Saturday, April 25, 2009

Alamat ng Mahiwagang Mikropono 3

"Ang tunay na kagandahan ay hindi makikita sa panlabas na kaanyuan lamang. Kung ganun pala tara balatan natin siya."


Para sa Babasa:


Hindi lubos na maiintindihan ang post na ito kung hindi babasahin ang nauna. Ito ang sequel ng nabiting inuman nina Loglog, prinsipe ng mga syokoy, mga alipores at nang nakabibighaning prinsesa. Wala ang ikatlo at ikaapat kung wala ang una at ikalawa. Heto ang link patungong "Alamat ng Mahiwagang Mikropono 1 & 2"



ALAMAT NG MAHIWAGANG MIKROPONO 3



Tumba ang tatlong ungas, panalo si Loglog sa digmaan. Maliban sa akin, hindi parin bumibigay ang kahalihalinang prinsesa. Kung sa bagay huli siya ng apat na oras sa tagayan. Inabot din ng pitong oras bago ma-knock-out ang prinsipe ng mga syokoy at kanyang dalawang alipores. Kung nahabaan kayo sa tagal ng inuman namin, wag mong isiping malakas akong uminom ng alak. Ang totoo nga nyan, bukod sa sobrang tagal tumagay ng mga ungas, gumamit din ako ng strategy para maka-survive sa laklakan. Wika ng mga partisipantes sa "Fear Factor"... Strategy!!! Mabisa yata ang kunyaring tagay strategy kaya hanggang ngayon alive na alive and kicking pa ako. Hindi tulad ng prinsipe na lasing na lasing at walang malay tao. (Teka parang hindi akma, tama yatang malay syokoy)


Wala na ang mabagsik na kuya. Tulog narin kasama niya ang dalawa niyang alipores na magiging kaagaw ko sa pagpapacute sa prinsesa. Right timing na para isagawa ang banal na hangarin. Wala ng sagabal, wala ng hadlang... Nagwagi na naman ako sa mga hangal na ito... Bwahaha!!!


Getting To Know Each Other???


Bago mo makilala ang tao, kailangan mo siyang kausapin ng personal. Hindi mo na kailangan magtanong sa iba, mauuwi ka lang na mapanghusga tulad nila. Nakuha kong makilala ang prinsesa sa aming maigsing usapan. Ni isang sagabal ay walang humarang sa aming talastasan. Mahimbing ang tulog ng kuya niya kaya madali kong nabuksan ang mga paksa tungkol sa kanya. Masarap kausap ang prinsesa dahil sa likas niyang pagiging madaldal ngunit may laman. Matalinong kausap ang prinsesa. Dami kong natutunan at nalaman tungkol sa kanya. Kahit minsan bobo akong kausap, napagtatyagaan parin niyang ipaliwanag ang mga bagay na nagpapagulo sa akin. Turn on kasi ako sa madadaldal na may laman. Turn-off naman ako sa madaldal na ang alam lang yatang pag-usapan ay mga mamahaling pabango na esteyt sayd, make-up, sabon, usong sapatos, usong damit, sikat na hollywood artist, in na in na unit ng cellphone... blah! blah! blah! blah! blah!... Makikita mo nalang akong tutungotungo at naglalaway ang bibig. Biglang aantukin at nanaisin nalang na kausapin ang butiki sa kisame ng bahay namin kaysa sa iyo.

Tulad ng nakagawian ng lahat, lalake ang nagbukas ng usapan. Ako ang nag umpisang nagparamdam sa aming dalawa. Syempre ang paksa ay simula muna sa scratch. Inumpisahan ang usapan sa misteryosong laman dagat... Ang kuya!!!


Mabait daw ang kuya niya ayon sa prinsesa. Kahit na minsan ay sobrang protective daw ng syokoy, hindi naman humahantong sa pakikialam sa buhay niya. Basta ipakilala niya muna ang nobyo sa kanyang kuya. Kikilitasin naman ng syokoy ang bf ng prinsesa na parang bumibili lang ng isda sa palengke. Dadamahin kung frozen o bagong katay. Ganyan ang kuya niya.

Matapos ang pagsasabit ng sampaguita sa leeg ng kuya. Iba't ibang hindi importanteng paksa ang napag-usapan. Sa mga paboritong music genre, nakakaantig na buhay pag ibig ng prinsesa, nakayayamot na buhay pag ibig ng prinsipe at nakakabaliw na argumento tungkol sa pagkakaiba ng pinto sa pintuan. Marami pa kaming pinag usapan pero dahil sa kalasingan ko, dehins ko na naalala ang iba.

Inabot din ng tatlong oras ang kwentuhan marathon. Naririnig ko na rin ang tilaok ng mga manok. Ibigsabihin nalalapit na ang paggising ng kuya. Agaran ng mapuputol ang aming pinagsamahan kapag nagising na ang tatlo. Hindi na ako basta basta makakadikit sa prinsesa dahil nakabantay na ang prinsipe ng mga syokoy. Badtrip!!!

Buti nalang ay di ako nagdilang anghel. Nakikisama ang lasong ininom nila kanina. Wala ni isa ang bumangon. Ang tatlo'y nananatiling nakikipagsapalaran sa mundong likha ng imahinasyon at latak ng alak.

Salamat monosodium glutamate (a.k.a vetsin) Maasahan ka talaga kahit kailan...!!!




To be continued...

Thursday, March 5, 2009

Magic Wand - "Hiwaga ng Sobre"

"If the misery of the poor be caused not by the laws of nature, but by our institutions, great is our sin."


-Charles Darwin

Magdadalawang dekada narin akong sumasakay sa jeepney. Ang karaniwang transportasyong ginagamit ng pobreng si Juan para makarating sa paroroonan. Mahigit pitong dekada ng nakikipagsapalaran sa kalye ng Pilipinas. Suot lang ang baluti ng kultura at pananggalang prinsipyo't paniniwala. Pero depende rin pala sa piloto ang magiging tema ng kanyang ikalawang bahay. Paminsan minsan ang tema at dekorasyon ay pampamilya. Makikilala mo na nga ang asawa, mga anak at alagang aso ng tsuper. Kadalasan nakalagay pa ang pangalan ng lolo, lola, tito, tita, ninong, ninang, tatakbong mayor, paboritong presidente at re-elect na aso. Kung masipag manaliksik maaring ang isa sa nakalagay sa mga dingding ay kiridang kalive-in ni Manong. Astig...


Bukod sa mga pangalan ng mga kamag-anak at pagiging sweet lover, mababanayad mo sa kanyang jeep ang mga religious icons. Aakalain mong nasa simbahan ka at si Manong ang nagmimisa. Boy scout si Manong driver na laging handa sa mangyayari. Makakapagdasal ka na nga rin ng taimtim kung sakaling iliko ni Manong sa langit ang destinasyon mo. Makakapagkumpisal ka na sa mga kasalanan mong ginawa tulad ng pangongodiko sa subject ni Mam Konsintidora, ang pagtetext mo ng bastos na joke sa crush mo at higit sa lahat ang paghiling kay Bro na sana mamatay ng makatao ang propesor mong halimaw magpagawa ng proyekto.


Maliban sa mga nasabi sa itaas. Ang pinaka-importanteng matututuhan sa loob ng sasakyang ito ay ang mas lalong magiging bukas ang iyong mga mata sa tunay na lagay ng lipunang kinatatayuan ng mga paa mo. Hindi it ang araw araw na traffic marathon na pinoproblema ng MMDA., hindi rin ang kilokilometrong daan na parang hinambalos ng intensity 7 na lindol, at siguradong hindi ang mga nakakairitang billboards ng mga politikong papogi na dalawang taon palang bago mag halalan nangangapanya na. Bagamat representasyon ang mga nabanggit sa usad pagong na ekonomiya at (marumi) napakaruming pulitika ng bansa. Hindi parin ito ang tuwirang magmumulat sa mga matang nabubulagan ng urbanidad at kunong pag- unlad.


"Manong Para!!!"


"Teka bayad mo!!!"


"Aaayy pasensya na ho!!! Heto po estudyante!!"


"Lulusot ka pa!!!"



Sa pagkatagal tagal kong paghihintay ng masasakyan, sa wakas naidikit ko na ang puwet kong ngawit na ngawit. Ganito pala ang pakiramdam na makisabay sa rush hour. Para ka lang nakikipagtrip to Jerusalem. Bawal ang babagalbagal kumilos dahil mauubusan ka nang mauupuan. Kung gusto mong makasakay agad. Kakailanganin mo pa ang "wrestling manual" ni Hulk Hogan at kapal ng mukha ng mga politiko. Bawal ang gentleman kapag nagmamadali ka dapat handa kang makipagbalyahan kahit sino pa yan.


"Isa pa sa kanan... dalawa pa sa kaliwa... Urong pa ho Manong... Uso po sa Jeep ko ang walang hingahan..."


Sa kabilang banda masarap sa pakiramdam kapag nailapat mo na ang puwet mo sa upuan ng jeep. Matapos ang pakikipagbuno at matikman ang siko ng kapwa mo pasaherong handang makipagpatayan para makapasok sa sagradong jeepney ni Manong... dadating din sa punto na "You can kickback and relax.."


