mga kaklase niya kung asan si super duper crush. Sabi nla paparating na daw ito.

Ilang minuto lang matapos ang paulit ulit na pagtatanong sa mga nabuburyong mga klasmyt ni crush. Agad namang dumaan si SDC, nagcheer pa nga ang bestfriend ko na GO!! Luigi Go!! Go!!! Go!!!

Saglit huminto ang oras at biglang nagkaroon ng pulong ang tatlong konsensya ko. Badtrip!!! Bumaligtad ang konsensya#2 ko. Hindi na siya payag sa pagbibigay ng sulat. Nasuhulan ba siya ni konsensya#1 at 3... Ayun ay nanatiling misteryo!!!

Hindi pa tapos ang araw... maiibigay pa ang sulat...

Seminar nila at pinilit ako ng bestfriend ko na doon ko nalang ibigay ang sulat. Ayaw ko talagang pumasok dahil hindi naman ako invited sa seminar na iyon. Ilang sandali lang, nakita ko nalang ang sarili ko na pumipirma sa sa attendance... at ilang sandali lang rin, nasa loob na ako ng kulungan. Wala ng atrasan!!! Ang misyon ay dapat ng umpisahan... Sayang naman, nasa loob ka na... Ibibigay mo nalang tapos na.

Pagkaupo ko, siya agad ang nakita ko. Tulad ng nakagawian nag ipon muna ako ng lakas ng loob. Iniiwasan ko kasing mahimatay sa harap niya. Ayun kaya kailangan ko ng sapat na pwersa kapag nasa harap ko na siya. Makalipas maipon, hinanda ko na ang aking sarili sa moment na magbabago ng buhay ko.

Heto na... Heto na...

Nakatayo na ako sa aking kinakaupuan. Puno ng lakas ng loob ng biglang...

Narrator: Tulad ng lahat ng telenobela, laging may kontrabida o kaagaw ng bida sa babae... Dahil si Loglog ang nagsulat... Lalabas na siya ang bida sa istorya...

Tama ako nga ang bida... Ehem...

Nakatayo na ako sa aking kinakaupuan. Puno ng lakas ng loob ng biglang may sumingit. Tumabi si kontrabida or I should say kaagaw ng bida (para mas magandang pakinngan) kay SDC. Eksakto na napatingin si SDC sakin. Wala na akong choice kundi ibigay yung sulat.

Sumabay na ako kay SDC para malaman kung ano bang ang magiging sagot niya. Ayun sa haba haba nga naman ng prusisyon maririnig ko rin yung matamis niyang sagot...

Ang sagot niya sa tanong ko na puwede bang manligaw...???

...Hindi muna!?

THE END
Next post: Horror: Bahay
Hindi ako kailanman naduwag!!!
Hindi ako takot!!!
Subukan naman natin ang kakaibang pagsusulat..
Mga Tanong sa Ikaapat na Yugto
1. Bakit siya super crush?
- Basahin mo ulit ang kasaysayan:Ikaapat na yugto: Super Crush, nandoon ang sagot...
2. Bakit parang bitin?
- Kailangan pa bang imemorize yan!!!
3. Hindi ko na gets, ano ang nangyari sa katapusan ng ikaapat na yugto?
- Busted ako mokong!!!
4. Ano ang y8.com?
- Dito ka pwedeng maglaro ng walang sawa ng mga flash games... Try ninyo!!! Nakakaadik...
5. Bakit siya ikaapat na yugto, hindi mo naman siya naging gf?
- Dahil siya ay kasaysayan...
6. May galit ka ba kay Super duper crush?
- Wala?? Its her choice naman... I thank her pa kaya dahil di niya ako pinaasa... gggrrr!!!
==============================================================
To be continued... (sana!!! Hehehe!!!)

Sunday, November 16, 2008

Ikaapat na Yugto: Super Duper Crush


"Lubos ng naging O.A!!! Lubos na!!! Bakit siya super!!?? At ngayon bakit naging Duper"

Kahit anong pilit kong gumising ng maaga, lagi nalang akong huli sa klase. Kaya imbes na pumasok sa nakakatamad na prof, tumatambay nalang ako sa internet shop para maglaro sa y8.com (www.y8.com) Sa 10 sa klase ni prof. 6 lang ang pinasukan ko. Sa anim namang iyon, 1 lang ang pinasok ko ng maaga. At hindi basta bastang late ang sinasabi ko. Hindi 5 o 15 minutes late ang usapan dito. Isang oras akong laging huli sa klase niya. Kaya 30 minutes nalang ang gugugulin ko sa nakakatamad na klase ni prof.

Lubos lubos kong pinagsisisihan ang pagliban at pagpasok ng huli sa klase. Hindi dahil sa nakakuha ako ng 75 na marka at lalong hindi dahil sa wala akong natutunan. Nagsisisi ako dahil di ko man lang siya nasilayan. Lintik kasing orasan, hindi marunong tumilaok!!!

Buti nalang ay pumapabor ang tadhana sa akin. Isa lang ang papasukang klase ni super crush sa araw na iyon at apat na oras naman kaming walang klase. Its show time!!! Plakak!!!

Ang daming tsansa ang tinakbuhan ko. Ewan, parang ang Loglog na dating magaling magpapansin ay nawalan na ng talento. Dehins ko alam kong natorpe ba ako o natural na tanga... Lalapitan ko nalang... Ibubuka ang bibig... magkukwento ng kabarberuhan... kikilalanin si Super C!!! Tapos ang istorya... nabigyan sana ng pag asa!!!

Kumalat na parang virus ang tungkol sa pagkagusto ko kay SDC (super duper crush) Showbiz na naman ito!!! Hindi ako pwedeng iinterview!!! Teka gumana na naman ang palpak kong imahinasyon... nagfefeeling na naman ako...

Habang tumatagal mas lalo ko siyang nagugustuhan. Kaya nga siya naging ganap na super duper... From super ngayon may duper na!!! San ka pa... Heto ang mababaw na dahilan kung bakit siya naging ganap na "Super Duper Crush"... Ito ang kwento...

(Introduction pa lang mahaba na)

May extra-curricular activity sa kolehiyo namin. At dahil activity ang pinag uusapan, medyo nakahinga kami sa gawaing pang utak. Focus ang mga collegues ko para sa gaganaping programa. Praktis na nakakapagod...Praktis na nakakapagod...Praktis na nakakapagod... ayan ang rason kung bakit ayaw ko nito. Si SDC ay walang sinalihang programa sa nasabing extra curricular activity... Ako naman ay papetits petits lang dahil ang sinalihan ko ay hindi na kailangang magpraktis... Pagsusulat kasi ang aking sinalihan at pinagmamalaki ko ng taas noo na olats ako sa nasabing patimpalak... Yahoo!!!

Dahil sa wala naman akong gagawin kundi magpapetits petits. Tumambay nalang ako sa lugar na pinagpapraktisan ng mga ka-major ko. Suporta at panlalait ang aking bitbit at inambag sa kanila. Palipas ng oras ang dahilan ko kung bakit ako nakaupo dito. Tambay, daldal, tambay daldal, kain, daldal ayan ang paulit ulit kong ginawa.

Makalipas ang ilang minuto at parang nararamdaman kong nangangalay na ang bibig ko. Saglit akong naupo para magpahinga...

Pagkasalampak ng puwet ko sa sahig, may naaninag akong babaeng nakatingin sa akin. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko nun. Matatakot ba ako (dahil baka psychokiller ang nakatitig sa akin... kukunin ang organs ko at ibebenta ng por kilo sa med school) Matutuwa (dahil may nakapansin din sa akin... kulang kasi ako sa pansin eh) Malabo ang mata ko kaya hindi ko siya ganun maaninag. Nilakihan ko ng sobra sobra ang aking mata... Rasenggan!!! Ayan medyo lumiliwanag na!!!

Nanlambot, Namula, Namutla, Nanginig, Nangisay, Hinimatay (O.A ka na Loglog) heheh!! At marami pang O.A na galaw ang gusto kong ipaisip sayo... Si SUPER DUPER CRUSH ANG NAKATITIG SA AKIN... Ewan ko kung ginugoodtime niya lang ako nun... Pero kahit na ang akin tumingin siya at napansin niya ako... Tinunaw pa na parang kandila... nyahaha!!!

