Saturday, February 27, 2010

Ikaanim na Yugto "Boredom



Bago maisipang magbasa marapat munang simulan ang kwentuhan sa post na ito :
Iclick nalang ito: >>>> wapak!!



"Nagsisimula ang silakbo ng damdamin sa maliit na kuwentuhan. Susundan ng kaunting tawanan. Hanggang sa paminsan minsang ngiti. Makalipas ang daan daang pangungusap. Magkahawak na kayo ng kamay at dalawang salita nalang ang kaya niyong sabihin. Mahal kita"
-Loglog


Noong una di ko naman talaga siya napansin. Hindi naman kasi siya ganun kaganda. Typical teenage girl na sa loob ng isang linggo makakasalubong ka sa daan ng limang babaeng tulad niya. Common sa madaling salita. Hindi din matalino at lalong di bobo. Tahimik na walang imik sa buong klase. Parang kulang nalang ay maging rebulto sa altar.

....

Pero sa kabila ng mga negatibong pang uri na ukol sa kanya, di parin maalis na isa siya sa pinaka extra-ordinaryong nilalang na dumaan sa buhay ko. Di siya alien at lalong hindi superhero na laging nandyan sa tuwing may nagsisigaw ng tulong.

Siya si Rose Ann... Hindi superhero at lalong hindi taga ibang planeta. Mabuti siyang bata sa pagkakakilala ko noog high school kami. Bagamat wala siyang imik sa tuwing nagkukwentuhan kami at wala siyang ginawa kundi ngumisi. Madami dami naman akong natutunan sa kanya. Yun nga lang hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung ano?

....

Anim na taon ang nakakaraan, medyo may kalabuan na ang "flashback" dahil matagal na ngang naganap. Mahirap nang alalahanin sa madaling salita... Pero sige game itutuloy na **

....

Isang nakakatamad na umaga ang bumungad sa akin. Paulit ulit naman kase. Halos tatlong linggo na akong gumigising ng maaga para magpaattendance sa mga guro. Hanggang ngayon may jetlag pa din at bakasyon pa ang laman ng isip ko.

....

Konting pandesal na isasawsaw sa mainit na kape.. Solve!!! Ligo ng mabilisan dahil nagyeyelo ang tubig... Ayos na!! Ready na sa eskwela...

....

Pagpasok ko parehong mukha parin ang sasalubong sa akin. Walong taon palang akong nag aaral pero pakiramdam ko nawawalan na ako ng gana. Pagpasok mo palang sa tarangkahan ng paaralan parang gusto mo agad na lumiko. Mas nanaisin ko pa yatang magkompyuter nalang kaysa makinig sa mga sermon ng ni Mam... Wala na akong "morale" na pumasok sa paaralan pero ayaw ko namang bumagsak sa ikalawang lebel ng High School. Magkakaroon naman siguro ako ng pangarap sa hinaharap kaya obligado pa rin akong sumagot araw araw ng "present"

....

Pagkatungtong ng paa ko sa silid, may titser nang nagtatawag. Patay na!!! Nasa "S" na ang apelyido, absent na naman ako. Bago pa man magtuloy tuloy sa loob ng klase ni mam. Nagsalita muna akong mag isa. "Good morning mam, good morning classmate!!! I'm sorry I'm late!" Hindi ko alam kung tradisyon na ito ng mga estudyanteng palaging late o voice recognition ng mga titser para malaman na di ka taga-ibang planeta. Walang imik si Mam kaya dumiretso ko ng tinungo ang trono ko.

....

Matapos ang una, ikalawa at ikatlong "subject", sunod na ang pinakapaborito kong oras... Ang "Lunchbreak" Pero di gaya ng pangkaraniwan kong "breaktime," Hindi ko ginamit ang bakanteng oras para kumain. Imbes na tsumibog ng mga mamantikang ulam sa kantin, mas naisipan ko nalang makihalubilo sa mga kaklase kong "favorite ang zesto at skyflakes bilang pananghalian.

....

Tiningnan ko isa isa ang mga kaselda ko... Mukha namang normal lahat. Sarap na sarap sila sa produktong ginawan ni Robin ng punchline. Una kong nilapitan si Rose Ann. Gusto ko sanang humingi ng skyflakes pero di pa kami close. Kailangan ko munang kunin ang kanyang loob saka ko hahablutin sa kamay niya ang habol ko.

Ayaw kong sirain ang masarap niyang pagkain ngunit dahil sa "necessity" wala na akong pagpipilian. Nagtanong ako sa kanya kung ayos lang umupo sa tabi niya. Gaya ng inaasahan di naman siya tumanggi.

....

Hindi ko na matandaan kung paanp ba nagsimula ang kuwentuhan. Nakalimutan ko na rin ang "topic" namin nun. Basta isa lang ang nasisigurado ko. Skyflakes ang habol habol ko!!!

....