Buenas na ring maituturing ang nasakyan ko kahit na isa sa kapwa ko pasahero ang may naagnas na kilikili. Music lover si Manong driver kaya may libreng tugtog. Halatang tagahanga si Manong ng estasyon ng radyo. Kasi kahit na hindi musika at DJ lang ang nagdadadaldal ng walang habas at tumatawa na parang end of the world na bukas, hindi parin niya nakuhang ilipat ang pinakikinggan. Lihim na ngumingiti si Manong habang nakikinig ng radyo. Yun nga lang pinoblema ko pa kung natatawa ba siya sa joke na binabagsak ng DJ o sa tawa nitong nakakatawa naman talaga.


Tigil ng apat na minuto... kaunting andar na 2 minuto. Trapik na naman!!! Wala nang natutuwa sa loob ng jeep. Kahit si Manong driver ay naka-isnib narin ang bibig. Wala ng epekto sa kanya ang mabangis na tawa ng parang lokaret na DJ. Lahat ay nakasimangot na, lahat badtrip, lahat nayayamot, lahat nagmamadali!!!... Milyong piso ang nalulugi sa mga kumpanya dahil sa mga nahuhuling materyales, legal na dokumentado at mga late na empleyado. Maraming nabubulyahan ng mga boss at kung minsan ang minamalas dahil sa trapik ay natatanggal. Ayan lang naman ang maliit na epekto ng heavy trapik.


"Baba na po kayo... Sobrang trapik ho kasi... malapit na naman po ang bababaan... limang kilometro nalang naman ho..."


Makatapos makalagpas sa isanlibong intersection ng jeep ni Manong, natapos na din ang deliryo at usad pagong na andar ng sasakyan. Nabawasan ang kakumpetensya sa espasyo ni Manong kaya nabawasan narin ang tensyon sa loob ng jeep. Bumalik na ang sigla ni Manong at nakakangiti na sa mga Joke sa radyo... Ang mga kapwa ko pasahero naman ay may kanya kanya ng mundo. Abalang abala sa pagtawag sa boss dahil malelate sila at ang iba nama'y nagtetext sa kautuan para libangin ang sariling pagkabagot. Na out of place pa kami ni Manong driver dahil kaming lang dalawa ang walang cellphone. Lahat ng pasahero maliban sa akin ang abala sa pagpipindot. Jackpot ang holdaper na pumara sa jeep dahil bigatin ang cp ng kasama ko ngayon. May de-kulay, may de-cam, may mp3, may de-stick. Bonus pa ang mp4 ng magandang dalagita sa harap ko... Tiba tiba si Manong Holdaper nito. Kikita siya ng 35,000 mahigit na diplomasya at kaharasan lang ang dala-dala sa bulsa. Ganyan pala kadali kumita ng pera. Dehins mo na kailangan ng diploma o anumang papeles na nagpapatunay na tao ka at di alien. Hindi mo na rin kailangan magbitbit ng sariling upuan sa tuwing iniinterview ka ng kapwa mo uto-uto. Swerte, lakas ng loob at liksi lang ang puhunan. Saan ka pa!!??

Bumaba ang dalagitang may mp4 at sumakay naman ang batang madungis. Parang walang magulang ang bata sa itsura niya. Mula ulo hanggang paa madumi. Siya ang batang bersyon ng taong grasa. Siguro dalawang dekada ang makalipas isa na rin siyang ganap na taong grasa. Inabutan ako at kapwa kong de-cellphone ng sobre. Sa likod ng legal size envelope may nakasulat na "Kahit konting barya para sa maysakit kong kapatid." Naantig ang damdamin ko sa nakalagay sa likuran ng sobre. Pero ako lang yata ang nagtiyaga na magbasa sa hiling ng kawawang batang taong grasa. Abalang abala kasi sa kakatext ang mga kasama ko sa jeep. Nakakahiya naman sa kanila kung iistorbohin ng batang nanghihingi lang ng maliit na barya.

Dahil sa awa, napahugot ako ng trenta pesos sa bulsa para ibigay sa bata. Pero bago ko pa man maiabot ang mumunting barya naitanong ko sa kanya kung kaya niya bang basahin ang nakasulat sa likod ng sobre. Sinubukan ng batang intindihin ang hiling niya sa likod ng sobre. Pero bigo siyang masagot ang simple kong katanungan.. Kung bakit niya kailangan ng barya? Sa aking pagkadismaya inabot ko sa batang taong grasa ang sobreng walang laman. Sinundan naman ng abalang abalang mga kapwa ko pasahero. Tulad ko, bakanteng sobre ang inabot nila sa kaawa awang bata. Sa kanyang pagbaba sa jeep na pugad ng mga makukunat na tao, lumipat siya sa kalapit na jeep , baka dito suwertehin siya.

Kung mabigyan ko ng pera ang bata may magbabago ba? Maaring ang maliit na halagang yun ang makabili ng ulam at kanin sa araw na yun. Pero bukas paano na? Habang buhay ba silang manghihingi? Ang kinakatakot ko sa lagay ng bata ay kung alipin ang kanyang murang pag-iisip ng mga sindikato. Malaki ang posibilidad lalo nang hindi pa masolusyunan ng manhid na pamahalaan ang problemang 500 taon ng nakabitin sa pagkatao ni Juan. Paano kaya kung makaipon ang boss ng sindikato at gamitin ang perang naipon para sa pagtakbong pangulo. Presidente na ang boss at gagawin niyang mas malaking sindikato ang gobyernong sindikato na dati. Pero ang batang taong grasa ay nasa kalye parin at pumapara ng jeep.

Saturday, February 21, 2009

DiSConNeCted

Hindi man lang pumasok sa isip ko ang mangarap. Libre na nga lang at walang bayad. Mag-iisip ng kakaiba ng higit sa kakayanan.

Kay rami na ding nilikha ng mga manunulat ang nagpasaksi sa sanlibutan na lahat ay imposible. Mangarap ka, sa tulong ng genie sa lampara, pwede ka ring humiling sa mga fairies, kung gusto mong may kapalit... sa politiko...

Ako ang taong walang kaambisyun ambisyon. Nakukuntento na sa pagkain ng sampalok at paghithit ng sigarilyo araw araw. Buo na ang araw kung magawa ko ito. Walang disposisyon... walang kinabukasan. Rebelde ako, ang kalaban sarili... Ayaw kong mangarap dahil uutuin ko lang naman ang ako. Natatakot sa kakalabasan ng pagiging ambisyoso. Hindi pa man ramdam ang epekto, siguradong iiwas sa kinabukasang hambalos sa pagkatao.

Mangarap ka at abutin mo... Kung kaduwagan ang mamamalagi sa loob, pagsisihan mo ito habang buhay. Maraming pagpipilian... maraming paraan... maraming magiging bunga... makakabuti man o sa kabaligtaran. Ikaw ang kapitan ng iyong barko... ikaw din ang tagalayag, navigator, mga alipin... ikaw ang kabuuan ng iyong tadhana... ikaw ang iyong tadhana... ang mga naniniwala na ang tadhana ay naayon sa guhit ng Diyos... Mga hangal!!!

Mangarap ka para iguhit ang sariling tadhana. Ikaw ang makapagsasabi na iba ka sa nakararami. Hindi mo dapat ibase lahat sa kahangalan at pangkalahatang kamangmangan tungkol sa katotohanan na sinasabi ng relihiyon mo. Maaring mahalaga nga ito sa buhay ng tao pero hindi nito madidiktahan ang patutunguan mo.

Friday, February 20, 2009

Violable

(http://greenpinoy.com)


If you have ten thousand regulations you destroy all respect for the law.
-Winston Churchill

Noong unang panahon daw, kung saan dalawang libong taon pa bago ipanganak si Kristo. Naisipan ng mga Sumer, unang sibilisasyon na naisulat sa kasaysayan ng tao ang gumawa ng lupon ng mga batas. Pero hindi tulad ng kongreso natin ngayon na inaabot ng 2 taon bago maipasa ang simpleng batas... at mas inuuna pa ang magpacute kaysa gumawa ng House Bill... mas aatupagin pa ang pagpapapogi... ahem!!

Ang mga Sumer sa pamumuno ng magaling na si UrNamu... nalimbag ang unang nasusulat na batas... ang "Code of Urnamu".

Pagkatapos ng daang taong pamamalagi ng sibilisasyong Sumer... Hindi naglaon bumagsak din sila sa kamay ng mga Assyrians at ilang grupo na nakakahigit sa kanilang sibilisasyon... Sa walang habas na pag atake ng mga Assyrians sa mga Sumers. Bumagsak din sila sa kamay nito at napunta ang Mesopotamia sa kamay ng mga Warlike na ASSYRIANS...Mesopotamia(Lugar na kung saan nanunuluyan ang mga SUMERS)

Tulad ng lahat ng bagay sa daigdig... hindi habang buhay ang kalakasan ng isang grupo at nasakop din sila ng mga BaByLoNianS... Hindi tulad ng mga Assyrians na ANARCHY nanabubuhay sa DIGMAAN, PATAYAN, at walang batas na umiiral... ang mga BABYLONIANS ay hindi ganoon.