Ilang araw matapos ang kiligkilig moment ni Loglog, natyempuhan ko si SDC na nakaupo sa bench sa school kasama ang kanyang kaibigan. Should I let this moment pass me by... Naahh!! Nevah!! (English yan hah... paburger ka naman..)

Tinabihan ko sila syempre kasama ang sidekick ko... kailangan talaga siya dahil baka matunaw ulit ako kapag katabi siya... Pampalakas loob ba..

Marami akong nalaman ng makausap ko siya... Bukod sa nalaman kong pinatay ng NPA ang tito niya... (na alam ko naman ang walang kwentang trivia lang ito) Mas malaliman ko pa siyang nakilala... Iba siya promise... Super Duper talaga si Aiza!!!



=======================To be continued...================

Ikaapat na yugto: Super Duper Crush (Huling Kabanata)

Thursday, November 6, 2008

Kasaysayan: Ikaapat na Yugto: Super Crush

"Its a bird, Its a plane... Its superman? No!! Its super crush"

Sa totoo lang maraming beses ko itong sinulat. Burara lang talaga ako dahil ang entry na toh ay lagi kong nawawala... Apat na version na ata ang naisulat ko kaya medyo na pending ang post na ito. Heto na at isusulat ko na si SUPER CRUSH!!! Ang babaing bumaliw sa akin pagkatapos ng dalawang taong break up namin ni 3rd gf.

Sino ba si Super Crush?
Bakit siya super?
At kapag nilagyan ko ba ito ng duper magiging O.A na ako!!!

Sobrang humanga ako kay Super Crush... kaya nga siya super eh... Obvious ba na obsess ako!!! Ang cute cute niya kasi!!! Parang siyang stuff toy na indemand sa tindahan ng laruan. Sa pagkakataong ito, nag simula na namang mabaliw ni Loglog!!! Sa loob kasi ng dalawang taon, medyo medyo sinumpa ni Loglog ang mundo ng mga kababaihan...

Ang lahat ay nagsimula sa simpleng paghanga... na nauwi sa obsession... OBSESS!!! OBSESS!? Hello!!!??

LOGLOG PRODUCTION
Presents
"Ikaapat na Yugto"

Super Crush

Asar!!!
Halos dalawang meeting ang nawawala sa amin.
Nasan na ba iyong professor na iyon...

Ayan ang mga salitang boluntaryong lumalabas sa aking bibig. Badtrip ako ng araw na iyon dahil sa 2 linggo ng di pa namin namemeet ang professor kong abnormal. Nagmamakaawa pa ata kami nun, magklase lang si prof. Aba naman!!! Idahilan ba niyang walang available na silid para samin kaya hindi nalang siya nagturo...

Buti nalang may kaklase kameng masipag na naghanap ng silid para sa mga kaawaawa niyang kaklase. Ayun sa wakas, nagklase na rin kami. Badtrip parin ako sa prof namin kahit nagtuturo na siya ng walang kalatuylatoy!!! Balak ko na nga lang na idrop ang subject niya dahil nakakahawa ang katamaran ni prof. Ngunit buti nalang pumasok sa isip ko na ilang buwan nalang naman ang ikikilos ng orasan tapos na ang paghihirap ko sa pakikinig ng mga nonsense na usapan...

Buti nalang di ako nagpadalosdalos...

Nang pumasok ako sa subject naming dapat dati pa nagsimula, wala na akong ginawa sa kinakaupuan ko kundi lumingat lingat... Tumingin sa paligid baka may isang bagay na magpapawala ng asar ko sa araw na iyon. Tingin sa kaliwa, sa kanan, sa taas, sa baba!!! Hindi sumuko si Loglog sa paghahanap ng gamot!!!... Nagbunga naman ang lahat ng naispotan ko ang gamot na pagkatagal tagal kong hinanap...

Nang makita ko siya... gusto kong sabihin ang "Its a bird, its a plane..." tapos aadlib kayo at makikipaggaguhan sakin ng "ITs superman"... at agad kong dudugtungan ng "Naahh!! Its super crush"

Hindi siya ang nilalang na nasa isip mo na naka kapa, nasa labas ang undies na nakasinturon. Siya ay batang anghel!!! Tama anghel na nagbabakasyon sa lupa para baliwin ang baliw na katulad ko. Siya si Super Crush!!! Tantananantanan!!!

Napatitig ako sa mata niya sa loob ng labinglimang segundo, aayy teka mali!! Labingpitong segundo pala... nakuha ko pang bawasan!!! Sino ba naman ang hindi hahanga sa mala diyamanteng mata. May balak nga sana akong dukutin kahit isa man lang sa mata ni super crush. Maisanla sa pawnshop para makabili ako ng PSP... Buti nalang tinitigan kong maigi kung hindi talagang napagkamalan ko ito.

Nak nak!!!

Sinong hero ang hindi superhero na laging nakahubad!!??
...
...
...
Undress Bonifacio!!! Hahahaha!!! Ang korni ko!!!
Komersyal lang!!!

Natapos na rin ang klase ng nakakairita naming professor. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil wala ng klase o malulungkot dahil tapos na ang pagtitig session ko kay SUPER CRUSH!!!
Pero alam kong may bukas pa... Bababa nga ang pebong hari sa mga matatayog na bundok... Ngunit dadating din ang oras na aangat ito sa pagkakatulog... magkikita parin kami!!! <*nosebleed> Sinapian na naman ako ng kaluluwa ni Francisco Baltazar!!!


ToBEContinued...




Friday, October 31, 2008

Two Evils - Ceteris Paribus

"Let there be a widespread conspiracy, let the walls of jericho fall from the sky"
"Let the two evils fight to the throne... one may win but the vengeful soul shall live in the heart of the second evil"
"Who the hell is the second evil"
"I am the second evil"
"Yes I am"

I
May you hear the sound,
A loudly knell below the ground.
May you hear the whisper,
From the abbyss here we are.
II
Mighty Brutus is your name,
Im Caesar, a traitor of fame.
Stab and cursed, death comes along.
Until folks becomes enemies, enemies to evil.
III
Written from false records,
For the benefit of evil.
False Gods may hear,
But not dare to question.
IV
Supreme relation of two evil,
Ultimate ally of lies and generosity.
Until jealousy enters the scene.
All have lost, balance turn to chaos.
V
Two evils sharing the throne,
Now owns by the supreme demon.
Sharing his victory to other.
Laughing to those who lost.
VI
The second evil vanish from abbyss.
Rejuvenates all his strenght for revenge.
Indeed silence remain in vast medium,
But the dawn are only hours away.
VII
The vengeful soul unleashed his enmity.
Hatred, sorrow, betrayal are his ammunition,
Darkness seize his immortal soul,
Dominated by greed and obnoxious behavior.



Monday, October 27, 2008

Muerte Delos Traydores

"Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik, tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik. Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo" - Yugto (Rico Blanco)

Michelle wag kang magpakamatay... michelle...
Sino siya...si michelle!!??
Wag kang apektado...

Tinuring ko kayong lahat na parang kapatid... Sayang pero pinagpalit ninyo ako sa pera. Hudas ka/kayo sa paningin ko, kahit ipikit ko man ang mata ko. Binigay ko naman sa inyo ang lahat lahat!!! Nakisama ako sa inyo!!!

Tama nga siguro ang sabi sakin ng aking kakilala... Ang lugar na aking kinakaupuan ay pugad ng mga traydor... hindi sibilisado... Tinuklaw nila ang kamay ko, pinilipit ang mga braso... nilunok ng buo ang ulo...

Abusado silang lahat. Minsa'y pagbigyan mo... hihirit pa at kapag ika'y pumiglas tatawagin ka pang madamot. Gayong lahat ng salapi'y sinampal mo na sa mukha niya... Di ako nagdamot sa inyo kahit kailan. Binigay ko ang lahat lahat ng makakaya ko. Sukdulan ang lupit niyo... Sana'y sa mga tunay ko na lang na kaibigan ibinigay ang lahat. Sayang sana kayo nalang ang kasakasama ko at hindi ang mga buwitreng hayop... Magsimatay kayo!!!

