Thursday, September 4, 2008

Kasaysayan: Lovestory ni LogLog

"Your smell serves as a fume of death,your melancholic voice drives me insane. You're a Goddamn Angel on my nightmare. And when awake, an angelic face of nonsense" - Luigi A. Martinez


Hindi ko sinasadyang lokohin sila... di ko lang talaga alam na nakasakit ako...

Ako ang tao na madaling mahulog sa patibong ng pag ibig...

...

Kung nasa pyramid ako ng mga pharaoh, na sangkaterbang patibong at maze siguradong patay na ako...

...

April 29, 2005 una kong sinubukan ang pagpasok sa relasyon. Walang alam at baguhan, totoy pa nga eh...
si 1st gf ay si jane tolentino... nakilala ko noong nag cutting aq kasama ng mga mokong kong kaklase
...

Unang pakikipagrelasyon, ayan ang pinakamaganda sa lahat. Heto yung panahon na kung saan di mo alam ang pasikotsikot ng pakikipag commit sa opposite sex. Daig pa nga ako ng partner ko dahil pang 3 na nya ako samantalang bagito lang ako sa aktibidad na ito.

...
Nagsimula ang aming "LoveStorY" ng sumama ako sa tropapips kong ubod ng mga babaero... Hindi ako karelasyon ni number one (ipapangalan natin sa kawawang biktima ng expose na ito) noon. Klasmeyt kong abnormal (na akala mo gwapings at artistahin kung umasta) ang kanyang bf. Nasa bilyaran kami, siguro mga pito o walo kami... siya lang ang nag iisang babae. Mabait naman siya at friendly. Makwento at kahit papaano ay may sense kausap. Napasarap ang kwentuhan namin hanggang sa parang nakakakonekta kami sa mga kwentong realidad at kwentong yabang ko noon... Natuwa siya sa kabarberuhan ko... at nasayahan naman ako sa pagkukuwento ko... kaya naka second round kami ng kwentuhan... dun din sa bilyaran...
(paano ba iyan ako na ang titira... putcha akin na ang tisa!!!)
***
Ang ikalawa naming paghaharap ay nagsilbi narin papunta sa bawal na relasyon. Inamin niya sakin na namomobrolema siya sa ex niya (na ex friend ko) Mabait siya at naawa ako sa kanya kaya binuksan ko ang tenga ko para pakinggan ang kanyang mga problema. Kulang sa atensyon ang puno't dulo ng lahat. Naisip kong bakit kailangan nung loko niyang bf na gawin sa kanya iyon ganung napakaswerte na niya sa gf niya... Mapagmahal kasi si number one at maasikaso. Why waste her love to that guy...
*** (spot mo na!!)
Ikatlong araw at nahuhulog na... parang bulalakaw na papabagsak.... sa lupaing nagbabalat kayong mayaman at malusog....

***
Hindi ko man lang napansin na nahulog na ako sa kanya... sila parin ng bf niya... pero kahit na...
Hawak ko na ang kamay niya... sana pati ang puso ay kasama...
Sabi niya hihiwalayan niya na ang iresponsableng lalake... akin ka na...

*** (Hoy scratch ka!!! Spot ko na!!!)

Dumating na ang bakasyon at kasabay nun, ang aking misyong makuha siya ay naganap na. Naging kame pero imbes na magkita, ni isang beses ay di ko sinulpot para makameet.

Baket? Anong problema ko?

May 26, 2005... nakipaghiwalay ako sa kanya... nasaktan siya...

...

wala na akong magagawa...

sorry nalang...

..........................................0000000000000.............................................---------------------------
2nd part...

Wala na si first gf... wala na ang dating samahan... iniwan ko ng lubusan at nalimbag sa libro ng kasaysayan...

Sino ang ikalawa...

Sino ang pangalawa...

Hindi ko na papaliguyin pa...

Siya si Reabelle... mabait (kapag walang sumpong) maapeal (Amf... sexy niya)... sweet (napaka sweet) Nagkakilala kame nung 3rd year hs ako, nasa likod lang siya ng kinauupuan ko noon kaya madaling sumilay sa kanya. Nahirapan nga lang ako ng konti dahil sa kailangan ko pang iliko ang ulo ko. Maganda ang kanyang buhok... masarap kausap... Wala na naman talaga akong masasabi sa kanya dahil di naman kami ganun katagal. Ang natatandaan ko lang ay limang beses akong nagparamdam sa kanya na liligawan ko siya. Pero parang multo lang ako nun, puro paramdam. Napakatorpe ko kasi at pakiramdam ko ay allergic ako sa babae. Nagkalakas lang ako ng loob nun noong nag online siya. Nagchat kami kahit 11 na ng gabi. Hindi kasi ako makatulog nun, medyo bangag sa softdrinks at kelangan munang may pindutin. Responsibilidad ko kasing mag friendster kaya napa online narin ako...

Tulad ng pangkaraniwang usapan sa YM... Ang classical na pambating "Hi!!! Muzta na"
At natapos sa "Bye Luv you po"
Gusto ko siya at alam kong gusto niya rin ako.

BUZZ!!

Natapos ang usapan namin sa isang kontrata na di ko makakalimutan. 1st time kong pumasok sa isang kontratang relasyon. Ayun sa nasabing kontrata... magiging kami sa loob ng isang linggo at kapag hindi na develop ang relationship... break nalang ang katapat ng lahat...