Buti nalang may magaling na pinuno ang mga bagong DIYOS sa Mesopotamia at naisipang gumawa ng mga batas... Buti narin at napasin ni Hammurabi (Pinuno ng mga babylons) na wala ni isang batas na naisusulat. Dehins kasi alam ng kanyang mga kababayan na bawal umihi sa pader ng kastilyo niya at wala naman kasing kaparusahan kung may jumingle man doon. At dahil sa naaburido na rin si Hammurabi dahil sa panghe (amoy ng ihi)... gumawa siya ng bersyon niya ng mga batas... at mga pangalawang naisulat na batas sa kasaysayan ng mundo.... Code of Hammurabi...
Batas...
Batas TrapiKo...
10 Commandments...
Konstitusyon...
Batas ni professor...
baTas... BaTas... BATAS!!!

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ang isa sa pinakamaraming naisusulat na batas...(Hindi ko sure kung tama bang sabihin ko na isa sa pinaka... ang alam ko kasi PINAKA na ang bayan natin) Paglabas mo palang ng bahay, bubulagain ka na ng sangkaterbang paalala na bawal magtapon ng basura sa harap ng bahay namin, bawal umihi dito, Keep off the grass, gago bahay namin ito trespassing ka, bawal tumawid nakamamatay... bawal istambay... Haaayysss!!! Bawal mabuhay!!!

Nililimitahan ng batas ang karapatan ng tao para sa katahimikan at kaayusan ng isang lugar. Maganda ang hangarin ng mga babala pero kahit anong dami nito kung magiging dekorasyon lamang ito at gawing katatawanan, para saan at nilikha pa ito. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ang simpleng batas ay hindi masunod sunod? Talaga bang pasaway si Juan Dela Cruz. Mayroon ba talagang Macho Mentality ang mga Pilipino na kapag sumuway sila ay astigin na ang pakiramdam nila. Baka naman ang pag - eexecute ng mga awtoridad ang malaking problema ng bayan natin.

Masarap tumira sa lugar na kakaunti ang mga batas pero disiplinado ang tumitira kaysa sa lugar na maraming paalala. Maraming batas pero walang disiplina!!!
Siguro kapag namatay ako... kung magkataon na mapunta ako sa IMYERNO!! Sanay na ako... dahil sa bayang sinilangan ko ay para naring Hell!! Masyadong maraming batas... Batas... batas... baattaasss.!!!


Monday, February 9, 2009

Ikalimang Yugto - Ang Alamat ng Mahiwagang Mikropono 1 and 2

VaLEnTiNeS EsPEySiyAL

Bago ang lahat, sa mga marunong magbasa na pinilit o nakadroga o kaya sa simpleng trip mode magbasa. Heto po ang link papunta sa mga nagdaang mga post; na may kaunting related (as in konti lang) sa post na babasahin mo ngayon. Reprimand kasing basahin ang ikatlo at ikaapat na yugto para lubos na maguluhan pa lalo sa ikukwento ko ngayon.

IKATLONG YUGTO LINK
(I-copy paste nalang sa address bar)
  • 1st part - "Walong Buwan" link - http://lheztat08.blogspot.com/2008/09/kasaysayan-ikatlong-yugto-walong-buwan.html

  • 2nd part - "Kami na Yahoo!!" link - http://lheztat08.blogspot.com/2008/09/kasaysayan-ikatlong-yugto-kame-na-yahoo.html

  • 3rd part - "Papel at Letra" link - http://lheztat08.blogspot.com/2008/09/punas-puwet.html

  • 4th part - "Climax" link - http://lheztat08.blogspot.com/2008/10/kasaysayan-ikatlong-yugto-climax.html

  • 5th part - "Ang lahat ay magiging imahinasyon na lamang" link - http://lheztat08.blogspot.com/2008/10/kasaysayan-ang-lahat-ay-magiging.html

  • 6th part - "Ang lahat ay magiging imahinasyon na lamang 2" link - http://lheztat08.blogspot.com/2008/10/kasaysayan-ikatlong-yugto-ang-lahat-ay_13.html

  • 7th part - "Ang bangungot ay naging imahinasyon" link - http://lheztat08.blogspot.com/2008/10/kasaysayan-ikatlong-yugto-naging.html

Ikaapat na Yugto

"Rock n Roll"

-Pepe Smith


Hanep sa sipa ang nainom ko ngayon. Bumakat nga sa mukha ko ang horseshoe ng kabayo. Akala ko pa naman dadating si Pepe Smith ng Juan Dela Cruz Band. Kakalabitin ang string ng Electric guitar. Tuturumpit ako sa pagkakaupo at nang maalimpungatan may sexy na babae sa harap at sabay rock n roll ni Smith. Sa patalastas lang siguro nangyayari ito.



Sa kasamaang palad iba ang tumalsik sa mukha ko. Isang plastic cup na pagkatigastigas. Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng kapwa ko lasenggero na nasa pool. Yung ungas hindi makaalis ng pool kaya ibinato nalang sa akin ang hawak hawak na baso. Puno ng kaliskis na siguro ang balat niya. Buti nalang mapagpasensya ako nung araw na iyon. Naisip ko din kasi na kailangan na nitong magtransform bilang syokoy dahil alas dose na ng madaling araw at kapag iaahon sa tubig baka matuyo ang balat at maging daing.



Hanep sa utos si gago, pakitagayan daw siya. Ok... Pagbigyan, may paki naman. Di naman siya nag-uutos, nakikiusap lang. Tsaka obligasyon ko din silang pagsilbihan at abutan ng tagay. Dehins naman ako tanggero, waiter lang!!!


Konsensya: Pagpasensyahan mo nalang... Extinct na ang mga syokoy sa karagatan ng Pilipinas. Timpi lang madaling magtampo ang syokoy, loner na kasi siya.


Alipin: Ano?


Konsensya: Marami kasi sa lahi niya ang nasabugan ng dinamita dahil sa walang habas na Dynamite fishing. Ehem!!! At ang ilan ay inaalipin sa perya para pagkakitaan ng tao.


(Lumabas ang konsensya ko dahil hawak hawak ang sabong mabango ni syokoy. Wag mong isipin na gayagaya puto maya ako sa patalastas sa T.V. Lumabas ang konsensya sa kadahilanang muntik ko ng ibato "straight to the face" ang sabong ipinapakiusap niyang iabot ko sa kanya.)


Sa wakas umahon din si gago!!! Malaya na ako sa pang aalipin ni prinsipe syokoy.


Sabi ng syokoy lalabas lang daw siya sandali sa resort. Pupuntahan niya ang kapatid na nasa labas. Nasa labas nalang at gusto pang magpasundo.

Bilang dating alipin ng prinsipe, nag alala ako sa kanya. Baka kasi matuyo ang kaliskis nito. Kaya pinabaunan ko siya ng isang jug ng tubig na may asin.

Sabi ni syokoy, "Huh? Para saan naman ito"

Ngumisi lang ang dakilang alipin.

Makalipas ang ilang minuto, naaninag ko ang syokoy na paparating. Sayang at lalatagan ko sana ng "red carpet" pero gahol sa oras. Nagtaka ako bakit wala siyang kasama...

"Where's your brother? akala ko susunduin mo"

"Anong BraDeRR? Sagot niya...

Nagkamali yata ako ng tanong... "Where's the prince your majesty?"

Sa likod naming dalawa... may mahinang may kalambingang boses.

"Kuya?"

"What the...? Babae ang kapatid niya. Oh my gulay ang ganda!!!"

To be continued...

Ikalimang Yugto: Alamat ng Mahiwagang Mikropono 2

Ipinakilala ng prinsipe ng dagat dagatan ang kapatid na galing langit. Kahit anong anggulo ko tingnan, hindi ko parin makita ang pagkakahawig ng dalawang ito. Matangos ang ilong na may pagkakapareho kay Mama Mary ang dalaga. Ang syokoy naman kailong ang sikat na sikat na artistang si Jacky Chan. Sa kulay din ng balat, Malayung malayo!!! Parang araw araw nakabilad ng limang oras ang syokoy. Ang prinsesang kapatid, hindi minsan lumabas ng katanghaliang tapat.

Marami tuloy ang katanungang bumagabag sa aking maliit ng utak tungkol sa pagkatao ng syokoy. Ampon lang kaya siya... Baka naman napulot lang siya ng magulang ng prinsesa sa dike ng ilog pasig. Iniwan kaya ang syokoy ng magulang para sa ikaliligtas niya sa kamay ng mga sirkero. At dadating ang panahon na ipaghihiganti ng prinsipe ang lahi niya. Magiging serial killer na pumapatay ng taga-perya.. (omg!!!) Pwede rin namang siya ang missing link sa ebolusyon ng unggoy sa tao. At kapag ito ay napatunayan ko, siguradong maiimprenta ang pangalan ko sa science textbook na mali mali. Patay tayo dyan, nakalinya na ako sa mga litrato ng Filipino scientist na di kilala halos ng mga kabataang Pinoy. Pero hassle din siguro yun... Baka dumugin ako ng mga galit na galit na Pilipinong ayaw matanggap na galing sila sa unggoy... at worst sa syokoy.

