Sunday, April 11, 2010
Thursday, April 8, 2010
Ikaanim na Yugto "Denial" (Last Part)
"Love not moves in myterious ways... We have instinct to give love and badly needed to receive it to someone. So on the contrary, love is not mysterious, it is natural, we're born to love."
- Loglog
Marami akong nasabi sa kanya pero halos lahat ay binura na ng panahon. Sa limang daang mahigit na letrang ipinadala ko sa hangi'y dalawampu't isang titik lang ang naisalba sa paglimot. "Pwede ba kitang maihatid."
Natapos ng ilang minuto ang "chit chat" namin ng prinsesa. Sa kahulihulihan ng mahabang usapi'y isang pangako pa ang nabitiwan ko. Isasakay ko siya sa trycycle at iuuwi sa bahay namin. Ipapakilala sa magulang at makalipas ang maraming tao'y magpapakasal na...
Teka!!!
...
Teka "technical problem"... may virus yata sa memeory...
Norton... mc cafe.. pccillin...
File retrieve...
Nangako lang pala akong ihatid siya sa kanila. Pinapa umanhin ko sa mga mambabasa ang konting aberya. Medyo may problema nasa memorya kaya may konting hadlang sa pagsasalaysay.
Balik programa ulit tayo...
Nang matapos ang walong oras na pagkakakulong sa piling ng mga walang awa, mapang abuso, haragan at masisipag na bayaning guro, agad agad kong sinabayan ang dalaga. Sa kabutihang palad, wala siyang kasamang "powerpuff girls at mga alipores na nangangarap ng kanyang kamay. Walang sagabal sa hangarin ko. Walang nakikitang paepal at si Loglog at ako nalang ang dapat kong problemahin.
Inalok ko ang aking kamay na buhatin ang bitbit niya. Hindi siya pumayag sa ibinigay kong tulong marahil sa dahilang nahihiya o napansin sa mukha kong mas hirap pa ako sa pasan pasang gamit sa likod. Hindi niya lang alam na ang mga librong parang "100 years old" at isang dosenang kwadernong kakarampot ang sulat ay magaan lang kumpara sa dibdib na litong lito. Nakaamin na ng nararamdaman sa prinsesa'y tila gusto ko pang magpanibago ng isip. Di pa din kasi mawala sa isip ko si Rose Ann. Habang kasama si Princess, tanging laman ng utak ko ang tawang napipilitan sa tuwing nagnanaknak joke, mga tinging inosente niya pa na nagpapatulala sa akin... at higit sa lahat ang pagiging simple at mabuting kaklase. Iba ang tama ko kay Rose Ann kumpara kay Princess na dala lang yata ng paghanga kaya siya ang ginusto.
Siguro ang mata at puso ko ay nagsusugal. Nagpupustahan ang dalawa kung ano ang magiging desisyon ni utak. Ang matatalo sa kanila ay idodonate sa "organ bank" at ang magwawagi naman sa pustahan ay ipepreserve habambuhay na tatadtarin ng formalin "in the near future."
"Kuya stella maris!," wika ko sa trycycle driver. Nagbrum brum si kuya at mabilis na tumakbo ang motor. Humarurot sa daan.. HUMARUROT!!!
Ang ingay ng trycycle ni kuya kaya wala kaming "choice" kung di sumigaw mag usap. Nagka-intindihan naman kaming dalawa. Yun nga lang parang may poot ang dapat na malambing na tono.
Kinabukasan parang walang naganap na kasunduan. Walang nangyaring pagtatapat. Hindi na lumapit sa prinsesa. Maging kay Rose Ann ay nanlamig na din sa pakikitungo. Nananatili pa ding misteryo ang lahat. Walang nakakaalam ng rason ni Loglog... basta... basta bigla nalang nagbago...
THE END
Test Yourself
Piliin ang tamang sagot. Right minus wrong.
1. Ano ang bagay na nagpatibok ng puso ni Loglog kay Rose Ann?
a. my precious ni Smeagol b. Skyflakes c. Boy Bawang d. Martilyo
2. Anong makapangyarihang salita ang tinuro ng prinsesa sa bida?
a. Eureka! Eureka b. Amen c. Laplapan d. I love you
3. Sino ang tumulong kay Loglog para makapagdesisyon ukol sa kung sino ang liligawan?
a. Papa Jack b. ang tagubilin ng barya c. Pilosopo Tasyo d. Joseph Estrada
4. Sino ang crush ng prinsesa na ubod ng gwapo, artistahin at mapangarap?
a. Tom Cruise b. Piolo Pascual c. Tado d. Loglog
5. Sumakay sa anong pampublikong sasakyan sina Loglog at ang prinsesa?
a. Magic carpet b. Trycycle c. MRT d. Kalesa
Book 2 Soon
Subscribe to:
Posts (Atom)