Sunday, April 11, 2010

Book 1 "Ikaanim na Yugto Links

Ang tagubilin ng barya ay nasunod

o ang katorpehan???

Book 1 "Ikaanim na Yugto"

Part 1: Prologue
>> ()>

Part 2: Boredom
>> {-} >

Part 3: Pre-mature
>> [oo] >

Part 4: Arrogance
(o) >

Part 5: Disturb
000

Part 6: Denial
o1o
+++++++++++++++++++++++

BOOK 2

Soon

1st Part "Debut

Very very very...

Soon


Thursday, April 8, 2010

Ikaanim na Yugto "Denial" (Last Part)

"Love not moves in myterious ways... We have instinct to give love and badly needed to receive it to someone. So on the contrary, love is not mysterious, it is natural, we're born to love."



- Loglog



Marami akong nasabi sa kanya pero halos lahat ay binura na ng panahon. Sa limang daang mahigit na letrang ipinadala ko sa hangi'y dalawampu't isang titik lang ang naisalba sa paglimot. "Pwede ba kitang maihatid."


Natapos ng ilang minuto ang "chit chat" namin ng prinsesa. Sa kahulihulihan ng mahabang usapi'y isang pangako pa ang nabitiwan ko. Isasakay ko siya sa trycycle at iuuwi sa bahay namin. Ipapakilala sa magulang at makalipas ang maraming tao'y magpapakasal na...



Teka!!!




...

Teka "technical problem"... may virus yata sa memeory...




Norton... mc cafe.. pccillin...




File retrieve...






Nangako lang pala akong ihatid siya sa kanila. Pinapa umanhin ko sa mga mambabasa ang konting aberya. Medyo may problema nasa memorya kaya may konting hadlang sa pagsasalaysay.


Balik programa ulit tayo...

Nang matapos ang walong oras na pagkakakulong sa piling ng mga walang awa, mapang abuso, haragan at masisipag na bayaning guro, agad agad kong sinabayan ang dalaga. Sa kabutihang palad, wala siyang kasamang "powerpuff girls at mga alipores na nangangarap ng kanyang kamay. Walang sagabal sa hangarin ko. Walang nakikitang paepal at si Loglog at ako nalang ang dapat kong problemahin.


Inalok ko ang aking kamay na buhatin ang bitbit niya. Hindi siya pumayag sa ibinigay kong tulong marahil sa dahilang nahihiya o napansin sa mukha kong mas hirap pa ako sa pasan pasang gamit sa likod. Hindi niya lang alam na ang mga librong parang "100 years old" at isang dosenang kwadernong kakarampot ang sulat ay magaan lang kumpara sa dibdib na litong lito. Nakaamin na ng nararamdaman sa prinsesa'y tila gusto ko pang magpanibago ng isip. Di pa din kasi mawala sa isip ko si Rose Ann. Habang kasama si Princess, tanging laman ng utak ko ang tawang napipilitan sa tuwing nagnanaknak joke, mga tinging inosente niya pa na nagpapatulala sa akin... at higit sa lahat ang pagiging simple at mabuting kaklase. Iba ang tama ko kay Rose Ann kumpara kay Princess na dala lang yata ng paghanga kaya siya ang ginusto.
Siguro ang mata at puso ko ay nagsusugal. Nagpupustahan ang dalawa kung ano ang magiging desisyon ni utak. Ang matatalo sa kanila ay idodonate sa "organ bank" at ang magwawagi naman sa pustahan ay ipepreserve habambuhay na tatadtarin ng formalin "in the near future."
"Kuya stella maris!," wika ko sa trycycle driver. Nagbrum brum si kuya at mabilis na tumakbo ang motor. Humarurot sa daan.. HUMARUROT!!!
Ang ingay ng trycycle ni kuya kaya wala kaming "choice" kung di sumigaw mag usap. Nagka-intindihan naman kaming dalawa. Yun nga lang parang may poot ang dapat na malambing na tono.
Kinabukasan parang walang naganap na kasunduan. Walang nangyaring pagtatapat. Hindi na lumapit sa prinsesa. Maging kay Rose Ann ay nanlamig na din sa pakikitungo. Nananatili pa ding misteryo ang lahat. Walang nakakaalam ng rason ni Loglog... basta... basta bigla nalang nagbago...
THE END
Test Yourself
Piliin ang tamang sagot. Right minus wrong.
1. Ano ang bagay na nagpatibok ng puso ni Loglog kay Rose Ann?
a. my precious ni Smeagol b. Skyflakes c. Boy Bawang d. Martilyo
2. Anong makapangyarihang salita ang tinuro ng prinsesa sa bida?
a. Eureka! Eureka b. Amen c. Laplapan d. I love you
3. Sino ang tumulong kay Loglog para makapagdesisyon ukol sa kung sino ang liligawan?
a. Papa Jack b. ang tagubilin ng barya c. Pilosopo Tasyo d. Joseph Estrada
4. Sino ang crush ng prinsesa na ubod ng gwapo, artistahin at mapangarap?
a. Tom Cruise b. Piolo Pascual c. Tado d. Loglog
5. Sumakay sa anong pampublikong sasakyan sina Loglog at ang prinsesa?
a. Magic carpet b. Trycycle c. MRT d. Kalesa
Book 2 Soon

Wednesday, March 31, 2010

Ikaanim na Yugto - "Disturb" (Ikalimang Parte)

Bago pa man nakipagsapalaran... bago pa man nagbigkas ng mga kakornihan at kasinungalingan... naghagis muna si Loglog ng barya... heto ang ikaapat na parte... wala ang ikalima kung wala siya .. Heto siya oh... >>> Ikaapat na Parte



Bilang tugon sa tagubilin ng barya, buong tapang kong sinunod ang payo nito na piliin si Princess. Kaunaunahan kong beses na magtatapat kaya medyo bangag, kinakabahan... napapraning ako. Nagdagdag pa sa "Tense" ang katotohanang marami rami ding tsupul ang naghahangad na mapasagot siya. Ayaw ko namang mabigo sa unang babaeng pag-aaksayahan ng oras.
Kung tatanungin niyo ako kung artistahin ba ang mga mokong na pumoporma sa prinsesa, "no comment" ako sa isyung yan. Ito lang ang alam ko... Wala silang panama sa "appeal" ni Loglog. Nosi balasi!!! Crush niya ako! Dagdag puntos na yun.

Sa silid palang namin may tatlo na akong katunggali. Itatago nalang natin sila sa pangalang Juan, Pedro at Jose. Kung tutuusin may lamang din ang tatlong ito sa akin. Ang karanasang magkasyota. Pero di pa din ako nagpapatinag sa mga arungas na ito, may isang bagay na wala sila at ito ang mamula mulang pisngi, mapupulang labi at higit sa lahat mas matangkad ako sa kanila.
(Pagpasensyahan niyo na nagbubuhay lang ng sariling sofa)

Kumpiyansa ako na malaki ang pag-asa ko kaysa kanila. Kaya naglakas loob kong nilapitan ang prinsesa kahit na napapabalitaang binabantayan ito ng mabagsik at nagbubuga ng apoy na dragon.



Tense na tense akong tinahak ang makipot na daanang napapaligiran ng dosedosenang upuan. Kasabay pa nun ang maraming matang nanghuhusga at malilisyoso. Maliban sa mga mata ng karamihan, higit na ipinag aalala ko ay ang tingin ni Juan. Ang tindi niyang makatingin!!! Nakikinitaan kong tinutunaw niya ako. "Your going down Loglog!! Your going down!!," sabi ng mga mata nitong nanlilisik.


Wala ding nagawa ang mata ni Sauron (Lord of the rings) sa bidang si Shrek at narating niya ang tuktok ng toreng walang hagdan. Di na gumamit ng buhok ni Rapunzel ang bida dahil may dala naman itong "magic lubid."

Dalawang ruler nalang ang layo ko sa kinauupuan ni Princess nang may naalala ako. Agad na napalingon ako sa dating paboritong kausap. Wala si Rose Ann... Wala siya? Marahil nagsawa nasa skyflakes kaya sa labas nalang kumain.

Naging emo sandali ang paligid ko nang makitang wala siya sa upuan niya. Nakakalungkot na bakante ang upuan niya at inuupuan ko noon. Wala na ang dati... wala na... kasaysayan na ang lahat... Pero nakakamis din pala.

Sinampal ang sarili para makabalik sa mundo ng mga kaharian, mangkukulam na panget, reynang masama ang ugali at ang salitang "In far far way" at "Happily ever after"

Napalitan ng pagtataka ang mga matang malisyosong nakatingin sa akin. Sino ba namang nasa matinong pag iisip ang sasampal sa sarili sa harap ng madaming tao...?

Siguro wala lang ako sa sarili nung mga panahong iyon... Gulong gulo ang utak ko na tila may roller coaster sa loob nito. Malala na at sinasaktan ko na ang sarili ko...


Natunton ko na ang prinsesang nagkukubli sa mga malalapad at nagtatayugang tore. Pero gising na ang prinsesa... Ano pa ang silbi ng kabalyero?

Naupo na ako sa tabi niya... Kanina lang kaba ang laman laman ng dibdib ko ngayo'y pag aalangan na... Gusto ko siya totoo yun... Ako ang prince charming na magliligtas sa prinsesa pero bakit ganun parang may kulang. May isang bagay na wala sa kanya at alam kong di matatagpuan sa akin.

Wala siyang skyflakes...

To be continued...

