You don't love a woman because she is beautiful, but she is beautiful because you love her. -- Anonymous
Skyflakes o ang prinsesang bumihag ng matang uhaw sa kagandahan. Gulong gulo na ang isip ko. Simpleng problema na nga lang hirap ko pang ayusin. Ang solusyon na nga lang ay ang pagpili, ginagawa ko pang komplikado. Kung papahirapan ko pang ang sarili ko siguradong mauubos lang ang "worthless" kong "life" sa bagay na magtatadhana kung sino ang babaeng unang eentrada sa planeta ko. Kailangan ko nang mamili hanggat may oras pa. Malapit nang maubos ang oras. Ilang minuto nalang ang nalalabi. Nauubos na ang buhangin sa "Hourglass"... Unti unti nang lumalapit... Segundo nalang... Heto na!!
Lunchbreak na!!!
Ang paboritong pass time ng mga mahihilig kumain at mga ayaw kumain na pipiliin na lamang na magpakagutom para mangapit upuan. Time out muna sa pagpapatalas ng mga mapupurol na utak. Oras muna ng pagpapahinga... kainan na muna!!!
Sa mga oras na ito, wala pa ding nabubuong desisyon kung sino ba talaga ang bibigyan ko ng malilikhaing pangngusap na "Pwede bang manligaw?" Si Rose Ann ba na mabait na batang nakilala ko dahil sa kanyang tinapay o ang babaeng nagbigay sakin ng kaisipan sa salitang laplapan. Kung nauso lamang ng mas maaga ang "text voting" noon maaaring natulungan niyo pa ako. Pero hindi pa indemand ang cellphone noon... Wala pang mga kabataang naoospital dahil sa pamamaga ng hinlalaki o mga estudyanteng nagagahasa sa tuwing nakikipag "blind dating" sa text. Malas ang panahon namin sapagkat di pa uso ang super bilis na komunikasyon.
Bilang sagot sa problema, humugot nalang ako ng psio sa bulsa. Pagkapa ko sa malalim kong bulsa'y wala kong nakapang kahit isa man lang na barya. Akala ko magiging madali ang lahat. Naglakad nga lang pala ako kanina. "Shit!" Buo ang pera ko.
Dahil sa pagkataranta sumugod ako sa pinakamalapit na tindahan sa loob ng campus. (Theoretically 15 meters din ang kailangan kong takbuhin) Kumaripas na tulad ng "snatcher" sa Quiapo, narating ko ang tindahan ng wala pang isang minuto. Tinanong ko habang hingal na hingal si Manong tindero kung may papalit siya sa papel kong pera. Sa awa naman ng Diyos at pagkukusa ni Manong nabaryahan ang singkwenta pesos ko ng singkwentang pirasong piso. Medyo may kabigatan din ang limampung bilog na bakal kaya inabot pa ako ng higit sa limang minuto bago makaakyat ulit. Nang marating ang silid, nahimasmasan ako at biglang naisip na bakit pa ako nagpapalit. Pwede naman akong manghiram sa mga kaklase ko tiba ng barya. Kaya ayun... Napagtripan pa tuloy ako ni Manong...
Di ko na inisip masyado ang kabobohang pinaiiral ko. Sayang naman ang oras kung magmumukmok pa ako tungkol sa nabaryahang baon.
Kinuha ko na agad ang isa sa limampung barya sa bulsa ko at isinapalaran ang lahat sa ikot nito sa ere. Si Rose ang bahagi ng barya na may naka ukit na tao. Si Cess naman ang likod ng barya na may nakalagay na bandila. Pinitik ko papataas ang barya na magdedesisyon para sakin. Umikot ikot ito sa himpapawid ng mabilis... Nagpaikot ikot hanggang sa lumapat na ang kasagutan sa kamay ko...
...
Sagisag!!! Si Princess!!??
...
Tinitigang maige ang barya... Napaisip ng kaunti.. Pinitik ulit sa ikalawang pagkakataon... Lumipad at nagpa ikot ikot... hanggang sa nahilo ito... at muling lumapat sa kamay ko...
...
Sagisag!! Sagisag ulet!!!
1 comment:
wow. your looking at two doors. good luck to coin flipping :)
Post a Comment