Democracy fails us if concience and human determination for change co-exist with personal interest and greed. If change fails humanity then self preservation is at stake. We are now in a climatic stage of human suffering. We are now revolutionaries. - Loglog
___________Extinction is inevitable if change does not exist in the hearts of a species. - Loglog
_________I believe in
God but i dont have faith in an institution who tell they knew God very
well. - Its faith that matters most, not the hypocrisy and ignorance of
politically motivated faction - Loglog
_________Corruption
plus chaos multiply by arrogance equals total destruction minus hope
divided by personal interest equals self-preservation" - Loglog
________
"Before greatness, before notoriety, before fame... You at 1st a fool lost in a milleau of mediocrity. After greatness, you will not be forgotten but no one wanted to be like you."
__________
"Love not moves in mysterious ways. We have instinct to give love and badly needed to receive it to someone.So love is not mysterious, it is natural. We're born to love."
__________
"Dreaming is the easy part. Living the dream is the hard one. And giving up is the easiest."
__________
"If you want more, don't be content. If you want to be happy, be content."
__________
TAGALOG QUOTES
****Sa Pilipinas lang yata nangangako ang mga kandidato na papayamanin niya lahat ng Pilipino. Sa Amerika iba naman... Gusto nilang masugpo ang kahirapan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga Middle Class -Loglog
___________Meron akong nilalang na pinaliwanagan kung ano ang global warming... Nang magkita kame di daw siya makatulog... wala na daw bang solusyon... sabi ko meron... ikaw...
____________Kaya natatakot tayo dahil sa simpleng dahilan lang... naduduwag tayo kasi wala pa tayong karanasan sa bagay na kinakatakutan natin... - Loglog
____________Ano kaya kung mamatay ka ngayon at nakaharap mo ang Diyos.. tapos di pala ung dyos na inaakala mo ang makikita mo.. o kaya naman ang Dyos pala ay si Elvis Prestley!! Malay natin tiba! - Loglog
____________"Ang panliligaw ay proseso ng
_____________
pagpapakilala sa tao na di naman ikaw. Ito ang matinding panlilinlang na
kinakagat ng mga nalinlang agad sa mga kasinungalingang likha ng mga
matatamis na pang uri at panggalan." -Loglog
"Naaawa tayo sa mga pinapalayas na street vendor sa bangketa. Nahahabag sa inang pinagtakpan ang kasalanan ng anak. Naiinis tayo sa mga nagpapatupad ng batas."
_______________
"Obligasyon mong pumili ng gusto mo at karapatan mong maging masaya."
_______________
"Walang nagtatagumpay sa taong nakukuntento lang sa maliit"
_______________
Tuesday, October 26, 2010
Loglog Quotes
Monday, July 12, 2010
Ano sabi niya?
Hindi ko na nga dapat itanong ito sa inyo dahil alam ko naman na tao ang isasagot niyo. Gayong tao nga at hindi ang lenggwahe ang salarin ng di pagkaka unawaan ng tao. Pilit pa din nating nilalayo ang ating sarili sa kasalanan. Tao nga may sala pero malinis ang konsensya ng lahat. Walang gustong maging parte ng problema at maging solusyon nito.
Komunikasyon?
Pagsasalaysay, debate, pagtatanong, tsismisan, daldalan ng mga estudyante, palitan ng murahan ng mga magkakapitbahay, knack knack joke ng mga kongresista at senador, maka-tulong laway na SONA ng pangulo at pagmamakaawa ng pulubi sa kalye...
Ayan ng komunikasyon...
Bata pa man, nag uumpisa nang mahasa ang tao sa tama at wastong paggamit ng mga salita. Ang normal na bata ay may alam na pitong libong salita. Kasama na doon ang Putang ina mo, gago, tanga at pak yu....
Dalawang bata naglalaro sa harap ng bahay namin
Bata1: Iiyak na yan...
Bata2: Putang ina mo!
Bata1: Tang ina mo minura ba kita.Pikon. Pakshet!
Bata2: Putang ina mo! Putang ina mo! Baho ng puke ng nanay mo!
Mamaya maya dumating na ang matatanda para pangaralan ang mga bata...
Matanda1: Lintik na mga bibig niyo! Ayan ba ang tinuturo ng magulang niyo...
Matanda2: Mga putang inang mga yan... dito maglalaro tapos mamaya maya magmumurahan... mga Putang ina talaga..
