Monday, November 24, 2008

Ikaapat na Yugto - Super Duper Crush 2 (Huling Kabanata)

Bago mo simulang basahin ang post na ito... gusto ko munang pasalamatan ang mga sumusunod na nilalang...

+ Vess - ang kachat, ka-ikariam, editor, kabobo na walang sawang nagbabasa ng mga kakornihan ko sa buhay. Maraming thank you sayo!!!

+ Dana - ang bestfriend ko na araw araw kong kinukulit para magcomment sa blog ko.

+ Shayne - ka-text na kapwa ko may saltik na ayaw tanggapin na mas trahedya ang buhay pag ibig ko kesa sa kanya.

+ Jha - ka-chat ko na di pa nagkakaboyfriend... Strict ba si mama at papa.

+ Marinel - na nagbibigay sakin ng advise. Salamat sa pinabasa mo... It really helps a lot!!!

+ Wenz - ang babae sa likod ng ikatlong yugto... Maraming maraming salamat...

+ Aiza - si super duper crush!!! Super thank you dahil pinayagan mo na ikwento ko ang kabaliwan ko sayo...

+ Journi - makakalimutan ko ba si talong!!! Ang pinsan, kababata, kaibigan, ka-bisyo, at kapatid!!!

================================================

Wag masyadong seryosohin ang nasa taas, pampahaba lang yan...

Isang notebook at papel na kakalabas lang sa mainit na makina ang hawak hawak ko ngayon. This is the moment!!! Wala ng urungan... Laban na kung laban!!!

Pagpasok ko palang sa tarangkahan ng paaralang pinipilit kong pasukan, nakakaramdam ako ng kaba. Naramdaman ko nga na pilit lumabas sa katawan ko ang tatlong konsensya para sa pagpupulong tungkol sa operasyon na ito.

Konsensya 1: Ayan ang basurahan; itapon mo na yang papel na yan.
Konsensya 2: Go!! Loglog!!! Fight fight fight!!!
Konsensya 3: Basahin mo yung sulat mo. Jologs at korni ang dating... tsaka tagalog na nga madami pang grammatical errors...

Sadya atang naaaning ako ng araw na iyon...

Bagamat hadlang ang dalawa kong konsensya tinuloy ko parin ang aking plano na ibigay ang sulat... Hopefully maibigay ko nga ng maayos sa kanya... Hawak hawak ang sulat, umakyat ako sa 5th floor ng gusali kung saan ko siya matatagpuan...

Nag elevator na ako para di naman ako mukhang galing sa construction site kapag kaharap ko siya...

Nang marating ang tuktok ng gusali, tinanong ko agad sa mga kaklase niya kung asan si super duper crush. Sabi nla paparating na daw ito.

Ilang minuto lang matapos ang paulit ulit na pagtatanong sa mga nabuburyong mga klasmyt ni crush. Agad namang dumaan si SDC, nagcheer pa nga ang bestfriend ko na GO!! Luigi Go!! Go!!! Go!!!

Saglit huminto ang oras at biglang nagkaroon ng pulong ang tatlong konsensya ko. Badtrip!!! Bumaligtad ang konsensya#2 ko. Hindi na siya payag sa pagbibigay ng sulat. Nasuhulan ba siya ni konsensya#1 at 3... Ayun ay nanatiling misteryo!!!

Hindi pa tapos ang araw... maiibigay pa ang sulat...

Seminar nila at pinilit ako ng bestfriend ko na doon ko nalang ibigay ang sulat. Ayaw ko talagang pumasok dahil hindi naman ako invited sa seminar na iyon. Ilang sandali lang, nakita ko nalang ang sarili ko na pumipirma sa sa attendance... at ilang sandali lang rin, nasa loob na ako ng kulungan. Wala ng atrasan!!! Ang misyon ay dapat ng umpisahan... Sayang naman, nasa loob ka na... Ibibigay mo nalang tapos na.

Pagkaupo ko, siya agad ang nakita ko. Tulad ng nakagawian nag ipon muna ako ng lakas ng loob. Iniiwasan ko kasing mahimatay sa harap niya. Ayun kaya kailangan ko ng sapat na pwersa kapag nasa harap ko na siya. Makalipas maipon, hinanda ko na ang aking sarili sa moment na magbabago ng buhay ko.

