Thursday, October 9, 2008

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Climax


"No one falls in love by choice, it is by chance. No one stays in love by chance, it is by work. And no one falls out of love by chance, it is by choice"


-Anonymous

Lumipas ang mga araw at tulad ng nasabi ko sa dati kong post, mas lalo ko pa siya nakikilala. Maraming pag aaway ang nalagpasan namin. Away dahil sa pagtatampo ko sa mga bagay na wala naman dapat ipagtampo. Imature na kung imature pero ganun lang talaga ako. Seloso at napaka posessive... Kasalanan ko yun, alam na alam ko!

Kaarawan niya na. Hindi ko man lamang napaghandaan. Wala ni isang binigay, pero sabi niya kahit wala ng materyal basta pumunta lang ako kasama ang mga tropa niya. Umorder si 3rd gf ng pizza... in 3 seconds wala na at nasa tiyan na namin lahat. Burf!!!

Maligayang kaarawan sayo!!!

Pagkatapos naming tanggalin ang tinga namin sa ngipin. Inuman na!!! Tagay mo na!!!

Hindi gaanong karami ang ininom ko dahil sa wala ako nun sa mood uminom. Kasama ko kasi siya, medyo konserbatibo ako noon kaya nagpanggap akong mahinang uminom. Nang maubos ang alak sa mesa na parang dinaanan lang ng ewan dahil sa sobrang bilis maubos. Mga professional lasenggeros kasi ang mga kasama ko nun kaya siguro di ko man lamang napuna na tubig nalang ang iniinom ko.

Redhorse, tama yung naninipa ang ininom namin.

Magkatabi kaming dalawa ni 3rd gf. Ang ganda ganda niya nun... Di ko alam kung laseng lang talaga ako.. heheh! Biro lang!! Maganda talaga siya. Bakit nun ko lang napuna? Ginusto ko kasi siya dahil hindi sa itsura niya. Ewan ko pero ayun yung nadama ko...

Rewind rewind...

Magkatabi kaming dalawa ni 3rd gf. Ang ganda niya nun... binulungan ko siya ng "I love you", nagreply siya nang tulad ng inaasahan... "I love you too"... Hinalikan niya ako sa labi... Nagulat ako sa ginawa niya dahil maraming taong nakapaligid samin. Pero wala na tayong magagawa the show must go on... Lumaban ako ngunit mas mahusay siya... Inasar niya pa nga akong baguhan pagdating sa halikan. Nahiya si loglog kaya nagpalusot nalang na naiilang ako dahil maraming tao.

Akala ko uuwi na kami. Hindi pa pala dahil may pupuntahan pa kaming ibang inuman session. Matropa si 3rd gf pero kahit ganun siya. Ni minsan di niya pinabayaan ang pag aaral niya.

Second round ba ito!!!

Badtrip akala ko ligtas na ako sa halimuyak ng empraning. Isa uling digmaan, game na ang sundalong sumabak sa giyera.

----------------------------------------------------------------------------------------- PUTOL ----------------------------

Masyadong pinapaikot ko pa ang istorya... dapat sigurong tapusin ko na... Isa lang naman ang dahilan kung bakit ko siya sinusulat... isa lang talaga...

TO BE CONTINUED...

Kasaysayan: Ikatlong Yugto: Ang lahat ay magiging imahinasyon na lamang... mahal na mahal ko siya... hanggang ngayon... pero kailangan ko ng kalimutan at umalis sa kahon... dahil gago ba ako... may nagmamay ari na sa kanya.. tanggap ko na wala na siya...

3 comments:

Anonymous said...

log. ang bilis ata ni girl humalik.
hehe. joke lang.
pero wala na naman un, kung mabilis o pa-keme. kung gurl ung nauna o ung guy. it doesn't matter. mahal niyo naman ang isa't isa. that time.

hehe. baka nmn tama si ex mo. di ka tlga marunong. =)) joke lang ulit.

saka bakit putol. andaya. (nagtaka pa ko. e lahat nmn ata ng post mo e putol at nakakabitin.)

shayne said...

isa lng ang ibig sabihin ng post mo na 2..


ang bibilis nyong lumamon at uminom ng alak!!!!!


hahaha..



speaking of kiss.. nd ko pa naeexperience.. hahaha

one4jha_14 ===J♥H♥A♥ said...

.WEeeEeEeEh.!!
.KUNYrI pA N unTi LAng IninOm NIA.. CgUrO iKAw lAhAt UmInom nG AlAK NhO?... kYA nAubOS agAd..!!
.AhAhAHAH..!!
=TpoSzz cNbhAn k p n HINDi marUnoNg HUmaliK.. AHAHhAH..!! Pero OKei lang..!! NangyAri nA ee..!!

Inflagrante de licto