Matanda1: Mga Putang ina ninyo... magsi uwi na nga kayo sa mga puke ng mga ina niyo.
Kung akala niyo tapos na ang makulay ng usapan ng matatanda at bata baka dun ay nagkakamali kayo...
Bata1: Putang ina mo! (Sabi sa mga matatanda)
Bata2: Pak yu! (Naka turo ang hinlalaki sa matanda din)
Ang kabataan ay pag asa ng bayan - Dr. Jose Rizal (Naka crossfinger si Rizal)
Sabi ng titser ko, ang salita ay nagmula daw sa mga tunog na likha ng kalikasan. Impluwensya raw nito ang mga kanta ng ibon... wasiwas ng sanga ng puno, pagkulog, pagpatak ng ulan at marami pang mga iba't ibang mga ingay na likha ng paligid... Mapalad pa din ang tao na naunang nadiskubre ng tao ang komunikasyon kaysa sa cellphone... Sa awa ng Diyos, (hingang malalim) Isipin mo nalang kung nauna ang cellphone na ma imbento. Siguraong malaki ang magiging impluwensya nito sa pagmumura ng tao... Magmimistulang mga robot ang usapan ng tao... Ang mas masakit pa doon ay ang mga parrot na gumagaya sa sinasabi ng tao ay nagsasalita nalang ng tunog Nokia Tune... tsk!
Iba na talaga ang narating ng lenggwahe ... nagsimula sa "non verbal" na pag uusap noong unang panahon... hanggang sa paggamit ng mga larawan na napunta sa latin na inugatan ng Ingles, Pranses, at Spanish... Ang dating lenggwaheng latin na karaniwang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa Europa ay na phase out na sa dila ng mundo at common na ginagamit nalang sa pangsimbahan at pangkulam... Nagpapatunay na wala talagang permanente sa daigdig . Umiikot ang mundo at kasabay nun ang paraan ng pakikipag usap.
Sa Pilipinas palang, kung ikaw ay sumubok na magkulong ng limang taon. Paglabas mo, Ibang iba na agad ang paraan ng pag uusap. Gay Language o gay-Lingo ang in, limang taon ang nakakaraan. Mapa bakla, tomboy, straight na lalake at straight na babae ma'y na hook sa makabagong salitaang ito...
Natatandaan ko tuloy noong dekadda 90's, usong uso ang pagbabaliktad ng mga salita. Halimbawa ang salitang takot ako ay ginagawang oka tokat o ang gago na ogag Kung mabagal at di sanay sa paraang ganito. . wala ka ng choice kundi maghanap ng puno at doon magbigti...
Sa kasalukuyan, bagamat ang gay language ay hindi pa din naglalaho o nababawasan ang gumagamit. May isa na namang rebolusyon ng makabagong pananalita. Hango ito sa paraan ng pagtetext at malamang maging parte na din ng diksyunaryo... Jejeje
Buwan ng wika...
(UnEdited)
Thursday, June 17, 2010
Alamat at Historya (Chapter 2 - Part 1)
(Chapter 2 - Part 1-)Ang mga madaldal at
tagapakinig{Mitolohiya}SoonJune 29, 2010UnEdItEdNakapost saLINK - Alamat at
historya
Wednesday, June 9, 2010
Bawal magpa-blonde ng kuko...
"I'm tired of hearing it said that democracy doesn't work. Of course it doesn't work. We are supposed to work it."
-Alexander Woollcott
Alas onse na nang magising ang kaluluwa ko. Sobrang "excited" ako kaya natagalan pa akong makatulog. Matapos ma-iligpit ang higaan agad na akong bumaba. Bukas ang t.v, nakatutok si erpat. Ayos ang programa sa telebisyon, ayos ang eleksyon. Bago ko man gawin ang karapatan at obligasyon ko, napili ko munang manood ng palabas sa telebisyon. Automated ang eleksyon pero ga-kilometro ang pila. Maraming kapalpakan ang nai-ulat na nakapanlulumo kung pakikinggan. Puro negatibo, depektibong makina at mga agresibong botante na gusto lang magpasok ng balota sa PCOS.
