Wednesday, September 24, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Walong Buwan

"If there ever comes a day, when we can't be together keep me in your heart, i'll stay there forever" - Winnie the pooh
Tatlong taon na ang nakakaraan ng huli ko siyang masilayan...
Tatlong taong pagkukubli sa madilim at malungkot na nakaraan...
...Kasaysayang ayaw ko na sanang balikan...
Pagkatapos ng hindi kagandahang lovestory namin ni 1st gf at ni Reabelle, na nauwi lang sa misteryosong trahedya. Hinahandog ng "Loglog Production" ang mas wala pang kakwenta kwentang buhay pag-ibig ng ating walang kakwenta kwenta leading actor na si Loglog...
LogLog Production
Presents
IKATLONG YUGTO:WALONG BUWAN
Sa bawat pagtitipa ng letra'y nagsisilbing dugo ang tinta...
Sa bawat wikang tinatapon... alaala niya ay naninigaw sa tenga...
Sa bawat tenga't matang makakasaksi... wag na sanang mabitin.. twitwina.. hahahah!!!
Unang pagkikita palang alam ko na gusto ko siya. Love at 1st sight... NaaaHH!! Binawi ko ang paniniwala kong kagaguhan lang ito. Akala ko kasi isang malaking kalokohan lang ang kantang may liriko na ganun. Hindi pala, biktima niya ako at hopefully nabiktima ko siya. Sa loob ng walong buwan naming pinagsamahan, napakarami kong natutunan. Bukod sa paglabas ng tubig sa mata at pagsinghot ng malabnaw na likido... natutunan kong maging sweet, maalaga, magmahal (*ng totoo)... First time ko ring naramdaman ang halik na puro na pagmamahal... walang halong biro... sa kanya ko lang hinalik ang may feelings. Bata pa ako nun pero alam kong pagmamahal yung nararamdaman ko... Kahit na maraming nilalang ang nagsabing hindi love yun, pilit ko silang pinaniniwalaan ngunit bigo parin ako dahil ayun ang aking naramdaman.
Para mas lalong clear at detalyado ang pagkukwento ko ng talambuhay namin. Hinati ko sa maraming parte ang "Kasaysayan: Ikatlong post. Ang unang parte ay nakatutok sa kung paano ko siya nakilala patungo sa magkahawak na kami ng kamay... EhEm.. Heto na!!!
Morena, makulit, astig (di ko alam ang meaning nun basta ginawad ko lang na ganun siya)... Ayan ang ilan sa mga katangiang nakita ko sa kanya. Sa unang beses naming nagkakilala, tinanong niya ako kung klasmyt ko siya noong enrollment para sa 4th year. Agad akong sumagot na oo, tumalikod na animo'y supladong kagwapuhan. Naturalesa ko kasi ang pagiging suplado, pagbigyan niyo na ako ha...
Matagal tagal din bago nag umpisa ang tunay na klase... 1st day ng class... suplado image na naman si Loglog. Must resist papansin mode... ayan ang mga boses na pumasok sa utak ko. Pero wa epek, nakita ko nalang ang sarili kong 40 inches ang lapit sa kanya at ang masama pa'y parang wala siyang nakikita. Dahil sa bigo ako sa pagtatangka kong magpacute, bumalik nalang ako sa kinauupuan ko at naglagay ng plakard sa likod na nakasulat na anti social.
Hindi ako naniniwala sa tadhana pero kung totoo man siya ewan ko sa kanya... nakakaloko nga dahil ng nag sitting arrangement. Magkatabi kami.. Tadhana ba iyan iho... Hindi...
Hindi ito tadhana... Coincidence lang ang lahat ng ito...
(SIMULA NA NG KLaSE... SIR ANG DALDAL KO)
Dahil sa nature ko ang pagiging madaldal at makwento kaya di ko rin napigilang kausapin siya. Partida may teacher pang nagtuturo nun. Isa pang partida pangalawa ang upuan namin sa harap at 65 inches lang ang layo ng guro ko. Ang tatag ko nga dahil nakuha ko pang dumaldal sa kanya. Nag usap kami ng patagilid para hindi halatang nag uusap. Makulet nga ang pinag usapan namin, tungkol sa ex niya na kapangalan ko pa.
Loglog: ui!! tiba ex mo si Luigi??
3rd Gf: Oo pano mo nalaman...
Loglog: Eh kaklase ko yun nung 3rd year eh. Lagi ko kayang kasama yun.
3rd Gf: aahh...
Loglog: ...
(Biglang singit ni teacher sa tanong na...)
Teacher: Class anong revolution ang nangyari noong 20th century.
(Nakahanap ng paraan kung paano magpapacute ulit... Nerd style)
Loglog: (*taas ng kamay)
Teacher: Mr?
Loglog: Luigi po... noong 20th century ang makasaysayang industrial revolution ay nagsimula at nagbunga ng blah!! blah!! (kunyari may naririnig kayo sa pinagsasabi ko)
Nakanaks!!! Effective yata ang estilo ko... Ngumiti siya at pinuri niya ako. Ang galing ko daw dahil alam ko yun, ang tingin ko sa sarili ko ang talino ko. Tatlong araw na paulit ulit na usap pacute style ang ginawa ko sa kanya. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa pagpapansin sa kanya dahil katabi ko naman siya. Sa unti unting paglapit ng loob namin, ramdam ko nagugustuhan niya narin ako. Wish ko lang totoo...
June 16 nun napagtripan kong mag internet dahil sa tamad na tamad ako. Linggo at responsibilidad ko ng tumambay sa internet shop. Nakachat ko si Reabelle, sinagot niya ako... naputol ng pansamantala ang istorya namin ni 3rd Gf... (for more info read "Lovestory ni LogLog)
Ang aking lubos na paghanga sa kanya ang nagdala sakin para hiwalayan si Reabelle. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko dahil ginusto ko naman ito. Pagkatapos din ng 2 araw ay wala na ang kontratang relasyon... Umaasa kung mahuhulog sa malalim na bangin... si 3rd gf...
Balik ulit sa dating routine bagamat nahirapan ng kaunti dahil nagpalit na naman ng sitting arrangement, tsinaga ko parin para kung sakasakali lang. Pampam mode...
COntinuation ---- Post: Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Kami na Yahoo!!