Saksi ang langit, hinihintay naman kayo sa impyerno. Hahalik sa inyo si Satanas, kakalabitin ko naman kayo sa likod. Alam kong aakbayan niyo ako dyan sa abbyss. Ngunit pagkatapos ng pang uuto, nangatutok na ang matutulis na bolo... nakasaksak ng madiin sa mga likod niyo...

==Read between the lines==


---- Tang ina shit...

ayos bakit ganun...

Naging loyal naman ako...

sayang!!!

Para sa kanya;

Mabulag ka sa pag ibig...

wag kang tanga di ikaw un...

Mabulag ka sa pag ibig...

Wala akong pakialam...

Mabulag ka...

Mabulag ka...

Nanakawin niya lahat... Kaya mabulag ka!!!

wala akong pakialam...

Wala wala!!!...

Next post:

Kasaysayan: Ikaapat na Yugto: Super CrUsH!!!

Natapos na ang pagiging bitter ni Loglog... ganap ng nakalaya sa sapot ng kanyang kasaysayan...


Friday, October 17, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Naging Bangungot ang Imahinasyon (Uncut Version) Patnubay ng Magulang ang KAILANGAN


"Death leaves a heartache no one can heal, Love leaves a memory no one can steal"
- Anonymous

Tiba Loglog sabi ko tigilan mo na siya... Leave her alone... masaya ka na sa life mo... at alam mong happy na siya sa buhay niya... tang ina ka!!

Babala sa mga Babasa:
Ang lahat ng babasa sa post na ito ay dapat 18 years old pataas... Rated R... bawal sa kids...

---- ubo ----

Putang ina!!!

Pakshit talaga... Bakit inabot ka ng tatlong taon bago mo siya tigilan...?

Putang ina ka... Sana kung kaya ko ng ganun ganun lang... tang ina.. Inuntog ko na nga ng limang beses ang ulo ko sa pader pero putang ina wala parin...

Gago talaga ako... tang ina!!! Di ako makalimut, isipin mo bumili pa ako ng putang inang blade na kinalawang lang sa kabinet.. tang ina masakit kasing maglaslas... Puke ng ina... natakot ako sa blade... natakot akong magpakamatay... tang ina!!! Naisip ko lang tang ina bat ako magpapakamatay dahil sa putang inang katangahan ko...

Tang ina dahil sa kasalanan ko... Nakipaghiwalay ako sa kanya... Tanga talaga ako... Mahal ko pa siya nun... tang ina kasing yabang ko... akala ko kaya kong wala siya... Tang ina hindi pala...

Putang ina!!! Araw araw ako nung binabangungot.. Kami paraw ni 3rd gf... Putang inang panaginip yan... Kung pede nga lang mag migrate na ako sa dreamland para makasama ko siya... Pero wala denied ang putang inang visa ko... Dito nalang daw ako sa PuTang inaNg realidad na ito... Putang ina wat a life...
I hate my fucking self... waaahh!!!
Putang ina!!!
Tatlong taon ako parang putang inang tae...
Tang ina pakasaya na sila..
Tang ina!!!
---*krus amen... *krus
Pagkalipas ng maraming buwan... ang imahinasyon ay unti unti ng naglaho... nawala sa kalawakang kay lawak na mahirap malibot... mawawala na parang bula... maglalaho na parang bituing sumabog...
Sino ba si 3rd gf...??
Totoo ba siya..?
Ang lahat ay magiging imahinasyon na lamang...
Putang ina... kailan ka pa naging pwet este poet...
Kung pag uusapan natin ang tungkol sa kung paano ako nag move on... maraming elemento ang tumulong sa akin... bukod sa paglaklak ng alak at pagsusulat ng "Di na kita bati 3rd gf... pakshit di na kita labs" sa isang buong yellow pad araw araw. Natuto akong magsigarilyo... natuto akong magloko sa pag aaral... Pero di niya naman ito kasalanan... ako ang putang inang may kasalanan ng lahat lahat... sinira ko ang putang inang buhay ko...
Kaya ngayon sisimulan kong burahin si Loglog...
Putang ina!!!
Luigi na ako ngayon...
Luigi Martinez!!! Pangalan palang gwapo na... Naks!!! Tang ina nag feeling na naman ako!!!
The End
Natapos na ang lahat... buksan naman natin at pagtyagaan ang ikaapat na yugto...
Sino ba si super crush?
Bakit siya super?
At kapag lalagyan ba siya ng duper magiging O.A na ako...
=========
Mga makukulit na tanong sa ikatlong yugto
1. Ano ang pangalan ni 3rd gf?
SAGOT: CTRL + A
2. Bakit ikatlong yugto?
SAGOT: Dahil sa siya ang ikatlong babae na naging parte ng masalimuot ko lyf... Shit!!!
3. Bukod sa pabitinbitin na istilo, ano pa ang feeling mo na kinaiinisan nila?
SAGOT: Sa palagay ko yung pagiging mapilit ko na basahin mo ang blog na ito... at hihirit pa akong magcomment...
4. Bakit kailangan magcomment?
SAGOT: Dahil dun ko malalaman na meron ka palang napulot sa akin... tae man ito o basura...
5. Bakit ka sumasagot ng tanong na ito?
SAGOT: Dahil feeling ko may nagbabasa nito kahit na wala. Dogoinks!!!

Monday, October 13, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: ANG LAHAT AY MAGIGING IMAHINASYON NA LAMANG part 2/2

"Ang lahat ay magiging imahinasyon na lang..."

Sino ba talaga ang may kasalanan?
Bakit natapos ng ganun ganun lang?
Bakit nawala ang nararamdaman?
Sino ba talaga ang may kasalanan?


Tulad ng politiko na tumatakbo sa eleksyon, hindi niya kayang aminin sa sarili niya na talo siya sa halalan. Kahit na limang milyon ang lamang ng kanyang katunggali ipaparecount niya parin ito kahit gumastos siya ng malaki...

Sino ba talaga ang may kasalanan?

...

Di ko siya kailangan...

Kailangan ko siya...

After ng masalimuot na break up namin... marami ang nagulat at isa na ako dun...

Malapit na ang graduation day, mga 3 linggo na lang ay lalarga na kami at lalabas sa eskwelahan na tinirhan namin ng 4 na taon. Tapos na ang hs life... welcome fucking professors... (Back to our show) Masakit na tanggapin na wala na kami ni 3rd gf. Para kang sanggol na nawalan ng pacifier sa bibig... Tinangka ko ng 5 beses na balikan siya at limang beses din akong nabigo.. di naman ako makulit nun... Lahat ng klaseng pagmamakaawa ginawa ko sa kanya para bumalik siya pero in the end talo parin ako...

Sinabi niya ng paulit ulit na parang recorder na ayaw niya na... at paulit ulit kong pinakinggan na parang bangungot sa tenga...

AYAW KO NA!!! AYAW KO NA!!! AYAW KO NA!!! (repeat till fade)

Tulad ng inaasahan di ko parin sinuko ang lahat. Masyado akong matyaga kung usapan ay tungkol sa kanya... Hindi ako sumuko... mahal ko parin siya... *ubo* nahirinan lang habang kumakain ng happy peanuts..

Prom night yun at 1st time sa school namin na ganapin ang nasabing event. Masyado kasing madami ang populasyon ng school na pinanggalingan ko kaya parang imposibleng maaccomodate ang ganun kadaming estudyante...

Prom na!!! Sa totoo lang marami akong nakasayaw nun... mga sampu lang ata... At puro kaibigan ko lang... Umatend siya sa prom mga tatlong silya lang naman ang layo niya sa kinauupuan ko... Siya ang last dance... this is the moment... kailangan sabihin ko na lahat lahat... baka may pag asa pa ako... malay natin... baka meron pa kahit papaano...

Nang lumapit ako sa napakalayo niyang kinauupuan, di man lamang ako nakapagsalita. Tameme at walang masabi... buti nalang to the rescue si bestfriend ni 3rd gf!!! Sinabi niyang wala naman sigurong masama kung isasayaw ko siya. Pumayag naman ang machurva kong 3rd gf. Sumayaw kami kahit na parehong kaliwa ang paa namin...