Heto na... Heto na...

Nakatayo na ako sa aking kinakaupuan. Puno ng lakas ng loob ng biglang...

Narrator: Tulad ng lahat ng telenobela, laging may kontrabida o kaagaw ng bida sa babae... Dahil si Loglog ang nagsulat... Lalabas na siya ang bida sa istorya...

Tama ako nga ang bida... Ehem...

Nakatayo na ako sa aking kinakaupuan. Puno ng lakas ng loob ng biglang may sumingit. Tumabi si kontrabida or I should say kaagaw ng bida (para mas magandang pakinngan) kay SDC. Eksakto na napatingin si SDC sakin. Wala na akong choice kundi ibigay yung sulat.

Sumabay na ako kay SDC para malaman kung ano bang ang magiging sagot niya. Ayun sa haba haba nga naman ng prusisyon maririnig ko rin yung matamis niyang sagot...

Ang sagot niya sa tanong ko na puwede bang manligaw...???

...Hindi muna!?

THE END
Next post: Horror: Bahay
Hindi ako kailanman naduwag!!!
Hindi ako takot!!!
Subukan naman natin ang kakaibang pagsusulat..
Mga Tanong sa Ikaapat na Yugto
1. Bakit siya super crush?
- Basahin mo ulit ang kasaysayan:Ikaapat na yugto: Super Crush, nandoon ang sagot...
2. Bakit parang bitin?
- Kailangan pa bang imemorize yan!!!
3. Hindi ko na gets, ano ang nangyari sa katapusan ng ikaapat na yugto?
- Busted ako mokong!!!
4. Ano ang y8.com?
- Dito ka pwedeng maglaro ng walang sawa ng mga flash games... Try ninyo!!! Nakakaadik...
5. Bakit siya ikaapat na yugto, hindi mo naman siya naging gf?
- Dahil siya ay kasaysayan...
6. May galit ka ba kay Super duper crush?
- Wala?? Its her choice naman... I thank her pa kaya dahil di niya ako pinaasa... gggrrr!!!
==============================================================
To be continued... (sana!!! Hehehe!!!)

Sunday, November 16, 2008

Ikaapat na Yugto: Super Duper Crush


"Lubos ng naging O.A!!! Lubos na!!! Bakit siya super!!?? At ngayon bakit naging Duper"

Kahit anong pilit kong gumising ng maaga, lagi nalang akong huli sa klase. Kaya imbes na pumasok sa nakakatamad na prof, tumatambay nalang ako sa internet shop para maglaro sa y8.com (www.y8.com) Sa 10 sa klase ni prof. 6 lang ang pinasukan ko. Sa anim namang iyon, 1 lang ang pinasok ko ng maaga. At hindi basta bastang late ang sinasabi ko. Hindi 5 o 15 minutes late ang usapan dito. Isang oras akong laging huli sa klase niya. Kaya 30 minutes nalang ang gugugulin ko sa nakakatamad na klase ni prof.

Lubos lubos kong pinagsisisihan ang pagliban at pagpasok ng huli sa klase. Hindi dahil sa nakakuha ako ng 75 na marka at lalong hindi dahil sa wala akong natutunan. Nagsisisi ako dahil di ko man lang siya nasilayan. Lintik kasing orasan, hindi marunong tumilaok!!!

Buti nalang ay pumapabor ang tadhana sa akin. Isa lang ang papasukang klase ni super crush sa araw na iyon at apat na oras naman kaming walang klase. Its show time!!! Plakak!!!

Ang daming tsansa ang tinakbuhan ko. Ewan, parang ang Loglog na dating magaling magpapansin ay nawalan na ng talento. Dehins ko alam kong natorpe ba ako o natural na tanga... Lalapitan ko nalang... Ibubuka ang bibig... magkukwento ng kabarberuhan... kikilalanin si Super C!!! Tapos ang istorya... nabigyan sana ng pag asa!!!