Nakakalungkot isipin na may mga lugar na malas at sira lahat ang PCOS machine. Mas nakakalungkot sa paningin ang aleng nagpupumilit pumasok sa presinto na sarado para lang makaboto. Kahit nasa kaunting oras lang na na-air siya sa balita, kitang kita mo sa mata niya ang kagustuhang makaboto. Nakakaawa ang kalagayan ng ale pati na din ang daan daang Pilipinong nasa likuran niya na nagsusumiksik para sa botong lilikha ng bagong kapalaran at pag-asa ng bayan.
Medyo napigilan ako ng kaunti at nagmuni-muni. Sa mga napanood at nakita sa telebisyon napag-isip isip kong wag na lamang bumoto. Dala ng pagkadismaya at katamaran kong pumila kaya nag aalangan na ako. Naranasan ko kasi ang lahat ng klaseng pagkulo sa tuwing makikilinya sa ga-milyang pila. Kukulo ang ulo mo sa init at pati na rin ang tiyan mo sa gutom.
Pero sa kabila ng hatak ng katamaran, bigla kong naalala ang mga sinasabi ko sa mga kaklase , katropa at kaselda. Kung hindi ako boboto para ko nalang sinampal sa mukha ang bawat salitang pinagsasabi ko sa kanila.
Nagbait baitan pa ako noon para makumbinse lang silang bumoto. Sinabi ko pa na sayang kung di sila boboto, di nila mararanasang makabilang sa milyong milyong Pilipinong magiging parte ng makasaysayang araw na ito.
Nakumbinse ko naman silang bumoto at iboto ang presidenteng bet ko. Kaya nagpursige pa din akong pumunta sa eskwelahang pagbobotohan ko.
Teka teka...
Kailangan maligo muna bago ang lahat. Dapat mag-amoy "baby" muna... Mahaba ang pila, ibigsabihin dapat mahaba din ang proteksyon ng katawan. Linisin din dapat ang hintuturong pagpapatakan ng indelible ink. Nakakahiya sa maglalagay kung makita na yuck yuck ang nasabing daliri. Hayaan nalang ang siyam na daliring di naman ma-oobligang mabahidan ng asul na tinta.
Basta tinitiyak kong kumikinang ang makasaysayan kong hintuturo...
----------
-----
--
-
May kasunod pa...
Soon...
Next post: Bobo-to-ka-ba-.-A-k0-bobo-to
Soon kapatid...
Saturday, May 29, 2010
Alamat ng Kuto
"Sin is not hurtful because it is forbidden, but it is forbidden because it is hurtful"- Benjamin Franklin
Nang likhain niya ang unang tao... agad niyang pinartneran ito ng babae. Di pa niya pinangalanan ang dalawang nilalang na ito.. kasi nga tiba "understudy" muna...
Nang matapos niya ang babae... itinira ng Dyos ang dalawa sa paraiso. Sinabi niya din na lahat ng mga gulay, prutas, hayop at ang katubigan ay kanila. Pati ang punong pinagbawal ng Diyos kana Adan at Eba ay ayos lang kahit kainin nila.
Mahaba ang buhok ng dalawang ito. Yung lalake mukhang "hippies" na nagdadamo habang minumura ang gobyerno samantalang ang babae ay konti nalang ay kasinghaba na nito ang buhok ni Rapunzel. Nagkakapalan din ang buhok nila sa kilikili. Imaginin niyo nalang ang 30 years old na babaeng kahit isang beses ay di nakaranas ng magbunot ng buhok sa "armpit" Sa lalake normal naman ang may buhok kaya wag nang masagwaan.
Di tulad ngayon na ang silbi lang ng buhok ay pampapogi at pampaganda. Ang "purpose" ng buhok ay para malaman ng dalawa kung gaano na kadami ang nilalabag nilang kautusan ng lumikha sa kanila.. Sa bawat isang kasalanan ay katumbas ng isang pirasong buhok ang malalagas.
Makalipas ang sampung taon ang dalawang nilalang na ito ay nakalbo. Dahil sa pagmamahal ng Diyos pinatubo niya ulit ang lahat ng nawalang buhok sa ulo ng dalawa. Binalaan ng maawaing panginoon na iwasang lumabag sa kautusan niya kung hindi ay mawawalan ulit sila ng buhok. Tumugon naman ang dalawang makasalanan at nangakong gagawin nila ang lahat para iwasan ito.
Matapos ang pangangako, dumaan ang mga araw, buwan at 5 taon... nakalbo ulit ang dalawa... Dahil sa awa at pagmamahal ng Diyos binigyan uli niya ng makakapal na buhok ang dalawa. Isa uling pagkakataon...