Napasarap ang usapan naming dalawa kaya kinabukasan pinagpatuloy ulit namin ang non-sense naming usapan. Dumaan ang ilang mga araw at dumating kami sa punto na sapilitan ko ng pinalilipat ang "seatmate" niya. Wala na akong habol sa binabaon niyang skyflakes.

Hindi na ako nag iinterest sa malutong, malinamnam, amoy fresh na tinapay na naka-wrapper. Ayaw ko na nang skyflakes, siya na ang gusto ko... Curse you skyflakes!!!






Saturday, February 6, 2010

Ikaanim na Yugto "Prologue"


"Love distills desire upon the eyes, love brings bewitching grace into the heart."
-Euripides


Halos anim na taon ang nakalipas nang mag simula ang pahina namin sa nobelang ito. Bago pa man makilala ang limang babaeng nagtrip sa "chaotic" kong buhay, nauna na siyang gumulo nito. Siya ang ikaanim kong inirog bagamat nahuli lang ng konti naging mag on din sa bandang huli. Anim na taon din ang nilakbay ng aming kwento bago pa man kami naging mag boypren at gelpren. Maraming dumaang paepal sa aming lyf bago napagtripang "Tayo nalang Bogs"

Isang istoryang tumakbo ng higit limang taon. Di ko masasabing tuloy tuloy ang kabalbalang ito. Paputol putol ang kwento parang kung kailan lang nasa mood o tinadhana ni San Pedro kami nagtatagpo. Masasabi kong kay inam naman na nakilala ko siya. Alam ko ding masaya siya kahit papaano. Kahit sa bandang huli parang natapos lang sa ewan ang lahat. Pero bago ang kaewanan. Bago ang pagsisisi sa huli tiba dapat yung umpisa muna na bulag pa kaming dalawa sa katarantaduhang kung tawagin ay pag ibig...?

Tama heto ang simula...

2nd year high school ako noong nung magtagpoang landas namin. Batang bata, walang alam sa ikot ng buhay, naniniwala pa na ang mundo'y maraming butterflies, unicorns, mababait na elves at masasayang payaso. Sa madaling salia okies pa ang layf... Di ko pa kasi nakakameet ang greatest sagabal sa buhay ko tulad ng mga professors, guards at... at... professors na malupit...

Dalawa nga lang sa tinging ko ang problema ng 2nd year students, ito ay ang pagkaparanoid sa pag iisip kapag naging 3rd year na at ang sandamakmak na tigyawat na mahirap maalis. Dito kasi dumadating sa isang tao na kailangan mo ng magtraining sa pag aalaga ng iyong katawan. Mangangamoy ka na kasi sa "stage" ng kabataan mo kaya kailangan mo na ding mag tawas o mag roll on...

Ang maganda lang sa 2nd year ay panahon ito na kung saan batang bata ka pa pero kaunting hakbang dalaga at binata ka na. Hindi tulad ng 1st year na karamihan ay nagpupunas ng sipon sa kwelyo ng unipormeng pinalantsa pa ni mama... o kaya ang 3rd year at 4th year na nag uumpisa kang mahook sa masamang bisyo. Masasabi ko pa ding maayos ayos pa ang unipormeng suot suot mo at di gusot noong 2nd year ka kamo.

Ibang klase talaga ang 2nd year kagaya ng babaeng nakilala ko. Simple, cute at pakiramdam ko hindi pa nakakaranas makagawa ng mortal sin. Super bait niya kasi. Doon niya ako nadale. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig sa tupa pero pagdating sa kanya tumitiklop ako.

Isang araw maaliwalas ang panahon. May mga butterflies, lumilipad na pegasus, tumatawang elves, nagsasayaw na mga may mukhang puno sa paligid ko... (wag isiping adik si sumulat... talagang madami akong imaginary friends noong bata pa ako...) Ilang linggo na ding nag uumpisa ang klase. "Stable" pa naman ang buhay estudyante ko. Kaunting takdang aralin, di kahirapang pagsusulit, kakarampot na chalkdust sa sahig, malinis na silid. In short, malayu layo pa ang end of the world. Di pa nanggigipit ang mga guro kaya dapat magpapetiks petiks muna. Ayos ang ambiance ng silid... siguro naman mas ayos ang mga kasama kong nakaupo. Maraming bagong mukha... Bagong personalidad... bagong tao.. Friendly yata ako nun o walang sumpong kaya panay ang lipat ko ng upuan... Nangangapit upuan na tila nangangapanya para ibotong pangulo ng klase...

(Di naman talaga ako nangapit upuan... isa lang naman ang tinabihan ko bukod sa seatmate kong weird kausap)

Sino pa eh di si Rose... Tama si Rose...



-----------------------------
Kung nasagwaan ka sa simula... mas masasagwaan ka sa susunod na kabanata...

Heto ang pagpapatuloy ng kwentong pag ibig ni Loglog...

Heto ang pasuka... pindutin mo nalang >>> -()-



Inflagrante de licto