Ikaanim na Yugto "Denial"

"Soon"

---------------------------------------




Sunday, March 14, 2010

Ikaanim na Yugto: "Arrogance" (Ikaapat na parte)




You don't love a woman because she is beautiful, but she is beautiful because you love her. -- Anonymous


Skyflakes o ang prinsesang bumihag ng matang uhaw sa kagandahan. Gulong gulo na ang isip ko. Simpleng problema na nga lang hirap ko pang ayusin. Ang solusyon na nga lang ay ang pagpili, ginagawa ko pang komplikado. Kung papahirapan ko pang ang sarili ko siguradong mauubos lang ang "worthless" kong "life" sa bagay na magtatadhana kung sino ang babaeng unang eentrada sa planeta ko. Kailangan ko nang mamili hanggat may oras pa. Malapit nang maubos ang oras. Ilang minuto nalang ang nalalabi. Nauubos na ang buhangin sa "Hourglass"... Unti unti nang lumalapit... Segundo nalang... Heto na!!

Lunchbreak na!!!

Ang paboritong pass time ng mga mahihilig kumain at mga ayaw kumain na pipiliin na lamang na magpakagutom para mangapit upuan. Time out muna sa pagpapatalas ng mga mapupurol na utak. Oras muna ng pagpapahinga... kainan na muna!!!

Sa mga oras na ito, wala pa ding nabubuong desisyon kung sino ba talaga ang bibigyan ko ng malilikhaing pangngusap na "Pwede bang manligaw?" Si Rose Ann ba na mabait na batang nakilala ko dahil sa kanyang tinapay o ang babaeng nagbigay sakin ng kaisipan sa salitang laplapan. Kung nauso lamang ng mas maaga ang "text voting" noon maaaring natulungan niyo pa ako. Pero hindi pa indemand ang cellphone noon... Wala pang mga kabataang naoospital dahil sa pamamaga ng hinlalaki o mga estudyanteng nagagahasa sa tuwing nakikipag "blind dating" sa text. Malas ang panahon namin sapagkat di pa uso ang super bilis na komunikasyon.

Bilang sagot sa problema, humugot nalang ako ng psio sa bulsa. Pagkapa ko sa malalim kong bulsa'y wala kong nakapang kahit isa man lang na barya. Akala ko magiging madali ang lahat. Naglakad nga lang pala ako kanina. "Shit!" Buo ang pera ko.

Dahil sa pagkataranta sumugod ako sa pinakamalapit na tindahan sa loob ng campus. (Theoretically 15 meters din ang kailangan kong takbuhin) Kumaripas na tulad ng "snatcher" sa Quiapo, narating ko ang tindahan ng wala pang isang minuto. Tinanong ko habang hingal na hingal si Manong tindero kung may papalit siya sa papel kong pera. Sa awa naman ng Diyos at pagkukusa ni Manong nabaryahan ang singkwenta pesos ko ng singkwentang pirasong piso. Medyo may kabigatan din ang limampung bilog na bakal kaya inabot pa ako ng higit sa limang minuto bago makaakyat ulit. Nang marating ang silid, nahimasmasan ako at biglang naisip na bakit pa ako nagpapalit. Pwede naman akong manghiram sa mga kaklase ko tiba ng barya. Kaya ayun... Napagtripan pa tuloy ako ni Manong...

Di ko na inisip masyado ang kabobohang pinaiiral ko. Sayang naman ang oras kung magmumukmok pa ako tungkol sa nabaryahang baon.

Kinuha ko na agad ang isa sa limampung barya sa bulsa ko at isinapalaran ang lahat sa ikot nito sa ere. Si Rose ang bahagi ng barya na may naka ukit na tao. Si Cess naman ang likod ng barya na may nakalagay na bandila. Pinitik ko papataas ang barya na magdedesisyon para sakin. Umikot ikot ito sa himpapawid ng mabilis... Nagpaikot ikot hanggang sa lumapat na ang kasagutan sa kamay ko...

...

Sagisag!!! Si Princess!!??

...

Tinitigang maige ang barya... Napaisip ng kaunti.. Pinitik ulit sa ikalawang pagkakataon... Lumipad at nagpa ikot ikot... hanggang sa nahilo ito... at muling lumapat sa kamay ko...

...

Sagisag!! Sagisag ulet!!!

Monday, March 1, 2010

Ikaanim na Yugto "Pre-Mature" (Ikatlong parte)

(Bago basahin, niyaya ko kayong simulan ang post na ito: heto ang ikalawang parte ng kwentong kutserong inimbento ni Loglog dahil sa bored na bored siya sa buhay niya... heto ang link:


Naranasan ko na din na may magkagusto sa akin. Di ko masabing unang beses dahil may ilang tanga na ang nabighani sa nerd na ito. Sa pagkakataong ito, napatunayan kong ang kagandahan ay nasa tumitingin. May tagahanga ulit ako.

....

Maganda siya. May dating!!! Pwedeng maging 1st gf. Ayos siyang ngumiti. May kilig factor sa tuwing ginagawa niya sakin. Di din nakakasawa ang mukha. Classic siya sa madaling salita. Kaya siguro Princess ang ngalan niya.

Mahirap aminin pero napansin ko lang yata siya nang umamin ito na may crush siya sa akin. O sa kuro kuro ko, bulag lang siguro ang mga mata ko dahil sa nakiilalang tinuring kong "special friend" ... Si Rose Ann..

....

Gusto ko siyang makilala tulad ng pagtatangka ko kay Rose. Pero di tulad ni Rose na skyflakes ang bitbit sa bulsa... si Princes ay walang hilig sa crackers. Nakasanayan ni Princess na bumaba kasama ang mga buddies niya. Para silang powerpuff girls, pwede ding Charlie's angels, depende kung saan ang trip mo. Tropa sila na binubuo ng tatlong babae. Sinubukan kong iwan si Rose. Iwang mag-isa...

Sabihin niyo nang di ako marunong makuntento sa isa. Husgahan niyo na ako!!! Gusto niyo ipakulong niyo pa. Ngunit kahit anong gawin niyo, wala kayong magagawa.. feeling heartrob ako ngayon kaya wala ng kokontra.

....

Natuwa naman ako sa mainit na pagtanggap niya. Ayos siyang kausap!!! Mature sa kanyang edad kaya medyo na-culture shock ako. Di ko wari na tungkol sa ex-bf niya ang pinag uusapan namin. Mala tae ako sa inidorong di maflush flush dahil sa barado ang tubo. Nahihirapan akong makapasok sa poso negro. Sa pinadaling salita, hirap akong makakonekta noon sa usapan . Kung karanasan, nahuhuli ako sa takbo ng panahon. Hindi pa ako nagkaka-gf... Pati pakikipagholding hands, halikan at ilang mga ritwal para malaman na nasa relasyon ka ay di pa batid ng nilulumot kong utak. "Aware" akong nangyayari ang mga bagay bagay na ito, pero ang magawa in reality.. hindi pa!!!

....

Inopen niya sakin ang mga ritwal na ginagawa nila ng bf niya. Ako naman si tagapakinig na nag aastang batang paslit sa paghihintay ng bawat salitang lalabas sa bibig niya. Nataranta ako sa mga narinig. Naghalikan sila ng ex niya. "Loud" and "clear"... di pwedeng magkamali si tenga nun.. Naghalikan sila noong sila pa daw ni bf niya na kasalukuyang ex niya na. Di basta basta "smack" (klase ng halik na dinidikit ng mabilisan ang labi sa kapwa labi.. tumatagal ang nabanggit ng .75 segundo) o yung klase ng matagal na pagdidikit labi ng mga koreano na napapanood mo sa T.V. Sa edad niyang yun parang binarena ang ulo ko. Laplapan pa nga ang tawag niya dun. Para medyo "wholesome" pakinggan at di masama sa pandinig "LP." May pagkatunog party list pa.

....

Tinuro niya pa sakin kung paano nila ginagawa iyon. Lahat daw ng muscle sa bibig ay dapat mag-function, sabi niya. Mismong pati dila ay dinamay sa ehersisyo na para lamang sa labi. Gusto ko nga sanang mag-request na gawin sakin para mas madali kong makuha ang gusto niyang ipabatid. Ngunit di ko na din sinabi baka gawin niya. Nakakahiya naman... maraming tao sa loob...

....

Matapos ang kakilakilabot na session namin ni Cess (short for Princess..), bumalik ulit ako sa tunay kong upuan. Sumakit ang ulo ko sa mga narinig kanina. Unang beses ko palang na makipag-kwentuhan ng mga ganung bagay sa babae kaya naninibago ang proseso ng pag-iisip ko.

Habang gulong gulo ang utak... napalingon... napalingon sa gawing kaliwa.
May nakitang babaeng malungkot, walang ganang kumain ng skyflakes... at mukhang nagseselos...

-------

To be continued....


Saturday, February 27, 2010

Ikaanim na Yugto "Boredom



Bago maisipang magbasa marapat munang simulan ang kwentuhan sa post na ito :
Iclick nalang ito: >>>> wapak!!



"Nagsisimula ang silakbo ng damdamin sa maliit na kuwentuhan. Susundan ng kaunting tawanan. Hanggang sa paminsan minsang ngiti. Makalipas ang daan daang pangungusap. Magkahawak na kayo ng kamay at dalawang salita nalang ang kaya niyong sabihin. Mahal kita"
-Loglog


Noong una di ko naman talaga siya napansin. Hindi naman kasi siya ganun kaganda. Typical teenage girl na sa loob ng isang linggo makakasalubong ka sa daan ng limang babaeng tulad niya. Common sa madaling salita. Hindi din matalino at lalong di bobo. Tahimik na walang imik sa buong klase. Parang kulang nalang ay maging rebulto sa altar.