Bumalik ulit ako sa tamang pag iisip ng ngumiti ang dalaga.

"Hoy mga pare bawal talo talo!!! KAPATID KO YAN!!!" wika ng syokoy na may tunog ng kahambugan...

Nakita ko sa expresyon ng mukha ng mga kasama ko na gustong humirit sa shokoy ng "OooowwwSSS!!!" Pero sa kabutihang palad wala ni isang naglakas loob. Pagbigyan na endangered eh...

Tuesday, February 3, 2009

Kinagat ng lintik

Parte na ng ating makulay na kultura ang tungkol sa mga aswang. Sila ang mga ka-weirdung nilalang na half breed kung tawagin. Kalahating tao at hayop kung minsan. may madudumi, mahahaba at nagtutulisang kuko at ngipin. Kumakain ng hilaw na laman loob ng hayop na normal mong makikita sa stand ng paborito mong ihawan sa kanto. Bukod sa mga bituka, dugo, atay, apdo ng mga hayop, trip din nilang gawing happy meal ang mga friends nila. (Tayo po iyon)

Astig ang mga kaibigan nating maneater!! Bakit ko nasabi?

Bukod kasi sa tulog sila sa umaga tulad ng mga gimikerang burgis (sama mo narin ang mga masang jologs) na basag sa ecstasy. Dilat na dilat ang mga aswang dahil ito ang oras ng kanilang pananghalian. Bubong ng mga kabahayan ang lagi nilang tambayan. Kutkot dito kutkot doon. Kapag nabutas na ng pobreng aswang ang kinakalawang na yero ng kaawaawang biktima. Ipapasok niya ang dila nito sa maliit na butas. Didiretso sa tiyan ang 3-6 metro nitong dila para straw-win ang dugo ng kanyang prey. Yum Yum!!!

INTERVIEW WITH THE ASWANG

Nang makausap ko ang tropa kong kumakain ng tao. Ang pinakamasarap na tsinogbu raw niya ay mga sanggol. Malambot at oh so yummy daw ang laman nito. Lasang gatas ang dugo... kaya payo niya sa akin kung sakaling gusto niyang pumanig ako sa side ng kadiliman. Maging tulad nilang mga aswang. Tsumibog daw ako ng sanggol, "a day kasi nito makes a doctor away" Rapmasa na!!! Rich in calcium pa at low in fat. Good for the heart pa nga daw at pampataas ng IQ. (Parang nagpapatalastas lang ako ng gatas)
Naitanong ko rin sa kanya kung kumakain siya ng mga senior citizens, na agad niya namang sinagot ng paarte effect na "EEeeWWW!!!" Hindi nya daw kinakain ang mga matatanda dahil bukod sa lasang hukay kailangan pa daw itong pakuluan ng anim na oras para lumambot.
Akala ko savage creature lang sila. Aba lai ako dahil tulad ko, demanding at uber arte din pal. Biro lang kaibigan baka gawin mo akong happy meal mamyang gabi... Peace!!!

Favorites at "must not be eaten because its so eeewww!!!" Ang ilan sa mga trivia na nalaman ko sa kanila. Maliban dito, nabanggit nya din na may "prohibited food" ang mga aswang. Nasa konstitusyon pala nila ito at matinding kaparusahan kung sino man ang lumabag. Ang sino mang aswang na napatunayan na ngumasab ng kapwa niya aswang ay itutuhog sa bamboo stake hanggang mamatay at lalagyan ng papel sa noo. Ang nakasulat sa papel ay "Wag tularan pumapatay ng tao." KEWL!!!

Kinulit ko pa ang kaibigan kong man eater sa kakatanong tungkol sa kultura nila. At harinaway di pa siya nayayamot sa akin. Salamat!!! Wala pa namang lumalabas na nagtutulisang mga ngipin. (Lunok laway!!!)

Ang huling katanungan ko ay kung bakit dehins nilang tinatarget ang mga abusadong mayayaman. Kasi naman, wala pa akong nababalitaang; Coquanco natagpuang walang puso, o kaya naman... Tan warat warat sa kalye trese...

Sana naman yung mga kapitalista nalang ang biktimahin ng mga kapatid nating aswang. Masarap naman ang kinakain nila. Mas triple pa ang sarap at sustansya na makukuha sa mga mayayaman kesa sa sanggol ng mga mahihirap na umiinom lang ng UM.

Bakit mga pobreng probinsyano lang ang laging binibiktima imbes na mga mayayamang hacienderong demonyo?

Natawa nalang ang aswang kong kaibigan. Nasa batas daw nila na "prohibited food" ang mga mayayaman...

Langhiya naman pati ba mga aswang na susuhulan din. Binabayaran ng mga walang hiya para ubusin ang mahihirap. At kapag naisakatuparan na ang kanilang maitim na plano, isusunod na nila ang lahi ni petrang tikbalang, Dudung kapre, Tinyong mambabarang... Para nga naman sila lang ang matira!!! Wala nang mahirap sa Pilipinas!!! Mayaman na uli si Juan Yabang at taas noong kabilang na sila sa 1st world country.

Bumaba ang tingin ko sa lahi ng kaibigan ko. Pinakita niya na malaki ang gap ng mga mayayaman sa mahihirap. May nagdidikta kung sino lang ang pwedeng iluto at gawing menudo, adobo, ginataan, mechado, afritado, arroz caldo (kung di sapat ang budget!!??)

Binuhos ko sa kanya ang poot at pagtatampo kahit man aswang pa siya at ilang sandali ma'y kayang kaya niya akong ulamin. Sumigaw ng may pagtataka!!! Inilabas ang inis sa narinig na kagaguhan...!!!

Bakit kami lang?

Bakit kami na wala na ngang makain at inaapi?

Bakit?

Tumayo ng tuwid ang kausap ko na nakaposisyong mag foo-foodtrip!!! (nakadalawang sunod na lunok laway ako)

"Well yah stop it" (tunog ghetto!!)
"Mellodramatic ka masyado!!!" (Wow sosyal mellodra... watever!!!)
"Ungas ka talaga!!! (wala na squatter na)
"Wala naman akong nabanggit na nasusuhulan kami. Masyado kayong mapanghusga."
"Nalimutan mo ba na wala ngang talu-talo. Remember!! Bawal ang kalahi!!!"
"Hindi nga sila direktang kumakain ng tao na sinasabi ng folk legend niyo!!!"
"Pero tulad naming mga aswang!!! Ang banal at dakilang obligasyon nila sa mundo ay harasin at maging predator ninyo!!!" Kainin kita eh!! Bobo mo!!!

:P : Ayy sori... My bad!!!