Hinawakan ko ang beywang niya. Ang unang salitang nasabi ko lang ay kamuzta na... Hindi niya sinagot ang tanong tanga ko... nagsayaw na lang kami... at take note nasa napapagitnaan kami ng sangkaterbang magsosyota at magkakaibigan na nagsasayawan... As in sa gitna...

Badtrip hindi ko na napigilan ang sarili ko na ilabas ang nararamdaman ko towards sa kanya... eto ang sinabi ko...

Loglog: Kamuzta
3rd gf: ...
(Sayaw sayaw)
Loglog: please give me a chance...
3rd gf: ayoko ko nga...
Loglog: E di wag!!

(teka ano ba yan) delete delete delete!!!

Wag na nga...

ayaw niya... wala na tayong magagawa...

Di ko napigilan na maglabas ng puting likido sa mata ko... Pero di ako ngumawa... Niyakap niya ako ng mahigpit... mahigpit na mahigpit pero di parin tumigil ang luha na tumulo sa mata ko... Ilang saglit lang lumuha din siya...

Sige mag iyakan tayo... iyak ka lang...


Pagkatapos ng tunog... lahat ay naging parte na lamang ng imahinasyon... Pantasyang nilikha ko lang habang nalulungkot ako sa kahon na kinauupuan ko ngayon... Kayo na lang kumilatis kung totoo ba ito... o binabarbero lang kayo ni loglog...




Sunday, October 12, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Ang Lahat ay Magiging Imahinasyon na lamang part 1/2

"When a song ends, you could just repeat it every time you like... when the movie ends, you can just wait after the trailers to start it again. When the rain ends, sure it'll come back soon... but when your relationship ended with the one you loved, you don't even know if you know if you can rewind it, repeat it, or hope for it to come back... there's nothing in this world that is stronger than love. So enjoy every second of it, while it last..."
- sinend via text ng kung sinong mokong
kanina habang mental block ako... salamat sayo!!!

KATAPUSAN


Masyado ng humahaba ang usapan na ito. Siguro mas magandang tapusin na!!!

March 5, 2006 nang maramdaman kong mawawala na siya sa akin. Pakiramdam ko parang wala na ang feelings niya dahil sa mga sunod sunod na away at nonsense na pagtatampo ko... tama as in nonsense. Marami rami din akong pinagselosan sa kanya.. Ang bakla kong klasmyt na seatmate niya, lola niyang may sakit, yung hamster na gift ko, mga kaibigan niyang lalake... napakaseloso ko pala... isipin mo pati yung mga bagay na hindi pagselosan nakukuha ko pang pag isipan ng ganun. Kaya siguro nangyari ang hindi ko inaasahan... Kasalanan ko!!! I admit it!!!

Kapag hinalikan mo ang labi ng babae... mararamdaman mo ang init niya... mapapaso ka sa naglalagablab na apoy nito... pero bakit ganun... nawala na lamang ng ganun ganun...

Away away away... Lagi nalang akong galit...
Lambing lambing lambing...

Ginagawa naman lahat ni ex ang lahat lahat para mawala ang init ng ulo ko. Pero wala rin... sa di malamang kadahilanan... magagalit na naman ako. Hindi ko maalala kung ano ang iniinit ng ulo ko... basta ang alam ko pychosis ang sakit ko nun... hehehe!!!

March 12 dalawang araw bago dumating ang ikawalong buwan namin... isang pangyayaring di ko makakalimutan... nagyaya ako na umalis kami para macelebrate in advance ang 8 monthsary namin... Pero imbes na kami lang dalawa, niyaya niya ang dalawa niyang kaibigan. May suprise pa naman ako sa kanya, kaya imbes na bonggang bonggang suprise ang dapat na mangyayari sa kanya ako ang nasuprise... Dahil sa init ng ulo ko dahil sa sinabi niya na gusto niyang kasama ang mga friends niya sa pupuntahan namin... Biglang nagdesisyon akong makipagbreak...

Oo tama ako ang nakipagbreak...

Walang dahilan...

Alam ko naman kasing di niya kakayanin na mawala ako...

HAhaha!! NAgkamali ata ako ng iniisip... Imbes na sabihin niyang bakit anong dahilan kung bakit ayaw mo na?

Ang sagot niya... ayaw ko na rin... tigilan na natin ito...

Dahil sa pride ang nasambit ko nalang ay talagang ayaw ko na rin... (kahit deep inside awtchie)

Kailangan kong panagutan ang sinabi ko... lalake ako... dapat may isang salita... walang balikan... sino ba siya?? Nag iisa lang ba siyang babae dito sa mundo... higit 18 milyon ang babae sa Pilipinas.. hindi ko siya kailangan!!!

Hindi ko siya kailangan...



Thursday, October 9, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Climax


"No one falls in love by choice, it is by chance. No one stays in love by chance, it is by work. And no one falls out of love by chance, it is by choice"


-Anonymous

Lumipas ang mga araw at tulad ng nasabi ko sa dati kong post, mas lalo ko pa siya nakikilala. Maraming pag aaway ang nalagpasan namin. Away dahil sa pagtatampo ko sa mga bagay na wala naman dapat ipagtampo. Imature na kung imature pero ganun lang talaga ako. Seloso at napaka posessive... Kasalanan ko yun, alam na alam ko!

Kaarawan niya na. Hindi ko man lamang napaghandaan. Wala ni isang binigay, pero sabi niya kahit wala ng materyal basta pumunta lang ako kasama ang mga tropa niya. Umorder si 3rd gf ng pizza... in 3 seconds wala na at nasa tiyan na namin lahat. Burf!!!

Maligayang kaarawan sayo!!!

Pagkatapos naming tanggalin ang tinga namin sa ngipin. Inuman na!!! Tagay mo na!!!

Hindi gaanong karami ang ininom ko dahil sa wala ako nun sa mood uminom. Kasama ko kasi siya, medyo konserbatibo ako noon kaya nagpanggap akong mahinang uminom. Nang maubos ang alak sa mesa na parang dinaanan lang ng ewan dahil sa sobrang bilis maubos. Mga professional lasenggeros kasi ang mga kasama ko nun kaya siguro di ko man lamang napuna na tubig nalang ang iniinom ko.

Redhorse, tama yung naninipa ang ininom namin.

Magkatabi kaming dalawa ni 3rd gf. Ang ganda ganda niya nun... Di ko alam kung laseng lang talaga ako.. heheh! Biro lang!! Maganda talaga siya. Bakit nun ko lang napuna? Ginusto ko kasi siya dahil hindi sa itsura niya. Ewan ko pero ayun yung nadama ko...

Rewind rewind...

Magkatabi kaming dalawa ni 3rd gf. Ang ganda niya nun... binulungan ko siya ng "I love you", nagreply siya nang tulad ng inaasahan... "I love you too"... Hinalikan niya ako sa labi... Nagulat ako sa ginawa niya dahil maraming taong nakapaligid samin. Pero wala na tayong magagawa the show must go on... Lumaban ako ngunit mas mahusay siya... Inasar niya pa nga akong baguhan pagdating sa halikan. Nahiya si loglog kaya nagpalusot nalang na naiilang ako dahil maraming tao.

Akala ko uuwi na kami. Hindi pa pala dahil may pupuntahan pa kaming ibang inuman session. Matropa si 3rd gf pero kahit ganun siya. Ni minsan di niya pinabayaan ang pag aaral niya.

Second round ba ito!!!

Badtrip akala ko ligtas na ako sa halimuyak ng empraning. Isa uling digmaan, game na ang sundalong sumabak sa giyera.

----------------------------------------------------------------------------------------- PUTOL ----------------------------

Masyadong pinapaikot ko pa ang istorya... dapat sigurong tapusin ko na... Isa lang naman ang dahilan kung bakit ko siya sinusulat... isa lang talaga...

TO BE CONTINUED...

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Ang lahat ay magiging imahinasyon na lamang... mahal na mahal ko siya... hanggang ngayon... pero kailangan ko ng kalimutan at umalis sa kahon... dahil gago ba ako... may nagmamay ari na sa kanya.. tanggap ko na wala na siya...

