Sunday, September 28, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Kame na yAhOO!!!

"Some call it crazy, some call it love, others call it obsession, well I call it a crazy love obsession"


- Anonymous





"Sa simula'y may tamis at lagkit ang pagtitinginan,

Sa huli'y magiging pait ng nakaraan...."

Ang salitang "I love you" ang isa sa mga mabentang wikain sa mga nagmamahalan. Kung may bayad ito, siguradong ito ang ibebenta ko. Kahit ibenta ko ng mahal ay mabibili agad. Indemand kahit anong panahon... Taglamig man o taglagas... Panahon man ng kapayapaan o giyera... mabentang mabenta parin ang salitang "mahal kita"

(250 dollars lang deal)

Mahirap ibigkas ang salitang mahal kita. Para sinasabi mo narin na handa mong gawin ang lahat sa taong iyon... Swerte nga ang masabihan nun, dahil minsan lang ito masasabi ng kung sino man. Pare I love you!!!

1st time kong masabi sa isang tao na mahal ko siya. Hindi ako ganun ka lambing sa magulang ko kaya ni isang beses ay di ko sila nasabihan. Inaamin ko na marami akong nasabihan nun pero ni isang beses ay walang harapan. Through text lang ata o sa chat noong baliw na baliw pa akong makipag gaguhan sa di ko kilala. Kapag ibubuka mo palang ang bibig mo ay manlalambot ka na. Parang habang nilalabas mo ang tinig at hangin sa bibig mo ay tila baga'y unti unti kang humihina. Nangyari na sakin toh promise, at alam kong nangyari narin sayo. Kaya simulan ko na ang pagkukuwento baka mabagot ka na dyan sa kinauupuan mo.

Sa totoo lang hindi ako marunong manligaw. Torpe ako... ahem... Mahiyain pala. Kapag lalapit na ako sa babae ay parang nawawalan ako ng sasabihin at maraming pumapasok na bacteria sa isip ko. Maraming tanong ang bumabagabag sakin kaya siguro natatakot akong maghayag ng aking nararamdaman. Pero di ko talaga alam o maalala kung niligawan ko ba o hindi si 3rd gf... ang natatandaan ko kasi... nagkakapalagayan na kami ng loob.

Nagsimula ang lahat sa isang proyekto sa Science na kung tawagin ay nakakabwisit na investigatory project. Kung bakit nakakabwisit, ibang istorya na yan. Dahil dun sa "nakakabwisit" na iyon mas lalo pang naglapit ang loob namin. Putcha!! isipin mo ba namang halos kayo lang dalawa ang gumawa ng project na yun. Pero sulit din naman kasi mas lalo ko siyang nakilala. Sabay kaming pumunta sa library na pugad ng nakakairitang librarian. (at uulitin ko uli na ibang istorya na iyan)

Pagkapasok namin sa silid aklatan halos di kami mapakali kung nasan ba yung hinahanap namin. Ang masama hindi naman talaga namin alam ang librong hinahanap namin. Buti nalang ay may mabait na estudyante ang nagsabi sa kanya na ang librong kailangan namin ay "Bato Balani". Sa wakas magbabasa nalang kami at ilang sandali ay makakauwi na. Medyo natagalan kami sa loob ng Library na sobrang lamig. Kahit na 9 lang ata ang tao sa loob nito. Super ginaw to the max!!! Parang walang energy crisis noon. Nakita ko si 3rd gf na giniginaw at tinanong kung ipa xerox na natin para makauwi kami. (*** hindi ko na alam ang susunod na nangyari)

Basta ilang sandali lang magkahawak na kami ng kamay. Pero hindi kami... Hindi ko siya Gf at di niya ako Bf. Parang MU ba iyon... tama ba.. mutual understanding...

Kinabukasan ay mas malakas na ang loob ko dahil parang nararamdaman ko na may pag asa ako sa kanya. Holding hands na nga kami, proof na gusto niya ako. Tinabihan ko siya habang wala ang teacher naming bisyong ma late. Pinaliguyliguy ko muna ang usapan, nagtanong kung ano na ang susunod na hakbang para sa bwisit na investigatory project na iyon. Medyo mahaba haba din ang paliguy liguy na usapan. Sa loob ng 1 minuto at 4 na segundo nagpropose na ako. Gusto ko siyang ligawan!! Sinabi ko ng buong tatag at pagkalalake kong binulalas sa kanyang tenga. Pero palpak lang talaga ako nun. Aba nama'y sinabi ko sa kanya pagkatapos ng proposal kong manliligaw ako, na bakit ba kailangan pang manligaw. Nagtanong ba sa liligawan. THough di ko intensyon na maging presko, gusto ko lang talaga malaman kung bakit kailangan niya ng ligawan. Ngunit imbes na sagutin ang kabobohang tanong ko. Ang tangi niyang naibulalas sa bobong si Loglog ay; "Pagkatapos nito ano na ang mangyayari?"