....

Pero sa kabila ng mga negatibong pang uri na ukol sa kanya, di parin maalis na isa siya sa pinaka extra-ordinaryong nilalang na dumaan sa buhay ko. Di siya alien at lalong hindi superhero na laging nandyan sa tuwing may nagsisigaw ng tulong.

Siya si Rose Ann... Hindi superhero at lalong hindi taga ibang planeta. Mabuti siyang bata sa pagkakakilala ko noog high school kami. Bagamat wala siyang imik sa tuwing nagkukwentuhan kami at wala siyang ginawa kundi ngumisi. Madami dami naman akong natutunan sa kanya. Yun nga lang hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung ano?

....

Anim na taon ang nakakaraan, medyo may kalabuan na ang "flashback" dahil matagal na ngang naganap. Mahirap nang alalahanin sa madaling salita... Pero sige game itutuloy na **

....

Isang nakakatamad na umaga ang bumungad sa akin. Paulit ulit naman kase. Halos tatlong linggo na akong gumigising ng maaga para magpaattendance sa mga guro. Hanggang ngayon may jetlag pa din at bakasyon pa ang laman ng isip ko.

....

Konting pandesal na isasawsaw sa mainit na kape.. Solve!!! Ligo ng mabilisan dahil nagyeyelo ang tubig... Ayos na!! Ready na sa eskwela...

....

Pagpasok ko parehong mukha parin ang sasalubong sa akin. Walong taon palang akong nag aaral pero pakiramdam ko nawawalan na ako ng gana. Pagpasok mo palang sa tarangkahan ng paaralan parang gusto mo agad na lumiko. Mas nanaisin ko pa yatang magkompyuter nalang kaysa makinig sa mga sermon ng ni Mam... Wala na akong "morale" na pumasok sa paaralan pero ayaw ko namang bumagsak sa ikalawang lebel ng High School. Magkakaroon naman siguro ako ng pangarap sa hinaharap kaya obligado pa rin akong sumagot araw araw ng "present"

....

Pagkatungtong ng paa ko sa silid, may titser nang nagtatawag. Patay na!!! Nasa "S" na ang apelyido, absent na naman ako. Bago pa man magtuloy tuloy sa loob ng klase ni mam. Nagsalita muna akong mag isa. "Good morning mam, good morning classmate!!! I'm sorry I'm late!" Hindi ko alam kung tradisyon na ito ng mga estudyanteng palaging late o voice recognition ng mga titser para malaman na di ka taga-ibang planeta. Walang imik si Mam kaya dumiretso ko ng tinungo ang trono ko.

....

Matapos ang una, ikalawa at ikatlong "subject", sunod na ang pinakapaborito kong oras... Ang "Lunchbreak" Pero di gaya ng pangkaraniwan kong "breaktime," Hindi ko ginamit ang bakanteng oras para kumain. Imbes na tsumibog ng mga mamantikang ulam sa kantin, mas naisipan ko nalang makihalubilo sa mga kaklase kong "favorite ang zesto at skyflakes bilang pananghalian.

....

Tiningnan ko isa isa ang mga kaselda ko... Mukha namang normal lahat. Sarap na sarap sila sa produktong ginawan ni Robin ng punchline. Una kong nilapitan si Rose Ann. Gusto ko sanang humingi ng skyflakes pero di pa kami close. Kailangan ko munang kunin ang kanyang loob saka ko hahablutin sa kamay niya ang habol ko.

Ayaw kong sirain ang masarap niyang pagkain ngunit dahil sa "necessity" wala na akong pagpipilian. Nagtanong ako sa kanya kung ayos lang umupo sa tabi niya. Gaya ng inaasahan di naman siya tumanggi.

....

Hindi ko na matandaan kung paanp ba nagsimula ang kuwentuhan. Nakalimutan ko na rin ang "topic" namin nun. Basta isa lang ang nasisigurado ko. Skyflakes ang habol habol ko!!!

....

Napasarap ang usapan naming dalawa kaya kinabukasan pinagpatuloy ulit namin ang non-sense naming usapan. Dumaan ang ilang mga araw at dumating kami sa punto na sapilitan ko ng pinalilipat ang "seatmate" niya. Wala na akong habol sa binabaon niyang skyflakes.

Hindi na ako nag iinterest sa malutong, malinamnam, amoy fresh na tinapay na naka-wrapper. Ayaw ko na nang skyflakes, siya na ang gusto ko... Curse you skyflakes!!!






Saturday, February 6, 2010

Ikaanim na Yugto "Prologue"


"Love distills desire upon the eyes, love brings bewitching grace into the heart."
-Euripides


Halos anim na taon ang nakalipas nang mag simula ang pahina namin sa nobelang ito. Bago pa man makilala ang limang babaeng nagtrip sa "chaotic" kong buhay, nauna na siyang gumulo nito. Siya ang ikaanim kong inirog bagamat nahuli lang ng konti naging mag on din sa bandang huli. Anim na taon din ang nilakbay ng aming kwento bago pa man kami naging mag boypren at gelpren. Maraming dumaang paepal sa aming lyf bago napagtripang "Tayo nalang Bogs"

Isang istoryang tumakbo ng higit limang taon. Di ko masasabing tuloy tuloy ang kabalbalang ito. Paputol putol ang kwento parang kung kailan lang nasa mood o tinadhana ni San Pedro kami nagtatagpo. Masasabi kong kay inam naman na nakilala ko siya. Alam ko ding masaya siya kahit papaano. Kahit sa bandang huli parang natapos lang sa ewan ang lahat. Pero bago ang kaewanan. Bago ang pagsisisi sa huli tiba dapat yung umpisa muna na bulag pa kaming dalawa sa katarantaduhang kung tawagin ay pag ibig...?

Tama heto ang simula...

2nd year high school ako noong nung magtagpoang landas namin. Batang bata, walang alam sa ikot ng buhay, naniniwala pa na ang mundo'y maraming butterflies, unicorns, mababait na elves at masasayang payaso. Sa madaling salia okies pa ang layf... Di ko pa kasi nakakameet ang greatest sagabal sa buhay ko tulad ng mga professors, guards at... at... professors na malupit...

Dalawa nga lang sa tinging ko ang problema ng 2nd year students, ito ay ang pagkaparanoid sa pag iisip kapag naging 3rd year na at ang sandamakmak na tigyawat na mahirap maalis. Dito kasi dumadating sa isang tao na kailangan mo ng magtraining sa pag aalaga ng iyong katawan. Mangangamoy ka na kasi sa "stage" ng kabataan mo kaya kailangan mo na ding mag tawas o mag roll on...

Ang maganda lang sa 2nd year ay panahon ito na kung saan batang bata ka pa pero kaunting hakbang dalaga at binata ka na. Hindi tulad ng 1st year na karamihan ay nagpupunas ng sipon sa kwelyo ng unipormeng pinalantsa pa ni mama... o kaya ang 3rd year at 4th year na nag uumpisa kang mahook sa masamang bisyo. Masasabi ko pa ding maayos ayos pa ang unipormeng suot suot mo at di gusot noong 2nd year ka kamo.

Ibang klase talaga ang 2nd year kagaya ng babaeng nakilala ko. Simple, cute at pakiramdam ko hindi pa nakakaranas makagawa ng mortal sin. Super bait niya kasi. Doon niya ako nadale. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig sa tupa pero pagdating sa kanya tumitiklop ako.

Isang araw maaliwalas ang panahon. May mga butterflies, lumilipad na pegasus, tumatawang elves, nagsasayaw na mga may mukhang puno sa paligid ko... (wag isiping adik si sumulat... talagang madami akong imaginary friends noong bata pa ako...) Ilang linggo na ding nag uumpisa ang klase. "Stable" pa naman ang buhay estudyante ko. Kaunting takdang aralin, di kahirapang pagsusulit, kakarampot na chalkdust sa sahig, malinis na silid. In short, malayu layo pa ang end of the world. Di pa nanggigipit ang mga guro kaya dapat magpapetiks petiks muna. Ayos ang ambiance ng silid... siguro naman mas ayos ang mga kasama kong nakaupo. Maraming bagong mukha... Bagong personalidad... bagong tao.. Friendly yata ako nun o walang sumpong kaya panay ang lipat ko ng upuan... Nangangapit upuan na tila nangangapanya para ibotong pangulo ng klase...

(Di naman talaga ako nangapit upuan... isa lang naman ang tinabihan ko bukod sa seatmate kong weird kausap)

Sino pa eh di si Rose... Tama si Rose...



-----------------------------
Kung nasagwaan ka sa simula... mas masasagwaan ka sa susunod na kabanata...

Heto ang pagpapatuloy ng kwentong pag ibig ni Loglog...

Heto ang pasuka... pindutin mo nalang >>> -()-



Thursday, September 24, 2009

Mobokrasya



"It's not whether you win or lose, it's how you place the blame"
- Oscar Wilde


Alas dose na ng makarating ang mga rallyista sa Edsa. Dala dala ang sangkaterbang plakard na may nakasulat na "Oust", "Resign"... "Iimpeach"... at kung anu ano pang pang aalipusta sa taong tinutukoy ng mga nag aamok. Humigit kumulang sa isang libong katao ang parang daing na nakabilad sa arawan. Tsinatsaga ang bagsik ng araw na kasabay nilang mainit ang ulo.

Bagamat pawis ang lahat, di naman ito naging hadlang para ipursige ang kanilang pinaglalaban.