Tuesday, September 30, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Papel at Letra

Inihahandog para kay Windelou Realuyo

"Naglalagablab at sumasabog ang bawat tinig na maririnig"

"Dumadagungdong na animo'y tunog ng kanyon sa parang"

"Na Nagsasabugan sa giyerang walang humpay"

"Sinulat ko lang pero nakakamatay"

Sino ba ang mag aakala na maisusulat ko ulit sa ikalawang pagkakataon ang dapat na hindi ko maisulat... Papel at letra... dugo at tinta... ayan lamang ang aking puhunan na dapat ko na lamang itapon sa basura. Masyado akong nahirapan na alalahanin ang nakaraan namin ni 3rd gf. Bukod sa kailangan kong humiram ng time machine kay Doraemon, puhanan ko rin ang takot na maalala ang dati. Mahirap ito dahil ito ang nakaraan na sana'y kakalimutan ko nalang. Ibabaon sa ilalim ng lupa, ililigaw sa kalawakan.

Masaya ang una, ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima, ikaanim na buwan namin. Masasabi kong pinuno niya ang buhay ko. Naging masaya, bagamat may mga panahong kailangan kong malungkot, magalit... ayan ang maganda sa relasyon... punong puno ng ibat ibang damdamin... parang halo halo.. may ube, gatas, sago, saging, letche plan... at mawawala ba ang yelo... oo ang yelo... yung malamig... yung sobrang lamig...


Teka parang giniginaw yata ako ngayon...


Oo nilalamig ako...


July 15, 2005 - Ang saya ko kinabukasan ng sinagot niya ako. Walang halong biro, parang may mga diwata at anghel ang nasa utak ko nun. Ika-15 ng Hulyo 2005, alam kong bagong yugto ng aking buhay ang tatahakin ko. Pagpasok ko sa eskwela, siya agad ang bumungad sakin. Wala ni isang nilalang sa kwartong iyon ang nakakaalam na kame na ni 3rd gf. Sabi niya kasi sakin na isikreto namin muna sa mga kaklase ko. Ayaw yata ni 3rd gf ng showbiz lalo na't marami sa mga kaklase ko na mga bading na tsismosa. Sinikreto muna namin ito, maging sa Bestfriend niya.

Aral aral aral... walong oras na puro guro ang kaharap... aral aral.. zzzz!!

Natapos ang klase at parang nakahalata ang mga mokong kong kaklase. Tinanong nila kame kung may relasyon kami sa isa't isa. Nagtinginan muna kami ni 3rd gf sabay ngiti na nakakaloko. "Oo kame na" sabay yakap sakin ni 3rd gf" (Windelou)

Ang sarap ng feeling... ang sarap ng feeling... parang high lang...

Mabilis na tumakbo ang mga araw at 1st monthsary na namin. Dahil sa unang buwan lang naman ito... di na namin ito masyadong pinagdiwang. Marami kasi kaming ginagawa nun, inaasikaso pa namin yung nakakabwisit na investigatory project. Alas!!! Teka parang may naalala ako. Nag celebrate pala kami kasama ang isa kong ka miyembro sa Science project namin. Nag inuman kami nun sa bahay ni klasmyt... oo!! tama buti naalala ko... Yung ginamit pa nga naming panggastos ay pondo ng grupo namin... hahaha!! Ang saya talaga...

Ikalawang buwan na at para paring walang nabago sa pagsasamahan namin. Mas lalo ko pa siya nakilala ng lubusan. Mas lalo pa akong nabihag sa nakakamandag niyang lason. For the 1st time, nagmonito monita kami... Niregaluhan ko siya ng necklace na ewan ko kung sinuot niya at gel naman sakin... Binigyan ko din siya ng sulat at take note... pinirint ko yun. Sosyal na naman si Loglog... Sa totoo lang nasa akin pa yung soft copy ng sulat kong iyon. Nang mabasa ko ulit yung 1st love letter ko, parang nilagnat ako dahil sa kajologsan ng nilalaman nito...

Ganun ba talaga ako dati... ganun ko ba isinulat sa papel ang mga letrang puno ng kakornihan ko... ganun ka ba talaga loglog!!!

To be continued...

Ikatlong yugto: Kasaysayan: Climax

Sunday, September 28, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Kame na yAhOO!!!

"Some call it crazy, some call it love, others call it obsession, well I call it a crazy love obsession"


- Anonymous





"Sa simula'y may tamis at lagkit ang pagtitinginan,

Sa huli'y magiging pait ng nakaraan...."

Ang salitang "I love you" ang isa sa mga mabentang wikain sa mga nagmamahalan. Kung may bayad ito, siguradong ito ang ibebenta ko. Kahit ibenta ko ng mahal ay mabibili agad. Indemand kahit anong panahon... Taglamig man o taglagas... Panahon man ng kapayapaan o giyera... mabentang mabenta parin ang salitang "mahal kita"

(250 dollars lang deal)

Mahirap ibigkas ang salitang mahal kita. Para sinasabi mo narin na handa mong gawin ang lahat sa taong iyon... Swerte nga ang masabihan nun, dahil minsan lang ito masasabi ng kung sino man. Pare I love you!!!

1st time kong masabi sa isang tao na mahal ko siya. Hindi ako ganun ka lambing sa magulang ko kaya ni isang beses ay di ko sila nasabihan. Inaamin ko na marami akong nasabihan nun pero ni isang beses ay walang harapan. Through text lang ata o sa chat noong baliw na baliw pa akong makipag gaguhan sa di ko kilala. Kapag ibubuka mo palang ang bibig mo ay manlalambot ka na. Parang habang nilalabas mo ang tinig at hangin sa bibig mo ay tila baga'y unti unti kang humihina. Nangyari na sakin toh promise, at alam kong nangyari narin sayo. Kaya simulan ko na ang pagkukuwento baka mabagot ka na dyan sa kinauupuan mo.

Sa totoo lang hindi ako marunong manligaw. Torpe ako... ahem... Mahiyain pala. Kapag lalapit na ako sa babae ay parang nawawalan ako ng sasabihin at maraming pumapasok na bacteria sa isip ko. Maraming tanong ang bumabagabag sakin kaya siguro natatakot akong maghayag ng aking nararamdaman. Pero di ko talaga alam o maalala kung niligawan ko ba o hindi si 3rd gf... ang natatandaan ko kasi... nagkakapalagayan na kami ng loob.

Nagsimula ang lahat sa isang proyekto sa Science na kung tawagin ay nakakabwisit na investigatory project. Kung bakit nakakabwisit, ibang istorya na yan. Dahil dun sa "nakakabwisit" na iyon mas lalo pang naglapit ang loob namin. Putcha!! isipin mo ba namang halos kayo lang dalawa ang gumawa ng project na yun. Pero sulit din naman kasi mas lalo ko siyang nakilala. Sabay kaming pumunta sa library na pugad ng nakakairitang librarian. (at uulitin ko uli na ibang istorya na iyan)

Pagkapasok namin sa silid aklatan halos di kami mapakali kung nasan ba yung hinahanap namin. Ang masama hindi naman talaga namin alam ang librong hinahanap namin. Buti nalang ay may mabait na estudyante ang nagsabi sa kanya na ang librong kailangan namin ay "Bato Balani". Sa wakas magbabasa nalang kami at ilang sandali ay makakauwi na. Medyo natagalan kami sa loob ng Library na sobrang lamig. Kahit na 9 lang ata ang tao sa loob nito. Super ginaw to the max!!! Parang walang energy crisis noon. Nakita ko si 3rd gf na giniginaw at tinanong kung ipa xerox na natin para makauwi kami. (*** hindi ko na alam ang susunod na nangyari)

Basta ilang sandali lang magkahawak na kami ng kamay. Pero hindi kami... Hindi ko siya Gf at di niya ako Bf. Parang MU ba iyon... tama ba.. mutual understanding...

Kinabukasan ay mas malakas na ang loob ko dahil parang nararamdaman ko na may pag asa ako sa kanya. Holding hands na nga kami, proof na gusto niya ako. Tinabihan ko siya habang wala ang teacher naming bisyong ma late. Pinaliguyliguy ko muna ang usapan, nagtanong kung ano na ang susunod na hakbang para sa bwisit na investigatory project na iyon. Medyo mahaba haba din ang paliguy liguy na usapan. Sa loob ng 1 minuto at 4 na segundo nagpropose na ako. Gusto ko siyang ligawan!! Sinabi ko ng buong tatag at pagkalalake kong binulalas sa kanyang tenga. Pero palpak lang talaga ako nun. Aba nama'y sinabi ko sa kanya pagkatapos ng proposal kong manliligaw ako, na bakit ba kailangan pang manligaw. Nagtanong ba sa liligawan. THough di ko intensyon na maging presko, gusto ko lang talaga malaman kung bakit kailangan niya ng ligawan. Ngunit imbes na sagutin ang kabobohang tanong ko. Ang tangi niyang naibulalas sa bobong si Loglog ay; "Pagkatapos nito ano na ang mangyayari?"

