Monday, July 12, 2010

Ano sabi niya?

Ang lenggwahe ang pinakasandigan ng pagkakaintindihan at pagkakawatak ng tao. Marami na ding digmaan ang nilikha ng di pagkaka unawaan ng tao. Pero kahit naman magkataon na iisa lang ang lenggwahe ng daigdig, mauuwi pa din tayo sa hindi pagkakasundo. Ang salita, titik, pangugusap ba ang problema o talagang tao mismo

Hindi ko na nga dapat itanong ito sa inyo dahil alam ko naman na tao ang isasagot niyo. Gayong tao nga at hindi ang lenggwahe ang salarin ng di pagkaka unawaan ng tao. Pilit pa din nating nilalayo ang ating sarili sa kasalanan. Tao nga may sala pero malinis ang konsensya ng lahat. Walang gustong maging parte ng problema at maging solusyon nito.

Komunikasyon?

Pagsasalaysay, debate, pagtatanong, tsismisan, daldalan ng mga estudyante, palitan ng murahan ng mga magkakapitbahay, knack knack joke ng mga kongresista at senador, maka-tulong laway na SONA ng pangulo at pagmamakaawa ng pulubi sa kalye...

Ayan ng komunikasyon...

Bata pa man, nag uumpisa nang mahasa ang tao sa tama at wastong paggamit ng mga salita. Ang normal na bata ay may alam na pitong libong salita. Kasama na doon ang Putang ina mo, gago, tanga at pak yu....

Dalawang bata naglalaro sa harap ng bahay namin

Bata1:
Iiyak na yan...
Bata2: Putang ina mo!
Bata1: Tang ina mo minura ba kita.Pikon. Pakshet!
Bata2: Putang ina mo! Putang ina mo! Baho ng puke ng nanay mo!

Mamaya maya dumating na ang matatanda para pangaralan ang mga bata...

Matanda1:
Lintik na mga bibig niyo! Ayan ba ang tinuturo ng magulang niyo...
Matanda2: Mga putang inang mga yan... dito maglalaro tapos mamaya maya magmumurahan... mga Putang ina talaga..
Matanda1: Mga Putang ina ninyo... magsi uwi na nga kayo sa mga puke ng mga ina niyo.

Kung akala niyo tapos na ang makulay ng usapan ng matatanda at bata baka dun ay nagkakamali kayo...

Bata1:
Putang ina mo! (Sabi sa mga matatanda)
Bata2: Pak yu! (Naka turo ang hinlalaki sa matanda din)

Ang kabataan ay pag asa ng bayan - Dr. Jose Rizal (Naka crossfinger si Rizal)


Sabi ng titser ko, ang salita ay nagmula daw sa mga tunog na likha ng kalikasan. Impluwensya raw nito ang mga kanta ng ibon... wasiwas ng sanga ng puno, pagkulog, pagpatak ng ulan at marami pang mga iba't ibang mga ingay na likha ng paligid... Mapalad pa din ang tao na naunang nadiskubre ng tao ang komunikasyon kaysa sa cellphone... Sa awa ng Diyos, (hingang malalim) Isipin mo nalang kung nauna ang cellphone na ma imbento. Siguraong malaki ang magiging impluwensya nito sa pagmumura ng tao... Magmimistulang mga robot ang usapan ng tao... Ang mas masakit pa doon ay ang mga parrot na gumagaya sa sinasabi ng tao ay nagsasalita nalang ng tunog Nokia Tune... tsk!

Iba na talaga ang narating ng lenggwahe ... nagsimula sa "non verbal" na pag uusap noong unang panahon... hanggang sa paggamit ng mga larawan na napunta sa latin na inugatan ng Ingles, Pranses, at Spanish... Ang dating lenggwaheng latin na karaniwang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa Europa ay na phase out na sa dila ng mundo at common na ginagamit nalang sa pangsimbahan at pangkulam... Nagpapatunay na wala talagang permanente sa daigdig . Umiikot ang mundo at kasabay nun ang paraan ng pakikipag usap.

Sa Pilipinas palang, kung ikaw ay sumubok na magkulong ng limang taon. Paglabas mo, Ibang iba na agad ang paraan ng pag uusap. Gay Language o gay-Lingo ang in, limang taon ang nakakaraan. Mapa bakla, tomboy, straight na lalake at straight na babae ma'y na hook sa makabagong salitaang ito...

Natatandaan ko tuloy noong dekadda 90's, usong uso ang pagbabaliktad ng mga salita. Halimbawa ang salitang takot ako ay ginagawang oka tokat o ang gago na ogag Kung mabagal at di sanay sa paraang ganito. . wala ka ng choice kundi maghanap ng puno at doon magbigti...

Sa kasalukuyan, bagamat ang gay language ay hindi pa din naglalaho o nababawasan ang gumagamit. May isa na namang rebolusyon ng makabagong pananalita. Hango ito sa paraan ng pagtetext at malamang maging parte na din ng diksyunaryo... Jejeje


Buwan ng wika...

(UnEdited)


2 comments:

j said...

waahahha .!! ayos .!!

Anonymous said...

Linggo pala ng wika un -CP

Inflagrante de licto