Thursday, November 6, 2008

Kasaysayan: Ikaapat na Yugto: Super Crush

"Its a bird, Its a plane... Its superman? No!! Its super crush"

Sa totoo lang maraming beses ko itong sinulat. Burara lang talaga ako dahil ang entry na toh ay lagi kong nawawala... Apat na version na ata ang naisulat ko kaya medyo na pending ang post na ito. Heto na at isusulat ko na si SUPER CRUSH!!! Ang babaing bumaliw sa akin pagkatapos ng dalawang taong break up namin ni 3rd gf.

Sino ba si Super Crush?
Bakit siya super?
At kapag nilagyan ko ba ito ng duper magiging O.A na ako!!!

Sobrang humanga ako kay Super Crush... kaya nga siya super eh... Obvious ba na obsess ako!!! Ang cute cute niya kasi!!! Parang siyang stuff toy na indemand sa tindahan ng laruan. Sa pagkakataong ito, nag simula na namang mabaliw ni Loglog!!! Sa loob kasi ng dalawang taon, medyo medyo sinumpa ni Loglog ang mundo ng mga kababaihan...

Ang lahat ay nagsimula sa simpleng paghanga... na nauwi sa obsession... OBSESS!!! OBSESS!? Hello!!!??

LOGLOG PRODUCTION
Presents
"Ikaapat na Yugto"

Super Crush

Asar!!!
Halos dalawang meeting ang nawawala sa amin.
Nasan na ba iyong professor na iyon...

Ayan ang mga salitang boluntaryong lumalabas sa aking bibig. Badtrip ako ng araw na iyon dahil sa 2 linggo ng di pa namin namemeet ang professor kong abnormal. Nagmamakaawa pa ata kami nun, magklase lang si prof. Aba naman!!! Idahilan ba niyang walang available na silid para samin kaya hindi nalang siya nagturo...

Buti nalang may kaklase kameng masipag na naghanap ng silid para sa mga kaawaawa niyang kaklase. Ayun sa wakas, nagklase na rin kami. Badtrip parin ako sa prof namin kahit nagtuturo na siya ng walang kalatuylatoy!!! Balak ko na nga lang na idrop ang subject niya dahil nakakahawa ang katamaran ni prof. Ngunit buti nalang pumasok sa isip ko na ilang buwan nalang naman ang ikikilos ng orasan tapos na ang paghihirap ko sa pakikinig ng mga nonsense na usapan...

Buti nalang di ako nagpadalosdalos...

Nang pumasok ako sa subject naming dapat dati pa nagsimula, wala na akong ginawa sa kinakaupuan ko kundi lumingat lingat... Tumingin sa paligid baka may isang bagay na magpapawala ng asar ko sa araw na iyon. Tingin sa kaliwa, sa kanan, sa taas, sa baba!!! Hindi sumuko si Loglog sa paghahanap ng gamot!!!... Nagbunga naman ang lahat ng naispotan ko ang gamot na pagkatagal tagal kong hinanap...

Nang makita ko siya... gusto kong sabihin ang "Its a bird, its a plane..." tapos aadlib kayo at makikipaggaguhan sakin ng "ITs superman"... at agad kong dudugtungan ng "Naahh!! Its super crush"

Hindi siya ang nilalang na nasa isip mo na naka kapa, nasa labas ang undies na nakasinturon. Siya ay batang anghel!!! Tama anghel na nagbabakasyon sa lupa para baliwin ang baliw na katulad ko. Siya si Super Crush!!! Tantananantanan!!!

Napatitig ako sa mata niya sa loob ng labinglimang segundo, aayy teka mali!! Labingpitong segundo pala... nakuha ko pang bawasan!!! Sino ba naman ang hindi hahanga sa mala diyamanteng mata. May balak nga sana akong dukutin kahit isa man lang sa mata ni super crush. Maisanla sa pawnshop para makabili ako ng PSP... Buti nalang tinitigan kong maigi kung hindi talagang napagkamalan ko ito.

Nak nak!!!

Sinong hero ang hindi superhero na laging nakahubad!!??
...
...
...
Undress Bonifacio!!! Hahahaha!!! Ang korni ko!!!
Komersyal lang!!!

Natapos na rin ang klase ng nakakairita naming professor. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil wala ng klase o malulungkot dahil tapos na ang pagtitig session ko kay SUPER CRUSH!!!
Pero alam kong may bukas pa... Bababa nga ang pebong hari sa mga matatayog na bundok... Ngunit dadating din ang oras na aangat ito sa pagkakatulog... magkikita parin kami!!! <*nosebleed> Sinapian na naman ako ng kaluluwa ni Francisco Baltazar!!!


ToBEContinued...




4 comments:

yssev said...

hahahaha! ayan, napatawa mo na naman ako. talaga naman 'tong si luigi.. maobsess ba naman. buti nde ka naging stalker.. hmm..nde b? ahehehe.. haay..nambitin ka na naman.. present na naman yung "to be continued mo".. tsk! para naman akong nde sanay.. haha.. pero, alam mo tlga kung panu i-kwento ang lablayp mo n nde nman heavy at nde aq nakokornihan.. (o, cornex lng tlga aq? malamang, yn nga. haha.) keep up da good work.. ciao! carpe diem! =)

Anonymous said...

--haaayy..sobrang obsees k kay super crush kea nagi2ng O.A.

--eniweiz,...cnu b c super cruch???

--haha


--> dana

Anonymous said...

ano ba balak mo sa pagsusulat mo?

hindi ko na malaman kung saan patungo ang pagsusulat mo.

Sadyang gusto mo lang ihathala ang iyong mga saloobin at mga nangyayari sa iyong buhay?

bakit ka ba nagsusulat?
ano ba nagustuhan mo sa pagsusulat?

Anonymous said...

buti nakahanap ka ng reason para ndi mabagot sa class mo at ndi idrop., hehe., mejo may kahirapan lang intindihin ung huling part, dko nagets., pebong hari?! aun., maganda nman ang pagkakasulat pero as usual to be continued ulit., tsk3..

Inflagrante de licto