Dumaan ang anim na buwan... Nakalbo ulit ang dalawa... Nawalan na ng gana ang Dyos ngunit imbes na di bigyan ng buhok, pinagkalooban pa niya ito ng makakapal at malulusog. Tinanggal na din niya ang panukala na "one sin to one strand of hair." Pero bilang kaparusahan, Nilikha niya ang pepeste sa ulo ng tao... ang kuto...
Nang matapos ang pag eexperimento ng Dyos sa mga "prototype" na tao ... Nilipol niya ang dalawa at pati ang kuto na naninirahan sa ulo nila... at nilikha ang orihinal na lahi ng tao... Sina Adan at Eba...
Nang makain nina Adan at Eba ang bawal na prutas... ipinatapon sila ng Dyos upang maghirap... Kailangan nilang anihin ang kakainin nila.. pagpawisan... paghirapan... kung kailangan mag nosebleed para masabing mahirap talaga... talagang kelangan dumugo..
Dinagdag pa ng Diyos na pahirap ang kuto... para kumpleto...
Ayan ang pinagmulan ng kuto...
...
Sunday, April 11, 2010
Thursday, April 8, 2010
Ikaanim na Yugto "Denial" (Last Part)
Wednesday, March 31, 2010
Ikaanim na Yugto - "Disturb" (Ikalimang Parte)
Bago pa man nakipagsapalaran... bago pa man nagbigkas ng mga kakornihan at kasinungalingan... naghagis muna si Loglog ng barya... heto ang ikaapat na parte... wala ang ikalima kung wala siya .. Heto siya oh... >>> Ikaapat na Parte
Bilang tugon sa tagubilin ng barya, buong tapang kong sinunod ang payo nito na piliin si Princess. Kaunaunahan kong beses na magtatapat kaya medyo bangag, kinakabahan... napapraning ako. Nagdagdag pa sa "Tense" ang katotohanang marami rami ding tsupul ang naghahangad na mapasagot siya. Ayaw ko namang mabigo sa unang babaeng pag-aaksayahan ng oras.
Kung tatanungin niyo ako kung artistahin ba ang mga mokong na pumoporma sa prinsesa, "no comment" ako sa isyung yan. Ito lang ang alam ko... Wala silang panama sa "appeal" ni Loglog. Nosi balasi!!! Crush niya ako! Dagdag puntos na yun.
Sa silid palang namin may tatlo na akong katunggali. Itatago nalang natin sila sa pangalang Juan, Pedro at Jose. Kung tutuusin may lamang din ang tatlong ito sa akin. Ang karanasang magkasyota. Pero di pa din ako nagpapatinag sa mga arungas na ito, may isang bagay na wala sila at ito ang mamula mulang pisngi, mapupulang labi at higit sa lahat mas matangkad ako sa kanila.
Dalawang ruler nalang ang layo ko sa kinauupuan ni Princess nang may naalala ako. Agad na napalingon ako sa dating paboritong kausap. Wala si Rose Ann... Wala siya? Marahil nagsawa nasa skyflakes kaya sa labas nalang kumain.
Naging emo sandali ang paligid ko nang makitang wala siya sa upuan niya. Nakakalungkot na bakante ang upuan niya at inuupuan ko noon. Wala na ang dati... wala na... kasaysayan na ang lahat... Pero nakakamis din pala.
Napalitan ng pagtataka ang mga matang malisyosong nakatingin sa akin. Sino ba namang nasa matinong pag iisip ang sasampal sa sarili sa harap ng madaming tao...?
Siguro wala lang ako sa sarili nung mga panahong iyon... Gulong gulo ang utak ko na tila may roller coaster sa loob nito. Malala na at sinasaktan ko na ang sarili ko...
Naupo na ako sa tabi niya... Kanina lang kaba ang laman laman ng dibdib ko ngayo'y pag aalangan na... Gusto ko siya totoo yun... Ako ang prince charming na magliligtas sa prinsesa pero bakit ganun parang may kulang. May isang bagay na wala sa kanya at alam kong di matatagpuan sa akin.
Wala siyang skyflakes...
To be continued...