Hindi ko nagets yun dahil sa natural akong tanga kapag kaharap ko ang nililigawan ko. Ang tangi ko nalang nasabi aayy ano? Di ko gets? Pinaliwanag niya ito ng paulit ulit at sa wakas ay naintindihan ko din. Ang gusto niya palang palabasin ay baka magkasakitan lang kame. Halos manghina ako ng marinig ko sa kanya yun.

... Pero kahit na pursigido parin ako sa kanya...

July 14 - Pagkatapos ng klase namin, inasikaso na naming dalawa ang nakabubwisit na proyekto sa physics. Buti nga ay may nahabag saming babaeng kagrupo at ginawa ang kanilang bahay na laboratory para sa gagawin naming experimento. Pagkadating namin sa bahay ni mahabaging kaklase, pinag aralan namin ang nasabing experimento. Nagkasawaan kami sa kakabasa dahil nalaman namin na wala namang patutunguan ang aming pananaliksik kung wala namang ang isang kagamitan para sa aming experimento. Kaya naisipan naming magkwentuhan nalang sa taas. Si mahabaging klasmyt ay saglit bumaba para kumuha ng makakain. Solo kaming dalawa, kinakabahan ako dahil kami lang ang nasa taas. Naiilang ako at parang natutuyo ang mga labi ko. Gustong may sabihin sa kanya pero kabado at wala pang lakas ng loob. Pagkatapos ng ilang saglit naipon na ang lakas ng loob. Nilapitan ko siya para sabihin na ang nasabi na dati. Inamin ko na mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal na mahal ko siya. Agad siyang tumayo sa pagkakahiga at sinabing, "Alam mo bang nakikipagbalikan ang ex ko sakin..." Nawindang ako ng marinig ko yun at sinabi sa sarili ko na here it goes again!!! Tinuloy ni 3rd gf ang pagsasalita at sinabi sakin na hindi niya binalikan ang kanyang ex dahil sa kin. Dahil gusto niya ako na maging Bf... Nang matapos ang kanyang pagsasalita hinawakan ko ang kamay niya at nagbikas ng mahal na mahal kita windelou

Wednesday, September 24, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Walong Buwan

"If there ever comes a day, when we can't be together keep me in your heart, i'll stay there forever" - Winnie the pooh
Tatlong taon na ang nakakaraan ng huli ko siyang masilayan...
Tatlong taong pagkukubli sa madilim at malungkot na nakaraan...
...Kasaysayang ayaw ko na sanang balikan...
Pagkatapos ng hindi kagandahang lovestory namin ni 1st gf at ni Reabelle, na nauwi lang sa misteryosong trahedya. Hinahandog ng "Loglog Production" ang mas wala pang kakwenta kwentang buhay pag-ibig ng ating walang kakwenta kwenta leading actor na si Loglog...
LogLog Production
Presents
IKATLONG YUGTO:WALONG BUWAN
Sa bawat pagtitipa ng letra'y nagsisilbing dugo ang tinta...
Sa bawat wikang tinatapon... alaala niya ay naninigaw sa tenga...
Sa bawat tenga't matang makakasaksi... wag na sanang mabitin.. twitwina.. hahahah!!!
Unang pagkikita palang alam ko na gusto ko siya. Love at 1st sight... NaaaHH!! Binawi ko ang paniniwala kong kagaguhan lang ito. Akala ko kasi isang malaking kalokohan lang ang kantang may liriko na ganun. Hindi pala, biktima niya ako at hopefully nabiktima ko siya. Sa loob ng walong buwan naming pinagsamahan, napakarami kong natutunan. Bukod sa paglabas ng tubig sa mata at pagsinghot ng malabnaw na likido... natutunan kong maging sweet, maalaga, magmahal (*ng totoo)... First time ko ring naramdaman ang halik na puro na pagmamahal... walang halong biro... sa kanya ko lang hinalik ang may feelings. Bata pa ako nun pero alam kong pagmamahal yung nararamdaman ko... Kahit na maraming nilalang ang nagsabing hindi love yun, pilit ko silang pinaniniwalaan ngunit bigo parin ako dahil ayun ang aking naramdaman.
Para mas lalong clear at detalyado ang pagkukwento ko ng talambuhay namin. Hinati ko sa maraming parte ang "Kasaysayan: Ikatlong post. Ang unang parte ay nakatutok sa kung paano ko siya nakilala patungo sa magkahawak na kami ng kamay... EhEm.. Heto na!!!
Morena, makulit, astig (di ko alam ang meaning nun basta ginawad ko lang na ganun siya)... Ayan ang ilan sa mga katangiang nakita ko sa kanya. Sa unang beses naming nagkakilala, tinanong niya ako kung klasmyt ko siya noong enrollment para sa 4th year. Agad akong sumagot na oo, tumalikod na animo'y supladong kagwapuhan. Naturalesa ko kasi ang pagiging suplado, pagbigyan niyo na ako ha...
Matagal tagal din bago nag umpisa ang tunay na klase... 1st day ng class... suplado image na naman si Loglog. Must resist papansin mode... ayan ang mga boses na pumasok sa utak ko. Pero wa epek, nakita ko nalang ang sarili kong 40 inches ang lapit sa kanya at ang masama pa'y parang wala siyang nakikita. Dahil sa bigo ako sa pagtatangka kong magpacute, bumalik nalang ako sa kinauupuan ko at naglagay ng plakard sa likod na nakasulat na anti social.
Hindi ako naniniwala sa tadhana pero kung totoo man siya ewan ko sa kanya... nakakaloko nga dahil ng nag sitting arrangement. Magkatabi kami.. Tadhana ba iyan iho... Hindi...
Hindi ito tadhana... Coincidence lang ang lahat ng ito...
(SIMULA NA NG KLaSE... SIR ANG DALDAL KO)
Dahil sa nature ko ang pagiging madaldal at makwento kaya di ko rin napigilang kausapin siya. Partida may teacher pang nagtuturo nun. Isa pang partida pangalawa ang upuan namin sa harap at 65 inches lang ang layo ng guro ko. Ang tatag ko nga dahil nakuha ko pang dumaldal sa kanya. Nag usap kami ng patagilid para hindi halatang nag uusap. Makulet nga ang pinag usapan namin, tungkol sa ex niya na kapangalan ko pa.
Loglog: ui!! tiba ex mo si Luigi??
3rd Gf: Oo pano mo nalaman...
Loglog: Eh kaklase ko yun nung 3rd year eh. Lagi ko kayang kasama yun.
3rd Gf: aahh...
Loglog: ...
(Biglang singit ni teacher sa tanong na...)
Teacher: Class anong revolution ang nangyari noong 20th century.
(Nakahanap ng paraan kung paano magpapacute ulit... Nerd style)
Loglog: (*taas ng kamay)
Teacher: Mr?
Loglog: Luigi po... noong 20th century ang makasaysayang industrial revolution ay nagsimula at nagbunga ng blah!! blah!! (kunyari may naririnig kayo sa pinagsasabi ko)
Nakanaks!!! Effective yata ang estilo ko... Ngumiti siya at pinuri niya ako. Ang galing ko daw dahil alam ko yun, ang tingin ko sa sarili ko ang talino ko. Tatlong araw na paulit ulit na usap pacute style ang ginawa ko sa kanya. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa pagpapansin sa kanya dahil katabi ko naman siya. Sa unti unting paglapit ng loob namin, ramdam ko nagugustuhan niya narin ako. Wish ko lang totoo...
June 16 nun napagtripan kong mag internet dahil sa tamad na tamad ako. Linggo at responsibilidad ko ng tumambay sa internet shop. Nakachat ko si Reabelle, sinagot niya ako... naputol ng pansamantala ang istorya namin ni 3rd Gf... (for more info read "Lovestory ni LogLog)
Ang aking lubos na paghanga sa kanya ang nagdala sakin para hiwalayan si Reabelle. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko dahil ginusto ko naman ito. Pagkatapos din ng 2 araw ay wala na ang kontratang relasyon... Umaasa kung mahuhulog sa malalim na bangin... si 3rd gf...
Balik ulit sa dating routine bagamat nahirapan ng kaunti dahil nagpalit na naman ng sitting arrangement, tsinaga ko parin para kung sakasakali lang. Pampam mode...
COntinuation ---- Post: Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Kami na Yahoo!!

