Monday, November 24, 2008

Ikaapat na Yugto - Super Duper Crush 2 (Huling Kabanata)

Bago mo simulang basahin ang post na ito... gusto ko munang pasalamatan ang mga sumusunod na nilalang...

+ Vess - ang kachat, ka-ikariam, editor, kabobo na walang sawang nagbabasa ng mga kakornihan ko sa buhay. Maraming thank you sayo!!!

+ Dana - ang bestfriend ko na araw araw kong kinukulit para magcomment sa blog ko.

+ Shayne - ka-text na kapwa ko may saltik na ayaw tanggapin na mas trahedya ang buhay pag ibig ko kesa sa kanya.

+ Jha - ka-chat ko na di pa nagkakaboyfriend... Strict ba si mama at papa.

+ Marinel - na nagbibigay sakin ng advise. Salamat sa pinabasa mo... It really helps a lot!!!

+ Wenz - ang babae sa likod ng ikatlong yugto... Maraming maraming salamat...

+ Aiza - si super duper crush!!! Super thank you dahil pinayagan mo na ikwento ko ang kabaliwan ko sayo...

+ Journi - makakalimutan ko ba si talong!!! Ang pinsan, kababata, kaibigan, ka-bisyo, at kapatid!!!

================================================

Wag masyadong seryosohin ang nasa taas, pampahaba lang yan...

Isang notebook at papel na kakalabas lang sa mainit na makina ang hawak hawak ko ngayon. This is the moment!!! Wala ng urungan... Laban na kung laban!!!

Pagpasok ko palang sa tarangkahan ng paaralang pinipilit kong pasukan, nakakaramdam ako ng kaba. Naramdaman ko nga na pilit lumabas sa katawan ko ang tatlong konsensya para sa pagpupulong tungkol sa operasyon na ito.

Konsensya 1: Ayan ang basurahan; itapon mo na yang papel na yan.
Konsensya 2: Go!! Loglog!!! Fight fight fight!!!
Konsensya 3: Basahin mo yung sulat mo. Jologs at korni ang dating... tsaka tagalog na nga madami pang grammatical errors...

Sadya atang naaaning ako ng araw na iyon...

Bagamat hadlang ang dalawa kong konsensya tinuloy ko parin ang aking plano na ibigay ang sulat... Hopefully maibigay ko nga ng maayos sa kanya... Hawak hawak ang sulat, umakyat ako sa 5th floor ng gusali kung saan ko siya matatagpuan...

Nag elevator na ako para di naman ako mukhang galing sa construction site kapag kaharap ko siya...

Nang marating ang tuktok ng gusali, tinanong ko agad sa mga kaklase niya kung asan si super duper crush. Sabi nla paparating na daw ito.

Ilang minuto lang matapos ang paulit ulit na pagtatanong sa mga nabuburyong mga klasmyt ni crush. Agad namang dumaan si SDC, nagcheer pa nga ang bestfriend ko na GO!! Luigi Go!! Go!!! Go!!!

Saglit huminto ang oras at biglang nagkaroon ng pulong ang tatlong konsensya ko. Badtrip!!! Bumaligtad ang konsensya#2 ko. Hindi na siya payag sa pagbibigay ng sulat. Nasuhulan ba siya ni konsensya#1 at 3... Ayun ay nanatiling misteryo!!!

Hindi pa tapos ang araw... maiibigay pa ang sulat...

Seminar nila at pinilit ako ng bestfriend ko na doon ko nalang ibigay ang sulat. Ayaw ko talagang pumasok dahil hindi naman ako invited sa seminar na iyon. Ilang sandali lang, nakita ko nalang ang sarili ko na pumipirma sa sa attendance... at ilang sandali lang rin, nasa loob na ako ng kulungan. Wala ng atrasan!!! Ang misyon ay dapat ng umpisahan... Sayang naman, nasa loob ka na... Ibibigay mo nalang tapos na.

Pagkaupo ko, siya agad ang nakita ko. Tulad ng nakagawian nag ipon muna ako ng lakas ng loob. Iniiwasan ko kasing mahimatay sa harap niya. Ayun kaya kailangan ko ng sapat na pwersa kapag nasa harap ko na siya. Makalipas maipon, hinanda ko na ang aking sarili sa moment na magbabago ng buhay ko.

Heto na... Heto na...

Nakatayo na ako sa aking kinakaupuan. Puno ng lakas ng loob ng biglang...

Narrator: Tulad ng lahat ng telenobela, laging may kontrabida o kaagaw ng bida sa babae... Dahil si Loglog ang nagsulat... Lalabas na siya ang bida sa istorya...

Tama ako nga ang bida... Ehem...

Nakatayo na ako sa aking kinakaupuan. Puno ng lakas ng loob ng biglang may sumingit. Tumabi si kontrabida or I should say kaagaw ng bida (para mas magandang pakinngan) kay SDC. Eksakto na napatingin si SDC sakin. Wala na akong choice kundi ibigay yung sulat.

Sumabay na ako kay SDC para malaman kung ano bang ang magiging sagot niya. Ayun sa haba haba nga naman ng prusisyon maririnig ko rin yung matamis niyang sagot...

Ang sagot niya sa tanong ko na puwede bang manligaw...???

...Hindi muna!?

THE END
Next post: Horror: Bahay
Hindi ako kailanman naduwag!!!
Hindi ako takot!!!
Subukan naman natin ang kakaibang pagsusulat..
Mga Tanong sa Ikaapat na Yugto
1. Bakit siya super crush?
- Basahin mo ulit ang kasaysayan:Ikaapat na yugto: Super Crush, nandoon ang sagot...
2. Bakit parang bitin?
- Kailangan pa bang imemorize yan!!!
3. Hindi ko na gets, ano ang nangyari sa katapusan ng ikaapat na yugto?
- Busted ako mokong!!!
4. Ano ang y8.com?
- Dito ka pwedeng maglaro ng walang sawa ng mga flash games... Try ninyo!!! Nakakaadik...
5. Bakit siya ikaapat na yugto, hindi mo naman siya naging gf?
- Dahil siya ay kasaysayan...
6. May galit ka ba kay Super duper crush?
- Wala?? Its her choice naman... I thank her pa kaya dahil di niya ako pinaasa... gggrrr!!!
==============================================================
To be continued... (sana!!! Hehehe!!!)

3 comments:

yssev said...

First!

hahaha..parang nagcocomment lang aq nito sa mga favorite anime q ah.. hehehe..

hmm..nasali aq sa post ah.. hehehe.. well, u are most welcome.. kaw pa.. malakas ka saken.. hahaha..

aun, natuwa na naman aq sa kakornihan mo.. hekhek.. pero, awkei pa rin ang writing style mo.. kudos!

nga pla..nag-iikariam k p b? tagal n rin kita nde nakachat. nkkamiss k plang adeeek ka.. weee.. hehehe..

oh xa xa. .eexit na..ingatz lagi..:D

Ryzl said...

katuwa aman... hehehe bat "hndi muna" sagot nia?? heheh ^^

Anonymous said...

ano ka ba?! parang wala kang natutunan sa akin. Ang istilo mo ng pagpapahayag mo ng damdamin ay parang labing limang taong gulang ka pa lang. hindi ka man kumunsulta sa akin. magkatabi lang naman tayo ng bahay.

kaylangan pa ba ako ang unang magtanong kung ano ng nangyayari sa iyong buhay? anakanamputchi naman..

sinabing hindi muna? bukas o sa susunod na araw. tanongin mo ulit. tapos gawin mong way yun para manligaw ka sa kanya. kung hindi gumana. madami pang paraan. ako pa!

Inflagrante de licto