"Soon"
---------------------------------------
Sunday, March 14, 2010
Ikaanim na Yugto: "Arrogance" (Ikaapat na parte)
You don't love a woman because she is beautiful, but she is beautiful because you love her. -- Anonymous
Skyflakes o ang prinsesang bumihag ng matang uhaw sa kagandahan. Gulong gulo na ang isip ko. Simpleng problema na nga lang hirap ko pang ayusin. Ang solusyon na nga lang ay ang pagpili, ginagawa ko pang komplikado. Kung papahirapan ko pang ang sarili ko siguradong mauubos lang ang "worthless" kong "life" sa bagay na magtatadhana kung sino ang babaeng unang eentrada sa planeta ko. Kailangan ko nang mamili hanggat may oras pa. Malapit nang maubos ang oras. Ilang minuto nalang ang nalalabi. Nauubos na ang buhangin sa "Hourglass"... Unti unti nang lumalapit... Segundo nalang... Heto na!!
Lunchbreak na!!!
Ang paboritong pass time ng mga mahihilig kumain at mga ayaw kumain na pipiliin na lamang na magpakagutom para mangapit upuan. Time out muna sa pagpapatalas ng mga mapupurol na utak. Oras muna ng pagpapahinga... kainan na muna!!!
Sa mga oras na ito, wala pa ding nabubuong desisyon kung sino ba talaga ang bibigyan ko ng malilikhaing pangngusap na "Pwede bang manligaw?" Si Rose Ann ba na mabait na batang nakilala ko dahil sa kanyang tinapay o ang babaeng nagbigay sakin ng kaisipan sa salitang laplapan. Kung nauso lamang ng mas maaga ang "text voting" noon maaaring natulungan niyo pa ako. Pero hindi pa indemand ang cellphone noon... Wala pang mga kabataang naoospital dahil sa pamamaga ng hinlalaki o mga estudyanteng nagagahasa sa tuwing nakikipag "blind dating" sa text. Malas ang panahon namin sapagkat di pa uso ang super bilis na komunikasyon.
Bilang sagot sa problema, humugot nalang ako ng psio sa bulsa. Pagkapa ko sa malalim kong bulsa'y wala kong nakapang kahit isa man lang na barya. Akala ko magiging madali ang lahat. Naglakad nga lang pala ako kanina. "Shit!" Buo ang pera ko.
Dahil sa pagkataranta sumugod ako sa pinakamalapit na tindahan sa loob ng campus. (Theoretically 15 meters din ang kailangan kong takbuhin) Kumaripas na tulad ng "snatcher" sa Quiapo, narating ko ang tindahan ng wala pang isang minuto. Tinanong ko habang hingal na hingal si Manong tindero kung may papalit siya sa papel kong pera. Sa awa naman ng Diyos at pagkukusa ni Manong nabaryahan ang singkwenta pesos ko ng singkwentang pirasong piso. Medyo may kabigatan din ang limampung bilog na bakal kaya inabot pa ako ng higit sa limang minuto bago makaakyat ulit. Nang marating ang silid, nahimasmasan ako at biglang naisip na bakit pa ako nagpapalit. Pwede naman akong manghiram sa mga kaklase ko tiba ng barya. Kaya ayun... Napagtripan pa tuloy ako ni Manong...
Di ko na inisip masyado ang kabobohang pinaiiral ko. Sayang naman ang oras kung magmumukmok pa ako tungkol sa nabaryahang baon.
Kinuha ko na agad ang isa sa limampung barya sa bulsa ko at isinapalaran ang lahat sa ikot nito sa ere. Si Rose ang bahagi ng barya na may naka ukit na tao. Si Cess naman ang likod ng barya na may nakalagay na bandila. Pinitik ko papataas ang barya na magdedesisyon para sakin. Umikot ikot ito sa himpapawid ng mabilis... Nagpaikot ikot hanggang sa lumapat na ang kasagutan sa kamay ko...
...
Sagisag!!! Si Princess!!??
...
Tinitigang maige ang barya... Napaisip ng kaunti.. Pinitik ulit sa ikalawang pagkakataon... Lumipad at nagpa ikot ikot... hanggang sa nahilo ito... at muling lumapat sa kamay ko...
...
Sagisag!! Sagisag ulet!!!
Monday, March 1, 2010
Ikaanim na Yugto "Pre-Mature" (Ikatlong parte)
....
Maganda siya. May dating!!! Pwedeng maging 1st gf. Ayos siyang ngumiti. May kilig factor sa tuwing ginagawa niya sakin. Di din nakakasawa ang mukha. Classic siya sa madaling salita. Kaya siguro Princess ang ngalan niya.