Sunday, January 25, 2009

Credo, Quia Absurdum

We make war that we may live in peace.” -Aristotle

Sobrang puyat na naman ako ngayon. Grabe na ito dahil limang daang tupa na ang paulit ulit na tumatalon sa utak ko pero hindi parin ako mabigyan ng visa sa "Dreamland". Mahigit tatlong oras narin akong nakatutok sa tv na walang permanenteng channel. Lipat dito, lipat doon... Heto na yata ang pinakaboring kong gabi at nakuha ko pang mag-aksaya ng kuryente. Bakit kaya di ko nalang naisipang patayin nalang ang T.V at magbilang na lamang ng tupa? Nagpataas lang ako ng bill sa kuryente na hanggang ngayo'y usapin parin kung paano hinohocust focus este kinocompute ang bayarin natin buwan buwan. Haayy Buhay!!!
Bagamat walang kakwenta kwentang gabi, nagbunga naman ito ng walang kakwenta kwentang article sa walang kakwenta kwentang blog na pinagtyatyagaan mong basahin dahil sa sinabi ko sayo... so pathetic talaga...
Simula...
Habang konsumido dahil walang mapanood... sa hindi sinasadyang pagkakataon... ang hindi pasadyang pagpindot sa remote. Nalipat ko sa local channel ang T.V na inaapoy na ng lagnat dahil sa walang habas kong panonood. (Hulaan nalang sa dalawa kung anong istasyon ng T.V...
2 o 7... isa pang clue hindi ako nanonood ng 7)
Astig na kanta ang naabutan ko. Ang tema bagong simula. Nakapagpapaalab ng damdaming makabansa ang video kapag pinanood mo. Parang gusto mo ng simulan ang pagbabago sa ikabubuti ng bansa mo. At matapos ang mumunting video, babalik ulit sa dating ikaw na nagbebenta ng boto tuwing eleksyon o kaya iihi ka na naman sa pader na may babalang "Hoy Gago!!! Bawal Umihi Putol CENSORED
Bagong simula; paulit ulit na mensahe pagkatapos ng putukan. Kasimpleng mensahe na taon taong humahamon kay Juan at nagbibigay pag asa sa kanyang humarap sa seryoso nitong problema. Ngunit hindi ganoong kadali maisakatuparan ang bagong simula. Marapat mo muna nating harapin ang pansariling kapalaluhan at mga kahinaan. Mahirap naman kasi na gusto mong may magbago na pangkalahatan pero sa sarili mo naman palpak ka na. Ayan ang pinakamahirap na proseso ng pagbabagong simula dahil ang kalaban mo ay di lamang ang panghuhusga ng iba na nakasanayan ng mamuhay sa bulok na siste... kaaway mo rin ang sarili mong takot... at ito ang dahilan ng karamihan kaya takot sa pagbabago...
Speaking of sa pagbabago, maka ilang beses narin tayo na lumabas sa kalsada para sa bagong simula. Nang sipain natin ang diktador na si Marcos, buong pusong hinarap nang lahat ang pagbabagong hatid ng bagong administrasyon. Ngunit makalipas ang labing apat na taon inulit ulit natin ang paninipa sa pwesto. Nang sipain natin sa pangalawang pagkakataon ang lider nating depektibo noong taong 2001 at hihirit pa tayo ng isa ng maupo ang iniluklok natin ng sipain natin ang bobo... Paulit ulit... nakakasawa na... Dyosko po!!!
Sabi nga ni Gat Jose Rizal, hindi pa daw handa ang mga Noypi noon para sa kalayaan, tiis tiis daw muna dahil hindi pa tayo gaanong kahinog... Immature pa raw si Juan..." Nang makarating kay Ka Andres ang ipinahayag ng kanyang idolong si Rizal. Painsulto niya itong sinabihan ng "Chicken!!" PooKK!!pooKK!!!
Maturity lang siguro ang kulang sa atin. Ayan siguro ang dahilan kung bakit paulit-ulit tayong nauuwi sa pagkakamali. Ano ba talaga ang solusyon sa sakiting bayan. Ang lipunang may malalang kanser!!! Kulang ba tayo sa karanasan at kasaysayan at kailangan pa nating magkaroon ng digmaang sibil. Tama isang malupit na digmaan...
Daang libo nga ang mamamatay na sundalo, politiko, doktor, sanggol, pangarap!!! Ngunit matapos malibing ang lahat ng ito at makonsensya ang nalalabing populasyon na nakaligtas lang ata dahil sa swerte o kaduwagan. Maaring ito na siguro ang bagong simula. Guguho ang bulok na sistema at kasabay nito ay ang mapanupil na ideyolohiya.
Mumultuhin ang lahat ng nabubuhay at sa lupang nawisikan ng dugo... Tutubo ulit ang bagong lipunan. Sa mga katawan ng mga bayani na bunga ng digmaan huhugot ang susunod na henerasyon ng inspirasyon. Ang digmaan ay di lamang nakapagpunla ng bagong lipunan kundi pati mga bagong bayani na titingalain... Maaring mabato ako ng kritisismo sa paniniwala kong ito!!! Pero wala tayong magagawa ito ang Credo Quia Absurdum na pinaniniwalaan ko.
Matapos ang pagbibilang ng mga tupa, nakatulog na si Loglog!!!!

Tuesday, December 30, 2008

Digmaan ang Solusyon "Ang Karamdaman"

"Corruption plus chaos multiply by arrogance equals total destruction minus hope divided by personal interest equals self-preservation"
- Loglog

----

Mayaman ang Pilipinas sa maraming aspeto. Sa 114,830 milya kwadrado nitong kalupaan ay angkop ng pagtaniman. Sama mo na ang magandang klima nito. Sagana sa mga yamang mineral tulad ng gold, nickel, copper, iron, zinc, silver at marami pang iba. Bukod dyan napapaligiran ang Pilipinas ng mayaman na karagatan at dagat. Ang Sulu Sea (na tawiran ng mga Pilipinong nag-aasabalutan papunta sa Sabah), ang karagatang Pasipiko (ang dadaanan ng eroplano ng mga mag aabroad papuntang Amerika), ang Timog Dagat Tsina (na kinahihimlayan ng Spratlys na malapit ng ipagbili ng gobyerno)

Binubuo ng mahigit pitong libong malalaki at maliliit na isla. Halos siyamnapung milyong naninirahan at ang halos kalahati ng populasyon ay nag-iimpake na sa bayang walang pakinabang at papalubog ayon sa kanila.
Mga nakabibinging pagkalam ng sikmura, mga nakariwariw na "Bwahahaha!!!" ng mga demonyong naninilbihan kuno, mga nakapangyayamot na tinig galing sa mga mamamayan nito na "Bahala na!!!" ang laging bukangbibig...
Maraming proyekto ang pamahalaan ngunit wala ni isa ang may pangmatagalang solusyon para sa nag aapoy nitong lagnat. More projects means more kickback nga naman
Buhay parin ang rehiyonalismo!!! Ang mga Ilokano ay para sa mga Ilokano!!! Ang mga Bisaya ay sa mga Bisaya lang... at makikipagpatayan ang mga Muslim para sa mga kapwa nilang Muslim. Mahirap na raw maalis ang ganitong ugali ng mga Pilipino. Kutyaan, inggitan, palakasan na patuloy na dumadaloy sa lipunang unti unti ng nabubulok dahil sa mali nilang siste.
Mas tama yata kung ang Pilipino ay para sa Pilipino. Isantabi ang lenggawahe at dialekto, ganung parepareho naman tayong bumoboto kada dalawang taon...
Ni isang beses hindi pa nagkaisa ang mga Pilipino bilang isang solid na bansa laban sa mga mananakop o maging sa kapwa nilang tirano. Sa simula pa man na dumating ang mga Kastila, napansin na nila na may iba't ibang pinuno ang mga sinaunang Pilipino. Walang sentralisadong pamahalaan na namumuno sa Pilipinas, payapa nga ang pamumuhay ng mga ninuno natin noon, wala naman ni isa ang nagnais na pag isahin ang Pilipinas bilang isang matatag na bansa.
Sa tulong lang ito ng mga mananakop kaya naging bansa na ang noo'y binubuo lamang ng kalatkalat na kaharian. Bakit kaya hindi naisip ng nakaraan henerasyon na pag isahin ang Pilipinas? Walang pinanganak na Alexander the great sa Pilipinas na nagnais na pagkaisahin ang populasyon nito laban sa Persia... o ni Shi Huang Ti ng Tsina na nagbuo ng unang imperyo sa bansa, ang dahilan kaya may Tsina ngayon, bagamat mabagsik na pinuno.. napanatili naman nila ang kulturang hanggang ngayo'y pinagmamalaki ng mga Tsino at maging tayo na kung minsan pinipilit na ipasok ang lahi natin sa kanila...
Nanahimik nalang ang mga Pilipino, walang nangahas at nakuntento nalang sila.
Kudos kana Lapu-Lapu, Lakandula, Soliman at ilang datu na lumaban para sa kalayaan. Pansariling motibo man ang kanilang ipinalaban, hanga parin ako sa kanilang pinamalas. Kung sinuportahan lang ng nakararami ang mga makasaysayang pangyayaring ito, siguradong malaki ang pagbabago ng takbo ng istorya ni Juan dela Cruz. Hindi man tayo katoliko ngayon, napanatili naman natin ang ating kulturang unti unting naglalaho sa kasalukuyan. Ayun ang pinakamahalaga, tsaka siguro maiintindihan naman ito ni Hesus diba?
Kulang lang siguro tayo sa pagkakaisa. Nagtagumpay man si E. Aguinaldo noon na patumbahin ang mga Kastila
(syempre sa tulong ni Uncle Sam), hindi nito napanatili ang katatagan ng pagkakaisa. Umiral sa kanya ang rehiyonalismo, nagsumiksik siya sa mga taga Cavite... kaya nauwi siya sa Palanan at pumirma ng pakikipag alyansa kay Uncle Sam noong April 1,1902... April Fool!!!
Ang mga Pilipino ang unang nagtatag ng republika sa Pilipinas sa Asya. Ano pa ang sense nito kung sa bandang huli hindi nasagip ang pinagmamalaki natin sa mga Kano?

Next Post: Digmaan ang Solusyon "Demos Kratos" (Posted January 15, 2009)

