Tuesday, December 2, 2008

Magic Wand

Tatlong beses tuwing weekdays... dalawang beses naman kapag weekends... Apat hanggang anim na episodes kada araw... Ganyan ako kaadik manood ng "Fairly Odd Parents". Kung ngayon lang kayo pinanganak... ang cartoon na ito ay mapapanood sa nickelodeon. Ito ay tungkol sa average kid na may 2 magical faries. Siya ay si Timmy Turner na laging nakasuot ng pink cap at damit. Lahat ng iwish niya ay natutupad. Bagamat may mga limitasyon sa lahat ng kahilingan, masasabi ko paring napakaswerte ni pareng Timmy.

Fairies, Genies... ayan nalang ata ang pag-asa ng Pilipinas...

Halos sampung milyong Pilipino ang nagugutom....

Tatlumpu't limang milyong Pilipino naman ang kumakain ng hindi sapat ang nutrisyon... Nagtitiis sa mga noodles na kulang na kulang ang bitamina para sa pangangailangan ng katawan. Halos lahat ng mga politiko ay manloloko at magnanakaw.
Libo libong Pilipino kada taon ang nag iibang bansa dahil walang mahanap na matinong trabaho sa Naspi... Libo libo din ang istoryang inuuwi ng mga bayaning OFW na biktima ng exploytasyon, pang aabuso, panggagahasa, pambubugbog... Sa kabila ng mga kwentong bangungot, marami parin ang umaalis para magtrabaho sa labas ng dalampasigan ng Pinas...

Araw araw may pasabog ang gobyerno... hindi mo na alam kung ano ba ang totoo...

60-65 na iskolar ng bayan ang pilit sinisiksik ang sarili sa silid na pang 45 ang kapasidad. Daan daang libong kabataan naman ang napapariwara ang buhay dahil sa bawal na gamot. Libong bata rin ang nagtatrabaho imbes na naglalaro at nag aaral...

Isa sa bawat Pilipino kada oras ang nakakaisip ng pagbabago... anupa ang halaga nito kung madami naman ang isusuko ang pagka-Pilipino nila dahil sa kahirapan na dulot ng pagka-Pilipino...

Ano ba talaga ang solusyon sa nagpatongpatong na problema ng Pilipinas?

Magic Wand na ba ang nahuhuling remedy sa inaapoy ng lagnat na bansa...

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

(Walang kwentang post... wag seryosohin)

Next Post: "Alamat at Historya...

Posted December 15, 2008



4 comments:

Anonymous said...

may pagka-progressive na ah... gud start to change the way ur usual blog goes... kip it up! haha....

msPANDA said...

hindi ah!

parehas tayo!

favorite ko ang fairly odd parents... ngayo't may bagong episodes na ito..
sa kasamaang palad, nasira ang tv namin last week..kaya maupuputol mun ang panonood..

PUPian ka po ba?

Amartinez said...

hindi aq taga PUP..

Anonymous said...

.FAVORITe MO DiN PAlA YuNG FAIrly ODd PArENTS. ^^


.................................

.KUNG GAnUn LAnG SAnA KADALi MAkahaNAp NG GEnIE AT FAirY goDPAreNtS ... E D SANa LA N NGhiHirAp Sa PNAS...
.PEro GAnYAn TLGA...
.WlA KAsi tAyOng DisIpLinA SA SAriLi Eh..


..................................

.NKIKibAsa uLIt sa BLog MO...

Inflagrante de licto