Kumalat na parang virus ang tungkol sa pagkagusto ko kay SDC (super duper crush) Showbiz na naman ito!!! Hindi ako pwedeng iinterview!!! Teka gumana na naman ang palpak kong imahinasyon... nagfefeeling na naman ako...

Habang tumatagal mas lalo ko siyang nagugustuhan. Kaya nga siya naging ganap na super duper... From super ngayon may duper na!!! San ka pa... Heto ang mababaw na dahilan kung bakit siya naging ganap na "Super Duper Crush"... Ito ang kwento...

(Introduction pa lang mahaba na)

May extra-curricular activity sa kolehiyo namin. At dahil activity ang pinag uusapan, medyo nakahinga kami sa gawaing pang utak. Focus ang mga collegues ko para sa gaganaping programa. Praktis na nakakapagod...Praktis na nakakapagod...Praktis na nakakapagod... ayan ang rason kung bakit ayaw ko nito. Si SDC ay walang sinalihang programa sa nasabing extra curricular activity... Ako naman ay papetits petits lang dahil ang sinalihan ko ay hindi na kailangang magpraktis... Pagsusulat kasi ang aking sinalihan at pinagmamalaki ko ng taas noo na olats ako sa nasabing patimpalak... Yahoo!!!

Dahil sa wala naman akong gagawin kundi magpapetits petits. Tumambay nalang ako sa lugar na pinagpapraktisan ng mga ka-major ko. Suporta at panlalait ang aking bitbit at inambag sa kanila. Palipas ng oras ang dahilan ko kung bakit ako nakaupo dito. Tambay, daldal, tambay daldal, kain, daldal ayan ang paulit ulit kong ginawa.

Makalipas ang ilang minuto at parang nararamdaman kong nangangalay na ang bibig ko. Saglit akong naupo para magpahinga...

Pagkasalampak ng puwet ko sa sahig, may naaninag akong babaeng nakatingin sa akin. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko nun. Matatakot ba ako (dahil baka psychokiller ang nakatitig sa akin... kukunin ang organs ko at ibebenta ng por kilo sa med school) Matutuwa (dahil may nakapansin din sa akin... kulang kasi ako sa pansin eh) Malabo ang mata ko kaya hindi ko siya ganun maaninag. Nilakihan ko ng sobra sobra ang aking mata... Rasenggan!!! Ayan medyo lumiliwanag na!!!

Nanlambot, Namula, Namutla, Nanginig, Nangisay, Hinimatay (O.A ka na Loglog) heheh!! At marami pang O.A na galaw ang gusto kong ipaisip sayo... Si SUPER DUPER CRUSH ANG NAKATITIG SA AKIN... Ewan ko kung ginugoodtime niya lang ako nun... Pero kahit na ang akin tumingin siya at napansin niya ako... Tinunaw pa na parang kandila... nyahaha!!!

Ilang araw matapos ang kiligkilig moment ni Loglog, natyempuhan ko si SDC na nakaupo sa bench sa school kasama ang kanyang kaibigan. Should I let this moment pass me by... Naahh!! Nevah!! (English yan hah... paburger ka naman..)

Tinabihan ko sila syempre kasama ang sidekick ko... kailangan talaga siya dahil baka matunaw ulit ako kapag katabi siya... Pampalakas loob ba..

Marami akong nalaman ng makausap ko siya... Bukod sa nalaman kong pinatay ng NPA ang tito niya... (na alam ko naman ang walang kwentang trivia lang ito) Mas malaliman ko pa siyang nakilala... Iba siya promise... Super Duper talaga si Aiza!!!



=======================To be continued...================

Ikaapat na yugto: Super Duper Crush (Huling Kabanata)

Thursday, November 6, 2008

Kasaysayan: Ikaapat na Yugto: Super Crush

"Its a bird, Its a plane... Its superman? No!! Its super crush"

Sa totoo lang maraming beses ko itong sinulat. Burara lang talaga ako dahil ang entry na toh ay lagi kong nawawala... Apat na version na ata ang naisulat ko kaya medyo na pending ang post na ito. Heto na at isusulat ko na si SUPER CRUSH!!! Ang babaing bumaliw sa akin pagkatapos ng dalawang taong break up namin ni 3rd gf.