Hindi ko nagets yun dahil sa natural akong tanga kapag kaharap ko ang nililigawan ko. Ang tangi ko nalang nasabi aayy ano? Di ko gets? Pinaliwanag niya ito ng paulit ulit at sa wakas ay naintindihan ko din. Ang gusto niya palang palabasin ay baka magkasakitan lang kame. Halos manghina ako ng marinig ko sa kanya yun.

... Pero kahit na pursigido parin ako sa kanya...

July 14 - Pagkatapos ng klase namin, inasikaso na naming dalawa ang nakabubwisit na proyekto sa physics. Buti nga ay may nahabag saming babaeng kagrupo at ginawa ang kanilang bahay na laboratory para sa gagawin naming experimento. Pagkadating namin sa bahay ni mahabaging kaklase, pinag aralan namin ang nasabing experimento. Nagkasawaan kami sa kakabasa dahil nalaman namin na wala namang patutunguan ang aming pananaliksik kung wala namang ang isang kagamitan para sa aming experimento. Kaya naisipan naming magkwentuhan nalang sa taas. Si mahabaging klasmyt ay saglit bumaba para kumuha ng makakain. Solo kaming dalawa, kinakabahan ako dahil kami lang ang nasa taas. Naiilang ako at parang natutuyo ang mga labi ko. Gustong may sabihin sa kanya pero kabado at wala pang lakas ng loob. Pagkatapos ng ilang saglit naipon na ang lakas ng loob. Nilapitan ko siya para sabihin na ang nasabi na dati. Inamin ko na mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal na mahal ko siya. Agad siyang tumayo sa pagkakahiga at sinabing, "Alam mo bang nakikipagbalikan ang ex ko sakin..." Nawindang ako ng marinig ko yun at sinabi sa sarili ko na here it goes again!!! Tinuloy ni 3rd gf ang pagsasalita at sinabi sakin na hindi niya binalikan ang kanyang ex dahil sa kin. Dahil gusto niya ako na maging Bf... Nang matapos ang kanyang pagsasalita hinawakan ko ang kamay niya at nagbikas ng mahal na mahal kita windelou

9 comments:

meg demetria said...

sana nxt tym mejo ikliian mo nman., napakahaba, ang tgal ng ending., nabibitin ang mga readers.,

20-1146 said...

in fairness, hindi ako mahilig sa love story pero parang nagflashback ang 'those were the days' ko! hehehe...

keep it up, man!!!

Anonymous said...

yees nmn! nbblot ng hiwaga an mga blogs ni loglog. =)

an sweet nyo nmn. hehe. parang puppy love. ng dahil sa bato balani. =] nagbunga ung bato loglog! haha!

pero un nga, saja bang gnun ang guys? nlkas an loob pg alam nilang me pag-sa sila? hmm. wala bang nagpupursige dahil sa gsto niya tlga un gurl? hehe. di ako nange2lam. nagttnong lng. =]

tseska said...

well..loglog..lumiliwanag nkikita mu..haha

yeah tama..


just keep it up..malay mu sa mga ginagawa mu..
u can touch people's live and mgbigay aral sa kanila..:)


nice..:)

Anonymous said...

sana hindi lalaki sa lalaki ang naghoholding hands sa picture

shayne said...

loglog..
magpasalamat ka na lng sa investigatory project nyo..
hmm.. so far kaw pa lng ang taong may nakuhang mabuti sa IP..
kmi kc puro hirap..

ang cute ng story mo..
ung akin lam mo na.. pang telenovela.. haha..

one4jha_14 ===J♥H♥A♥ said...

.Whew..!!
.GAnyAng TlGA Ang BUhaY PAg-iBig..
.PAg mInHAl MO n nG SobRA sobRA
.Dun Nmn LuMLAyO..
.AHhAhaH.!!
.WhAteVEr..!!

===KAhiT n GANo k kBIWSEEt duN S Inv. PrOj. MO... yUN nmN UNG DAhiLAn KuNg pAno kAu NgKAkiLALA Ng LUbUSAn... mAgpASALAMt K Dun... NOW nA.!! ahahaha.!! Pero HINDi P DIn SigURo.. KASi PAg mAhAL mO YuNg ISAng TAo.. GAgAwA K TlGA nG PArAAn PArA mPAlApiT KAu.!!
>>>oh tAMa nA iTo.. MAHAbA n MXdo.. MtATalO Ko N YUnG BlOG mO.!!
>>>AhAHhaha..Joke LANg..!! ^^

Anonymous said...

maganda naman sa mata kapag binabsa ko ang blog mo.
Naiintindihan ko lalo ang mga nararamdaman ng mga OT kung pano sila nagmamahal ng tunay...at kung pano din sila nakikipaglaro.. good luck sa buhay pag-ibig mo sa hinaharap ha... maging maligaya ka sana.. nice story of yours..

Anonymous said...

hmm maayos naman pagkakalahad ng iyong saloobin sa istoryang ito ..nagbibigay ito liwanag sa akin upang lubusan kong maintindihan kung papaano magmahal ang mga OT .. at kung papaano din sila nakikipaglaro sa kanilang buhay pag-ibig..
nice story of yours
keep it up!!!

Inflagrante de licto