(Hindi ko nga lang alam kung sino ba nagpasimuno nito... Ako ba o siya? Kain kasi ako ng kain ng beans eh...)

Kinabukasan, Lunes... Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ginugood time lang ako ni Reabelle. Pero sa di inaasahang pagkakataon, bumaba siya at hinanap ako... (Feeling ko gwapo ako nung binaba niya ako)

As usual marami ang nagulat, hindi nila kasi inaasahan na magiging kami ni Reabelle... Nagulat at napa "Amen" ang mga di makapaniwala...

Nag usap kami... at sa di inaasahang pagkakataon... blanko ang utak ko... walang mabigkas... nakuha nalang magtanong na kung may klase siya mamaya...
Kinabukasan... nagkasaltik na naman sa utak si Loglog...
Hiniwalayan ko siya pero ngayon may dahilan ako...

Di ko siya mahal...

Mahal ko yung kaklase ko....

--------------
Yoko ng ituloy ito...
Siya na kasi ang pag uusapan...

------------------------------------------
Continuation...

Post: Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Walong Buwan

13 comments:

Anonymous said...

ang drama mu loglog haha:P
di ku alam meh ganyan kpang nalalaman i mean kadramahan sa buhay..:)
haha lol
it's nice tho..
continue writing stuff..:)
i mean writing..:)

yssev said...

Sabi sa'yo eh bitin. hahaha. Pero, infairview ganda ng pagkakagawa. Di, nabitin lang kc uzi eh (read: chismosa. haha) na-curious tuloy aq bakit di mo sinipot yung girl. ahehe. Post mo na yung nalalabi pang parts. Para mabasa na. hehe. *atat mode* hehe. pero, kudos! keep it up. yung pagsusulat ah. di ung pang-injan sa gurl. hehe. peace! bati tau! =)

Anonymous said...

bitin men! ibig sabihin nakuha mo interest ko.. yehess! ipagpatuloy mo lang yan! madanda ang love story mo..

aabangan ko yan..

paabot ng tisa pati na rin ung tiririt..

BUZZ!!!

yssev said...

nakakatuwa tlgang basahin ang love sotry mo.. ganda kc ng pagkakasulat/pagkakagawa.. di boring.. pero, bitin pa rin ah.. hehehe.. tuloy mo n pagkekwento..hehehe..

Anonymous said...

bitin! hehe. kwento mo ng detailed para makarelate ako. anong nangyari ke 1st gf? bat di mo sinipot? saka si reabelle ba un? ano ng nagyari sa knya? excited natuloy ako dun sa 3rd part. hehe.

nice naman, at nakukuha mong mag-share ng mga gnyang stories. parang di pangkaraniwan e.

at lumalabas un pagka-historian mo. lalim ng words. di ko masisid. =]

like ko ang style mo ng pagkkwento. bob ong-style. aliw basahin. hehe. =]

keep up the good work! abangan ko un kasunod.

Anonymous said...

haha., kulet ng lovestory mu,
ayan binsa ko na ahh,,
pgptuoloi mo pa yan.,
mraming na gandahan.,
drama mo pla., tsktsk.,

yan n binsa ko na xa.,
haha., tsktsk.,

Anonymous said...

Maganda ang iyong pagpapahayag ng iyong kasaysayan o karanasan. nilagyan mo pa ito napakalaking kaisipan para mag-isip ang mga mangbabasa kung ano pa ang ibang nangyari sa iyong buhay pag-ibig.

Anonymous said...

am: wangya ka log log ka.. bitin man eh!!!bitin...hmpp.. balitaan mo ko, magbulletin ka..pag kumpleto na..ano veh.. oh kaya..chat tayo..kwento mo sakin..weheh.. =P

kainis ka..kala ko naman todo na yun..pano na yan..weeehh..kwento mo..magaling bata..=P

wenkz..sige sige..antay ko bulletin ah..wenk.wenk.wenk.wenk.wenk.wenk..til fade..=P

Anonymous said...

musta na magiting na GUARDIAN...halos mag-collapse ang utak q sa pagbasa...kahilo...cute ng love story mo..d q alam n me gnyan kang luvlyf...ha bata...
pang-teen novel..kso putol kaya pang-comics n lng muna...ABANGAN...
hehe..me ganun moment...hintayin q un karugtong... xxtwo-fourxx

aLexis said...

hahaha parang alm ko lahat ng un ah..

ewan ko lang kung si erepol un mahal mo tlga hindi si reabelle hehee joke

by d way... drama ng buhay mo

emo k b?

hahaha syang sana pinublish mo din ung 4th yr love story mo!!! hahaha

para masaya... dapat mabasa to ni joyce ann..

hehehe lol

Anonymous said...

woi loglog!
pahumble epek ka png nalalaman..
"wala akong talent sa pagsusulat."
muka muh!
hahaha.. infairness magaling ka!
IDOL!

Anonymous said...

.UhMm..
.GrAbe anG dRAmA nG LoVelIfE mo..
.BAt D mO PInUNtAhan UNg guRl?!
.NU BNG meroN?!
.Aahahahha.!!
.DApAt CnBI mO mAn LANg..!!
.PEro NIce..!!
.MAGnDA uNg pGkKGWA..!! ^^

Anonymous said...

hala wala ako.. ok lang heheh..

Inflagrante de licto