Bago pa man nakipagsapalaran... bago pa man nagbigkas ng mga kakornihan at kasinungalingan... naghagis muna si Loglog ng barya... heto ang ikaapat na parte... wala ang ikalima kung wala siya .. Heto siya oh... >>> Ikaapat na Parte
Bilang tugon sa tagubilin ng barya, buong tapang kong sinunod ang payo nito na piliin si Princess. Kaunaunahan kong beses na magtatapat kaya medyo bangag, kinakabahan... napapraning ako. Nagdagdag pa sa "Tense" ang katotohanang marami rami ding tsupul ang naghahangad na mapasagot siya. Ayaw ko namang mabigo sa unang babaeng pag-aaksayahan ng oras.
Kung tatanungin niyo ako kung artistahin ba ang mga mokong na pumoporma sa prinsesa, "no comment" ako sa isyung yan. Ito lang ang alam ko... Wala silang panama sa "appeal" ni Loglog. Nosi balasi!!! Crush niya ako! Dagdag puntos na yun.
Sa silid palang namin may tatlo na akong katunggali. Itatago nalang natin sila sa pangalang Juan, Pedro at Jose. Kung tutuusin may lamang din ang tatlong ito sa akin. Ang karanasang magkasyota. Pero di pa din ako nagpapatinag sa mga arungas na ito, may isang bagay na wala sila at ito ang mamula mulang pisngi, mapupulang labi at higit sa lahat mas matangkad ako sa kanila.
(Pagpasensyahan niyo na nagbubuhay lang ng sariling sofa)
Kumpiyansa ako na malaki ang pag-asa ko kaysa kanila. Kaya naglakas loob kong nilapitan ang prinsesa kahit na napapabalitaang binabantayan ito ng mabagsik at nagbubuga ng apoy na dragon.
Tense na tense akong tinahak ang makipot na daanang napapaligiran ng dosedosenang upuan. Kasabay pa nun ang maraming matang nanghuhusga at malilisyoso. Maliban sa mga mata ng karamihan, higit na ipinag aalala ko ay ang tingin ni Juan. Ang tindi niyang makatingin!!! Nakikinitaan kong tinutunaw niya ako. "Your going down Loglog!! Your going down!!," sabi ng mga mata nitong nanlilisik.
Dalawang ruler nalang ang layo ko sa kinauupuan ni Princess nang may naalala ako. Agad na napalingon ako sa dating paboritong kausap. Wala si Rose Ann... Wala siya? Marahil nagsawa nasa skyflakes kaya sa labas nalang kumain.
Naging emo sandali ang paligid ko nang makitang wala siya sa upuan niya. Nakakalungkot na bakante ang upuan niya at inuupuan ko noon. Wala na ang dati... wala na... kasaysayan na ang lahat... Pero nakakamis din pala.
Napalitan ng pagtataka ang mga matang malisyosong nakatingin sa akin. Sino ba namang nasa matinong pag iisip ang sasampal sa sarili sa harap ng madaming tao...?
Siguro wala lang ako sa sarili nung mga panahong iyon... Gulong gulo ang utak ko na tila may roller coaster sa loob nito. Malala na at sinasaktan ko na ang sarili ko...
Natunton ko na ang prinsesang nagkukubli sa mga malalapad at nagtatayugang tore. Pero gising na ang prinsesa... Ano pa ang silbi ng kabalyero?
Naupo na ako sa tabi niya... Kanina lang kaba ang laman laman ng dibdib ko ngayo'y pag aalangan na... Gusto ko siya totoo yun... Ako ang prince charming na magliligtas sa prinsesa pero bakit ganun parang may kulang. May isang bagay na wala sa kanya at alam kong di matatagpuan sa akin.
Wala siyang skyflakes...
To be continued...
Naupo na ako sa tabi niya... Kanina lang kaba ang laman laman ng dibdib ko ngayo'y pag aalangan na... Gusto ko siya totoo yun... Ako ang prince charming na magliligtas sa prinsesa pero bakit ganun parang may kulang. May isang bagay na wala sa kanya at alam kong di matatagpuan sa akin.
Wala siyang skyflakes...
To be continued...
Ikaanim na Yugto "Denial"
"Soon"
---------------------------------------
"Soon"
---------------------------------------
No comments:
Post a Comment