Isa sa kanila ang labing pitong taong gulang na binata. Hawak hawak ang plakard habang galit na galit na sumisigaw ng "Tama na sobra na!!". Siya ay si Mario bagamat menor de edad mukhang naiintindihan na yata ang kalakaran sa mundo. Gusto niya ng pagbabago sa lipunan at malinis na pamahalaan kaya naisipan niyang sumali sa pagwewelga. Naniniwala siya na sa maliit na paraang ito napapakita niya ang pagmamalasakit sa bansa.

Sa gawing kaliwa naman ng kinatatayuan ni Mario ay ang mga sasakyang akala mo nagnonoise para suporta sa rally. Ang totoo nga niyan bumubusina ang mga sasakyan dahil yamot na sila sa trapik na bunga ng pag sigaw ng karapatan sa kalsada. Minumura na nga ng ilan ang mga taong sobrang magmahal sa bayan. Perwisyo na raw sila at di na nakakatulong.

Isang oras din ang nilagi nina Mario sa Edsa nang dinisperse sila ng mga Pulis. Sa una, maayos na nakikiusap ang mga nakabatuta na lisanin ang kalsada. Nang lumaon, nagkapikunan ang dalawang panig kaya nagkagulo. Pukpukan ang paraan ng mga may pamalo at batuhan naman ang mga may maibabato. May ilang hinuli ang mga pulis sa grupo ng mga rallyista. Sa panig naman ni Mario ang higit sa walumpung porsyento na kanina pang nag aamok ay napili nalang na lisanin ang EDSA.

Ang mga naposasan ay nagsisigaw ng human rights. Lahat ng lente ng kamera ay tutok sa kanya. Aping aping kinakaladkad ng mga pulis ang pitong aktibista na nahuli dahil sa pamamato. Depensa ng mga humuli kung bakit ganung paraan nila inaresto ang aping nagsisigaw ng human rights. Simple dahil ayaw niyang umalis sa pwesto niya.

Matapos ang mga kaapihang natunghayan sa kalye ng Edsa, ang daloy ng sasakyan ay unti unti ng sumigla. Wala na ang sagabal sabi ng mga tsuper ng bus na gusto lamang kumita. Sabi naman ng mga aktibista... HUMAN RIGHTS!!! Bulalas ng mga nagdisperse kami na naman ang mali.... Wika ng mga street sweepers... Bwisit mapapasabak na naman tayo!!!

Sino ba talaga ang tunay na biktima?

....

tingin ko mga street sweeper!!!


Monday, August 31, 2009

Teka! Anong sabi mo? Ano daw?

Line Bus Pictures, Images and Photos

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan.
In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"
-Bob Ong

Putris naman!! May dalawang segundo palang nakalapag ang mga paa ko sa bus nag-full throttle agad si Manong. Muntikan tuloy mahiwalay ang kaluluwa ko at dalawang alipores na nagpapanggap na aking tagapagbantay. Buti nalang todo kapit ako sa mga oras na yun. Kung hindi ako nagkapit tuko tulad ng ginagawa ng mga politiko siguro tatalsik ang guardian angel at kapartner niyang demonyo.

Dahan dahan kong tinahak ang makipot na daanan habang nakakapit sa mga bangin banginan. Kailangang humawak ng maigeh, mahal ko pa ang buhay ko. Higit dun ayaw kong umitsa din sa ere ang dalawa kong tagapagnatnubay. Nagpapalagayan na kasi ng loob ang dalawang ito. Mahirap na kapag nawalay sila sa isa't isa. Uso pa naman ang emo ngayon baka kung ano pang gawin ng dalawang ungas na langit at ilalim ng lupa ang drama. Kargo konsensya ko pa!!!




Matapos ang walong hakbang, narating ko na rin ang trono ko. Walang nakaupo kaya pumuwesto agad ako sa malapit sa bintana. Noon pa man, ito na ang paboritong lugar ko sa bus. May genetic make-up kasi akong usizero. Di lamang dumadaloy sa dugo ko ang pagiging tsismosa. Mismong nasa DNA na ang ugaling mapagmasid na minana ko pa sa pagiging Pilipino.

Kulang nalang popcorn at full screen cinema na ang bintana. Maraming interesanteng makikita kung titingin ka lang. Mas masaya pa sa mga napapanood mo sa TV na iyakan, lumilipad na naka-bathing suit, mapaghimalang bata , mga balitang pangbansa na tampok ang mga artista. at showbiz intriga na politiko ang bida. Hindi lutong makoy dahil mga totoong tao ang bida. Sa katunayan marami narin akong karanasan na makapanood ng mga dekalidad na pelikula sa bintana. Masikip ang kalye at sobrang usad pagong ang andar ng trapik kaya nasundan ko ang galaw ng artista sa labas. Maganda ang kwento niya, magaling pa siyang umarte. Totoong totoo talaga... Ang bida ngang iyon ay papangalanan nalang nating si lalake. Kanina pa tingin ng tingin sa oras ang bida nating ito. Ewan ko kung anong problema niya at parang naghahabol siya sa oras. Yun nga lang nabisto ko si lalake na di naman talaga late sa trabaho. Pasimple niya kasing pinipisil ang puwetan niya. Tapos lingon sa kanan at tingin sa kaliwa. Putlang putla pa si lalake kaya malamang na hindi maganda ang nilalaman ang tiyan niya.

Ang isa pang dekalibreng palabas na napanood ko sa bintana ng bus ay tungkol din sa isang lalake. Di ko alam kung baliw siya o sobrang walang kontrol lang sa pag iinit. Aba naman nag-aano sa bangketa... (wag ng ituloy ang pagbabasa kung 17 pababa ka lang, pero kung wala naman ang magulang sige pagpatuloy mo lang) Yung tipong pinaglalaruan ang ari niya. Hindi naman mukhang baliw ang lalake yun nga lang parang gago ang ginagawa niya. Saan kaya niya pinahid ang kwan? Kawawa naman yung mga kwan na yun. Isipin mo 30 milyong kwan ang nagsakripisyo para sa ikaliligaya ni lalake... haayy!!! Para sa LUST...

Ngunit ang araw yatang ito ay masasabing malas. Walang magandang palabas sa bintana. Puro billboards, MMDA na nag-aamok sa mga tsuper na pasaway, tumatawid na estudyante sa street lights na green, umiiyak na bata dahil ayaw ibili ng laruan, nobyong nakaakbay kay nobya at billboards,billboards... BILLBOARDS!!!

Wala akong nagawa kundi humikab na lang. Walang kakaiba sa mga oras na ito... Wala wala...

Nilipat ko sa ibang bahagi ang aking paningin. Hindi naman kasi kaganaganang panoorin ang mga tao sa labas baka dito sa loob... mga busmates ko... may magandang scoop... UZIMODE!!!

Lumunok laway at humikab. Lumunok uli ng isa pa... Badtrip mas nakakabagot pa pala. Ang mga pasahero ay kung di nakatingin sa kawalan, cellphone ang tinititigan. "Institutionalized" na talaga ang tao sa daigdig. Para ng mga robot na nakaprogram kung ano ang gagawin.

Mukha yatang hindi buwenas ang araw na iyon.. patay ang oras... As in literal na parang patay ang mga kasama ko... Haayy buhay...

Ilang sandali lang, binasag ni Manong driver ang katahimikan sa loob ng sementeryo este bus pala. Walang pakundangan niya hininto ang bus na itinalsik ng ulo ng mga pasaherong di ko alam kung buhay ba o patay. Galawan lahat ng ulo ng mga pasahero ngunit wala silang kimi sa mga nangyayari. Si konduktora naman ang sumunod na bumasag sa katahimikan at sumigaw ng "SM daw SM daw kung may bababa."

Walang nagtangkang lisanin ang Bus ni Manong... Walang bumaba sa mga pasahero pero may isang umakyat. May hawak siya na puting sobre. Kumpara sa ibang nilalang na nanghihingi ng donasyon, kakaiba siya dahil iisa lang ang daladala niya. Karaniwan kasing sangkaterbang sobre ang daladala ng nanghihingi sa mga pasahero. Minsan nga daig na daig nila pa ang mga kartero dahil sa dami ng bitbit na envelope.

Teka parang alam ko na to' ha... MODUS...!!!

Gumitna ang may hawak ng sobre sa mga patay na pasahero. Binuka niya ang bibig niya't may boses na malungkot na lumabas. Nanghihingi ito ng tulong, ng kaunting barya sa amin. May kanser daw sa utak ang kanyang anak. Nangangailangan daw ito ng agarang operasyon dahil kung hindi maagapan baka huli na ang lahat. Ramdam mo di lang sa mukha niya ang dinadalang pasakit, pati sa pananalita kukurutin ang puso ng mga tagapakinig.

Maraming sinabi ang amang humihingi ng tulong pero di ko na naintindihan ang mga bagay na iyon. Basta humugot nalang ako ng bente pesos sa bulsa. Siguro naman ang maliit na halagang ito'y may maitutulong na din.

Marami ding mga pasahero ang naglabas ng kanilang maliit na tulong para sa lalake. Akala ko nga ako lang ang magbibigay dahil sa pinapakitang patay patayan ng mga kasama ko. Ang ila'y nagbigay ng kanilang natitirang barya at ang iba'y papel na pera. Magkakaiba nga ang halagang iniabot sa kawawang lalake pero nagkakapareho naman ang lahat ng hangarin. Ang pusong Pinoy na pagtulong sa nangangailangan. Buhay pa din pala ang inaakala kong "extinct" (o siguro endangered nalang) na ugaling bayanihan. Nananatili pa din pala ito sa kaibuturan ng damdamin ng mga Pilipino.
Tuwang tuwa ang lalakeng may hawak ng sobre sa pinakitang pagmamalasakit ng mga tao. Inabot niya na may kagalakan ang tulong ng mga tumutulong at nanalig sa ikakagaling ng kanyang anak. Nagpasalamat sa mga nagbigay at nilisang masaya niya ang bus.

