"Ang parte na tinupi, pinunit at sinunog para sa ikakabitin ng blog series na ito. Ang bahaging nawawala... Ang papel na pinampunas nalang sana ng puwet.
Super Duper Crush Revisited"
Habang nakatitig sa kawalan, habang blanko ang isip dahil gusto lang mag relax. Nakahiga sa kama nang bisitahin ako ng mga korning ideya. What if isulat/ipublish ko sa blog ang nawawalang parte na tinago ko sa oven ng mahabang panahon. (Literal na oven yan, wag ng magpakadeep.. di figure of speech yan)
Directors cut kong pelikula ang usapan; Heto ngayon ang idadaldal ko sa araw na ito. Walang kongkretong rason kung bakit hindi ko ito pinublish kasabay ng mga naunang parte. Basta ang alam ko tinatamad akong mag encode noong araw na iyon...
Super Duper Crush (Revisited)
"Ang Nawawalang Parte"
*Nangyari ito mga ilang araw bago ako binasted ni SDC...
P.S (Pahabol sulat)
Magdala ng maraming maraming tissue.. Hardcore toh... madugo... nakakaiyak...
7:30 ang pasok namit at uuwi kami ng 9:00 ng gabi. Sabihin na nating 2 araw lang ang pasok. Pero lintik naman ang schedule na yan, 12 hours kang makikinig ng mga dakilang karanasan ng mga professor, dagdagan pa yan ng mga nakakaantok na sermon, mga english na sangkaterbang grammatical errors at worst walang professor na pakikinggan.. 1 at kalahating lang ang bakante namin at maaring maging 8 oras ito kung nag-AWOL ang teacher ko.
Sa positibong pananaw, minsan kinakatuwa ko pa na lumiban sa klase ang prof na last subject para makauwi nang maaga. Hassle naman kung yung oras ng prof ay nasa kalagitnaan ng schedule at unang subject. Gigising ka ng maaga, maliligo ngnagyeyelong tubig tapos dadatnan mo sa classroom mga teenager na nagdadaldalan. At may magbabalita sayo na naka-mcdonald smile na "Walang klase at isang araw pa ang hihintayin bago ang susunod na subject." Putik antagal nun hah. Buti kung kapitbahay mo lang ang eskwelahan mo. Linsyak!!! Kailangan ko yatang gumastos ng Php.20 papasok at papauwi. (kwarenta pesos kada araw at kung saturday kung saan walang discount ang mga estudyante... dagdag sais pesos)
Teka parang far-out na sa tunay na paksa. Puro student grivances na ito hah... (Ubo!! Ubo!!) Ok nag umpisa lahat nang nag-AWOL ang professor ko sa last subject. Dahil sa gusto ko pang tumambay dahil ayaw ko pang umuwi, wala akong ginawang matino kundi tumunganga sa corridor. Nakipag-daldalan to the max sa mga kaklase kong to the maximmum level din kung usapan ang daldalan..
Makalipas ang ilang minuto ng pagdadaldalan tungkol sa nangyayaring politika sa bansa na napunta sa kabobohan ng mga Pinoy na napunta naman sa eleksyon at natapos sa anime. Hindi ko alam kung bakit nauwi sa Naruto, Voltes V, Gokue ang usapan. Siguro parang napansin ng mga kasama ko na nakakatamad palang pag usapan ang politika. Ang masama nga lang, hindi ako gaanong makarelate sa mga kwentong anime... kaya imbes na manatili sa usapang di naman makakakonek. Napagdesisyunan ko nalang na bumaba sa 5th floor (gamit ang parachute) para magpahangin sa labas. Magpahangin na lamang sa labas ng campus para makalanghap ng sariwang hangin. Putik imbes na fresh air, puro usok ng tambutso ang pumasok sa lungs ko. Napabili nalang tuloy ako ng sigarilyo.. Usok lang din naman ang papasok sa baga ko, bibilin ko nalang ito, nakatulong pa ako sa bayan (Bilyong piso ang kinikita ng gobyerno dahil sa lintik na industriyang ito) Napagtanto ko na wala na rin naman akong gagawin sa loob ng campus. Ano pa ang pinapalagi ko dito. Umakyat agad aq sa 5th floor (gamit ang kanyon sa circus) upang kunin ang mga gamit na naiwan ko sa taas. Nang makuha ang mga gamit, mabilis akong lumabas sa silid. Hindi na ako nagpaalam sa mga kachitchatan ko kanina dahil parang sobrang makakaistorbo ko sa kanila. Masyadong seryoso ang pinag uusapan... Muka silang problemado sa kung sino ang mas malakas si Naruto ba o si Sasuke!!! Jobs done!!! Makakauwi narin at makakapagpahi... May biglang humarang sa akin na mga kaibigan ko na higher year. Niyaya nila akong uminom, at dahil di naman ako marunong tumanggi at ang alam ko lang na isagot ay "Sige." Napasama ako sa kanila para maglaseng. Isa pang dahilan ay dahil kasama sa nasabing laklakan session si super duper crush. Sinama ko rin ang isa kong kaklase para kung sakasakaling ma out of place meron akong makakasama sa sariling mundo ko.

Assstteeggg!!! Kasama ko Crush ko!!! Hindi naman ako gaanong nailang at nanibago sa mga kasama ko. Masaya at sulit namang ang laklakan session kasama sila. Dagdag saya pa dahil sa apat na tao lang ang layo ko kay crush. Makalipas ang isa at kalahating oras, ako na ang tanggero at katabi ko na si super duper crush (kinikilig ako)
Nakasanayan kong magyosi habang umiinom kaya for the 1st time, nakita ako ni crush na naninigarilyo. Astig pa nga dahil humits siya sa yosi ko. Lubos akong natuwa dahil nalaman ko na hindi siya marunong magyosi. Siguro epekto lang ng kalasingan kaya niya nasubukan ang paninigarilyo. Hithit buga siya patunay na dehins siya marunong.
Dumaan ang ilang minuto at napansin kong nahihilo na si crush at humiling na humiga sa balikat ko.
Pabiting tanong: Kung ikaw ay tatanungin ng crush mo kung pwedeng ihiga ang ulo niya sa balikat mo... anong isasagot mo?
Ang sabi ko sa kanya, "Wag kang mahiga, mahihilo ka lalo." Kung pananatsing lang ang habol ko, siguro nakahiga na siya. Ngunit dahil sa nagmamalasakit at gusto kong mawala ang kanyang kalasingan. Hindi ako pumayag.
Underconstruction
3 comments:
amf..bitin na naman.. haha.. nagtatyaga talaga aqng magbasa kahit bitin lagi.. wahahaha..
hay naku... parang alam ko na yung susunod dito dahil nakwento na sa kin ng dingding ng bahay nyong may tenga... sabi pa nga niya, pailang ulit mo na tong na-ikwento... pasalamat daw at napublish mo na. kahit bitin. ayun yung sabi ng dingding.
.hAy..mAgAndA... kAyA lAng BITin NAman..!!
Post a Comment