12 comments:

yssev said...

as usual..bitin..ahaha.. anuveh.. tapusin n kc.. ahehehe.. pero, infairview, alam mo pa kung ilang inches ang pagitan nyo. ahaha. as usual din, aus pagkakasulat. keep it up! gorah!

aLexis said...

hai... kakabitin!

as far as i know c alexandrina ang seatm8 mo db? mahilg lang kaung mgpalt ng upuan hahaha huli k noh!

jowk! ang masayang i-blog n tungkol ke loglog e ung "SUMPA" hahaha

nagetz mo b? hehehe lol

tpcn mo n nga ung story bitin ako!

Anonymous said...

-loglog

sori naman... noong unang tatlong araw magkatabi kaya kami...

tsk tsk tsk...

sus...

Hindi ako nambabarbero... hahah

Anonymous said...

aus yang ganyan mga papansin. hehe. me laman. di kagaya nun mga walang kwentang pahanga lng. puro hangin nmn an lman ng utak. hehe.

peroo biitiiin! haha!
magandang style. nananabik ang mambabasa. =]

Anonymous said...

lech...
bitin p rin..ok lang enjoy nmn...sana lang me kasunod agad..gling ah...ME TALENT ANG GUARDIAN...HEHEHE...

Anonymous said...

hahaha.,
lufet mu tlga
khit kelan tlga.,

ayus ka tlga.,
pagptuloy mu.,

cnu ung luigi ex nia?
de castro?

haha.,
tsktsk

Anonymous said...

ok ngaun..ang gulo..>,< dpat title ng blog mu bitin..

haha puro bitin..prng laging abangan ang susunod na kabanata..haha


pro ok pa din..:)

Anonymous said...

haha..
may mga style din pla ang mga lalake sa pagpapancn!..
pero epektib ung sau..
haha..
magaling magaling magaling..*clap(3x)
pde ka ng magpublish ng story.. at xempre ung story mo ang isusulat mo..
*abangan sa susunod n kabanata

Anonymous said...

.HAySSssZZzzttT.!!
.NKKAkABi-10 NmN..!!
.AhaHaHAH..!!
.NakANaMAn..
.PAtI uNg DistanXa nuNg 3rd Gf mO At NuNg TEAcher..
.NSukAt mO.!!
.GAlING NMn..!!
===BAt MO pA BInlikan Si reabelle?!! hahahah.. (nakikialam???)
>>>cge tMA n tOh.. exit n Ko..!!

Anonymous said...

whahaha...!!
kilala ko na!!!
tindi mo igi!!!
naaliw tlga ko!!!
nkalimutan kong broken ako!!!!
hahahaha!!!! :)

Anonymous said...

lufet mo igi!!!
hanga tlga ko sayo!!!
may talent ka!!!

whahaha!!!
nkalimutan kong broken ako!!!!
:)

Anonymous said...

Bitin....haha..
ex rin pla ni luigi...

Inflagrante de licto