Wednesday, December 24, 2008

Super Duper Crush -- Revisted

"Ang parte na tinupi, pinunit at sinunog para sa ikakabitin ng blog series na ito. Ang bahaging nawawala... Ang papel na pinampunas nalang sana ng puwet.
Super Duper Crush Revisited"
Habang nakatitig sa kawalan, habang blanko ang isip dahil gusto lang mag relax. Nakahiga sa kama nang bisitahin ako ng mga korning ideya. What if isulat/ipublish ko sa blog ang nawawalang parte na tinago ko sa oven ng mahabang panahon. (Literal na oven yan, wag ng magpakadeep.. di figure of speech yan)
Directors cut kong pelikula ang usapan; Heto ngayon ang idadaldal ko sa araw na ito. Walang kongkretong rason kung bakit hindi ko ito pinublish kasabay ng mga naunang parte. Basta ang alam ko tinatamad akong mag encode noong araw na iyon...
Super Duper Crush (Revisited)
"Ang Nawawalang Parte"
*Nangyari ito mga ilang araw bago ako binasted ni SDC...
P.S (Pahabol sulat)
Magdala ng maraming maraming tissue.. Hardcore toh... madugo... nakakaiyak...
7:30 ang pasok namit at uuwi kami ng 9:00 ng gabi. Sabihin na nating 2 araw lang ang pasok. Pero lintik naman ang schedule na yan, 12 hours kang makikinig ng mga dakilang karanasan ng mga professor, dagdagan pa yan ng mga nakakaantok na sermon, mga english na sangkaterbang grammatical errors at worst walang professor na pakikinggan.. 1 at kalahating lang ang bakante namin at maaring maging 8 oras ito kung nag-AWOL ang teacher ko.
Sa positibong pananaw, minsan kinakatuwa ko pa na lumiban sa klase ang prof na last subject para makauwi nang maaga. Hassle naman kung yung oras ng prof ay nasa kalagitnaan ng schedule at unang subject. Gigising ka ng maaga, maliligo ngnagyeyelong tubig tapos dadatnan mo sa classroom mga teenager na nagdadaldalan. At may magbabalita sayo na naka-mcdonald smile na "Walang klase at isang araw pa ang hihintayin bago ang susunod na subject." Putik antagal nun hah. Buti kung kapitbahay mo lang ang eskwelahan mo. Linsyak!!! Kailangan ko yatang gumastos ng Php.20 papasok at papauwi. (kwarenta pesos kada araw at kung saturday kung saan walang discount ang mga estudyante... dagdag sais pesos)
Teka parang far-out na sa tunay na paksa. Puro student grivances na ito hah... (Ubo!! Ubo!!)
Ok nag umpisa lahat nang nag-AWOL ang professor ko sa last subject. Dahil sa gusto ko pang tumambay dahil ayaw ko pang umuwi, wala akong ginawang matino kundi tumunganga sa corridor. Nakipag-daldalan to the max sa mga kaklase kong to the maximmum level din kung usapan ang daldalan..
Makalipas ang ilang minuto ng pagdadaldalan tungkol sa nangyayaring politika sa bansa na napunta sa kabobohan ng mga Pinoy na napunta naman sa eleksyon at natapos sa anime. Hindi ko alam kung bakit nauwi sa Naruto, Voltes V, Gokue ang usapan. Siguro parang napansin ng mga kasama ko na nakakatamad palang pag usapan ang politika. Ang masama nga lang, hindi ako gaanong makarelate sa mga kwentong anime... kaya imbes na manatili sa usapang di naman makakakonek. Napagdesisyunan ko nalang na bumaba sa 5th floor (gamit ang parachute) para magpahangin sa labas. Magpahangin na lamang sa labas ng campus para makalanghap ng sariwang hangin. Putik imbes na fresh air, puro usok ng tambutso ang pumasok sa lungs ko. Napabili nalang tuloy ako ng sigarilyo.. Usok lang din naman ang papasok sa baga ko, bibilin ko nalang ito, nakatulong pa ako sa bayan (Bilyong piso ang kinikita ng gobyerno dahil sa lintik na industriyang ito)
Napagtanto ko na wala na rin naman akong gagawin sa loob ng campus. Ano pa ang pinapalagi ko dito. Umakyat agad aq sa 5th floor (gamit ang kanyon sa circus) upang kunin ang mga gamit na naiwan ko sa taas. Nang makuha ang mga gamit, mabilis akong lumabas sa silid. Hindi na ako nagpaalam sa mga kachitchatan ko kanina dahil parang sobrang makakaistorbo ko sa kanila. Masyadong seryoso ang pinag uusapan... Muka silang problemado sa kung sino ang mas malakas si Naruto ba o si Sasuke!!!
Jobs done!!! Makakauwi narin at makakapagpahi... May biglang humarang sa akin na mga kaibigan ko na higher year. Niyaya nila akong uminom, at dahil di naman ako marunong tumanggi at ang alam ko lang na isagot ay "Sige." Napasama ako sa kanila para maglaseng. Isa pang dahilan ay dahil kasama sa nasabing laklakan session si super duper crush. Sinama ko rin ang isa kong kaklase para kung sakasakaling ma out of place meron akong makakasama sa sariling mundo ko.
Assstteeggg!!! Kasama ko Crush ko!!!
Hindi naman ako gaanong nailang at nanibago sa mga kasama ko. Masaya at sulit namang ang laklakan session kasama sila. Dagdag saya pa dahil sa apat na tao lang ang layo ko kay crush. Makalipas ang isa at kalahating oras, ako na ang tanggero at katabi ko na si super duper crush (kinikilig ako)
Nakasanayan kong magyosi habang umiinom kaya for the 1st time, nakita ako ni crush na naninigarilyo. Astig pa nga dahil humits siya sa yosi ko. Lubos akong natuwa dahil nalaman ko na hindi siya marunong magyosi. Siguro epekto lang ng kalasingan kaya niya nasubukan ang paninigarilyo. Hithit buga siya patunay na dehins siya marunong.
Dumaan ang ilang minuto at napansin kong nahihilo na si crush at humiling na humiga sa balikat ko.
Pabiting tanong: Kung ikaw ay tatanungin ng crush mo kung pwedeng ihiga ang ulo niya sa balikat mo... anong isasagot mo?
Ang sabi ko sa kanya, "Wag kang mahiga, mahihilo ka lalo." Kung pananatsing lang ang habol ko, siguro nakahiga na siya. Ngunit dahil sa nagmamalasakit at gusto kong mawala ang kanyang kalasingan. Hindi ako pumayag.
Underconstruction

Tuesday, December 2, 2008

Magic Wand

Tatlong beses tuwing weekdays... dalawang beses naman kapag weekends... Apat hanggang anim na episodes kada araw... Ganyan ako kaadik manood ng "Fairly Odd Parents". Kung ngayon lang kayo pinanganak... ang cartoon na ito ay mapapanood sa nickelodeon. Ito ay tungkol sa average kid na may 2 magical faries. Siya ay si Timmy Turner na laging nakasuot ng pink cap at damit. Lahat ng iwish niya ay natutupad. Bagamat may mga limitasyon sa lahat ng kahilingan, masasabi ko paring napakaswerte ni pareng Timmy.

Fairies, Genies... ayan nalang ata ang pag-asa ng Pilipinas...

Halos sampung milyong Pilipino ang nagugutom....

Tatlumpu't limang milyong Pilipino naman ang kumakain ng hindi sapat ang nutrisyon... Nagtitiis sa mga noodles na kulang na kulang ang bitamina para sa pangangailangan ng katawan. Halos lahat ng mga politiko ay manloloko at magnanakaw.
Libo libong Pilipino kada taon ang nag iibang bansa dahil walang mahanap na matinong trabaho sa Naspi... Libo libo din ang istoryang inuuwi ng mga bayaning OFW na biktima ng exploytasyon, pang aabuso, panggagahasa, pambubugbog... Sa kabila ng mga kwentong bangungot, marami parin ang umaalis para magtrabaho sa labas ng dalampasigan ng Pinas...

Araw araw may pasabog ang gobyerno... hindi mo na alam kung ano ba ang totoo...

60-65 na iskolar ng bayan ang pilit sinisiksik ang sarili sa silid na pang 45 ang kapasidad. Daan daang libong kabataan naman ang napapariwara ang buhay dahil sa bawal na gamot. Libong bata rin ang nagtatrabaho imbes na naglalaro at nag aaral...

Isa sa bawat Pilipino kada oras ang nakakaisip ng pagbabago... anupa ang halaga nito kung madami naman ang isusuko ang pagka-Pilipino nila dahil sa kahirapan na dulot ng pagka-Pilipino...

Ano ba talaga ang solusyon sa nagpatongpatong na problema ng Pilipinas?

Magic Wand na ba ang nahuhuling remedy sa inaapoy ng lagnat na bansa...

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

(Walang kwentang post... wag seryosohin)

Next Post: "Alamat at Historya...

Posted December 15, 2008



Monday, November 24, 2008

Ikaapat na Yugto - Super Duper Crush 2 (Huling Kabanata)

Bago mo simulang basahin ang post na ito... gusto ko munang pasalamatan ang mga sumusunod na nilalang...

+ Vess - ang kachat, ka-ikariam, editor, kabobo na walang sawang nagbabasa ng mga kakornihan ko sa buhay. Maraming thank you sayo!!!

+ Dana - ang bestfriend ko na araw araw kong kinukulit para magcomment sa blog ko.

+ Shayne - ka-text na kapwa ko may saltik na ayaw tanggapin na mas trahedya ang buhay pag ibig ko kesa sa kanya.

+ Jha - ka-chat ko na di pa nagkakaboyfriend... Strict ba si mama at papa.

+ Marinel - na nagbibigay sakin ng advise. Salamat sa pinabasa mo... It really helps a lot!!!

+ Wenz - ang babae sa likod ng ikatlong yugto... Maraming maraming salamat...

+ Aiza - si super duper crush!!! Super thank you dahil pinayagan mo na ikwento ko ang kabaliwan ko sayo...

+ Journi - makakalimutan ko ba si talong!!! Ang pinsan, kababata, kaibigan, ka-bisyo, at kapatid!!!

================================================

Wag masyadong seryosohin ang nasa taas, pampahaba lang yan...

Isang notebook at papel na kakalabas lang sa mainit na makina ang hawak hawak ko ngayon. This is the moment!!! Wala ng urungan... Laban na kung laban!!!

Pagpasok ko palang sa tarangkahan ng paaralang pinipilit kong pasukan, nakakaramdam ako ng kaba. Naramdaman ko nga na pilit lumabas sa katawan ko ang tatlong konsensya para sa pagpupulong tungkol sa operasyon na ito.