Mahirap aminin pero napansin ko lang yata siya nang umamin ito na may crush siya sa akin. O sa kuro kuro ko, bulag lang siguro ang mga mata ko dahil sa nakiilalang tinuring kong "special friend" ... Si Rose Ann..
....
Gusto ko siyang makilala tulad ng pagtatangka ko kay Rose. Pero di tulad ni Rose na skyflakes ang bitbit sa bulsa... si Princes ay walang hilig sa crackers. Nakasanayan ni Princess na bumaba kasama ang mga buddies niya. Para silang powerpuff girls, pwede ding Charlie's angels, depende kung saan ang trip mo. Tropa sila na binubuo ng tatlong babae. Sinubukan kong iwan si Rose. Iwang mag-isa...
Sabihin niyo nang di ako marunong makuntento sa isa. Husgahan niyo na ako!!! Gusto niyo ipakulong niyo pa. Ngunit kahit anong gawin niyo, wala kayong magagawa.. feeling heartrob ako ngayon kaya wala ng kokontra.
....
Natuwa naman ako sa mainit na pagtanggap niya. Ayos siyang kausap!!! Mature sa kanyang edad kaya medyo na-culture shock ako. Di ko wari na tungkol sa ex-bf niya ang pinag uusapan namin. Mala tae ako sa inidorong di maflush flush dahil sa barado ang tubo. Nahihirapan akong makapasok sa poso negro. Sa pinadaling salita, hirap akong makakonekta noon sa usapan . Kung karanasan, nahuhuli ako sa takbo ng panahon. Hindi pa ako nagkaka-gf... Pati pakikipagholding hands, halikan at ilang mga ritwal para malaman na nasa relasyon ka ay di pa batid ng nilulumot kong utak. "Aware" akong nangyayari ang mga bagay bagay na ito, pero ang magawa in reality.. hindi pa!!!
....
Inopen niya sakin ang mga ritwal na ginagawa nila ng bf niya. Ako naman si tagapakinig na nag aastang batang paslit sa paghihintay ng bawat salitang lalabas sa bibig niya. Nataranta ako sa mga narinig. Naghalikan sila ng ex niya. "Loud" and "clear"... di pwedeng magkamali si tenga nun.. Naghalikan sila noong sila pa daw ni bf niya na kasalukuyang ex niya na. Di basta basta "smack" (klase ng halik na dinidikit ng mabilisan ang labi sa kapwa labi.. tumatagal ang nabanggit ng .75 segundo) o yung klase ng matagal na pagdidikit labi ng mga koreano na napapanood mo sa T.V. Sa edad niyang yun parang binarena ang ulo ko. Laplapan pa nga ang tawag niya dun. Para medyo "wholesome" pakinggan at di masama sa pandinig "LP." May pagkatunog party list pa.
....
Tinuro niya pa sakin kung paano nila ginagawa iyon. Lahat daw ng muscle sa bibig ay dapat mag-function, sabi niya. Mismong pati dila ay dinamay sa ehersisyo na para lamang sa labi. Gusto ko nga sanang mag-request na gawin sakin para mas madali kong makuha ang gusto niyang ipabatid. Ngunit di ko na din sinabi baka gawin niya. Nakakahiya naman... maraming tao sa loob...
....
Matapos ang kakilakilabot na session namin ni Cess (short for Princess..), bumalik ulit ako sa tunay kong upuan. Sumakit ang ulo ko sa mga narinig kanina. Unang beses ko palang na makipag-kwentuhan ng mga ganung bagay sa babae kaya naninibago ang proseso ng pag-iisip ko.
Habang gulong gulo ang utak... napalingon... napalingon sa gawing kaliwa.
May nakitang babaeng malungkot, walang ganang kumain ng skyflakes... at mukhang nagseselos...
-------
To be continued....
Saturday, February 27, 2010
Ikaanim na Yugto "Boredom
Bago maisipang magbasa marapat munang simulan ang kwentuhan sa post na ito :
"Nagsisimula ang silakbo ng damdamin sa maliit na kuwentuhan. Susundan ng kaunting tawanan. Hanggang sa paminsan minsang ngiti. Makalipas ang daan daang pangungusap. Magkahawak na kayo ng kamay at dalawang salita nalang ang kaya niyong sabihin. Mahal kita"
-Loglog
Noong una di ko naman talaga siya napansin. Hindi naman kasi siya ganun kaganda. Typical teenage girl na sa loob ng isang linggo makakasalubong ka sa daan ng limang babaeng tulad niya. Common sa madaling salita. Hindi din matalino at lalong di bobo. Tahimik na walang imik sa buong klase. Parang kulang nalang ay maging rebulto sa altar.