Nang makababa ang lalake sa bus tsaka namang biglang may umeksena. Siya ang babaeng konduktora. Sinabi ni Aleng Konduktora sa amin na ang lalake kaninang humihingi ng donasyon ay manloloko sa madaling salita... nanggantso kami ayon sa kanya.

Dagdag pa niya na noon daw nakaraang linggo ang lalake ay umakyat narin para humingi. Ngunit hindi ang anak na may kanser ang ipananghihingi niya kundi ang kapatid niyang naaksidente. At kahapon lang daw, ginawa niya ulit ang kanyang modus at ang pinangsangkalan ang kanyang ama niya para kumita. Mahirap namang paniwalaan na sobrang miserable ang buhay ng mag anak na ito. Saka kung totoo ang sinasabi ng lalakeng may sobre bakit hindi niya pa sabay sabay na ipinanghingi ang tatlong niyang mag anak. Bakit isa isa pa?

Pabirong pagpapatuloy ni konduktora na baka ang kabit daw na may breast cancer ang sunod na ipanghingi nito...

Nagpintig ang tenga ko sa mga pinagsasabi ni Aling Konduktora. Hindi ko napigilan ang sarili kong barahin ang mga dakdak niya. Nasigawan ko siya at sinabing...
"Loko loko ka pala. Alam niyo na palang manloloko ang umakyat kanina kinunsinte mo pa!!! Tapos nang umalis saka ka nagsasatsat na naloko kami . Kung kailan wala na ang manloloko at naloko na ang mga nagpapaniwala."

Hindi na din napigilan ang ngitngit ng mga kapwa ko pasahero. Nilabas din nila ang badtrip sa nag expose na tanga kami.

Sa sobrang kahihiyan hindi na nakuha pang umimik ni Aling Konduktora. Sayang ang expose kung di niya lang sinabi ng maaga. Imbes na bayani siya sa mata ng marami naging kontrabida pa.

Ang masamang naging epekto nito sa mga tao sa bus ay di lamang nawala ang perang sanay napunta sa makabuluhang bagay. Hindi lamang ang halaga ng salapi ang isyu dito kung di pati narin ang gawaing pagtulong sa nangangailangan ang nabahidan na ng pag aalangan. Sino ang gusto ng tumulong kung mababalahura ka lang ng tutulungan mo?

Manong dito nalang.... Aling Konduktora FACT YOU!!! In tagalog totoo kang tao...

Tuesday, August 25, 2009

Cory magic!!


“I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life.”
- Corazon Aquino


Sa gulang na pitumpu't anim pumanaw ang ikalabing isang pinuno ng Pilipinas. Kauna-unahang babaeng lider ng bansa. Ang hindi inaasahang personalidad na lalaban at magpapabagsak sa pamahalaang diktadurya ni Marcos. Sa edad na limampu't tatlo pinaluhod niya ang administrasyong nanungkulan ng dalawampu't isa. Edsa revolution na taas noo mong pinagyayabang sa buong mundo, siya ang nanguna.

Ngunit sa kabila ng maraming papuri at pagsasabit ng sampaguita sa leeg ng dating pangulo, hindi na maalis ang katotohanang tayo tayo nalang ang magkakatuwang sa pangangalaga ng kanyang iniwan. Ang demokrasyang tinatamasa mo ngayon.

Wala na si Tita Cory, matagal na rin wala si Ninoy. Pero ang kanilang kawalan ay di nangangahulugang tapos na ang laban. Siguro dito pa nga nag uumpisa ang lahat ng hamon kay Juan. Nabawasan nga tayo ng isang napaka-importanteng simbolo ng demokrasya ngunit sa kabila ng malaking kawalan may milyon-milyon ulo pa rin ang buhay at gumagana. Ulong siksik ng karne. Karneng dapat pigain para sa nasyon. Bansang may malayang lipunan.

Tapos na ang pagluha, umpisa na ng totohanang pakikibaka. Binaril na sa himpapawid ang dalawanpu't isang bala. Heto na game ka na?

Handa ka na bang harapin ang pagbabago. Ang paparating na high tech na eleksyon sa 2010. Ang pagbabantay sa pamahalaang Arroyong tila gusto pang mag-round 3. Ang walang kabuluhang pulitika na puno ng bwiset na pulitika. Mga kaguluhan sa Mindanao at sa mga bulubundukin ng bansa na may pulang bandila. Ang mga walang makaing Pilipino... mga milyon milyong pisong campaign ads sa mga politikong handang sirain ang reputasyon ng kapwa niya politiko. Mga imbestigasyon sa senado na may palagiang kinikilingan. Ang bayang watak watak. Ang bansang tinitirhan mo. Ang dating Pilipinas na nagkaisa noon para sa demokrasya. Ang Pilipinas ngayon na nagkawatak watak dahil sa personal na interes ng bawat isa.

Handa ka na bang harapin ang pagbabago. Kung oo maramat na simulan mo. Hindi yung makikiride ka lang dahil uso ang pagiging makabayan tuwing may Edsa revolution o kaya tuwing nalalapit ang eleksyon.

Kung isa ka naman na nag aasam na baguhin ang karamihang nabuhay na walang pakialam. Wag mo nang asamin ito. Wag mo ng pangarapin na magbago ang mga mamayang walang pakialam, manggagantsong empleyado ng gobyerno at walang hiyang mga politiko.

Kung gusto mo ng pagbabago, hindi mo na kailangang muramurahin ang mga politikong binoto mo noon at ayaw mo ngayon.

Simple lang naman ang pagbabago!!! Nag uumpisa ito sa ungas na katulad mo. Patunayan mo muna sa sarili mo na kaya mong magpakabuti. Matapos mong masagawa ito, ang lahat ng ungas na katulad mo ay susunod sa sayo. Isa isa silang maggagayahan sa katarantudahang ginawa mo. Siguradong uunlad na ang Pilipinas at higit sa lahat... hindi na nakataas ang kilay ni Tita Cory... at higit sa higit sa lahat... nasisigurado kong nagtatalon iyon sa tuwa... Kasama si Ninoy na di na nakapalumbaba...


Monday, August 17, 2009

Ano daw?

"Hila mo, kadyot ko" - Manong Driver


Iniiwasan kong malagi sa mga matataong lugar sa oras ng rush hour. Hassle naman kasing sumabay sa limpak limpak na papasok o papauwi ng eskwela at trabaho. Sobrang hirap sumakay na requirements mo pang maniko ng kapwa mo wrestler para lang maka angkas. Minsan pa nga'y inaabot pa ako ng 10 years bago mapara ng sasakyan. Kahit ba na nagkabuhol buhol na ang trapik sa dami ng mga pampublikong sasakyan, wala pa rin itong panama sa dami ng mga pasaherong handang makipagpatayan para makarating sa paroroonan.

Punuan ang mga jeep, buhol buhol ang trapik, daan daang nag-aabang ng masasakyan. Ang iba para makasakay lang sumasabit sa likuran. Naaalala ko tuloy ang mga kaeskwela ko noong High school. Bisyo na nilang umangkas ng libre sa jeep. Kadalasan nga ay kahit walang sakay na pasahero si Manong driver ang mga tulisan ng kalsada ay sapilitang sumasabit. Kaya kapag nagtagpo ang mga tsuper at mga "daring" na sabitero na handang ialay ang kanilang buhay para sa propesyong ito, wala ka ng magandang maririnig kay manong driver. Luluha ang mga anghel at magpipiyesta ang mga demonyo sa mga lalabas na mabulaklakin sa bibig ng galit na galit na walang kitang tsuper. Ngayon, alam ko na kung bakit one two three ang tinawag sa dakilang gawain ng hindi pagbabayad. Isa dalawa tatlo takbo!!!..
Higit labing limang minuto din ang binuno ng mga binti ko sa pag aabang ng masasakyan at sa pagkatagal tagal nadinig narin ang panalangin kong makaangkas. Ayos naman ang paunang bati ng jeep ni Manong driver. "God is good all the time". Ok na sana ang "ambiance" ng pasukan ng otto. Yun nga lang sampu ang nakapwesto sa kanang bahagi ng jeep at labing isa naman sa kabila. Nagmistulan tuloy na mga isdang walang ulo ang mga pasahero at malaking lata naman ang jeepney ni Manong driver. Pampublikong sasakyan na sana'y pang siyaman nagiging onsehan. Hanep talagang humapit ang mga Pinoy tsuper. Napaka-"resourceful". Overloading ang lata pero wala na tayong magagawa. Matinding pangangailangan na makasakay kaya kinagat ko nalang ang salestalk ni Manong driver na "Isa pa sa kanan, konting usog lang ho."
Para ho!! Tigil si Manong Driver... Baba ang tatlong pasahero... Lumuwang ang jeep.. Humarurot ang sasakyan... May pumara uling tatlo... Tigil si Manong... Sakay naman ang tatlong nagmamadaling "late" na empleyado ng gobyerno... Ngumiti si Manong dahil dagdag kita... Simangot naman sina pasahero kasi balik buhay lata...