Konsensya 1: Ayan ang basurahan; itapon mo na yang papel na yan.
Konsensya 2: Go!! Loglog!!! Fight fight fight!!!
Konsensya 3: Basahin mo yung sulat mo. Jologs at korni ang dating... tsaka tagalog na nga madami pang grammatical errors...

Sadya atang naaaning ako ng araw na iyon...

Bagamat hadlang ang dalawa kong konsensya tinuloy ko parin ang aking plano na ibigay ang sulat... Hopefully maibigay ko nga ng maayos sa kanya... Hawak hawak ang sulat, umakyat ako sa 5th floor ng gusali kung saan ko siya matatagpuan...

Nag elevator na ako para di naman ako mukhang galing sa construction site kapag kaharap ko siya...

Nang marating ang tuktok ng gusali, tinanong ko agad sa mga kaklase niya kung asan si super duper crush. Sabi nla paparating na daw ito.

Ilang minuto lang matapos ang paulit ulit na pagtatanong sa mga nabuburyong mga klasmyt ni crush. Agad namang dumaan si SDC, nagcheer pa nga ang bestfriend ko na GO!! Luigi Go!! Go!!! Go!!!

Saglit huminto ang oras at biglang nagkaroon ng pulong ang tatlong konsensya ko. Badtrip!!! Bumaligtad ang konsensya#2 ko. Hindi na siya payag sa pagbibigay ng sulat. Nasuhulan ba siya ni konsensya#1 at 3... Ayun ay nanatiling misteryo!!!

Hindi pa tapos ang araw... maiibigay pa ang sulat...

Seminar nila at pinilit ako ng bestfriend ko na doon ko nalang ibigay ang sulat. Ayaw ko talagang pumasok dahil hindi naman ako invited sa seminar na iyon. Ilang sandali lang, nakita ko nalang ang sarili ko na pumipirma sa sa attendance... at ilang sandali lang rin, nasa loob na ako ng kulungan. Wala ng atrasan!!! Ang misyon ay dapat ng umpisahan... Sayang naman, nasa loob ka na... Ibibigay mo nalang tapos na.

Pagkaupo ko, siya agad ang nakita ko. Tulad ng nakagawian nag ipon muna ako ng lakas ng loob. Iniiwasan ko kasing mahimatay sa harap niya. Ayun kaya kailangan ko ng sapat na pwersa kapag nasa harap ko na siya. Makalipas maipon, hinanda ko na ang aking sarili sa moment na magbabago ng buhay ko.

Heto na... Heto na...

Nakatayo na ako sa aking kinakaupuan. Puno ng lakas ng loob ng biglang...

Narrator: Tulad ng lahat ng telenobela, laging may kontrabida o kaagaw ng bida sa babae... Dahil si Loglog ang nagsulat... Lalabas na siya ang bida sa istorya...

Tama ako nga ang bida... Ehem...

Nakatayo na ako sa aking kinakaupuan. Puno ng lakas ng loob ng biglang may sumingit. Tumabi si kontrabida or I should say kaagaw ng bida (para mas magandang pakinngan) kay SDC. Eksakto na napatingin si SDC sakin. Wala na akong choice kundi ibigay yung sulat.

Sumabay na ako kay SDC para malaman kung ano bang ang magiging sagot niya. Ayun sa haba haba nga naman ng prusisyon maririnig ko rin yung matamis niyang sagot...

Ang sagot niya sa tanong ko na puwede bang manligaw...???

...Hindi muna!?

THE END
Next post: Horror: Bahay
Hindi ako kailanman naduwag!!!
Hindi ako takot!!!
Subukan naman natin ang kakaibang pagsusulat..
Mga Tanong sa Ikaapat na Yugto
1. Bakit siya super crush?
- Basahin mo ulit ang kasaysayan:Ikaapat na yugto: Super Crush, nandoon ang sagot...
2. Bakit parang bitin?
- Kailangan pa bang imemorize yan!!!
3. Hindi ko na gets, ano ang nangyari sa katapusan ng ikaapat na yugto?
- Busted ako mokong!!!
4. Ano ang y8.com?
- Dito ka pwedeng maglaro ng walang sawa ng mga flash games... Try ninyo!!! Nakakaadik...
5. Bakit siya ikaapat na yugto, hindi mo naman siya naging gf?
- Dahil siya ay kasaysayan...
6. May galit ka ba kay Super duper crush?
- Wala?? Its her choice naman... I thank her pa kaya dahil di niya ako pinaasa... gggrrr!!!
==============================================================
To be continued... (sana!!! Hehehe!!!)

Sunday, November 16, 2008

Ikaapat na Yugto: Super Duper Crush


"Lubos ng naging O.A!!! Lubos na!!! Bakit siya super!!?? At ngayon bakit naging Duper"

Kahit anong pilit kong gumising ng maaga, lagi nalang akong huli sa klase. Kaya imbes na pumasok sa nakakatamad na prof, tumatambay nalang ako sa internet shop para maglaro sa y8.com (www.y8.com) Sa 10 sa klase ni prof. 6 lang ang pinasukan ko. Sa anim namang iyon, 1 lang ang pinasok ko ng maaga. At hindi basta bastang late ang sinasabi ko. Hindi 5 o 15 minutes late ang usapan dito. Isang oras akong laging huli sa klase niya. Kaya 30 minutes nalang ang gugugulin ko sa nakakatamad na klase ni prof.

Lubos lubos kong pinagsisisihan ang pagliban at pagpasok ng huli sa klase. Hindi dahil sa nakakuha ako ng 75 na marka at lalong hindi dahil sa wala akong natutunan. Nagsisisi ako dahil di ko man lang siya nasilayan. Lintik kasing orasan, hindi marunong tumilaok!!!

Buti nalang ay pumapabor ang tadhana sa akin. Isa lang ang papasukang klase ni super crush sa araw na iyon at apat na oras naman kaming walang klase. Its show time!!! Plakak!!!

Ang daming tsansa ang tinakbuhan ko. Ewan, parang ang Loglog na dating magaling magpapansin ay nawalan na ng talento. Dehins ko alam kong natorpe ba ako o natural na tanga... Lalapitan ko nalang... Ibubuka ang bibig... magkukwento ng kabarberuhan... kikilalanin si Super C!!! Tapos ang istorya... nabigyan sana ng pag asa!!!

Kumalat na parang virus ang tungkol sa pagkagusto ko kay SDC (super duper crush) Showbiz na naman ito!!! Hindi ako pwedeng iinterview!!! Teka gumana na naman ang palpak kong imahinasyon... nagfefeeling na naman ako...

Habang tumatagal mas lalo ko siyang nagugustuhan. Kaya nga siya naging ganap na super duper... From super ngayon may duper na!!! San ka pa... Heto ang mababaw na dahilan kung bakit siya naging ganap na "Super Duper Crush"... Ito ang kwento...

(Introduction pa lang mahaba na)

May extra-curricular activity sa kolehiyo namin. At dahil activity ang pinag uusapan, medyo nakahinga kami sa gawaing pang utak. Focus ang mga collegues ko para sa gaganaping programa. Praktis na nakakapagod...Praktis na nakakapagod...Praktis na nakakapagod... ayan ang rason kung bakit ayaw ko nito. Si SDC ay walang sinalihang programa sa nasabing extra curricular activity... Ako naman ay papetits petits lang dahil ang sinalihan ko ay hindi na kailangang magpraktis... Pagsusulat kasi ang aking sinalihan at pinagmamalaki ko ng taas noo na olats ako sa nasabing patimpalak... Yahoo!!!

Dahil sa wala naman akong gagawin kundi magpapetits petits. Tumambay nalang ako sa lugar na pinagpapraktisan ng mga ka-major ko. Suporta at panlalait ang aking bitbit at inambag sa kanila. Palipas ng oras ang dahilan ko kung bakit ako nakaupo dito. Tambay, daldal, tambay daldal, kain, daldal ayan ang paulit ulit kong ginawa.

Makalipas ang ilang minuto at parang nararamdaman kong nangangalay na ang bibig ko. Saglit akong naupo para magpahinga...

Pagkasalampak ng puwet ko sa sahig, may naaninag akong babaeng nakatingin sa akin. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko nun. Matatakot ba ako (dahil baka psychokiller ang nakatitig sa akin... kukunin ang organs ko at ibebenta ng por kilo sa med school) Matutuwa (dahil may nakapansin din sa akin... kulang kasi ako sa pansin eh) Malabo ang mata ko kaya hindi ko siya ganun maaninag. Nilakihan ko ng sobra sobra ang aking mata... Rasenggan!!! Ayan medyo lumiliwanag na!!!

Nanlambot, Namula, Namutla, Nanginig, Nangisay, Hinimatay (O.A ka na Loglog) heheh!! At marami pang O.A na galaw ang gusto kong ipaisip sayo... Si SUPER DUPER CRUSH ANG NAKATITIG SA AKIN... Ewan ko kung ginugoodtime niya lang ako nun... Pero kahit na ang akin tumingin siya at napansin niya ako... Tinunaw pa na parang kandila... nyahaha!!!