....
Pero sa kabila ng mga negatibong pang uri na ukol sa kanya, di parin maalis na isa siya sa pinaka extra-ordinaryong nilalang na dumaan sa buhay ko. Di siya alien at lalong hindi superhero na laging nandyan sa tuwing may nagsisigaw ng tulong.
Siya si Rose Ann... Hindi superhero at lalong hindi taga ibang planeta. Mabuti siyang bata sa pagkakakilala ko noog high school kami. Bagamat wala siyang imik sa tuwing nagkukwentuhan kami at wala siyang ginawa kundi ngumisi. Madami dami naman akong natutunan sa kanya. Yun nga lang hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung ano?
....
Anim na taon ang nakakaraan, medyo may kalabuan na ang "flashback" dahil matagal na ngang naganap. Mahirap nang alalahanin sa madaling salita... Pero sige game itutuloy na **
....
Isang nakakatamad na umaga ang bumungad sa akin. Paulit ulit naman kase. Halos tatlong linggo na akong gumigising ng maaga para magpaattendance sa mga guro. Hanggang ngayon may jetlag pa din at bakasyon pa ang laman ng isip ko.
....
Konting pandesal na isasawsaw sa mainit na kape.. Solve!!! Ligo ng mabilisan dahil nagyeyelo ang tubig... Ayos na!! Ready na sa eskwela...
....
Pagpasok ko parehong mukha parin ang sasalubong sa akin. Walong taon palang akong nag aaral pero pakiramdam ko nawawalan na ako ng gana. Pagpasok mo palang sa tarangkahan ng paaralan parang gusto mo agad na lumiko. Mas nanaisin ko pa yatang magkompyuter nalang kaysa makinig sa mga sermon ng ni Mam... Wala na akong "morale" na pumasok sa paaralan pero ayaw ko namang bumagsak sa ikalawang lebel ng High School. Magkakaroon naman siguro ako ng pangarap sa hinaharap kaya obligado pa rin akong sumagot araw araw ng "present"
....
Pagkatungtong ng paa ko sa silid, may titser nang nagtatawag. Patay na!!! Nasa "S" na ang apelyido, absent na naman ako. Bago pa man magtuloy tuloy sa loob ng klase ni mam. Nagsalita muna akong mag isa. "Good morning mam, good morning classmate!!! I'm sorry I'm late!" Hindi ko alam kung tradisyon na ito ng mga estudyanteng palaging late o voice recognition ng mga titser para malaman na di ka taga-ibang planeta. Walang imik si Mam kaya dumiretso ko ng tinungo ang trono ko.
....
Matapos ang una, ikalawa at ikatlong "subject", sunod na ang pinakapaborito kong oras... Ang "Lunchbreak" Pero di gaya ng pangkaraniwan kong "breaktime," Hindi ko ginamit ang bakanteng oras para kumain. Imbes na tsumibog ng mga mamantikang ulam sa kantin, mas naisipan ko nalang makihalubilo sa mga kaklase kong "favorite ang zesto at skyflakes bilang pananghalian.
....
Tiningnan ko isa isa ang mga kaselda ko... Mukha namang normal lahat. Sarap na sarap sila sa produktong ginawan ni Robin ng punchline. Una kong nilapitan si Rose Ann. Gusto ko sanang humingi ng skyflakes pero di pa kami close. Kailangan ko munang kunin ang kanyang loob saka ko hahablutin sa kamay niya ang habol ko.
Ayaw kong sirain ang masarap niyang pagkain ngunit dahil sa "necessity" wala na akong pagpipilian. Nagtanong ako sa kanya kung ayos lang umupo sa tabi niya. Gaya ng inaasahan di naman siya tumanggi.
....
Hindi ko na matandaan kung paanp ba nagsimula ang kuwentuhan. Nakalimutan ko na rin ang "topic" namin nun. Basta isa lang ang nasisigurado ko. Skyflakes ang habol habol ko!!!
....