Siksikan na nga ang loob ng jeep, bigla namang nakisabay ang kalsada. Heto ang ayaw ko kapag malapit ka na sa intersection. Sobrang bagal ang takbo ng mga sasakyan. Nagmistulan na ding sardinas ang mga kotse, mga jeep, motor at ilang maliliit na trak. Lata na ang daan at ang usok ay nagsilbing sauce. Ang paligid ay maiinit, mausok, maalikabok at maingay. Ito ba ang sinasabi nilang urbanidad at pag unlad.

Sa kaliwa ng sinasakyan namin ay makikita ang pampasaherong jeep na may kaparehas naming pasanin. Lahat ng mga pasahero na tulad namin ay nagsusumiksik, lahat amoy pawis, lahat mainit ang ulo. Sa kanan naman ay may trak ng gobyernong naglalaman ng mga bakal na gagamitin yata para sa pagpapatayo ng gusali. DSWD Do not delay ang sticker na nakadikit sa salamin ng trak. Sa likuran, may pribadong sasakyan na kanina pa busina ng busina. Tensionado na ang maraming taong naapektuhan ng trapik na di inaasahan sa oras na iyon. Badtrip ang marami na sabay sabay na nagmumura . Ang mga tsuper ng jeep, mga may sariling sasakyan, mga naiinip na pasahero at maging ang mga sasakyan ay inis na din kaya walang tigil ang beep beep...!!!

Makalipas ang sampung minutong pagka-istranded may dumating na tow truck. Kaya naman pala, may kotse na tumirik sa gitna ng kalsada. Ang masama hindi lang isa ang huminto at nagdulot ng malaking problema. Tatlong magkakasabay ang tumirik sa gitna ng kalye. Siguro tatlong tangang driver na nakalimutang pagasolinahan ang otto nila o baka naman dahil sa sobrang init ng panahon, nag overheat ang makina. Pero di na rin siguro mahalaga sa mga nabiktima ng trapik kung ano ang dahilan ng pagkakahinto ng halos tatlumpung oras ang biyahe. Ang importante sa kanila (at sa akin din) na makaandar nalang. Kaunti nalang ang umisyoso dahil wala namang nagnais na lumabas pa sa sinasakyan nila para tingnan lang ang kapalpakan ng tatlong taong ito.

Unti unting bumilis ang andar ng mga sasakyan. Nabawasan na din ang mga nakasimangot ngunit may mangilan ngilan paring naka-mahal na araw "image." Hindi naman kasi mawawala agad ang pagkabanas ng mga naapektuhan ng trapik. Halos tatlumpung minuto din ang hinintay ng mga ito (kasama ako) bago masolusyunan ang nakabalandrang mga kotse. Pero "the show must go on narin siguro!!! Humaharurot na ang mga sasakyan, tapos na ang unang pagsubok sa araw na iyon na haharapin ni Juan Dela Cruz. Yung iba bumalik na sa dati nilang mga gawi. Ang mga kababaihan ay nagsisipagsuklay na ng mga buhok, pulbos ng mukha, blush on sa pisngi at tingin sa salamin. Ang kalalakihan naman ay tingin ng oras, pag-aararo ng buhok gamit ang kamay, tingin sa katabi at pagkukuyakoy ang pinagkakaabalahan.
Manong dito nalang!!!
Sa wakas natapos narin ang paglalakbay ko kasama si Manong Driver at ang astig niyang jeep. Isa pa uling pampublikong sasakyan ang dadamahin ng puwet ko... Ang bus!!!

Madali naman akong nakatagpo ng bus dahil kanya kanya ng agenda ang pinuntahan ng mga kapwa ko pasahero. Di na gaanong kahirap kumpara kanina na naghimala lang yata kaya ako nakasakay. Nanalangin kasi ako kay Bro (Elow santino?), buti naman pinagbigyan niya ako. Pero hindi tulad ng hiniling ko sa kanya na maghulog galing sa langit ng jeep na walang lamang pasahero. Iba ang ibinigay niya na di alinsunod sa hinihiling ko.
Nagdedemand pa ako sa Dyos na sana walang pasahero ang ibinigay niya. Dapat nga nagpasalamat nalang ako dahil hindi niya sinunod ang panalangin ko na sana ihagis niya ang jeep sa lupa. Harinaway hindi niya ako ganoong sinunod.
Pero baka naman hindi naman talaga ako ang humiling ng jeep na yun. Sa tingin ko nga yung aleng katabi ko na kanina pa Dyos ko po ng dyos ko po sa tabi ko habang nag aabang ng masasakyan. Mas malakas yata siya kay Bro kaysa sa akin.. Tampo ako dun ha. Pero mabuti naring si Aling OMG at hindi ako na may sayad ang mas pinakinggan ni Bro. Isipin mo nga naman kung ako pa ang dininig niya ng panalangin siguradong may malaking trahedya akong masasaksihan. Makikita ko nalang ang sarili ko sa TV na nakahandusay sa bangketa. Tapos ang balita ang sagwa ng pamagat. Lalake nabagsakan ng jeep Dedo!!!

Ano Daw? May kasunod pa siya... da end na muna kunyari..

Amen!!!

Sunday, July 19, 2009

Alamat at Historya

(UNEDITED)


ALAMAT AT HISTORYA

CHAPTER I Ab initio

Part 2 "Ang Alamat"


A hero is no braver than an ordinary man, but he is brave five minutes longer.
- Ralph Waldo Emerson

Ang tatlong kayamanang nabanggit ay hindi kailanman makikita sa kweba. Sa katunayan ang yamang napapaloob sa loob ng yungib ay hindi isang materyal na bagay o kahit maging ang krus ni Kristo ay di matatagpuan.

Masyadong lumalayo ang kasagutan kung ang gagamitin ang tanong na ANO ang misteryosong nilalaman nito. Karapatdapat na gamiting pananong ay SINO ang nasa loob ng kweba at bakit ito ang solusyon sa problema ng Pilipinas.

Tao ang nilalaman!!! Kung ganoon sino siya?

Tagapagligtas ba o baka naman mga nag aamok na rebeldeng hinahamon ang apat na libong buwitre sa gobyerno...

Ang kasagutang ito'y di na dapat patagalin pa. Ang napapaloob sa kweba ay isang bilanggo. Isang dakilang bilanggo!!! Siya ay si Bernardo Carpio. Ang hari ng lahat ng mga Pilipino noon at ngayo'y hari na lamang ng alamat. Layon ng haring ito na lupigin ang korapsyong nananalaytay sa ugat ng lipunan. Itutuwid ang pagkakamali gamit ang madahas na pamamaraan. Gamit ang kakaibang lakas, kaya niyang sumira ng mga matatayog na kaharian. Ang suntok niya nama'y lilinis ng pamahalaan at sasawi ng apat na libong magnanakaw!!!
Ngunit sa kabila ng kadakilaan at imaheng malakas. Si Bernardo Carpio; hari ng mga sawimpalad, hari ng mga alamat, may lakas na 400 na kataong pangkaraniwan ang pangangatawan at hindi sakitin, ang pag asa ng mga walang bukas ay nakagapos ngayon na parang hayop. Ang dakilang hari ngang ito'y di na matatawag na dakila at kapitagpitagan dahik isa na siya ngayong kahabaghabag na bilanggo ng tadhana. Walang kasalukuyan at maaring wala ring hinaharap.

Ang inaasahang tagapagligtas ay ngayong lugmok sa kwebang pinagkukulungan. Naghihintay ng may magsasagip... nag aabang ng kaunting liwanag sa madilim na kulungan!!! Ngunit ang bayani niya yatang hinihintay ay di na darating. Ganap ng sawi ang tagapagtanggol ng mga naapi. Inalisan na nga siya ng laya, nawalan na din ng kaunting pag asa. Sa pagkatagal tagal niyang nalugmok sa lugar na ito, ni isa ay walang nagtangkang iligtas man lang siya sa pagdurusa. Wala ni isang sumubok man lang at magpakabayani... Wala ni isa!!!

Ang kawalan ng tagapagligtas ni Bernardo Carpio ay dahil sa mga katatakutang ng mga Pilipino noon sa tagapagbantay na halimaw sa loob ng yungib. Ang mabagsik na nilalang na ito'y nagsilbing hadlang para sa ikakalaya niya. Bagamat tinuturing na itong payak na katotohanan. Ang nasabing halimaw ay di lamang nakapagtala ng may napapatay o nagagalusan man lang. Wala ring nakaharap ng personal at kahit ang paglalarawan sa nilalang na ito ay wala pang kongkretong katangian. Ginawa na lamang itong katotohanan dahil nga ito'y ganap na kaululan.

Sa kabilang ng kawalan ng magliligtas sa bida, hindi parin masasabing nalimot na ng mga Pilipino si Bernardo Carpio. Araw-araw ay dinadalaw parin ang kanyang yungib para mag alay ng mga prutas, patay na hayop at kung anu ano pang anik anik. Inaalala din kada taon ang kabayanihan ni Carpio noong di pa siya bilanggo. Sinasadula ng mga Pilipino ang kanyang mga paglalakbay at pakikipaglaban sa kasamaan. May mga iba't ibang ritwal at katutubong dasal ding isinasagawa. Kadalasan itong sinasabayan ng sayaw at kanta.

Ngunit ang maringal na pag aaksaya sa pagpapapuri kay Carpio ay walang nagawang mabuti. Wala ni isa sa mga kaluluwa ng mga hayop na isinakripisyo ang nakapagligtas man lang kay Carpio sa kasawian. Maging ang mga prutas ay nangabulok man lang at kinain ng lupa at mga ligaw na hayop. Pati ang mga pistang ginaganap taon taon bilang pagbibigay parangal sa kanya ay walang saysay. Ang kayumangging bayani ay nanatili parin sa piging ng mga rehas. Ang kaawa awang si Bernardo ay nanatiling nananalig na may magpapakawala sa kanya... Isang kahangalan...