Sino ba si Super Crush?
Bakit siya super?
At kapag nilagyan ko ba ito ng duper magiging O.A na ako!!!

Sobrang humanga ako kay Super Crush... kaya nga siya super eh... Obvious ba na obsess ako!!! Ang cute cute niya kasi!!! Parang siyang stuff toy na indemand sa tindahan ng laruan. Sa pagkakataong ito, nag simula na namang mabaliw ni Loglog!!! Sa loob kasi ng dalawang taon, medyo medyo sinumpa ni Loglog ang mundo ng mga kababaihan...

Ang lahat ay nagsimula sa simpleng paghanga... na nauwi sa obsession... OBSESS!!! OBSESS!? Hello!!!??

LOGLOG PRODUCTION
Presents
"Ikaapat na Yugto"

Super Crush

Asar!!!
Halos dalawang meeting ang nawawala sa amin.
Nasan na ba iyong professor na iyon...

Ayan ang mga salitang boluntaryong lumalabas sa aking bibig. Badtrip ako ng araw na iyon dahil sa 2 linggo ng di pa namin namemeet ang professor kong abnormal. Nagmamakaawa pa ata kami nun, magklase lang si prof. Aba naman!!! Idahilan ba niyang walang available na silid para samin kaya hindi nalang siya nagturo...

Buti nalang may kaklase kameng masipag na naghanap ng silid para sa mga kaawaawa niyang kaklase. Ayun sa wakas, nagklase na rin kami. Badtrip parin ako sa prof namin kahit nagtuturo na siya ng walang kalatuylatoy!!! Balak ko na nga lang na idrop ang subject niya dahil nakakahawa ang katamaran ni prof. Ngunit buti nalang pumasok sa isip ko na ilang buwan nalang naman ang ikikilos ng orasan tapos na ang paghihirap ko sa pakikinig ng mga nonsense na usapan...

Buti nalang di ako nagpadalosdalos...

Nang pumasok ako sa subject naming dapat dati pa nagsimula, wala na akong ginawa sa kinakaupuan ko kundi lumingat lingat... Tumingin sa paligid baka may isang bagay na magpapawala ng asar ko sa araw na iyon. Tingin sa kaliwa, sa kanan, sa taas, sa baba!!! Hindi sumuko si Loglog sa paghahanap ng gamot!!!... Nagbunga naman ang lahat ng naispotan ko ang gamot na pagkatagal tagal kong hinanap...

Nang makita ko siya... gusto kong sabihin ang "Its a bird, its a plane..." tapos aadlib kayo at makikipaggaguhan sakin ng "ITs superman"... at agad kong dudugtungan ng "Naahh!! Its super crush"

Hindi siya ang nilalang na nasa isip mo na naka kapa, nasa labas ang undies na nakasinturon. Siya ay batang anghel!!! Tama anghel na nagbabakasyon sa lupa para baliwin ang baliw na katulad ko. Siya si Super Crush!!! Tantananantanan!!!

Napatitig ako sa mata niya sa loob ng labinglimang segundo, aayy teka mali!! Labingpitong segundo pala... nakuha ko pang bawasan!!! Sino ba naman ang hindi hahanga sa mala diyamanteng mata. May balak nga sana akong dukutin kahit isa man lang sa mata ni super crush. Maisanla sa pawnshop para makabili ako ng PSP... Buti nalang tinitigan kong maigi kung hindi talagang napagkamalan ko ito.

Nak nak!!!

Sinong hero ang hindi superhero na laging nakahubad!!??
...
...
...
Undress Bonifacio!!! Hahahaha!!! Ang korni ko!!!
Komersyal lang!!!

Natapos na rin ang klase ng nakakairita naming professor. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil wala ng klase o malulungkot dahil tapos na ang pagtitig session ko kay SUPER CRUSH!!!
Pero alam kong may bukas pa... Bababa nga ang pebong hari sa mga matatayog na bundok... Ngunit dadating din ang oras na aangat ito sa pagkakatulog... magkikita parin kami!!! <*nosebleed> Sinapian na naman ako ng kaluluwa ni Francisco Baltazar!!!


ToBEContinued...




Inflagrante de licto