"Naglalagablab at sumasabog ang bawat tinig na maririnig"
"Dumadagungdong na animo'y tunog ng kanyon sa parang"
"Na Nagsasabugan sa giyerang walang humpay"
"Sinulat ko lang pero nakakamatay"
Sino ba ang mag aakala na maisusulat ko ulit sa ikalawang pagkakataon ang dapat na hindi ko maisulat... Papel at letra... dugo at tinta... ayan lamang ang aking puhunan na dapat ko na lamang itapon sa basura. Masyado akong nahirapan na alalahanin ang nakaraan namin ni 3rd gf. Bukod sa kailangan kong humiram ng time machine kay Doraemon, puhanan ko rin ang takot na maalala ang dati. Mahirap ito dahil ito ang nakaraan na sana'y kakalimutan ko nalang. Ibabaon sa ilalim ng lupa, ililigaw sa kalawakan.
Masaya ang una, ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima, ikaanim na buwan namin. Masasabi kong pinuno niya ang buhay ko. Naging masaya, bagamat may mga panahong kailangan kong malungkot, magalit... ayan ang maganda sa relasyon... punong puno ng ibat ibang damdamin... parang halo halo.. may ube, gatas, sago, saging, letche plan... at mawawala ba ang yelo... oo ang yelo... yung malamig... yung sobrang lamig...
Teka parang giniginaw yata ako ngayon...
Oo nilalamig ako...
July 15, 2005 - Ang saya ko kinabukasan ng sinagot niya ako. Walang halong biro, parang may mga diwata at anghel ang nasa utak ko nun. Ika-15 ng Hulyo 2005, alam kong bagong yugto ng aking buhay ang tatahakin ko. Pagpasok ko sa eskwela, siya agad ang bumungad sakin. Wala ni isang nilalang sa kwartong iyon ang nakakaalam na kame na ni 3rd gf. Sabi niya kasi sakin na isikreto namin muna sa mga kaklase ko. Ayaw yata ni 3rd gf ng showbiz lalo na't marami sa mga kaklase ko na mga bading na tsismosa. Sinikreto muna namin ito, maging sa Bestfriend niya.Aral aral aral... walong oras na puro guro ang kaharap... aral aral.. zzzz!!
Natapos ang klase at parang nakahalata ang mga mokong kong kaklase. Tinanong nila kame kung may relasyon kami sa isa't isa. Nagtinginan muna kami ni 3rd gf sabay ngiti na nakakaloko. "Oo kame na" sabay yakap sakin ni 3rd gf" (Windelou)
Ang sarap ng feeling... ang sarap ng feeling... parang high lang...
Mabilis na tumakbo ang mga araw at 1st monthsary na namin. Dahil sa unang buwan lang naman ito... di na namin ito masyadong pinagdiwang. Marami kasi kaming ginagawa nun, inaasikaso pa namin yung nakakabwisit na investigatory project. Alas!!! Teka parang may naalala ako. Nag celebrate pala kami kasama ang isa kong ka miyembro sa Science project namin. Nag inuman kami nun sa bahay ni klasmyt... oo!! tama buti naalala ko... Yung ginamit pa nga naming panggastos ay pondo ng grupo namin... hahaha!! Ang saya talaga...
Ikalawang buwan na at para paring walang nabago sa pagsasamahan namin. Mas lalo ko pa siya nakilala ng lubusan. Mas lalo pa akong nabihag sa nakakamandag niyang lason. For the 1st time, nagmonito monita kami... Niregaluhan ko siya ng necklace na ewan ko kung sinuot niya at gel naman sakin... Binigyan ko din siya ng sulat at take note... pinirint ko yun. Sosyal na naman si Loglog... Sa totoo lang nasa akin pa yung soft copy ng sulat kong iyon. Nang mabasa ko ulit yung 1st love letter ko, parang nilagnat ako dahil sa kajologsan ng nilalaman nito...
Ganun ba talaga ako dati... ganun ko ba isinulat sa papel ang mga letrang puno ng kakornihan ko... ganun ka ba talaga loglog!!!
To be continued...
Ikatlong yugto: Kasaysayan: Climax
8 comments:
ba yan ndi pa din tapos?! tsk3., haba nman ng love story., hehehe., sna nxt tym na ggawa ka ng love letter wag computerized mas ma-appreciate kasi ng girl pag sariling penmanship moh un., wla lng., aun!
di ko na sasabihing nakakabitin kasi alam kong alam mo na yun. hehe.
lahat ng mga umiibig e nagiging corny. ewan ko, saja yatang gnun, na pag naiinlove ka e natututo kang magtanim ng mais. hehe. ok lang un, kasi alam mo nmn na bukal sa puso mo un mga sinabi mo sa knya.
pero alam mo, mas sweet sana kung handwritten yun ginawa mo. hehe. =]
saka, maraming nagsasabi, na sa una nga lng daw masaya ang love. hay.
ayun..ang haba nya loglog..akalain mu prang gumagawa ka na din ng diay or journal mu sa lovelife which is really good pra mreflect mu ung mga pagkukulang or pagkakamali mo if ever na meh pinagsisihan ka..:)
good job..:)
Diary* kulang ng type..:)
yeah..epekto yan ng walang magawa nuh?
pro mgandang epekto ng walang magawa..:)
chief advisor, eto na ha..may comment ako. Alam mo tama 'yung sabi ng mga unang nagpost..mas mainam kung handwritten ang love letter.. Anyways, parang nasabi na nga rin nila 'yung gusto kong sabihin. hehe. basta, ayos talaga pagkakasulat mo. i can feel the emotions. may isang part pa nga dun na kinilig ako. hehe. di nga ako nakokornihan. kaya, tapusin mo ha. isa ako sa mga nag-aantay ng continuation. ciao! =)
BUZZ!!!
hanggang kelan ka ba mambibitin?? grr ano pa ba kasi hinihintay mo? pasko?!?! pero ayus ang writing technique mo ah, nareretain mo ung attention ng audience mo! .. at nagiging loyal sila sa page mo kaya bumabalik haha suki! apir!
Pahabol Sulat - oo nga, tama sila, next time dapat handwritten.. ble!
ayan ah..
*ubo* blueberry cheesecake! *ubo*
nkarelate ako dun sa pashowbiz kuno na relationship..
akin kc wla ni isa ang npakilala ko sa parents ko.. ung sau nmn sa mga klasm8s nyo tinago..
hehe.. gets ba? parang naguluhan ako sa cnbi ko..
anyway.. ang galing dn nung kontrata epek.. ang cute! haha..
IDOL!
.OKEi lANg Un..
.GAnuN tLGa.. PAg InLOve n InLove kA.!!
.lAhat nG MGA KAJOLOGAn..kAkOrniHAN..KAbAduYAn..
lUmLAbAs..!!
.PEro PWDe N NmiN DIn uNg GINWa mo n iPrInt UNg LOve lEtter..KAsi kAhit AnoNg BAgAy YAn mAaAPReCiATe nIA p Rin UN BStA't nAnggAlInG ITo SA mAhAl NIA..!!
. ^^
Post a Comment