Thursday, September 4, 2008

Kasaysayan: Lovestory ni LogLog

"Your smell serves as a fume of death,your melancholic voice drives me insane. You're a Goddamn Angel on my nightmare. And when awake, an angelic face of nonsense" - Luigi A. Martinez


Hindi ko sinasadyang lokohin sila... di ko lang talaga alam na nakasakit ako...

Ako ang tao na madaling mahulog sa patibong ng pag ibig...

...

Kung nasa pyramid ako ng mga pharaoh, na sangkaterbang patibong at maze siguradong patay na ako...

...

April 29, 2005 una kong sinubukan ang pagpasok sa relasyon. Walang alam at baguhan, totoy pa nga eh...
si 1st gf ay si jane tolentino... nakilala ko noong nag cutting aq kasama ng mga mokong kong kaklase
...

Unang pakikipagrelasyon, ayan ang pinakamaganda sa lahat. Heto yung panahon na kung saan di mo alam ang pasikotsikot ng pakikipag commit sa opposite sex. Daig pa nga ako ng partner ko dahil pang 3 na nya ako samantalang bagito lang ako sa aktibidad na ito.

...
Nagsimula ang aming "LoveStorY" ng sumama ako sa tropapips kong ubod ng mga babaero... Hindi ako karelasyon ni number one (ipapangalan natin sa kawawang biktima ng expose na ito) noon. Klasmeyt kong abnormal (na akala mo gwapings at artistahin kung umasta) ang kanyang bf. Nasa bilyaran kami, siguro mga pito o walo kami... siya lang ang nag iisang babae. Mabait naman siya at friendly. Makwento at kahit papaano ay may sense kausap. Napasarap ang kwentuhan namin hanggang sa parang nakakakonekta kami sa mga kwentong realidad at kwentong yabang ko noon... Natuwa siya sa kabarberuhan ko... at nasayahan naman ako sa pagkukuwento ko... kaya naka second round kami ng kwentuhan... dun din sa bilyaran...
(paano ba iyan ako na ang titira... putcha akin na ang tisa!!!)
***
Ang ikalawa naming paghaharap ay nagsilbi narin papunta sa bawal na relasyon. Inamin niya sakin na namomobrolema siya sa ex niya (na ex friend ko) Mabait siya at naawa ako sa kanya kaya binuksan ko ang tenga ko para pakinggan ang kanyang mga problema. Kulang sa atensyon ang puno't dulo ng lahat. Naisip kong bakit kailangan nung loko niyang bf na gawin sa kanya iyon ganung napakaswerte na niya sa gf niya... Mapagmahal kasi si number one at maasikaso. Why waste her love to that guy...
*** (spot mo na!!)
Ikatlong araw at nahuhulog na... parang bulalakaw na papabagsak.... sa lupaing nagbabalat kayong mayaman at malusog....

***
Hindi ko man lang napansin na nahulog na ako sa kanya... sila parin ng bf niya... pero kahit na...
Hawak ko na ang kamay niya... sana pati ang puso ay kasama...
Sabi niya hihiwalayan niya na ang iresponsableng lalake... akin ka na...

*** (Hoy scratch ka!!! Spot ko na!!!)

Dumating na ang bakasyon at kasabay nun, ang aking misyong makuha siya ay naganap na. Naging kame pero imbes na magkita, ni isang beses ay di ko sinulpot para makameet.

Baket? Anong problema ko?

May 26, 2005... nakipaghiwalay ako sa kanya... nasaktan siya...

...

wala na akong magagawa...

sorry nalang...

..........................................0000000000000.............................................---------------------------
2nd part...

Wala na si first gf... wala na ang dating samahan... iniwan ko ng lubusan at nalimbag sa libro ng kasaysayan...

Sino ang ikalawa...

Sino ang pangalawa...

Hindi ko na papaliguyin pa...

Siya si Reabelle... mabait (kapag walang sumpong) maapeal (Amf... sexy niya)... sweet (napaka sweet) Nagkakilala kame nung 3rd year hs ako, nasa likod lang siya ng kinauupuan ko noon kaya madaling sumilay sa kanya. Nahirapan nga lang ako ng konti dahil sa kailangan ko pang iliko ang ulo ko. Maganda ang kanyang buhok... masarap kausap... Wala na naman talaga akong masasabi sa kanya dahil di naman kami ganun katagal. Ang natatandaan ko lang ay limang beses akong nagparamdam sa kanya na liligawan ko siya. Pero parang multo lang ako nun, puro paramdam. Napakatorpe ko kasi at pakiramdam ko ay allergic ako sa babae. Nagkalakas lang ako ng loob nun noong nag online siya. Nagchat kami kahit 11 na ng gabi. Hindi kasi ako makatulog nun, medyo bangag sa softdrinks at kelangan munang may pindutin. Responsibilidad ko kasing mag friendster kaya napa online narin ako...

Tulad ng pangkaraniwang usapan sa YM... Ang classical na pambating "Hi!!! Muzta na"
At natapos sa "Bye Luv you po"
Gusto ko siya at alam kong gusto niya rin ako.

BUZZ!!

Natapos ang usapan namin sa isang kontrata na di ko makakalimutan. 1st time kong pumasok sa isang kontratang relasyon. Ayun sa nasabing kontrata... magiging kami sa loob ng isang linggo at kapag hindi na develop ang relationship... break nalang ang katapat ng lahat...

(Hindi ko nga lang alam kung sino ba nagpasimuno nito... Ako ba o siya? Kain kasi ako ng kain ng beans eh...)

Kinabukasan, Lunes... Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ginugood time lang ako ni Reabelle. Pero sa di inaasahang pagkakataon, bumaba siya at hinanap ako... (Feeling ko gwapo ako nung binaba niya ako)

As usual marami ang nagulat, hindi nila kasi inaasahan na magiging kami ni Reabelle... Nagulat at napa "Amen" ang mga di makapaniwala...

Nag usap kami... at sa di inaasahang pagkakataon... blanko ang utak ko... walang mabigkas... nakuha nalang magtanong na kung may klase siya mamaya...
Kinabukasan... nagkasaltik na naman sa utak si Loglog...
Hiniwalayan ko siya pero ngayon may dahilan ako...

Di ko siya mahal...

Mahal ko yung kaklase ko....

--------------
Yoko ng ituloy ito...
Siya na kasi ang pag uusapan...

------------------------------------------
Continuation...

Post: Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Walong Buwan

Tuesday, August 19, 2008

Kasaysayan: Sanaysay at SAYSAY


"Fear history because in it none of your deeds can be hidden" - Andres Bonifacio

Ilan sa mga kabataan ngayon ang nagsasabing ang kasaysayan bilang asignatura ay nakakatamad. Boring daw kung tutuusin... Isipin mo nga naman, bakit pa kailangan pasakitin ang ating mga ulo para kabisaduhin ang mga petsa, pangalan at ilang mga trivia.

COMICS STRIP #1
Teacher: Anong trabaho ang mga pinasukan ni Andres Bonifacio?
Student: (Biglang nagising siya sa tanong na ito at nagtaas ng kamay) Bukod sa pagbebenta ng baston at pamaypay sa kalsada... ahhmm... ano iyon lang..
COMIC STRIP #2
Teacher: Ano ang sinisimbolo ng Pinaglabanan Shrine sa San Juan?
Student: Ang Monumento po ni Andres ay sumisimbolo ng kanyang pagkatalo!! hahaha!!

Trivia tungkol sa comic strip #1 - Bukod sa pagbebenta ng pamilya Bonifacio ng mga baston at pamaypay. Pumasok din si A. Bonifacio bilang sales agent, night watchman, messenger, house keeper, agent at marami pang iba.