Monday, July 13, 2009

Alamat at Historya

Chapter 1 "Ab initio"
PART 1: Tao ka lang, Diyos ako

"Ang alamat ay isang napakalaking salamin na repleksyon ng kasaysayang nababahidan ng malungkot na katotohanan. Ginawang hindi kapanipaniwala para sa ikakapalakpak ng mga hangal" -Loglog




Ayon sa alamat may sagrado at marangal na yungib sa Pilipinas na balot ng paghanga at dangal. Ang kweba ngang nabanggit ay pinupuri at nirerespeto ng mga sinaunang Pilipino. Kadalasan nga'y tinuturing na itong panginoon dahil naniniwala ang iba na nasa bunganga ng kuweba ang kasagutan sa problema nila. Sa iilan naman nagsilbi na ang kweba bilang kanlungan ng pag asa ng mga walang pag asa.


Ito ang solusyon!!! Ito ang sagot!!! Ang nilalaman!!! Ang nilalaman!!!


Ang nag iisang sagot sa milyong problema ng bayan ng mga sawi ay nasa loob nga ng kuweba. Sa madilim na bunganga ng halimaw na ito matatagpuan ang tanglaw ng bagong pag asa. Ang pebong nagliliwanag na nagsisilbing ilaw sa mga nabubulagan at naliligaw. Ngunit malaking katanungan parin kung ano ang nasa loob ng kweba at tinuturing ito ng karamihan na sagrado at banal.

Marahil ang ilan sa inyo ay iniisip na kayamanan ni Simoun ang misteryosong bagay sa loob ng kweba. Ang mga alahas, ginto, pilak na nilikha para sa paghihiganti ng iisang tao sa gobyernong demonyo. Ang yamang kayang lumikha ng isang malupit na digmaang kayang kumitil ng libo libong tao. Ngunit ang mga alahas ni Simoun ay matagal ng nawawala. Inihagis na ito ng Paring Pilipino sa karagatan ng Pilipinas dahil sa kaduwagan sa digmaan. Gayong ang pag aalsang ito ay banal at may magandang hangarin sa mga sawimpalad.


Kung hindi ang maalamat na yaman ni Simoun ang nahuhuling matuwid para maligtas ang mga kaawa awang naapi. Kung ganoon pala'y maaring ang yaman ng Asya na ninakaw ni Yamashita at itinago sa Pilipinas ang nasa loob ng kuweba. Pero hangal lang ang naniniwala na ang ginto ni Yamashita ay nanalagi pa sa daigdig sapagkat ang mga ito'y nangatunaw sa kasagsagan ng pambobomba noong ikalawang digmaang pandaigdig. Naging likido ang mga ginto buhat ng nasunog ang bodegang pinagtataguan nito. At ang natunaw na ginto ay naghalo sa mga dugo ng mga Pilipinong nadamay sa masalimuot na digmaan. Wala na ang kayamanan ng Asya!!! Nilamon na ng lupa!!! Wala na!!!

Malayo daw na mga ginto, pilak, alahas at iba pang makamundong yaman ang nasa loob ng maalamat na kuweba. Sa paniniwala ng mga relihiyoso, ang kweba daw ay binabantayan ng daan daang mga anghel. Ang mga sundalo ng Diyos ngang ito'y may pinangangalagaan sa loob ng yungib. Ang kabanalbanalang krus na sanctus sanctorum, ayon sa kanila ang nilalaman nito. Kung paano nakarating dito ang krus ni Hesus ay isa pang napakalaking misteryo. Maging ang mga relihiyoso ay naguguluhan sa kanilang pagpapaliwanag kung paano nakarating ang banal na relikya na galing Europa. Bagamat naguguluhan, wala ni isa sa kanila ang tumalikod sa paniniwalang krus nga ang nasa loob ng kweba. Sa kanilang pala-palagay, may mga bagay na di na dapat malaman pa pero dapat na lamang na tanggapin. Sa mas madaling salita, kahit di mo alam na tae na ang isusubo sa bibig mo, ipasok mo na lang dahil wala kang karapatang tumanggi. Tao ka lang, Diyos ako!!!

Saturday, April 25, 2009

Alamat ng Mahiwagang Mikropono 3

"Ang tunay na kagandahan ay hindi makikita sa panlabas na kaanyuan lamang. Kung ganun pala tara balatan natin siya."


Para sa Babasa:


Hindi lubos na maiintindihan ang post na ito kung hindi babasahin ang nauna. Ito ang sequel ng nabiting inuman nina Loglog, prinsipe ng mga syokoy, mga alipores at nang nakabibighaning prinsesa. Wala ang ikatlo at ikaapat kung wala ang una at ikalawa. Heto ang link patungong "Alamat ng Mahiwagang Mikropono 1 & 2"



ALAMAT NG MAHIWAGANG MIKROPONO 3



Tumba ang tatlong ungas, panalo si Loglog sa digmaan. Maliban sa akin, hindi parin bumibigay ang kahalihalinang prinsesa. Kung sa bagay huli siya ng apat na oras sa tagayan. Inabot din ng pitong oras bago ma-knock-out ang prinsipe ng mga syokoy at kanyang dalawang alipores. Kung nahabaan kayo sa tagal ng inuman namin, wag mong isiping malakas akong uminom ng alak. Ang totoo nga nyan, bukod sa sobrang tagal tumagay ng mga ungas, gumamit din ako ng strategy para maka-survive sa laklakan. Wika ng mga partisipantes sa "Fear Factor"... Strategy!!! Mabisa yata ang kunyaring tagay strategy kaya hanggang ngayon alive na alive and kicking pa ako. Hindi tulad ng prinsipe na lasing na lasing at walang malay tao. (Teka parang hindi akma, tama yatang malay syokoy)


Wala na ang mabagsik na kuya. Tulog narin kasama niya ang dalawa niyang alipores na magiging kaagaw ko sa pagpapacute sa prinsesa. Right timing na para isagawa ang banal na hangarin. Wala ng sagabal, wala ng hadlang... Nagwagi na naman ako sa mga hangal na ito... Bwahaha!!!


Getting To Know Each Other???


Bago mo makilala ang tao, kailangan mo siyang kausapin ng personal. Hindi mo na kailangan magtanong sa iba, mauuwi ka lang na mapanghusga tulad nila. Nakuha kong makilala ang prinsesa sa aming maigsing usapan. Ni isang sagabal ay walang humarang sa aming talastasan. Mahimbing ang tulog ng kuya niya kaya madali kong nabuksan ang mga paksa tungkol sa kanya. Masarap kausap ang prinsesa dahil sa likas niyang pagiging madaldal ngunit may laman. Matalinong kausap ang prinsesa. Dami kong natutunan at nalaman tungkol sa kanya. Kahit minsan bobo akong kausap, napagtatyagaan parin niyang ipaliwanag ang mga bagay na nagpapagulo sa akin. Turn on kasi ako sa madadaldal na may laman. Turn-off naman ako sa madaldal na ang alam lang yatang pag-usapan ay mga mamahaling pabango na esteyt sayd, make-up, sabon, usong sapatos, usong damit, sikat na hollywood artist, in na in na unit ng cellphone... blah! blah! blah! blah! blah!... Makikita mo nalang akong tutungotungo at naglalaway ang bibig. Biglang aantukin at nanaisin nalang na kausapin ang butiki sa kisame ng bahay namin kaysa sa iyo.

Tulad ng nakagawian ng lahat, lalake ang nagbukas ng usapan. Ako ang nag umpisang nagparamdam sa aming dalawa. Syempre ang paksa ay simula muna sa scratch. Inumpisahan ang usapan sa misteryosong laman dagat... Ang kuya!!!


Mabait daw ang kuya niya ayon sa prinsesa. Kahit na minsan ay sobrang protective daw ng syokoy, hindi naman humahantong sa pakikialam sa buhay niya. Basta ipakilala niya muna ang nobyo sa kanyang kuya. Kikilitasin naman ng syokoy ang bf ng prinsesa na parang bumibili lang ng isda sa palengke. Dadamahin kung frozen o bagong katay. Ganyan ang kuya niya.

Matapos ang pagsasabit ng sampaguita sa leeg ng kuya. Iba't ibang hindi importanteng paksa ang napag-usapan. Sa mga paboritong music genre, nakakaantig na buhay pag ibig ng prinsesa, nakayayamot na buhay pag ibig ng prinsipe at nakakabaliw na argumento tungkol sa pagkakaiba ng pinto sa pintuan. Marami pa kaming pinag usapan pero dahil sa kalasingan ko, dehins ko na naalala ang iba.

Inabot din ng tatlong oras ang kwentuhan marathon. Naririnig ko na rin ang tilaok ng mga manok. Ibigsabihin nalalapit na ang paggising ng kuya. Agaran ng mapuputol ang aming pinagsamahan kapag nagising na ang tatlo. Hindi na ako basta basta makakadikit sa prinsesa dahil nakabantay na ang prinsipe ng mga syokoy. Badtrip!!!

Buti nalang ay di ako nagdilang anghel. Nakikisama ang lasong ininom nila kanina. Wala ni isa ang bumangon. Ang tatlo'y nananatiling nakikipagsapalaran sa mundong likha ng imahinasyon at latak ng alak.