Ilang araw matapos ang kiligkilig moment ni Loglog, natyempuhan ko si SDC na nakaupo sa bench sa school kasama ang kanyang kaibigan. Should I let this moment pass me by... Naahh!! Nevah!! (English yan hah... paburger ka naman..)

Tinabihan ko sila syempre kasama ang sidekick ko... kailangan talaga siya dahil baka matunaw ulit ako kapag katabi siya... Pampalakas loob ba..

Marami akong nalaman ng makausap ko siya... Bukod sa nalaman kong pinatay ng NPA ang tito niya... (na alam ko naman ang walang kwentang trivia lang ito) Mas malaliman ko pa siyang nakilala... Iba siya promise... Super Duper talaga si Aiza!!!



=======================To be continued...================

Ikaapat na yugto: Super Duper Crush (Huling Kabanata)

Thursday, November 6, 2008

Kasaysayan: Ikaapat na Yugto: Super Crush

"Its a bird, Its a plane... Its superman? No!! Its super crush"

Sa totoo lang maraming beses ko itong sinulat. Burara lang talaga ako dahil ang entry na toh ay lagi kong nawawala... Apat na version na ata ang naisulat ko kaya medyo na pending ang post na ito. Heto na at isusulat ko na si SUPER CRUSH!!! Ang babaing bumaliw sa akin pagkatapos ng dalawang taong break up namin ni 3rd gf.

Sino ba si Super Crush?
Bakit siya super?
At kapag nilagyan ko ba ito ng duper magiging O.A na ako!!!

Sobrang humanga ako kay Super Crush... kaya nga siya super eh... Obvious ba na obsess ako!!! Ang cute cute niya kasi!!! Parang siyang stuff toy na indemand sa tindahan ng laruan. Sa pagkakataong ito, nag simula na namang mabaliw ni Loglog!!! Sa loob kasi ng dalawang taon, medyo medyo sinumpa ni Loglog ang mundo ng mga kababaihan...

Ang lahat ay nagsimula sa simpleng paghanga... na nauwi sa obsession... OBSESS!!! OBSESS!? Hello!!!??

LOGLOG PRODUCTION
Presents
"Ikaapat na Yugto"

Super Crush

Asar!!!
Halos dalawang meeting ang nawawala sa amin.
Nasan na ba iyong professor na iyon...

Ayan ang mga salitang boluntaryong lumalabas sa aking bibig. Badtrip ako ng araw na iyon dahil sa 2 linggo ng di pa namin namemeet ang professor kong abnormal. Nagmamakaawa pa ata kami nun, magklase lang si prof. Aba naman!!! Idahilan ba niyang walang available na silid para samin kaya hindi nalang siya nagturo...

Buti nalang may kaklase kameng masipag na naghanap ng silid para sa mga kaawaawa niyang kaklase. Ayun sa wakas, nagklase na rin kami. Badtrip parin ako sa prof namin kahit nagtuturo na siya ng walang kalatuylatoy!!! Balak ko na nga lang na idrop ang subject niya dahil nakakahawa ang katamaran ni prof. Ngunit buti nalang pumasok sa isip ko na ilang buwan nalang naman ang ikikilos ng orasan tapos na ang paghihirap ko sa pakikinig ng mga nonsense na usapan...

Buti nalang di ako nagpadalosdalos...

Nang pumasok ako sa subject naming dapat dati pa nagsimula, wala na akong ginawa sa kinakaupuan ko kundi lumingat lingat... Tumingin sa paligid baka may isang bagay na magpapawala ng asar ko sa araw na iyon. Tingin sa kaliwa, sa kanan, sa taas, sa baba!!! Hindi sumuko si Loglog sa paghahanap ng gamot!!!... Nagbunga naman ang lahat ng naispotan ko ang gamot na pagkatagal tagal kong hinanap...

Nang makita ko siya... gusto kong sabihin ang "Its a bird, its a plane..." tapos aadlib kayo at makikipaggaguhan sakin ng "ITs superman"... at agad kong dudugtungan ng "Naahh!! Its super crush"

Hindi siya ang nilalang na nasa isip mo na naka kapa, nasa labas ang undies na nakasinturon. Siya ay batang anghel!!! Tama anghel na nagbabakasyon sa lupa para baliwin ang baliw na katulad ko. Siya si Super Crush!!! Tantananantanan!!!

Napatitig ako sa mata niya sa loob ng labinglimang segundo, aayy teka mali!! Labingpitong segundo pala... nakuha ko pang bawasan!!! Sino ba naman ang hindi hahanga sa mala diyamanteng mata. May balak nga sana akong dukutin kahit isa man lang sa mata ni super crush. Maisanla sa pawnshop para makabili ako ng PSP... Buti nalang tinitigan kong maigi kung hindi talagang napagkamalan ko ito.

Nak nak!!!

Sinong hero ang hindi superhero na laging nakahubad!!??
...
...
...
Undress Bonifacio!!! Hahahaha!!! Ang korni ko!!!
Komersyal lang!!!

Natapos na rin ang klase ng nakakairita naming professor. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil wala ng klase o malulungkot dahil tapos na ang pagtitig session ko kay SUPER CRUSH!!!
Pero alam kong may bukas pa... Bababa nga ang pebong hari sa mga matatayog na bundok... Ngunit dadating din ang oras na aangat ito sa pagkakatulog... magkikita parin kami!!! <*nosebleed> Sinapian na naman ako ng kaluluwa ni Francisco Baltazar!!!


ToBEContinued...




Friday, October 31, 2008

Two Evils - Ceteris Paribus

"Let there be a widespread conspiracy, let the walls of jericho fall from the sky"
"Let the two evils fight to the throne... one may win but the vengeful soul shall live in the heart of the second evil"
"Who the hell is the second evil"
"I am the second evil"
"Yes I am"

I
May you hear the sound,
A loudly knell below the ground.
May you hear the whisper,
From the abbyss here we are.
II
Mighty Brutus is your name,
Im Caesar, a traitor of fame.
Stab and cursed, death comes along.
Until folks becomes enemies, enemies to evil.
III
Written from false records,
For the benefit of evil.
False Gods may hear,
But not dare to question.
IV
Supreme relation of two evil,
Ultimate ally of lies and generosity.
Until jealousy enters the scene.
All have lost, balance turn to chaos.
V
Two evils sharing the throne,
Now owns by the supreme demon.
Sharing his victory to other.
Laughing to those who lost.
VI
The second evil vanish from abbyss.
Rejuvenates all his strenght for revenge.
Indeed silence remain in vast medium,
But the dawn are only hours away.
VII
The vengeful soul unleashed his enmity.
Hatred, sorrow, betrayal are his ammunition,
Darkness seize his immortal soul,
Dominated by greed and obnoxious behavior.



Monday, October 27, 2008

Muerte Delos Traydores

"Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik, tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik. Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo" - Yugto (Rico Blanco)

Michelle wag kang magpakamatay... michelle...
Sino siya...si michelle!!??
Wag kang apektado...

Tinuring ko kayong lahat na parang kapatid... Sayang pero pinagpalit ninyo ako sa pera. Hudas ka/kayo sa paningin ko, kahit ipikit ko man ang mata ko. Binigay ko naman sa inyo ang lahat lahat!!! Nakisama ako sa inyo!!!

Tama nga siguro ang sabi sakin ng aking kakilala... Ang lugar na aking kinakaupuan ay pugad ng mga traydor... hindi sibilisado... Tinuklaw nila ang kamay ko, pinilipit ang mga braso... nilunok ng buo ang ulo...

Abusado silang lahat. Minsa'y pagbigyan mo... hihirit pa at kapag ika'y pumiglas tatawagin ka pang madamot. Gayong lahat ng salapi'y sinampal mo na sa mukha niya... Di ako nagdamot sa inyo kahit kailan. Binigay ko ang lahat lahat ng makakaya ko. Sukdulan ang lupit niyo... Sana'y sa mga tunay ko na lang na kaibigan ibinigay ang lahat. Sayang sana kayo nalang ang kasakasama ko at hindi ang mga buwitreng hayop... Magsimatay kayo!!!

Saksi ang langit, hinihintay naman kayo sa impyerno. Hahalik sa inyo si Satanas, kakalabitin ko naman kayo sa likod. Alam kong aakbayan niyo ako dyan sa abbyss. Ngunit pagkatapos ng pang uuto, nangatutok na ang matutulis na bolo... nakasaksak ng madiin sa mga likod niyo...

==Read between the lines==


---- Tang ina shit...

ayos bakit ganun...

Naging loyal naman ako...

sayang!!!

Para sa kanya;

Mabulag ka sa pag ibig...

wag kang tanga di ikaw un...

Mabulag ka sa pag ibig...

Wala akong pakialam...

Mabulag ka...

Mabulag ka...

Nanakawin niya lahat... Kaya mabulag ka!!!

wala akong pakialam...

Wala wala!!!...

Next post:

Kasaysayan: Ikaapat na Yugto: Super CrUsH!!!

Natapos na ang pagiging bitter ni Loglog... ganap ng nakalaya sa sapot ng kanyang kasaysayan...


Inflagrante de licto