Trivia tungkol sa comic strip #2 - August 29, 1896 naganap ang di makakalimutang labanan sa ating kasaysayan. Ito ay ang Battle of San juan... Hindi makakalimutan dahil hindi sa ito ang unang pakikipaglaban ng mga katipunero para sa kalayaan... ang tamang salita ay dahil ito ang unang laban at ang unang talo ni Andres Bonifacio... Dapat palitan ang pangalan ng lugar... Imbes na Pinaglabanan Shrine... ibahin at gawing pinagtalunan...

"Past is past", wika nga ng mga sawi sa pag ibig. Nangyari na ang nangyari, tapos na ito at dapat limutin... LET's MOVE ON!!!

Boring pag aralan ang kasaysayan (Biglang hikab)... Hindi tulad ng Math na may challenge; Find three consecutives even integers such that the sum of the squares of the first two numbers is equal to the square of the largest number.

At ng agham na... Every object in the universe attracts every other object with a force directly proportional to the product of their masses and inversely proportional to the square of the center to center distance separating them. (ang nakakaalam at makakahula ng batas na ito sa syensya ay magkakaroon ng pabuyang kendi... kunin nalang ang 3 pirasong kendi sa pinakamalapit na dentist clinic...)

O nang recess na... "Pare share tayo ng baon..."

Eh ano naman ang sa kasaysayan?

- Alam niyo bang si King LouisXVI ng France kapag umeebs ay kailangan ng manonood. Mga maharlikang Pranses na nasusuotan ng magaganda at nagmamahalang damit ang kanyang manonood. Ang art of letting go kasi ng hari ang responsibilidad ng mga mayayaman noon na kailangan nilang mapanood...

- Noong ikalawang digmaang pandaigdig, maraming pang aabuso ng hapon ang matagal na itinago ng mga biktima sa kanilang alaala. Maliban sa pagpatay, arson, at pagnanakaw... maraming ding pang aabuso sa kababaihan noong panahon ng hapon. Ang mga makasaysayang babaeng ito ay kilala sa tawag na "Comfort women". Ayon sa biktima ng nasabing trahedya, siya at ang mga kapwa niya comfort women ay pinilahan ng 10-25 ng mga hapon bawat isa. Ang nagbigay ng testimonya ukol sa nasabing pang aabuso ay may edad na 15 taon gulang noong siya ay pagsamantalahan ng mga mananakop.

-Pinaniniwalaan ng simbahan noong ang Ptolemy's theory na nangangahulugan na ang araw at ang mga planeta ay umiikot sa daigdig. (Geocentricity) Pinabulaan ito ni Nicolaus Copernicus noong 1543 at sinabing ang araw ay sentro ng lahat ng planeta. (Heliocentricity) Dahil sa kanyang natuklasan, ang simbahan ay inexcumunicado siya. Ipinapatay siya nito dahil sa bagong kaisipan na kanyang ipinahayag na tumataliwas sa paniniwala ng simbahang katolika. Ang kanyang labi ay nakitang nakakalat sa kalsada sa roma noong 1543.

- ang vandalism (ang pagsusula sa pader na walang paalam sa nagmamay-ari) ay nagmula sa grupo ng mga barbaro... Ang mga vandals na kung saan hango ang salitang vandalism ay mga barbarong galing sa hilagang Europa. Sila yung mga mahilig magsira ng mga gusali. Trip nilang sirain ang mga bagay bagay na bunga ng mayamang kultura ng mga romano noon. Wasak dito giba doon, kaya ang makasaysayang salitang vandalism ay isang gawain ng taong barbaro. Mga taong walang aral, talino, kulang sa pansin... at walang magawa sa buhay at napili nalang na ilathala ang kanilang pangalan sa pader para isulat ang "add me sa friendster; Juliong_kulugo@yahoo.com" o kayang ang kanilang cellphone number na pili nilang kinakalat sa buong mundo para makipagbolahan at gaguhan sa di nila kakilala...

- Bukod kay Copernicus, isa pang alagad ng agham ang nakatikim ng lupit ng simbahan noon. Kahit na isang tapat na kristiyano si Galileo Galilei. Inakusahan ang kaawa awang scientist na ito ng maimbento niya ang telescope... Sorcery ang kanyang kaso at habang buhay na house arrest ang kanyang kaparusahan.

- Si Antoine Laurent Lavoisier, isang matalinong pranses ang hinatulang mamatay sa gilotina. Noong panahon ng rebolusyong pranses, napagdiskitahan ng mga rebolusyonaryo na paslangin lahat ang mga maharlika. Lahat ng konektado kay Haring Louis XVI (pinatay din ang kaawa awang hari na ito, kasama ang kanyang reyna na si Marie Antoinette kaya tayo ngayon ay may kilalang wikain na BLOOD MARY) ay ipinila sa Gilotina (isang makinang pamugot ng ulo) Ang biktima ng rebolusyong ito ay umabot ng higit 3000 at tinawag ang karumaldumal na pangyayaring ito sa kasaysayan ng Pransya na "Reign of TERROR"

- Ang tinatawag nating "The Greatest General" na si Antonio Luna ay may ginawa ding karumaldumal na gawain. Pinatay niya ang kanyang may bahay noong nasa France pa sila at nagsasama. Ang dahilan ay ang pagseselos ni mister at agad binaril si misis. Hindi nakulong si Antonio Luna dahil sa kadahilanang siya ay asyano. Ang mga hurado kasing lumitis sa kanya ay naniniwala na ang mga taga asya ay mga barbaro at dapat pagbigyan sa mga kasalanan tulad nito. Barbaro na walang aral at kapasidad na maging sibilisado ang impresyon kay Antonio Luna kaya pinatawan siya ng kapatawaran sa kanyang pagpatay sa kanyang asawa. Kahit na siya ay nabibilang sa mayamang angkan at nakapag aral sa Europa basta may dugong asyano... barbaro parin.. Kahit man ano ang isuot basta galing sa Asya... mababang uri ng lahi ang tingin sa kanila.. Napatunayan ng kasaysayan na ang rasismo ay nakapagliligtas ng buhay.


Eh ano naman ang sa kasaysayan...

Science, Math, recess ay napaka importante... ang nahuling nabanggit ang pinaka sa lahat...

Dahil sa Science may kotse, eroplano, bapor tayo bilang transpo... o kaya ng cellphone, telepono, internet chatting, electronic mail para naman sa telekomunikasyon...

Dahil sa Math may logarithm, radical equations, linear equations, complex fractions na hanggang ngayon ay di ko maintindihan.

Dahil sa Agham may Law of Pendelum, Evolution, Heliocentricity, Relativity, Boyle's Law, Electromagnetism, Law of Gravitation, Law of Motion, at marami pang iba na bunga ng pagiging mausisa ng mga scientist noon...

Dahil sa Math (ehem!! kelangan malakas at mataas ang boses para mafeel ang galit ko sa subject na ito) may mga taong nakakakuha ng markang 75!!! Ggrr!!!

Eh ano naman ang sa kasaysayan...

Dahil sa kasaysayan... may Alexander the great, Julius Caesar, Octavian, Scipio Africanus, Hanibal, Napoleon Bonaparte, Benito Mussolini, John F. Kennedy, Joseph Stalin, Jose Rizal, Mahatma Gandhi, Emperor Dowager, Mao Tse Tsung, Genghis Khan, Adolf Hitler, Franklin Roosevelt... Joseph Estrada...

Dahil sa kasaysayan... may 1st, 2nd at 3rd Punic War, Hundred Years War, French Revolution, War of Roses, 7 years War, Vietnam War, War of Succesion, World War 1 at 2... Persian Gulf War, Iraq War...

Dahil sa kasaysayan may Treaty of Versailles, Treaty of Paris, League of Nations, United Nations....


"Maaring ang ilan sa inyo ay di nakuha ng wasto, ang saysay nito ay isinulat ng pasanaysay, iginuhit sa dugo, nalipol ang milyong buhay. Ngayon at hawak mo ang bunga, ikaw naman ay gumuhit para sa kanila" - Ceteris Paribus (Luigi A. Martinez)


Inflagrante de licto