Salamat monosodium glutamate (a.k.a vetsin) Maasahan ka talaga kahit kailan...!!!




To be continued...

Thursday, March 5, 2009

Magic Wand - "Hiwaga ng Sobre"

"If the misery of the poor be caused not by the laws of nature, but by our institutions, great is our sin."


-Charles Darwin

Magdadalawang dekada narin akong sumasakay sa jeepney. Ang karaniwang transportasyong ginagamit ng pobreng si Juan para makarating sa paroroonan. Mahigit pitong dekada ng nakikipagsapalaran sa kalye ng Pilipinas. Suot lang ang baluti ng kultura at pananggalang prinsipyo't paniniwala. Pero depende rin pala sa piloto ang magiging tema ng kanyang ikalawang bahay. Paminsan minsan ang tema at dekorasyon ay pampamilya. Makikilala mo na nga ang asawa, mga anak at alagang aso ng tsuper. Kadalasan nakalagay pa ang pangalan ng lolo, lola, tito, tita, ninong, ninang, tatakbong mayor, paboritong presidente at re-elect na aso. Kung masipag manaliksik maaring ang isa sa nakalagay sa mga dingding ay kiridang kalive-in ni Manong. Astig...


Bukod sa mga pangalan ng mga kamag-anak at pagiging sweet lover, mababanayad mo sa kanyang jeep ang mga religious icons. Aakalain mong nasa simbahan ka at si Manong ang nagmimisa. Boy scout si Manong driver na laging handa sa mangyayari. Makakapagdasal ka na nga rin ng taimtim kung sakaling iliko ni Manong sa langit ang destinasyon mo. Makakapagkumpisal ka na sa mga kasalanan mong ginawa tulad ng pangongodiko sa subject ni Mam Konsintidora, ang pagtetext mo ng bastos na joke sa crush mo at higit sa lahat ang paghiling kay Bro na sana mamatay ng makatao ang propesor mong halimaw magpagawa ng proyekto.


Maliban sa mga nasabi sa itaas. Ang pinaka-importanteng matututuhan sa loob ng sasakyang ito ay ang mas lalong magiging bukas ang iyong mga mata sa tunay na lagay ng lipunang kinatatayuan ng mga paa mo. Hindi it ang araw araw na traffic marathon na pinoproblema ng MMDA., hindi rin ang kilokilometrong daan na parang hinambalos ng intensity 7 na lindol, at siguradong hindi ang mga nakakairitang billboards ng mga politikong papogi na dalawang taon palang bago mag halalan nangangapanya na. Bagamat representasyon ang mga nabanggit sa usad pagong na ekonomiya at (marumi) napakaruming pulitika ng bansa. Hindi parin ito ang tuwirang magmumulat sa mga matang nabubulagan ng urbanidad at kunong pag- unlad.


"Manong Para!!!"


"Teka bayad mo!!!"


"Aaayy pasensya na ho!!! Heto po estudyante!!"


"Lulusot ka pa!!!"



Sa pagkatagal tagal kong paghihintay ng masasakyan, sa wakas naidikit ko na ang puwet kong ngawit na ngawit. Ganito pala ang pakiramdam na makisabay sa rush hour. Para ka lang nakikipagtrip to Jerusalem. Bawal ang babagalbagal kumilos dahil mauubusan ka nang mauupuan. Kung gusto mong makasakay agad. Kakailanganin mo pa ang "wrestling manual" ni Hulk Hogan at kapal ng mukha ng mga politiko. Bawal ang gentleman kapag nagmamadali ka dapat handa kang makipagbalyahan kahit sino pa yan.


"Isa pa sa kanan... dalawa pa sa kaliwa... Urong pa ho Manong... Uso po sa Jeep ko ang walang hingahan..."


Sa kabilang banda masarap sa pakiramdam kapag nailapat mo na ang puwet mo sa upuan ng jeep. Matapos ang pakikipagbuno at matikman ang siko ng kapwa mo pasaherong handang makipagpatayan para makapasok sa sagradong jeepney ni Manong... dadating din sa punto na "You can kickback and relax.."


Buenas na ring maituturing ang nasakyan ko kahit na isa sa kapwa ko pasahero ang may naagnas na kilikili. Music lover si Manong driver kaya may libreng tugtog. Halatang tagahanga si Manong ng estasyon ng radyo. Kasi kahit na hindi musika at DJ lang ang nagdadadaldal ng walang habas at tumatawa na parang end of the world na bukas, hindi parin niya nakuhang ilipat ang pinakikinggan. Lihim na ngumingiti si Manong habang nakikinig ng radyo. Yun nga lang pinoblema ko pa kung natatawa ba siya sa joke na binabagsak ng DJ o sa tawa nitong nakakatawa naman talaga.


Tigil ng apat na minuto... kaunting andar na 2 minuto. Trapik na naman!!! Wala nang natutuwa sa loob ng jeep. Kahit si Manong driver ay naka-isnib narin ang bibig. Wala ng epekto sa kanya ang mabangis na tawa ng parang lokaret na DJ. Lahat ay nakasimangot na, lahat badtrip, lahat nayayamot, lahat nagmamadali!!!... Milyong piso ang nalulugi sa mga kumpanya dahil sa mga nahuhuling materyales, legal na dokumentado at mga late na empleyado. Maraming nabubulyahan ng mga boss at kung minsan ang minamalas dahil sa trapik ay natatanggal. Ayan lang naman ang maliit na epekto ng heavy trapik.


"Baba na po kayo... Sobrang trapik ho kasi... malapit na naman po ang bababaan... limang kilometro nalang naman ho..."


Makatapos makalagpas sa isanlibong intersection ng jeep ni Manong, natapos na din ang deliryo at usad pagong na andar ng sasakyan. Nabawasan ang kakumpetensya sa espasyo ni Manong kaya nabawasan narin ang tensyon sa loob ng jeep. Bumalik na ang sigla ni Manong at nakakangiti na sa mga Joke sa radyo... Ang mga kapwa ko pasahero naman ay may kanya kanya ng mundo. Abalang abala sa pagtawag sa boss dahil malelate sila at ang iba nama'y nagtetext sa kautuan para libangin ang sariling pagkabagot. Na out of place pa kami ni Manong driver dahil kaming lang dalawa ang walang cellphone. Lahat ng pasahero maliban sa akin ang abala sa pagpipindot. Jackpot ang holdaper na pumara sa jeep dahil bigatin ang cp ng kasama ko ngayon. May de-kulay, may de-cam, may mp3, may de-stick. Bonus pa ang mp4 ng magandang dalagita sa harap ko... Tiba tiba si Manong Holdaper nito. Kikita siya ng 35,000 mahigit na diplomasya at kaharasan lang ang dala-dala sa bulsa. Ganyan pala kadali kumita ng pera. Dehins mo na kailangan ng diploma o anumang papeles na nagpapatunay na tao ka at di alien. Hindi mo na rin kailangan magbitbit ng sariling upuan sa tuwing iniinterview ka ng kapwa mo uto-uto. Swerte, lakas ng loob at liksi lang ang puhunan. Saan ka pa!!??

Bumaba ang dalagitang may mp4 at sumakay naman ang batang madungis. Parang walang magulang ang bata sa itsura niya. Mula ulo hanggang paa madumi. Siya ang batang bersyon ng taong grasa. Siguro dalawang dekada ang makalipas isa na rin siyang ganap na taong grasa. Inabutan ako at kapwa kong de-cellphone ng sobre. Sa likod ng legal size envelope may nakasulat na "Kahit konting barya para sa maysakit kong kapatid." Naantig ang damdamin ko sa nakalagay sa likuran ng sobre. Pero ako lang yata ang nagtiyaga na magbasa sa hiling ng kawawang batang taong grasa. Abalang abala kasi sa kakatext ang mga kasama ko sa jeep. Nakakahiya naman sa kanila kung iistorbohin ng batang nanghihingi lang ng maliit na barya.

Dahil sa awa, napahugot ako ng trenta pesos sa bulsa para ibigay sa bata. Pero bago ko pa man maiabot ang mumunting barya naitanong ko sa kanya kung kaya niya bang basahin ang nakasulat sa likod ng sobre. Sinubukan ng batang intindihin ang hiling niya sa likod ng sobre. Pero bigo siyang masagot ang simple kong katanungan.. Kung bakit niya kailangan ng barya? Sa aking pagkadismaya inabot ko sa batang taong grasa ang sobreng walang laman. Sinundan naman ng abalang abalang mga kapwa ko pasahero. Tulad ko, bakanteng sobre ang inabot nila sa kaawa awang bata. Sa kanyang pagbaba sa jeep na pugad ng mga makukunat na tao, lumipat siya sa kalapit na jeep , baka dito suwertehin siya.

Kung mabigyan ko ng pera ang bata may magbabago ba? Maaring ang maliit na halagang yun ang makabili ng ulam at kanin sa araw na yun. Pero bukas paano na? Habang buhay ba silang manghihingi? Ang kinakatakot ko sa lagay ng bata ay kung alipin ang kanyang murang pag-iisip ng mga sindikato. Malaki ang posibilidad lalo nang hindi pa masolusyunan ng manhid na pamahalaan ang problemang 500 taon ng nakabitin sa pagkatao ni Juan. Paano kaya kung makaipon ang boss ng sindikato at gamitin ang perang naipon para sa pagtakbong pangulo. Presidente na ang boss at gagawin niyang mas malaking sindikato ang gobyernong sindikato na dati. Pero ang batang taong grasa ay nasa kalye parin at pumapara ng jeep.

Inflagrante de licto