Saturday, February 21, 2009

DiSConNeCted

Hindi man lang pumasok sa isip ko ang mangarap. Libre na nga lang at walang bayad. Mag-iisip ng kakaiba ng higit sa kakayanan.

Kay rami na ding nilikha ng mga manunulat ang nagpasaksi sa sanlibutan na lahat ay imposible. Mangarap ka, sa tulong ng genie sa lampara, pwede ka ring humiling sa mga fairies, kung gusto mong may kapalit... sa politiko...

Ako ang taong walang kaambisyun ambisyon. Nakukuntento na sa pagkain ng sampalok at paghithit ng sigarilyo araw araw. Buo na ang araw kung magawa ko ito. Walang disposisyon... walang kinabukasan. Rebelde ako, ang kalaban sarili... Ayaw kong mangarap dahil uutuin ko lang naman ang ako. Natatakot sa kakalabasan ng pagiging ambisyoso. Hindi pa man ramdam ang epekto, siguradong iiwas sa kinabukasang hambalos sa pagkatao.

Mangarap ka at abutin mo... Kung kaduwagan ang mamamalagi sa loob, pagsisihan mo ito habang buhay. Maraming pagpipilian... maraming paraan... maraming magiging bunga... makakabuti man o sa kabaligtaran. Ikaw ang kapitan ng iyong barko... ikaw din ang tagalayag, navigator, mga alipin... ikaw ang kabuuan ng iyong tadhana... ikaw ang iyong tadhana... ang mga naniniwala na ang tadhana ay naayon sa guhit ng Diyos... Mga hangal!!!

Mangarap ka para iguhit ang sariling tadhana. Ikaw ang makapagsasabi na iba ka sa nakararami. Hindi mo dapat ibase lahat sa kahangalan at pangkalahatang kamangmangan tungkol sa katotohanan na sinasabi ng relihiyon mo. Maaring mahalaga nga ito sa buhay ng tao pero hindi nito madidiktahan ang patutunguan mo.

3 comments:

Anonymous said...

.xempre nsa tao n rin nmn un kung ano ang gsto niang mangyri sa buhay nia.!!
.hindi nmn msmang mangarap ... sa pangarap nagsisimula ang tagumpay..!! waahahah..!!! xempre kailangan ng maiging pagsisikap para makamit kung ano man un..!!
.ang problema lang sa atin... hanggang pangarap lang tayo hindi ntin binigigyan yun ng aksyon.. eh papano makukuha ang tgumpay?! haist..!!




.......wala lang
.ahahhaha
p.s.
.kung hindi kikilos kailan pa?!
.bsta ako.. pag sinipag n ako ng bonggang bongga..!!

Anonymous said...

hindi mo siguro alam na ang pangarap ang nagsimula sa lahat...



ayaw ko ng away, pero, yun yon...

calandrajackels said...

Casino - MapYRO
Casino - 1750 South Fremont Ave, Las Vegas, 공주 출장마사지 NV 89109. MapYRO Casino. Find reviews, hours, 울산광역 출장마사지 directions, 남양주 출장안마 coupons and more for Casino - 1750 South Fremont 군산 출장마사지 Ave, 경기도 출장샵 Las

Inflagrante de licto