Napasarap ang usapan naming dalawa kaya kinabukasan pinagpatuloy ulit namin ang non-sense naming usapan. Dumaan ang ilang mga araw at dumating kami sa punto na sapilitan ko ng pinalilipat ang "seatmate" niya. Wala na akong habol sa binabaon niyang skyflakes.
Hindi na ako nag iinterest sa malutong, malinamnam, amoy fresh na tinapay na naka-wrapper. Ayaw ko na nang skyflakes, siya na ang gusto ko... Curse you skyflakes!!!
Saturday, February 6, 2010
Ikaanim na Yugto "Prologue"
"Love distills desire upon the eyes, love brings bewitching grace into the heart."
-Euripides
Isang istoryang tumakbo ng higit limang taon. Di ko masasabing tuloy tuloy ang kabalbalang ito. Paputol putol ang kwento parang kung kailan lang nasa mood o tinadhana ni San Pedro kami nagtatagpo. Masasabi kong kay inam naman na nakilala ko siya. Alam ko ding masaya siya kahit papaano. Kahit sa bandang huli parang natapos lang sa ewan ang lahat. Pero bago ang kaewanan. Bago ang pagsisisi sa huli tiba dapat yung umpisa muna na bulag pa kaming dalawa sa katarantaduhang kung tawagin ay pag ibig...?
Tama heto ang simula...
2nd year high school ako noong nung magtagpoang landas namin. Batang bata, walang alam sa ikot ng buhay, naniniwala pa na ang mundo'y maraming butterflies, unicorns, mababait na elves at masasayang payaso. Sa madaling salia okies pa ang layf... Di ko pa kasi nakakameet ang greatest sagabal sa buhay ko tulad ng mga professors, guards at... at... professors na malupit...
Dalawa nga lang sa tinging ko ang problema ng 2nd year students, ito ay ang pagkaparanoid sa pag iisip kapag naging 3rd year na at ang sandamakmak na tigyawat na mahirap maalis. Dito kasi dumadating sa isang tao na kailangan mo ng magtraining sa pag aalaga ng iyong katawan. Mangangamoy ka na kasi sa "stage" ng kabataan mo kaya kailangan mo na ding mag tawas o mag roll on...
Ang maganda lang sa 2nd year ay panahon ito na kung saan batang bata ka pa pero kaunting hakbang dalaga at binata ka na. Hindi tulad ng 1st year na karamihan ay nagpupunas ng sipon sa kwelyo ng unipormeng pinalantsa pa ni mama... o kaya ang 3rd year at 4th year na nag uumpisa kang mahook sa masamang bisyo. Masasabi ko pa ding maayos ayos pa ang unipormeng suot suot mo at di gusot noong 2nd year ka kamo.
Ibang klase talaga ang 2nd year kagaya ng babaeng nakilala ko. Simple, cute at pakiramdam ko hindi pa nakakaranas makagawa ng mortal sin. Super bait niya kasi. Doon niya ako nadale. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig sa tupa pero pagdating sa kanya tumitiklop ako.
Isang araw maaliwalas ang panahon. May mga butterflies, lumilipad na pegasus, tumatawang elves, nagsasayaw na mga may mukhang puno sa paligid ko... (wag isiping adik si sumulat... talagang madami akong imaginary friends noong bata pa ako...) Ilang linggo na ding nag uumpisa ang klase. "Stable" pa naman ang buhay estudyante ko. Kaunting takdang aralin, di kahirapang pagsusulit, kakarampot na chalkdust sa sahig, malinis na silid. In short, malayu layo pa ang end of the world. Di pa nanggigipit ang mga guro kaya dapat magpapetiks petiks muna. Ayos ang ambiance ng silid... siguro naman mas ayos ang mga kasama kong nakaupo. Maraming bagong mukha... Bagong personalidad... bagong tao.. Friendly yata ako nun o walang sumpong kaya panay ang lipat ko ng upuan... Nangangapit upuan na tila nangangapanya para ibotong pangulo ng klase...
(Di naman talaga ako nangapit upuan... isa lang naman ang tinabihan ko bukod sa seatmate kong weird kausap)
Sino pa eh di si Rose... Tama si Rose...
Kung nasagwaan ka sa simula... mas masasagwaan ka sa susunod na kabanata...
Heto ang pagpapatuloy ng kwentong pag ibig ni Loglog...
Heto ang pasuka... pindutin mo nalang >>> -()-